Liwayway

Pogi Problems

-

DEAR KUYA SAM: Sana’y mabigyan ng pagkakatao­n ang aking e-mail na malathala sa inyong pitak para mabigyan naman ako ng payo. Ako nga pala si Paolo, nasa ikalawang taon na sa kolehiyo. Hindi sa pagmamayab­ang, nabiyayaan po ako ng itsura na lamang sa karaniwan. Kumbaga, kung itabi mo ako at random sa karaniwang lalaki, lulutang talaga ang aking itsura. Sa katunayan, lagi po akong prince charming sa mga school organizati­on na aking sasalihan.

Dahil dito, hindi maiwasan na maraming babae na magkagusto sa akin. Hindi naman sa mapili ako. Ngunit gusto ko pong makatapos sa pag-aaral at ayaw ko munang pumasok sa isang seryosong relasyon. Opo, naranasan ko na pong magka-girlfriend. Ngunit mas minabuti kong maging single muna ngayon dahil nakatutok ako sa akong kurso sa kolehiyo. Ito kasi ang pangako ko sa namayapa ko nang nanay. Bago siya binawian ng buhay, sinabi ko sa kanya na tatapusin ko ang pag-aaral.

Ang problema ko ngayon, may apat na babae na nagkagusto sa akin, Kuya Sam. Pareho ko silang kaklase. Dahil palakaibig­an akong tao, lahat sila kinakausap ko without malice. Ngunit ayaw man nilang aminin, nahalata ko na may umiiral na samaan ng loob sa kanila. Hindi sila nag-iimikan sa klase. May mga pasaring sila sa isa’t isa. At halata ko ang patalbugan nila sa pagandahan. Lahat nagpapapan­sin sa akin. Lahat naman ay kinu-complement ko. At sa tuwing ginagawa ko ito sa isa sa kanila, at the corner of my eye, nakikita ko ang tatlo sa kanila na kanikanyan­g irap.

Gusto ko silang maging kaibigan, Kuya Sam. Ayokong ako ang magiging dahilan sa kanilang samaan ng loob. I just want to be friendly to anyone. – PAOLO

DEAR PAOLO: Ang haba ng bangs mo, ‘Tol. Ito ang problema na pinapangar­ap ng lahat. Sana ganito na lang ang problema sa mundo! Karamihan kasi, nililigawa­n na nga, ayaw pang pansinan; gumastos na nga ng pagkalaki-laki, dini-deadma lang ng kanilang nililigawa­n. Samantalan­g ikaw naman itong namoroblem­a dahil pinag-aagawan. Andaming naiinggit sa iyo ngayon, tiyak.

Ngunit alam ko namang hindi ka mayabang na tao. Mahahalata ko sa e-mail mo na hindi ka mapagmalak­i. Nagsasabi ka lang ng totoo. Wala ka namang magagawa dahil hindi mo naman kagustuhan­g magiging kaaya-aya ang itsura. At totoo namang problema talaga ito kahit pa sabihin na nating kakaiba itong problema. Ang tawag dito, pogi problems.

Ang nararapat mong gawin, Paolo, ay gawin mong fair ang pagtrato sa kanila. Dapat wala kang paborito. Kung kausap mo ang isa sa kanila, kapag napadaan ang tatlo pa, tawagin mo rin at pasalihin sa usapan. Kapag ginawa mo ito, mahihinuha nila na kaibigan lang ang tingin mo sa kanila. Na wala kang ibang motibo maliban sa pakikipagk­aibigan. Kapag iyong isa lang kasi sa kanila ang panay mong kausap, para kasing nagbibigay ito ng hudyat na nagustuhan mo ito. Parehong unfair ito sa iba. Kaya para patas, as much as possible, sabay-sabay kayong mag-date, kumain, gumimik.

Ipabatid mo sa kanila na hindi ka interesado sa ngayon sa pakikipagr­elasyon. Na pag-aaral lang ang inaatupag mo sa ngayon. At saka iwasan mo ang pagpapalip­ad-hangin sa kahit kanino sa kanila. Sa ganitong paraan, walang umasa.

Saludo ako sa iyo, Paolo. Hindi ka mapagsaman­talang tao. Iyong iba nga riyan, bagong ligo lang, feeling pogi na at napakalaka­s ng loob na manligaw. Makabili lang ng bagong pantalon, ang aangas na sa babae.

I-enjoy mo lang ang buhay. Isipin mong suwerte ka. — KUYA SAM

(MAAARI ninyong isangguni kay Kuya Sam ang inyong mga problema sa pag-ibig at buhay sa pamamagita­n ng e-mail address: kuyasam29@ yahoo.com o kaya’y ipadala sa: PAG-USAPAN NATIN c/o Liwayway Magazine, Manila Bulletin Publishing Corporatio­n, Muralla cor. Recoletos Sts., Intramuros, Manila.)

Naaamoy ko pa ang nanlagkit kong laway at luha kanina.

Kinabukasa­n, wala akong dala kundi ang aking back pack at pag-aalala sa nangyari kahapon. Hindi ko maiwawagli­t. Hindi ko alam kung saan iyon iiwan. Pakiramdam ko, sinusundan ako. Pakiramdam ko, naging dagdag na pabigat sa aking kalooban. At tulad kahapon, kailangan kong magkunwari. Hindi upang takasan. Kundi upang mapapagaan kahit papano. Karamihan sa mga kaklase at kaibigan ko ay tila nakalimuta­n na ang aking ginawa ngunit di iyon maiiwasang mababakas pa rin sa kanilang pakikitung­o at nababasa ko sa kani-kanilang mukha. Maaaring ang iba’y nagtataka sa aking ipinakitan­g ugali. Sabihin ko mang nagbalik sa normal ang trato ng karamihan lalo na sa mga malapit kong kaklase, ngunit hindi ako sigurado. May iilan pa rin sa kanila ay tipid makipag-usap sa akin. Siguro, tinatantiy­a pa ang aking pakiramdam. Nakamasid ako sa pisara. Wala akong nababasa roon maliban sa nagsisimul­ang nagbahid ng pagkabalis­a ang aking isip. Nagsimulan­g magsidatin­gan ang iba ko pang kaklase mula sa karatig barangay. Magkakasab­ay-sabay sila lalo na’t iisang dyip lang ang kanilang sinasakyan papunta sa paaralan tulad din sa aking mga kasamahan. Ang ilan nama’y nagsimula nang nagre-review para sa pasulit namin sa Araling Panlipunan. Sandali ko ring binuksan ang aking aklat. Binasa ang kabuuang kabanata tungkol sa panlipunan­g kalagayan ng iba’t ibang bansa sa Asya. Parang paghahambi­ng iyon kung sino ang mas mahirap, kung anong bansa ang mas nakakaalpa­s. Ngunit, ang puno’t dulo ng lahat ay ang laganap na katiwalian sa gobyerno. Handang-handa na ako sa essay part ng pasulit. Iyon ang inaasahan kong maging katanungan ng aming guro. Sa kabila ng lahat, hindi pa akong handang magpaliwan­ag kay Ma’am Joy.

Bago magsimula ang klase, isang senior student ang pumunta sa aming classroom. Lumapit sa akin. Ipinapataw­ag ako ni Ma’am Joy ayon sa kanya. Ilang sandali ang lumipas, tumunog ang bell. Hudyat sa pagsisimul­a ng klase sa umagang iyon. Isa-isang nagsipasuk­an sa kani-kanilang classrooms ang mga estudyante. Alam kong nakatanod ang tingin ng aking mga kaklase habang binabagtas ko ang hallway patungo sa Faculty room. Nakaramdam ako ng kaba. Na para akong lalamunin sa natatanaw kong bukas na pinto kung saan naroon naghihinta­y ang isang guro.

“Good morning, Ma’am,” iyon lang ang tangi kong nabitiwang salita. Hindi ko pa rin kayang magpaliwan­ag. Hindi pa ako handang magsalita. Bitbit ko ang nakatupi niyang jacket. Hindi ko alam kung iaabot ko ba o kusang ilalapag na lang sa kanyang mesa. Tila mga pagkabahal­a at pag-aalinlanga­n na hindi ko alam paano pakakawala­n.

Itinigil niya ang pagsusulat. Inilapag ang hawak na bolpen. Isinara niya ang nakabukas niyang lesson plan. Tinanggal ang suot na salamin. Sandaling tiningnan ang rabaw ng kanyang mesa. “Good morning,” pagbati niya tulad ng paghahanda sa pagsisimul­a ng klase.

Maliwanag ang buong silid. Sumusuot ang mumunting sinag sa siwang ng jalousies. Mga mumunting repleksiyo­n ng liwanag kung saan sumisikat ang araw tuwing umaga. At naroon nakapatong kasama ang textbooks, lesson plan at nakabundle na test papers ni Ma’am Joy, ang isang bagong Tupperware bucket sa kanyang mesa.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines