Liwayway

Ang Kahalagaha­n Ng Mga Katutubo Sa Pambansang Kalinganan

- Richel G. Dorotan

HINDI sila iba sa atin. May lipunan silang katangitan­gi at may pamanang-lahi na hitik sa dunong, kultura, at sining. Sila ang mga katutubo. Sila ang nabubuhay sa kabundukan at kanayunan na palaging nalalagay sa bingit ang kanilang pamumuhay at pag-iral. Kaya nilagdaan ang Presidenti­al Proclamati­on No. 1906 noong taong 2009 na itinalaga ang buong buwan ng Oktubre bilang Pambansang Buwan ng mga Katutubo. Layon ng nasabing proklamasy­on na pangalagaa­n at isulong ang mga karapatan ng mga katutubo na palaging hinahamon ng nagbabagon­g mundo. Kung tutuusin, maraming taon na rin ang lumipas simula ng ipinagdiwa­ng natin ang Pambansang Buwan ng mga Katutubo.

Ang pagdiriwan­g ay pinangasiw­aan ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining (NCCA) bilang nangunguna­ng sangay ng pamahalaan upang idaos ang nasabing tuntunin. Sa pamumuno ni Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, Executive Director Al Ryan Alejanre, at Deputy Executive Director Marichu Tellano, naging matagumpay ang nasabing pagdiriwan­g na tinampukan ng mga programa sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa buong buwan ng Oktubre.

Sa taong ito, ang napiling paksa ay “Buhay Dunong: Pagkatuto Kasama Ang Mga Katutubo” (Vital Wisdoms: Learning with the Indigenous Peoples). Napagtanto kasi na ang karunungan­g katutubo na nahubog mula sa ilang dantaong karanasan ay magiging bukal ng kaalaman na maaaring magamit sa bagong panahon, hindi lang bilang eksotikong kaalaman kundi may katuturan at kagamitang angkop pa rin kahit sa nagbabagon­g mundo. Ito’y nakaukit sa sari-saring oral na tradisyon, wika, mga ritwal at pagdiriwan­g, sistema ng kaalaman, mga likhang sining, atbp.

Hitik ang ating mga pamayanang katutubo sa pamanang hindi nasasalat (intangible heritage). Sayang ang mga karunungan­g ito kung hindi maipamana sa mga salinlahi. Ito ang diwa na nagbubuklo­d sa atin at nagbibigay sa ating ng pagkakakil­anlan bilang mga Pilipino. Dito tayo nakaugat, dito tayo natutong mangarap.

Binigyang-diin ni Alphonsus Teroso, puno ng subkomisyo­n ng NCCA na siyang nangangasi­wa ng mga komunidad na pangkatutu­bo, na mahalaga ang pagtutulun­gan ng iba’t ibang sektor sa pagdiriwan­g ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo. “Kinikilala ng pamahalaan ang mahalagang papel, pagtatampo­k at ambag ng mga katutubong pamayanan para sa pag-unlad ng bansa,” saad niya.

Talaga namang mahalaga ang dunong ng mga katutubo lalo na sa bansang kagaya ng

Pilipinas na umiiral at naniniraha­n ang iba’t ibang pangkatetn­iko. Ang pagsasanta­bi sa kanila sa pambansang diskurso at pagtataboy sa kanila sa laylayan ng lipunan ay isang uri na rin ng paglabag sa kanilang mga karapatan. Na kung minsan, tinitingna­n natin sila bilang iba sa atin. Kaya napapanaho­n ang pagdiwiran­g para imulat ang ating kaisipan at buksan ang ating mga damdamin para sa makabagong pagtingin sa ating mga kapatid na katutubo.

Sinimulan ang pambungad na pagdiriwan­g sa pamamagita­n ng isang press launch sa lobby ng NCCA na dinaluhan ng mga kasapi sa pamamahaya­g at mga kinatawan mismo ng NCCA at mga indibidwal na may katungkula­ng nakatuon sa pagpapaunl­ad ng ating kamulatan sa mga pamayanang katutubo.

May mga gawain din sa iba’t ibang panig ng bansa na kaakibat sa pagdiriwan­g na ito. Kagaya ng “Dayaw Suroy 2019” na binibisita ang iba’t ibang lalawigan para ipalaganap ang kamulatang pangkatutu­bo. May mga pit stop sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga (Oktubre 3), Lungsod ng

Baguio (Oktubre 4). Sa Kabisayaan naman, may mga pagdiriwan­g na ginaganap sa Lungsod ng Iloilo (Oktubre 8), Lungsod ng Bacolod (Oktubre 9). Sa Mindanao naman, ang karaban ay bumisita sa Lungsod ng Davao (Oktubre 15). Ang salitang “suroy” ay hango sa salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay “lakad” o “gala”.

Isa sa mga programa na ipinagmala­ki ng pagdiriwan­g ay ang ginanap na pambansang “Kalkali.” Idinaos ito sa Maryhill School of Theology sa Lungsod ng Quezon noong Oktubre 28-29, 2019. Walong sesyon ang ginaganap sa loob ng dalawang araw na kinatampuk­an ng mga pagsasalit­a galing mismo sa mga IP communitie­s. Dito, inihayag nila ang kanilang mga pananaw, isyu, at karanasan na may koneksiyon sa pagpapahal­aga sa sining, usaping legal, etikal, at moral para maging bahagi sa paglikha ng mga pamamaraan na mapangalag­aan ang mga pangkat-etniko sa Pilipinas. Hango ang salitang “kalkali” sa wikang Kankana-ey na ang ibig sabihin at “pakikipag-usap”.

Sa mga ganitong pagdiriwan­g, dapat makibahagi rin ang sambayanan para maiangat ang ating diskurso sa mga usaping pangkatutu­bo.

 ??  ?? Si Pambansang Alagad ng Sining at NCCA Chair Virgilio Almario sa kanyang talumpati.
Si Pambansang Alagad ng Sining at NCCA Chair Virgilio Almario sa kanyang talumpati.
 ??  ?? Si Executive Director Al Ryan Alejanre sa kanyang talumpati.
Si Executive Director Al Ryan Alejanre sa kanyang talumpati.
 ??  ?? Naghandog ang mang-aawit na si Bayang Barrios ng isang maalab na awitin.
Naghandog ang mang-aawit na si Bayang Barrios ng isang maalab na awitin.
 ??  ?? Ang pagtanghal ng katutubong sayaw na ikinagagal­ak naman ng mga dumalo sa press launch.
Ang pagtanghal ng katutubong sayaw na ikinagagal­ak naman ng mga dumalo sa press launch.
 ??  ?? Nagsalita naman ang puno ng National Committee on Southern Cultural Communitie­s na si Elmalyn Abatayo.
Nagsalita naman ang puno ng National Committee on Southern Cultural Communitie­s na si Elmalyn Abatayo.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines