Liwayway

ANG NAKATAGILI­D

-

kumitil nang maraming buhay.

Hatinggabi noon. Mababaw ang tulog nilang mag-ina palibhasa’y humuhugong ang hangin at masinsin ang buhos ng ulan, at si Utoy ay nagsusumik­sik sa kanya. “’Nay, takot ako…” Niyakap niya ang anak, inalo, pilit na pinapawi ang pangamba ng bata. “Tulog ka na. Bukas, titila na’ng ulan.” Wala silang kamalay-malay na napupuno na ng tubig ang mababaw nang Ilog-Engkanto, humahanap nang sariling daan ang umaapaw na tubig, parang sawang gumagapang patungo sa mga bahayan sa pampang.

Kabilang sina Norma sa may tatlumpung pamilyang nagsipagta­yo ng bahay sa bakanteng lupang malapit sa ilog. Daanan ng kalakal at naaning mga gulay ang malapad na IlogEngkan­to, na inilalako naman sa kabilang bayan ng Maybunga. Pagtitinda ng gulay ang hanapbuhay ni Norma, kasa-kasama niyang lagi si Utoy, dahil wala naman siyang mapag-iiwanan sa anak. Hindi na nasilayan ng kanyang mister si Utoy. Namatay ang kanyang asawa sa pangangaso ng baboy-ramo noong kabuwanan niya, nasuwag ng barako. Naubusan ng dugo bago naibaba ng mga kasamahan sa bundok.

Nakaabang na sa kanila sa kabila ng ilog, sa sakop na ng bayan ng Maybunga, ang suki niyang kargador, si Liloy. Pagatreint­a anyos na pero kung magsalita’t kumilos, animo’y trese anyos na binatilyo. Katamtaman ang pangangata­wan, maliit na lalaki, na ang buhok na animo’y bunot ay tumatabal sa tagihawati­ng mukha, madidilaw at bukbukin ang ngipin pero mabulto at malakas naman ang katawan. Palibhasa’y may diprensiya (kulang daw sa buwan nang ipanganak), malimit na niloloko sa bayaran si Liloy, ginugulang­an ng ibang tindero’t tindera. Hindi siya. Naaawa siya rito. Kulang-kulang mang matatawag, magalang naman si Liloy, walang kaaway, ngingiti at magpapasal­amat kahit magkano ang ibayad sa kanyang serbisyo.

Malapit sa kanya si Liloy. Nag-iistambay ito sa tapat ng latag niya ng mga panindang gulay kapag tanghali na at wala nang masyadong dumarating na paninda sa pondohan. Kinagigili­wan din si Utoy na nilalaru-laro nito, inilalakad sa talipapa. “Oy, Liloy, ‘wag kayong masyadong lalayo, ha?” “O-Oho, A-Aling N-Norma…” Sa uwian, yayakagin niyang sumabay na sa kanilang magina pauwi si Liloy. Kasama nila sa pagsakay sa bangka pabalik sa Manipa at sa Takip-Kuhol. Magpapakar­ga si Utoy kay Liloy, papasanin nito sa magkabilan­g balikat hanggang sa makarating sa tirahan nito. Lola na lamang ang kasama ni Liloy sa bahay. Magdadabog si Utoy nang ibaba ni Liloy, sasawayin niya. “Tama na. Eto na’ng kanila. Napapagod na sa ‘yo si Kuya Liloy mo…”

Nakatawa lang si Liloy. “O-Okey l-lang h-ho, A-Aling N-Norma, k-kaibigan ko n-naman s-si U-Utoy. B-Bukas u-uli, U-Utoy…”

Hinaplos nito ang ulo ng kanyang anak at hinintay silang magpatuloy sa paglalakad pababa sa kalsada patungo sa tabingilog.

Minsan naman, si Liloy na mismo ang nagsasadya sa kanilang bahay kung hindi ito nagkakarga­dor. May dala pang nilagang kamote.

“U-Umani h-ho si L-Lola. H-Humingi a-ako p-para m-me m-meryenda k-kami n-ni U-Utoy…”

“Ay, salamat, Liloy, nag-abala ka pa. Hala, ‘ando’n si Utoy sa likod-bahay, puntahan mo. Pero pag naglaro kayo, ‘wag kayong lalapit sa ilog, ha?” “O-Oho, A-Aling N-Norma.” Patakbong tinungo ang kanilang likod-bahay dala ang nilagang kamote.

Nasilip nga niya sa bintana na sinusubuan ni Liloy ng nilagang kamote ang kanyang anak. At maya-maya pa, nakarinig siya nang matitinis na tilian. Naghahabul­an sina Liloy at Utoy.

Kapag inabot nang dilim sa kanila si Liloy, doon na niya pinaghahap­unan, saka niya pagsasabih­ang umuwi na. “Baka hinahanap ka na ng Lola Kandeng mo…” Magpapaala­m sa kanya’t kay Utoy. “B-Bukas uli, U-Utoy, ha?” “Oo!” Tatanawin niya si Liloy habang pasipul-sipol, pahimbakhi­mbak na animo’y tikling, masiglang uuwi, at bago tuluyang mawala sa kanyang paningin, lumingon, at saka siya nginitian. Ewan kung bakit hindi mapaknit sa alaala ni Norma ang ngiting iyon.

PINARA ni Norma ang sinasakyan­g traysikel malapit sa dating tinitirhan. May mga bahayan na uling nakatindig doon, tila lalo ngang dumami. Estrangher­o sa kanya ang mga mukha ng mga residenten­g pawang napatingin sa kanilang mag-ina, sinisino sila. “Mare? Mareng Norma, ikaw ba ‘yan?” Ang nalingunan niyang lalaki ay mataba, maitim, kalbuhin na at maputi na ang bigote’t balbas. Pinagmasda­n niya, inalala kung sino ang lalaki. “Si Pareng Toto mo,” sabi nito. Saka pa lamang niya naalala. “Pareng Toto!” Naghawakan sila ng kamay. Pinansin ng lalaki si Utoy. “Ito na ba si Utoy? ‘Anlaki na pala! Kumusta? Kelan ka pa dumating? ‘Lika muna sa bahay.”

Sumunod sila kay Toto, na hindi naman talaga niya kumpare. May tradisyon sa Manipa na kapag may bagong bangkang pangisda ay pinabibiny­agan, at katulad ng binyagan sa simbahan, kailangan ding may mga ninong at ninang. Isa siya sa mga ninang ng bagong bangka (noon) ni Toto, at nagtawagan ng pare at mare mula noon.

Dinatnan nila sa bahay ni Toto ang anak nitong babae, si Celing. May asawa na rin at dalawang anak. Mangingisd­a rin ang mister. Ipinaglaba­s sila ni Toto ng maiinom at makakain.

Namatay sa baha ang misis nito at ang tatlo pang maliliit na anak.

“’Antagal n’yong nawala,” sabi ni Toto. “Totoo bang um’wi kayo sa Mindoro?”

“Oo, pare. Masyadong na-trauma si Utoy noong magbahaan, laging nagpapalah­aw, takot na takot. Konting ulan lang, yumayakap na nang mahigpit sa ‘kin. Kailangan naming lumayo para makalimot s’ya sa nangyaring sakuna. ‘Tsaka, wala na rin naman kaming babalikang bahay dito…” “Kanino naman kayo tumira do’n?” “Me tiyuhin ako ro’n, pinsang makalawa ng nanay ko. Me saka s’ya. Do’n na kami ipinagpata­yo ng kubong mag-ina. Do’n ko na rin pinapasok si Utoy ko.”

Nilingon ni Toto si Utoy na onse anyos na ngayon. Sinapo ang ulo nito. “Kung nabuhay si Boyet ko, ganito na rin s’ya kalaki…” Saglit silang natahimik. “—Teka, ba’t nga pala kayo naluwas?” “Mag-u-Undas. Gusto ko namang madalaw si Pepe ko. Ilang taon na rin naman na hindi kami nakakadala­w. Tuwing gagayakin ko kasi si Utoy, ayaw. Natatakot. Laging naaalala’ng trahedya nang malaking baha…”

“S’ya, magpahinga muna kayo. T’yak na pagod kayo sa b’yahe. Dito na rin kayo magpalipas nang gabi, maluwag naman itong bahay.” “Salamat, pare…” Bandang hapon na, na hindi na masakit sa balat ang araw

Lumaking mabuting bata si Utoy; hindi nasayang ang sakripisyo ni Liloy…

nang lumakad silang magina. Nagprisint­a si Toto na iangkas sila sa motorsiklo nito. Kasya naman silang tatlo dahil payat naman si Utoy. Nasa mataas na bahagi ng Manipa ang pampubliko­ng sementeryo. Dalawang araw pa bago ang Undas at marami nang nalinis na mga nitso. Hindi na sila sinamahan ni Toto sa loob ng sementeryo dahil walang magbabanta­y sa motorsiklo nito.

Nilulumot na at madamo ang nitso ni Pepe. Pinalis niya ng kamay ang mga damong tumatakip sa nitso nito saka sinindihan ang dalang kandila at kinausap sa isip ang namayapang mister.

“Pasens’ya ka na, Pepe, kung ngayon ka lang namin nadalaw. Nauunawaan mo naman siguro’ng kalagayan ni Utoy. Naging matatakuti­n mula no’ng muntik-muntikang mamatay sa malaking baha…” Tahimik lamang si Utoy, walang emosyon ang mukha. “Tayo na, anak, babalik na lang tayo bukas para linisin ang nitso ng tatay mo.”

Humawak sa kanyang braso si Utoy at lumakad na silang mag-ina. Hindi pa tapos ang pagdalaw nila roon. May isa pa silang sadya. Sa halip na papalabas, papasok sa dulong bahagi ng sementeryo ang nilakad nila. Madamo na sa pinanggali­ngan nila ay mas masukal pa sa kanilang pinuntahan. Hindi na halos makita ang mga puntod.

Binalikan ni Norma sa alaala ang nangyari pitong taon na ang nakakaraan.

Madaling-araw nang gulantangi­n sila ng mga dagundong. Unang pagkakatao­ng maranasan ng mga taga-Takip-Kuhol-malakas na dagundong, nagngangal­it na magkahalon­g pagragasa ng tubig-bundok, ng mga bato at putik. Bigla ang pag-apaw ng tubig mula sa Ilog-Engkanto, nanalasa iyon sa mga bahayang malapit sa pampang. Hiyawan. Kanya-kanyang likasan ang kanyang mga ka-barangay. “Dali…Utoy…!” Iniangat niya ang kanyang anak, iniwasang malubog sa hanggang baywang nang baha. Pataas nang pataas ang tubig at sa kadiliman nang gabi, hindi niya malaman kung saan susuling. Nagngangal­it ang hangin, naglilipar­an ang mga yero’t bubong, umaangil ang tagisan ng mga gumugulong na bato.

Sa gawi ng kalsada, may natatanaw siyang liwanag mula sa lente—ang mga taga-barangay, sasaklolo. Binubuo ng mga boluntaryo. May sumasalubo­ng sa mga lumilikas, matipunong lalaking may hilang mahabang lubid. Karaka’y itinali nito sa isang punong niyog.

“Kumapit kayo sa lubid para hindi kayo tangayin ng agos…!”

Una-unahang makakapit sa lubid ang mga residente, pawa-pawang ibig na maunang makalikas. Nabalya si Norma, nawalan nang balanse at si Utoy ay nalubog sa tubig-baha. Napasingha­p ang bata. “’Wag kayong manulak…! Me kasama akong bata…!” Pero nangibabaw ang takot at ang kagustuhan­g makaligtas at makasalba, tila walang narinig ang kanyang mga kapitbahay. Una-unahan, agaw-agawan sa lubid, kasehodang may matumba at malubog sa papataas nang papataas na baha. Napag-iwanan sila ni Utoy.

Nangangali­kig na silang mag-ina sa pagkakalub­og nila sa tubig at sa pagkakasah­od sa masinsing buhos ng ulan at malakas na hangin. Madilim, maliban sa minsan-minsang buglaw ng liwanag na nagmumula sa mga lente. Iyak nang iyak si Utoy. Palahaw nang palahaw. “Tahan na, anak, makakaligt­as tayo. Hindi tayo pababayaan ng Diyos…”

At wari nga’y dininig ang kanyang dalangin, nakita niya ang taong iyon na sa halip na palikas ay pasugba sa kanilang kinaroroon­an, animo’y kinikilala at sinisino ang mga nakakasalu­bong. Aalis at iiwan ang kasalubong kapag natiyak na hindi sila ang pakay. Hanggang sa sapitin silang mag-ina…

“A-Aling N-Norma…?” “L-Liloy…!” “K-Kumapit k-kayo s-sa ‘k-kin…” Iniabot niya rito si Utoy. Pinasan ni Liloy sa mga balikat nito at siya man ay napakapit ang isang kamay sa balikat ng kargador habang namalaging nakahawak sa lubid ang isa pang kamay. Marahang inilakad ni Liloy silang mag-ina patungo sa gawi ng kalsada. Binabalya sila nang ragasa ng tubig, muntikmunt­ikang matumba si Liloy. Napapagibi­k siya, nangangamb­a para sa kaligtasan ni Utoy.

“Unahin mo na si Utoy, Liloy, mauna na kayo sa kalsada. Ako na’ng bahala sa sarili ko…” Bahagya niyang itinulak si Liloy. “Ingatan mo si Utoy.” “O-Oho, A-Aling N-Norma. B-Babalikan k-ko k-kayo…” Nagpauna si Liloy. Umiiyak, pumipiglas si Utoy. “’N-Nay…! ‘N-Nay…!” Dumalawang kamay sa pagkapit sa lubid si Norma, kagat ang labing umiyak. Tinanaw niya ang batang-isip na kargador na walang takot na sumuong sa baha at ngayo’y pasanpasan sa balikat ang kalaro, lubog ang katawan sa baha, litaw lamang ang ulo. Nakakapit sa buhok nito ang kanyang anak, animo’y pasan ng isang higante. Nahiling niyang makasapit nang ligtas ang dalawa.

Makailang beses na lumubog ang ulo niya sa baha tuwing sisigwada ang malakas na agos. Mapapasing­hap siya, hindi bibitiw sa lubid, unti-unti pa ring hahakbang patungo sa kaligtasan. Tila kay haba ng mga sandali. Babalik pa kaya si Liloy? Nakaligtas kaya ito at si Utoy? “A-Aling N-Norma…!” Tila siya nabuhayan nang loob. “L-Liloy…! ‘Andito ako…! Dito…!” Itinaas niya ang isang kamay at ikinaway. Sa kadiliman, ewan niya kung nakikita siya ni Liloy. Nagsigawan sila, nagtawagan ng mga pangalan, hanggang sa muling makalapit sa kanya si Liloy. “Si Utoy?” “L-Ligtas n-na s-s’ya. I-Ikaw n-naman, p-papasanin k-kita…” “B-Baka hindi mo ‘ko kayanin…?” “P-Pasan k-ka s-sa ‘k-kin…” Ikinapit niya ang magkabilan­g kamay sa balikat ni Liloy, ikinipit ang kanyang mga hita sa katawan nito na hinawakan din ng kargador. Namaybay sila patungong kalsada. Hindi pa sila katagalang nakakalayo nang rumagasang muli ang tubig na may mga kasamang inaanod na troso. Natumbok sila, namilmaan si Liloy, natumbang kasama siya, nabitiwan ang pagkakakap­it sa kanyang mga paa. Tinatangay sila ng agos pero sa mabilisang pagiisip, naiangat niya ang magkabilan­g kamay, sumampid sa lubid at siya’y mahigpit na nangunyapi­t doon. “Liloy…!” Madilim ang gabi, malakas ang ulan at hangin at walang tugon siyang narinig. Napaiyak siya, pilit na inaaninag kung saan inanod si Liloy. Nakakunyap­it pa rin siya sa lubid nang sapitin ng mga rescuer. Sa evacuation center sa bayan, muli silang nagkita ni Utoy.

Sinapit nila ang puntod. Agad niyang napansin, bagama’t bahagyang natatakpan ng matataas na damo, ang nakatagili­d na krus sa puntod ni Liloy. Nakasulat doon ang buong pangalan nito: EULILIO ‘LILOY’ LIGUN-LIGON, nangupas na pagkalipas nang pitong taon.

Tatlong araw pa bago natagpuan ang bangkay ni Liloy, sa dulong barangay na nasasakop ng bayan ng Maybunga. Nakasampid sa mga putol na troso, manas na, malaki na ang tiyan ngunit kataka-takang tila nakangiti.

Muling naalala ni Norma ang gabing pauwi si Liloy mula sa pakikipagl­aro sa kanyang anak: ang paghimbak-himbak nitong tila isang tikling habang papauwi, ang paglilingo­nlikod upang tanawin ang bahay nila at ngitian siya. Napalunok siya. “Sindihan mo na, anak, ang kandila mo,” sabi niya kay Utoy. Yumukod ang bata, binunot ang ilang damo sa harap ng puntod saka itinirik ang dalang kandila at sinindihan. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa Kuya Liloy mo, anak…” Nag-antanda si Utoy. “S-Salamat, Kuya Liloy, na ‘niligtas mo ‘ko…” Natahimik ito, hindi maituloy ang iba pang sasabihin. Sa halip, pinahid ang nangilid na luha. “Naging mabait akong bata,” saka tumingala sa kanya, “di ba, ‘Nay, mabait ako…?” “O-Oo, anak, napakabait mo. Hindi nasayang ang pagsagip sa ‘yo ng Kuya Liloy mo.” Lumigid siya sa puntod, itinindig ang krus sa ulunan niyon, kinalangan nila ni Utoy ng bato upang huwag tumagilid. Namatay na rin siguro si Lola Kandeng kaya walang nagaasikas­o sa puntod ng apo. Ang huling balita niya’y kinuha ito ng mga kaanak at iniuwi sa Isabela. Hindi bale, babalik sila ni Utoy bukas, magdadala ng karit at lilinisin ang puntod, mag-aalay na muli ng bulaklak at kandila, magpapamis­a rin.

Isang payak na parangal na rin nilang mag-ina sa isang bayaning lalaging buhay sa kanilang alaala.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines