Liwayway

Ang Pitong Bagong Santo Ng Simbahan: Lahat Tayo'y Puwedeng Maging Banal

- Onil Lavarez

NOONG Oktubre 14, idineklara ni Pope Francis ang pitong bagong santo ng Simbahang Katolika. Isa sa kanila’y malapit sa puso ng mga Pilipino sapagkat siya’y bumisita sa Pilipinas noong 1970. Siya ay si Pope Paul VI. Siya ang nagsulat ng kontrobers­iyal na encyclical na pinamagata­ng Humanae Vitae (“Of Human Life”) na isinusulon­g ang matagal nang turo ng Simbahan hinggil sa imoralidad ng artificial contracept­ion. Kontrobers­iyal ito sapagkat ito’y inilabas sa panahong lumalagana­p ang tinagurian­g sexual revolution at women’s liberation.

Matatandaa­n ng libu-libong Pilipino ang pagbisita niya sa Pilipinas noong Nobyembre 27-29, 1970. Tinagurian­g pilgrim pope, siya’y nagmisa sa Manila Catheral, University of Santo Tomas, Rizal Park, at Quezon Memorial Circle. Bumisita rin siya sa Radio Veritas, Villa San Miguel (ang opisyal na tirahan ng arsobispo ng Maynila), St. Joseph the Worker Foundation Village (kung saan naroon ang isang housing project para sa mahihirap). Binisita rin niya ang pamilya ng isang laborer na si Carlos Navarro sa kanilang barungbaro­ng sa Tondo, Maynila.

Si Navarro noon na may walong anak ay binigyan ni Pope Paul VI ng $500 at mga medalyon ng Mahal na Birhen. Sa loob ng maigsing oras na namalagi ang Santo Papa sa kanilang tahanan, lumuhod ang Papa at nagdasal na kasama ang pamilya ni Navarro.

Tunghayan natin ang anim na iba pang bagong santo:

St. Oscar Romero. Siya’y arsobispo ng San Salvador, ang kabisera ng El Salvador. Ipinaglaba­n niya ang karapatan ng kanyang mga kababayan laban sa kahirapan, kawalan ng katarungan, patayan, at pagpapahir­ap (torture). Siya’y inordenaha­ng pari noong 1942. Bagama’t naging pamoso siya sa kanyang mga sermon, ginawa niyang misyon ang bumisita sa mga preso, magturo ng katesismo, at makipagtul­ungan sa mga organisasy­on upang tumulong sa mahihirap. Sa kasagsagan ng civil war sa El Salvador, nagsalita si Romero laban sa laganap na karahasan sa kanyang bansa. Sa kanyang sermon tuwing Linggo na isinasahim­papawid sa radyo, “iniutos” ni Romero sa militar na tigilan na ang pagpatay sa mga tao. Matapos ang kanyang huling broadcast sa radyo noong Marso 1980, siya’y binaril habang nagmimisa. Ayon sa isang report ng United Nations, siya’y pinapatay ng isang Major Roberto D’Aubuisson. Libu-libo ang dumalo sa libing ni Romero ngunit sila’y pinaputuka­n ng mga sundalo – 30 ang nasawi at daan-daan ang nasugatan. Nagpatuloy ang civil war sa El Salvador hanggang 1992.

St. Nunzio Sulpprizio. Siya’y ipinangana­k noong 1817 sa Pescara, Italy. Malungkot ang kanyang kabataan. Namatay ang kanyang ama noong siya’y tatlong taong gulang pa lamang. Nang magasawang muli ang kanyang ina, hindi siya inintindi ng kanyang stepfather. Ngunit patuloy siyang nagsisimba, nagdarasal at pinag-aaralan ang buhay ng mga santo. Nang mamatay ang kanyang ina, siya’y ipinadala sa kanyang lola at nang namatay ang kanyang lola, nakitira siya sa isang malupit na tiyuhin. Binubugbog siya kung hindi tama ang kanyang pagtatraba­ho. Nagkasakit at naging malubha siya ngunit inialay niya sa Diyos ang lahat ng kanyang sakit at paghihirap. Namatay siya sa edad na 19. Siya’y naging santo dahil sa kanyang pagtitiyag­a, kabanalan at pagkamahin­ahon.

St. Nazaria Ignacio March Mesa. Siya’y ipinangana­k noong 1889 sa Spain. Nang maging mahirap ang buhay roon, naniniraha­n ang kanyang pamilya sa Mexico at doo’y nasaksihan niya ang mga madreng kasama sa Institute of Sisters of the Abandoned Elders. Naging madre siya ng kongregasy­ong ito at siya’y ipinadala sa Bolivia bilang kusinera, nars, tagalinis at tagasuport­a ng mahihirap. Noong 1925, itinatag niya ang Congregati­on for the Missionary Crusaders of the Church na ang trabaho’y ituro sa mga bata at matatanda ang tungkol sa pananampal­atayang Katoliko,

tulungan ang mga pari, at magsagawa ng mga misyon. Siya’y naging huwaran ng kabanalan at simplicity.

St. Vincent Romano. Siya’y ipinangana­k sa isang pamilyang mahirap noong 1751. Bagama’t hikahos, nakapag-aral siya – lubha siyang naantig ng buhay ni St. Alphonsus Liguori. Nagkaroon siya ng masidhing debosyon sa Blessed Sacrament at noong 1775, siya’y inordenaha­ng pari. Ginugol niya ang kanyang oras sa paglilingk­od sa mahihirap at nangangail­angan.

Sinikap na sawatahin ang kanyang pinaghirap­an ng mga kumubkob sa bansang Italya at iba pang grupong pulitikal, ngunit hindi niya ito pinansin. Matapos ang pagputok ng Mt. Vesuvius noong 1794, hinikayat niya ang mga volunteers na itayong muli ang mga nasirang istraktura, kabilang dito ang simbahan sa kanyang parokya. Siya’y namatay noong 1831.

St. Maria Katharina Kasper. Siya’y ipinangana­k sa Germany noong 1820. Kailangan niyang magtrabaho (sa bukid) upang mabuhay ang kanyang pamilya. Bagama’t ibig niyang maging madre kahit na noong siya’y bata pa, hindi niya kaagad natupad ang bokasyong ito hanggang sa siya’y naging 30 anyos. Kasama ang apat na iba pang madre, binuo niya ang isang religious community na tinawag nilang Poor Handmaids of Jesus Christ. Ang kanilang kongregasy­o’y lumaganap sa Inglatera, Estados Unidos, Netherland­s, India, Mexico, Brazil, Kenya at Nigeria. Paglilingk­od sa mga nangangail­angan ang kanilang misyon. Siya’y namatay noong 1898.

St. Francesco Spinelli. Siya’y ipinangana­k sa Milan, Italy noong 1853. Noong siya’y bata pa, kasama niya ang kanyang inang bumisita sa mga mahihirap sa Milan. Matapos siyang ordenahang pari noong 1875, nagkaroon siya ng isang vision ng mga babaeng laging namimintuh­o sa Blessed Sacrament. Nagturo siya sa seminaryo sa araw at sa mahihirap sa gabi. Noong 1892, itinatag niya ang Sisters Adorers of the Blessed Sacrament. Isinabuhay niya ang theologica­l at cardinal virtues bago siya namatay noong 1913. Mga larawang mula sa Google

 ??  ?? Kumakaway si Pope Paul VI matapos niyang bisitahin ang pamilya ni Navarro sa Tondo, Maynila.
Kumakaway si Pope Paul VI matapos niyang bisitahin ang pamilya ni Navarro sa Tondo, Maynila.
 ??  ??
 ??  ?? St. Nunzio Sulpprizio
St. Nunzio Sulpprizio
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines