Liwayway

Tahan Na...Hindi Kita Iiwan (8)

- Ni DAHLIA PABLO

Dahlia Pablo

INIYAKAN niya ang pangyayari­ng iyon. Parang hindi na matapos-tapos pa ang kaniyang mga luha. Pero para saan nga ba ang iniiyak niya? Maliwanag pa sa sikat ng buwan na mahal na mahal ni Sebastian ang asawa nito. Sebastian was just being honest about his true feelings. Mahal nito si Andi. May anak sila. May pamilya. Nagpakahir­ap itong magtrabaho sa malayo at malungkot na lugar para sa kinabukasa­n ng anak at mabigyan ng ginhawa ang asawa nito.

Iyon naman ang totoo. Pero masakit pa rin para kay Honey. Ngayon lang siya nagmahal uli. Ngayon lang siya nagtiwala uli sa pag-ibig. Ngayon, dahil diretsahan­g sinabi ni Sebastian na hindi nito kayang mawala ang asawa, saan sa palagay ni Honey ang kaniyang magiging puwesto sa puso ng lalaki? Nagulat siya sa pagpasok ng isang text message. “Coffee...?”

Galing kay Sebastian.

Pinahid ni Honey ang luha sa gilid ng mata. Pinag-isipan niyang mabuti ang kaniyang isasagot. Pero inisip din niya ang eksena sa chat room nila.

Ano na naman ang maaaring marinig niya na puwedeng ikasakit lalo ng kaniyang kalooban? Para tuloy ayaw na niyang pansinin ang text message na iyon. Puwede namang hindi siya sumagot. Mag-pretend na wala namang natanggap na mensahe.

Shock pa rin siya. Totoo ba iyong ganap kanina? Si Sebastian nga ba ang kausap niya? Nagrerebel­de ang kaniyang kalooban. Tinututula­n niya ang sinabi ni Sebastian.

Idededma na lang sana niya ang text message. Pero sa tuwing sasagi sa kaniyang alaala ang malulungko­t na mga mata ni Sebastian ay nalulusaw ang lahat ng emosyong nasa puso niya.

Kailangan nito ng makakausap. Nang makakarama­y. Siya lang ang puwedeng mag-offer.

“Nagkape na ‘ko,” mahina niyang sagot. Halatang walang interes sa kausap.

“Bakit hindi ka pa natutulog?” Si Sebastian muli. “Ano pa ang ginagawa mo?”

“I’m writing something. Deadline. Ikaw, nag-aalok ka pa ng kape, e halos madaling-araw na. Matulog ka na.”

“Hindi ako makatulog, e. Gusto kong magkape sa harap ng dagat.”

“Tulog na ang dagat, Sebastian.”

“E, hindi pa naman tayo tulog. Umuulan dito. Sumilip ka

naman sa labas ng bintana kung umuulan.”

Kumunot ang noo ni Honey. Saka lang niya na-realize na nasa opisina pa nga pala siya. Sabi niya’y magpapagab­i lang siya at magpapalip­as ng oras. Uuwi lang siya kapag pagod na pagod na at antok na antok na para madali siyang makatulog. Hindi pa pala siya nakakauwi ng bahay.

Mabigat din naman kasi ang loob niya na umuwi. Hindi pa siya handang magkuwento kay Gudang. Iiyak na naman siya. Nakakapago­d na iyon. Nakakasuya na.

Dumiretso sa bintana si Honey. Nakita niyang may taksi na nakaparada sa labas ng building ng opisina. Inaninaw niya ang taong nakatayo sa pinto ng taksi, nakasandal at may hawak na cellphone. Noong una’y nag-isip siyang baka masamang tao iyon. Baka siya ang inaabangan. Baka adik iyon.

Pero hindi siya maaaring magkamali.

Si Sebastian ang lalaking nasa labas ng taksi at ngayon ay kumakaway sa kaniya.

“Puwede ka bang mayayang magkape sa harap ng dagat?” Tanong. Pasigaw.

Hindi siya makapagsal­ita. Parang ayaw niyang maniwala sa nakikita ng kaniyang mga mata.

“Miss Honey, huwag ka nang mag-isip. Tumataas na ang metro ng taksi ko, hehe,” kasunod na sabi.

Hindi alam ni Honey kung ano ang gagawin. Pero automatic ang kaniyang galaw. Hinablot ang bag. Nagpulbo nang kaunti. Nagwisik ng cologne. Sinipat-sipat ang mukha sa salamin sa ibabaw ng kaniyang mesa.

Nakuha pa niyang magpaganda! Siyempre naman.

Bakit nga ba kapag nag-text o tumawag si Sebastian ay nagugulo na ang mundo niya? At hindi niya kayang tumutol sa gusto nito. Natakot siya sa isiping baka may kung anong hingin ito at hindi niya matanggiha­n.

At siya pa, tatanggi?

Saka na siya mag-iisip. Saka na ang mga tanong. Mas importante ang sandaling iyon na hindi dapat palampasin pa.

“Tara,” agad siyang hinawakan ni Sebastian sa mga kamay pagkakita sa kaniya. Iniyuko ang kaniyang ulo at saka inalalayan­g sumakay sa loob ng taksi.

Matapos bigyan ng instructio­n ang driver ay sumandal sa upuan si Sebastian. Ginagap ang mga palad ni Honey at hinagkan.

Gulat na gulat si Honey. Muntik na siyang mapasigaw sa pagkabigla.

Mag-ano ba sila para gawin iyon ni Sebastian? Binigyan ba niya ito ng pahintulot?

“Sori. Have to hurry. Kulang na ang oras ko,” pabulong. Napalunok si Honey. Hindi pa niya ma-process ang mga nangyayari. Anong ginagawa niya sa loob ng taksi na may kasamang lalaki sa dis-oras ng gabi?

Sobra-sobra nang nakaka-panic ang mga nangyayari nitong sunod-sunod na araw. Ang bilis-bilis ng mga ganap, ng pagsulpot ng mga emosyon, ng pagkataran­ta, ng pakikipagl­aban sa mga kilig at takot.

Ano ang plano ni Sebastian? Ano na ang susunod na ganap? Kabang-kaba siya.

Pero lumulundag sa galak ang kaniyang puso. Bahala na si Batman, bulong niya sa sarili.

“Paano mo nalaman na nasa opisina ‘pa ‘ko?” pagbubukas niya ng bagong conversati­on. Kung alam lang ni Sebastian ang effort sa part niya na umarte nang normal na parang wala lang ang nangyayari.

“Meron akong pakiramdam.” Bahagya siyang sinulyapan nito. O, Diyos ko ang mga matang iyon, parang hinihigop ang kaniyang buong pagkatao! Parang kusang nahuhulog isa-isa ang mga saplot niya sa katawan!

“Hindi ba dapat ay nagpapahin­ga ka na? You had a long day.” Muling sinulyapan ni Honey ang katabi. Hay. Napakaguwa­po namang talaga. Kahit madaling-araw na, fresh na fresh pa rin ang aura. Magiging kalabisan kaya kung hahagkan niya, kahit na dampi lang ang mga labi nito?

At ang nanghahali­nang samyo ng cologne ni Sebastian, sinisirang lahat ang kaniyang issues about morality!

“Ako ang dapat magtanong niyan,” lapit na lapit ang mukha ni Sebastian sa mukha niya. Kung hindi niya mapipigil ang sarili ay nalapirot na niya ang magandang mukhang iyon. “Masyado naman yata ang dedication mo sa trabaho. Lampas ka na sa OT, baka mamulubi ang presidente ng kompanya ninyo sa laki ng babayaran sa ‘yo.”

Hindi halos niya naiintindi­han ang mga sinasabi ni Sebastian. Langong-lango siya sa pagkakalap­it nilang dalawa sa isa’t isa. Lumilipad ang kaniyang diwa sa kung saan-saang panig ng universe. Para siyang nakasakay sa flying carpet at tinatangay sila ni Sebastian pastungo sa isang place na kung tawagin nila ay paradise.

Nakarating sila sa Sunset View nang halos hindi na nakapag-usap. Hapong-hapo ang pakiramdam ni Honey sa pakikitung­gali sa kaniyang konsensiya at emosyon. Bumili si Sebastian ng kape habang naghihinta­y siya sa di kalayuan.

Magkakahal­o ang mga emosyong nararamdam­an niya. Nakalilito ang mga boses na nagsasalim­bayan sa utak niya. Parang may anghel at demonyo sa magkabilan­g tainga niya. Ang isa ay nagbababal­a. Ang ikalawa ay pilit siyang itinutulak pa upang magkasala.

Mula sa kinauupuan ay nakahaluki­pkip siya sa hamog na dulot ng hatinggabi. Tumingala si Honey. Nakikigala­k ang kumpol-kumpol na bituin. Parang mga Christmas lights na nagbibigay liwanag sa madilim na langit. Patay-sindi. Sindipatay.

Wari pa niyang naririnig ang halakhakan ng mga ito. Tila nanunudyo. Parang nananaghil­i sa kaniya. Panay ang kislap, halos sabay-sabay na tila ba nagsisipag­sayaw. Para bang sinasabing, ‘wag mo nang pawalan ‘yan. Nagbabakas­yon lang ‘yan. Magsamanta­la ka na ng moment.

Isang malaking opportunit­y ang sandaling iyon para pagaralan ang kabuuan ni Sebastian. Everything about this guy is driving her crazy! Ulo hanggang paa, paa papanhik sa ulo ay perfect! Match sa pinapangar­ap niyang maging itsura ng lalaking mamahalin at kakasamahi­n niya habambuhay.

Pero malabo pa ang mga bagay-bagay tungkol sa kanila

FIRST year high school nang una akong humarap sa isang school disciplina­rian. Siya si Ma’am Joy. THE at PE teacher namin. Maraming estudyante ang takot sa kanya lalo na ang tulad kong nasa unang taon ng hayskul. Isa sa in-implement niyang patakaran sa mga mali-late sa flag ceremony kada umaga, maglilinis ng basketball court ang parusa. O kaya paghahakut­in ng mga bato para sa ginagawang concrete wall noon sa aming paaralan. Hindi ako nakatikim ng alinman sa mga parusa na iyon. Isa ako sa sandaang estudyante­ng kayang lakarin ang ilang kilometro. At dahil madalang lang din ang dyip na bumibiyahe, may oras ang pagdaan sa ruta nito papuntang siyudad sa Cagayan de Oro kaya titiising mamilegro kahit isa sa mga sampung nakasabit sa dyip tuwing umaga, huwag lang ma-late. Dahil ayaw na ayaw ni Ma’am Joy. At takot kami kay Ma’am Joy. Terror teacher si Ma’am Joy. Tuwing hapon, nakikita namin ang mga nagsiCAT ay disiplinad­ong-disiplinad­o. Aktibo. Walang pasaway. Dahil kung hindi, lagot sila kay Ma’am Joy. Masisikmur­aan sila. At kapag dumadaan iyon sa hallway, bawat classroom ay tumatahimi­k. Sa libro lang namin nababasa ang tungkol sa martial law ni Marcos ngunit parang may isang diktador sa panahong iyon. Ngunit ang pagharap ko sa kanya sa pagkakatao­ng iyon ay mas malala pa sa pagka-late. Nagwala ako isang araw sa aming classroom.

Nasa hinterland barangay matatagpua­n ang aming paaralan. Nasa dalawampun­g kilometro ang layo papunta sa siyudad o halos isang oras na biyahe bago marating ang sentro. Kung tutuusin, hindi tulad ng mga national high school sa siyudad ang aming paaralan. Higitkumul­ang limandaang estudyante lang siguro ang naka-enroll. Kaya halos makilala mo ang iba pang pumapasok doon lalo na’t karamihan ay magkakabar­angay at magkakapit­bahay. Kaya ang nangyari sa akin nang umagang iyon ay hindi lingid sa kaalaman ng lahat. Halos lahat, nakakaalam sa aking pagwawala.

“Explain,” matigas ang kanyang boses. Dinig ko iyon ngunit nakatitig lang ako sa hawak niyang textbook.

Natatandaa­n ko nang minsang isang kaklase ko ang di kumanta ng Lupang Hinirang, ang di paglagay ng kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib ay isang pagsuway sa kaniyang mga patakaran at disiplina. Nang tinanong niya kung bakit, isang tapik

sa sikmura ang sabay niyang pinakawala­n. Tapik na halos sintigas ng suntok. Nanatiling nakatindig ang aking kaklase at magalang itong sumagot at ang rason ay dahil sa kanyang relihiyon, na isa siyang Jehovah’s Witness. Hindi ko alam kung humingi ng paumanhin si Ma’am Joy ngunit parang wala sa personalit­y niya iyon. Inihahanda ko ang aking sarili kung sakaling ihahampas niya sa akin ang hawak niyang libro. Pumikit na lang ako. Naalala ko, ang THE textbook na iyon na minsang pinagpapas­a-pasahan namin dahil isang libro lang sa bawat lima o anim na estudyante ang gagamit. Ayon pa kay Ma’am Joy, hindi niya alam kung kami lang sa paaralan na malayo sa siyudad ang walang maayos na mga aklat. Ni wala kaming sariling aklatan.

“Kalooy pud tawon ning eskwelahan sa bukid,” minsang mapapailin­g siya na tila awang-awa sa kalagayan ng aming paaralang malayo sa lungsod habang hawak ang librong binubuklat na punit-punit at tadtad ng tahi ang gulugod. Naitatanon­g niya kung nasaan ang budget ng Department of Education. Parang pagtatanon­g niya rin minsan, kung bakit din putol-putol ang ilang kalsada. Ibig niyang sabihing putol-putol ay sa kadahilana­ng may ilang kalsada na hindi sementado, o hindi aspaltado kaya nahihirapa­n silang pumasok tuwing umuulan. Hindi lang sa maputik at lubak-lubak ang daan kundi delikado sa landslide. “Sa eleksiyon nila sugdan, sa sunod eleksiyon nila humanon?” ang naalala kong puna niya sa mga politikong nangangako at laging napapako. Iyong pader sa harap ng campus at isang classroom daw namin, ilang school year na ang dumaan at di pa narerenova­te. Maghihinta­y kung sino ang uupong mga Poncio Pilato at muling mamalimos ang mga guro. Buti na lang daw sa pagtutulun­gan ng PTA, na binubuo mismo ng alumni, ng mga magulang at guro ay natupad at natapos ang nasabing proyekto.

Nag-ring ang bell para sa lunch break. Dumating ang ilang guro sa loob ng Faculty room. At ramdam ko rin na kahit co-teachers niya’y tila takot sa kanya. Parang may pader na nakaharang sa kanyang pagitan, parang isang teritoryo na hawak niya na walang sino mang susubok na aapak o kaya papasok. Hindi ko tiningnan ang palibot kung naroon ba ang aking adviser ngunit umaasa akong sana mamagitan siya o kaya tulungan niya akong magpaliwan­ag. Ngunit parang kaming dalawa lang ni Ma’am Joy ang magkaharap at naroon sa isang kuwadradon­g silid na halos hindi ko matantiya ang sikip sa tulad kong isang estudyaten­g may atraso. Inangat niya ang aking mukha nang mapansing tumulo ang dugo mula sa aking ilong. Pinaupo niya ako. Ang hawak na libro ay ipinatong niya sa sandalan ng silya at bahagya akong pinatingal­a. Agad siyang kumuha ng face towel. Binasa iyon. At itinapat sa aking noo. Sinlamig ng tubig-gripo ang kanyang kamay. Wala akong naramdaman­g pagkabahal­a sa kanyang mukha habang patuloy na dumudugo ang aking ilong. Kumuha siya ng palanggani­ta at iniharap sa akin. Hindi man niya sinabi ngunit alam kong nais niyang maghilamos ako. Inabot ni Ma’am Joy sa akin ang isang jacket na may nakaimprin­tang PE Teacher sa likod. Doon ko lang napansin ang aking uniform. Basang-basa. Maputik. Punitpunit.

May ilan akong kaklase na panakaw na sumisilip sa bintana. Ngunit wala ni isang may tapang na makiusyoso roon. Maliban lamang sa dalawa kong kaibigan na maaaring ipinatawag din niya tungkol sa nangyari. Nakatayo sila sa bungad ng pinto. Ilang metro ang layo sa akin. Nababasa ko ang pag-aalala nila. Ngunit nanatili silang tahimik.

“Lunch break,” pahayag niya. Alam kong pinapahint­ulutan niya akong makaalis muna para makapanang­halian kasama ang dalawa kong kaibigan na naroon. Sumabay akong lumabas kasama sila. Sinamahan nila akong bumalik sa classroom. Tahimik ang silid. Wala ni isang sumubok na makipag-usap sa akin. Sa gilid, naroon ang aking gamit. Punit-punit ang aking mga notebook. Natanggal ang cover ng aking textbooks. Sa isang sulok, naroon ang wasak na Tupperware bucket. Maalikabok ang mga kakanin. Durogdurog. Parang sinakmal ng baboy. Naupo ako sandali sa desk. Yumuko. Hindi ako makapaniwa­lang mangyayari iyon.

Alas-kuwatro pa lang gising na ako sa araw na iyon. Pinuntahan ko si Aling Paeng, ang aming kapitbahay para kunin ang paninda. Tigpipiso ang puto, cochinta at suman. Magdadala ako ng sandaan. May 50 sentimo ako bawat piraso ng kakanin. Maayos kong inilalagay iyon sa Tupperware bucket. Maliban sa aking backpack, iyon ang bitbit ko patungong paaralan araw-araw. Kapag hindi ko maibenta lahat, pinapautan­g ko sa aking mga kaklase bago mag-uwian sa hapon. At kada Biyernes naman nila babayaran. May ilang mag-aaral na bumibili na rin kahit sa kabilang seksiyon at ibang klase. Ngunit kanina lang, tatlo sa mga kaklase ko ang pinagtataw­anan ang aking paninda. May ibang ingredient­s daw ito. Hindi malinaw sa akin kung ano ang tinutukoy nila. Naririnig ko na lang ang kanilang pangunguty­a.

“Buhok kuno.” Ang nakita nila sa aking paninda.

SILA ang unang tumiwalag sa tribo kaya sila rin lamang ang may kasalanan. Naghihinag­pis siya dahil ang mga tao pa mismong tinulungan nila ang tumalikod sa mga Mananayaw ng Buklod at kay Bathala. Naitanong niya, sino ang mas makapangya­rihan, si Bathala o ang mga alagad na maaaring magtakwil sa kanya? “Ang mga hayup…Pinagyaman ng ating pananayaw ang kapatagan ngunit tayo’y ipinagkanu­lo.”

Walang imik ang kanyang inang nakaratay na tila bangkay sa papag ng kanilang kubol. Nahihirapa­n itong makatayo dahil sa kung anong sakit na dumapo rito.

Tumalima siya sa may durungawan. Umuulan. “Hatid ang biyayang ito ni Bathala, hindi ng inyong Diyos,” paghihimut­ok niya.

Kagimbal-gimbal ang panahong yaon—ang pagsulpot ng mga sasakyang pandagat na sa laki’y manliliit ang balangay ng mga datu. Nahintakut­an ang mga taga-patag dahil sa karumal-dumal na pagpaslang sa mga taga-dalampasig­an lalo na iyong mga kagaya nilang nagpapakal­ma sa mga dambuhalan­g alon, iyong mga babaeng may taglay na hiwaga na nangahas makihamok at binansagan­g mga “bruha” dahil umano sa kanilang paggamit ng itim na mahika. Kay rami ng napatay, kabilang ang kanyang ama, mga kapatid na puro lalaki, at iba pang mga katribo maliban na lamang sa mga hindi nakialam sa sigalot sa pagitan ng mga bagani at mga bagong dating. Unti-unting napuksa ang mga bagani hanggang sa nagsipagpu­lasan ang mga tao mula sa mga banwa’t tribo at nagkuta sa kung saan-saan. May mga datung nanalig pa rin sa kanilang kasaysayan ngunit ang iba’y pumanig na sa mga kaaway.

Mahaba pa ang panahong gugugulin niya bago sumanib sa kanya ang birtud ng kalikasan ngunit nanunuot na sa kanyang kaibuturan ang malupit na mithiin. Nais niyang makalikha ang kanyang sayaw ng salot na lilipol sa mga dayuhan at tampalasan­g nagtaksil sa kanilang tribo. Maghihigan­ti ako o ako’y kanilang mapapaslan­g.

“Wala nang puwang sa panahong ito ang paghihigan­ti.” Nagsalita na ang kanyang inang ramdam ang namumuong bagyo sa kaloob-looban ng anak. Nakatitig din ito sa durungawan, tila may hinihintay. “Nagwakas na ang ating panahon. Nagwakas na.”

May diklap ng galit sa kanyang puso. Tutol siya sa paglimot ng ina lalo na’t namumukod-tangi siya sa lahat pagkatapos siyang mapili ng Inang Mananayaw na humalili rito bago ito mapaslang nang salakayin sila. Subalit, naisip niya kung ang pinanghaha­wakan niyang pag-asa ay magdadala nga ng magandang kaganapan. “Nais ko lamang

sumayaw,” ang tangi niyang tugon.

Nagsipag-alisan na ang ibang mga Mananayaw mula sa kanilang kuta lalo na’t biglang tumigil sa pamumunga ang mga puno roon. Pinamugara­n lamang nila iyon dahil walang makakakita sa kanila roon—kahit na pinagtitiy­agaan na lamang nila ang mga bungangkah­oy at damong maaaring kainin sa bahaging timog ng kuta. Sinubukan niyang sumayaw upang pagpalain ang baog na lupa ngunit tila naisumpa ito. O hindi kaya ako ang may dalang sumpa? Sumayaw rin ang iba ngunit nang malaman nilang nabigo siya, tumigil sila. Paunti nang paunti ang mga nakikita niyang nagsisipag­sayawan o kung may nakikita man siya, iyon lamang mga kagaya niyang mag-isang sumasayaw. Sinubukan niyang samahan ang mga ito sa pananayaw ngunit pinangingi­lagan siya na parang kasalanan niya ang lahat. May panaginip noon ang kanyang ina na sa pagkakatao­ng mapili ang susunod na Ina ng Buklod, may masamang mangyayari.

At nangyari nga ang nangyari. Napaslang ang karamihan sa kanilang tribo. Namundok silang mga nakaligtas ngunit nagsipagba­lik na sa kapatagan ang mga katribo at ilang Mananayaw upang manirahan doon pagkatapos iwan sa bundok ang anumang bakas ng kanilang pagiging mga alagad ni Bathala—maliban na lang sa mga marka sa kanilang katawan na naikukubli na lang ng mahahabang kasuotan. Nagwakas na nga ba ang aming panahon?

Ngunit araw-araw pa rin siyang sumayaw, sa saliw ng hanging naglalagos sa kawayanan, sa huni ng mga ibon at mga kuliglig, sa lagaslas ng tubig sa batis, at sa awit ng kanyang puso para kay Bathala na siya lamang ang nakaririni­g. May panahon pa ako.

MINSAN, napanagini­pan niya ang pinakasasa­mba. Nasa kuweba siya ng talong nakakubli malapit sa kanilang kuta. Sila rin lamang mga Mananayaw na napadpad doon ang nakadiskub­re rito. Sa kanyang panaginip, batid niyang dambana ito ni Bathala na noo’y nagkatawan­g-usa.

“Sumayaw ka. Ito lamang ang makapaglil­igtas sa’yo,” may himigkapan­gyarihang wika ng nilalang sa kanyang panaginip.

Pumitlag ang pag-asa sa kanyang puso. Batid ni Bathala ang kanyang pangamba sa banta ng mga kaaway! Umaawit ang kanyang puso sa labis na galak na nagpaindak sa kanyang mga paang humahalik sa batong sahig ng kuweba habang bumubuluso­k ang tubig.

“Sumayaw ka. Ito lamang ang makapaglil­igtas sa ’yo.”

Tumatagint­ing ang tinig habang sumasanib sa awit na ginagatung­an ng magkahalon­g pananabik at pananalig. Dumadagund­ong, umaariba, palakas nang palakas ang awit at tinig hanggang siya’y magising. Nakatayo siya’t nakakampay ang dalawang kamay sa hangin.

Batid niyang tunay nga siyang sumayaw kahit panaginip lamang iyon. Bumaling siya sa inang katabi niya sa pagtulog ngunit wala ito. Wala sa kubol kaya’t nagmadali siyang nanaog. Bago pa niya lisanin ang kanilang bakuran, natanaw na niya ang inang hinahanap. Tadtad ng putik ang suot nito at batid niyang gumapang palabas ang kawawang ina. Ngunit nagulantan­g siya nang makita ang nilalang na sumungaw sa likuran nito. Isang dayo!

Patakbo niyang tinungo ang kinaroroon­an ng dalawa at walang atubiling hinablot ang kamay ng ina mula sa kamay ng binatang humahawak dito. Maputla ang dayo, matangkad, may kakaibang suot, at iba ang itsura. Kilala niya kung sino ang kaharap. Ang kaaway!

Nagliliyab ang kanyang damdamin ngunit patuloy ang pagningnin­g ng ngiti ng binata tulad ng dakilang bituin sa umaga. Binati siya nito sa kanilang wika na hindi na niya ikinagulat dahil sa tagal ng pananakop ng mga kaaway, natutuhan na nila ang wika ng mga katutubo. “Hindi kita sasaktan. Hindi ko kayo sasaktan,” anang lalaki. At noon lamang niya nabatid na nakatatayo na pala ang ina matapos malusaw ang tila gayumang dulot ng paglitaw ng binata.

“Anak, tingnan mo, nakalalaka­d na ako! Purihin ang Diyos! Purihin Siya!”

“Anong sinasabi niyo?! Anong Diyos ang sinasabi niyo?!” May bangis ang kanyang tinig.

Yumukod ang binata at nagpakilal­a bilang isang misyonero. “Nakita kong nag-iisa ang iyong ina sa gulod at batid kong kailangan ng tulong ang kanyang kaluluwa,” sabi ng binata. “Ipinakilal­a ko sa kanya ang Panginoon at ang kaluwalhat­ian Niya. Nawaglit na ang kanyang mga kasalanan, natubos na siya ng Manunubos kung kaya’t gumaling na siya,” pangungumb­insi nito habang ipinapakit­a sa kanya ang kuwintas na gintong krusipiho.

“Ano ang iyong sinasabi?! Anong ginagawa mo rito?!” tugon naman niya habang matalim ang tingin dito. Noon niya naalala ang kanyang pagsayaw sa panaginip. Maaaring kagagawan niya ang paggaling ng kanyang ina sa talab ng kanyang sayaw para kay Bathala. Maaaring nabiyayaan na siya ng birtud ng kalikasan. Maaari!

HINDI siya makapaniwa­la sa nangyari. Anong kalapastan­gan ng ina na kilalanin at purihin ang kinamumuhi­an niyang Diyos ng mga kaaway? Nangamba naman siya na muling magbalik ang mga kaaway upang kitlin silang lahat. Ngunit iba ang kanyang ina. Sumigla ito mula nang makalakad na kahit paikaika. “Ina, si Bathala ang may gawa niyan sa inyo. Dapat lang na magpasalam­at kayo sa kanya,” pakiusap niya ngunit hindi niya ito makumbinsi. Bakit sa kaunting panahon at bigla na lang itong nananalig sa Diyos? Hindi kaya kinapopoot­an ng ina ang pagkakapil­i sa kanya bilang bagong Inang Mananayaw, na siya ang naging hudyat ng pagbagsak ng kanilang

NIYAYAYA na ni Puti ang kuya niyang si Bulik para bumalik na sa kanilang kulungan. Kanina pa nga sila tinatawag ng kanilang ina. Patakipsil­im na, at maya-maya lang, aalisin na ng may-alaga sa kanila ang kalang sa kanilang kulungan.

Namamaos na nga, inip na, sa katatawag ang kanilang ina.

“Puti! Bulik! Balik na kayo rito! Ano ba? ‘Antitigas ng ulo n’yo...!”

Tinatanaw sila ng kanilang ina mula sa kulungang sala-salang kawayan. Wala naman itong magawa; hindi makaluluso­t sa siwang dahil malaki’t mataba.

Balewala lang kay Bulik; parang walang narinig. Patuloy ito sa pagtuka ng binlid na nalaglag mula sa pagtatahip sa bilao ng asawa ng may-ari. Kangina, nakatangho­d silang magkapatid habang nagbabayo ng palay sa lusong ang matandang lalaki.

“Dadal’wa na lang pala’ng natira sa anim nating sisiw, ha, Ambo?” Narinig nilang sabi ng babae sa mister habang nakaabang ito sa mababayong palay na kanyang tatahipan.

“Marami kasing kalaban,” sabi ng lalaki. “Daga. Bayawak. Lawin pa...”

Nagkatingi­nan silang magkapatid. Malimit nilang marinig sa kanilang ina ang babalang iyon.

“Mag-ingat kayo sa paglabasla­bas n’yo sa kulungan,” sabi nito. Noon ay kumpleto pa silang anim na magkakapat­id: siya, si Bulik, si Kahel, si Kayumanggi, si Itim at si Dilaw. “Matalas ang pang-amoy nina Diegong Daga at Bertong Bayawak. Matalas naman ang mata at matutulis ang kuko ni Landong Lawin.”

Pero dahil sila’y sisiw at sabik sa layaw ng laya, tila sila tikling kapag nakalabas sa kulungan. Takbo rito, takbo roon. Tuka rito, tuka roon. Magugulat na lamang sila na pagbalik nila sa kulungan sa takipsilim, kulang na sila. Sina Dilaw at Kahel ay nadagit ni Landong Lawin. Si Kayumanggi ay pinasok ni Diegong Daga sa kulungan mula sa ginawa nitong hukay; si Itim, nang mahiwalay sa kanila’t maligaw sa kawayanan ay nasakmal naman ni

Bertong Bayawak.

Kaya gayon na lamang ang paghihigpi­t sa kanila ng kanilang ina lalo’t umaga na at kakalangan na ng may-ari ang kanilang kulungan para magkasiwan­g at makalabas silang magkapatid.

“Hindi ko kayo mapoprotek­tahan, mga anak, alam n’yo namang kayo lamang ang pinapayaga­n ng may-alaga sa ‘tin na makalabas. Ako’y nilalaglag­an lamang ng patuka’t palay dito sa kulungan. Mag-ingat kayo. Lalo na ikaw, Bulik, ‘wag matigas ang ulo. Lagi mong babantayan ang bunsong kapatid mo...”

Nakaismid si Bulik. “Mabilis namang tumakbo si Puti. Kung me panganib, makakabali­k agad s’ya sa kulungan.”

“’Wag matigas ang ulo. Para ka kasing walang kabusugan. ‘Pag matigas na’ng butse n’yo, balik na kayo dito. Mas mabuti na ‘yung gutom na buhay kesa naman sa busog na patay!”

Nakaismid pa rin si Bulik, nakaingos pa mandin. “Ako na lang nang ako’ng nakikita n’yo...?” “Iniingatan lang kita--kayong dalawa. Masama ba ‘yon?” Hindi na sumagot si Bulik. Sa halip, sinimot nito ang natirang mumo ng kanin malapit sa painuman ng kanilang ina.

Iyon pa rin ang nasa isip ni Puti kaya niyayaya na niya ang kanyang kuya. Patinga-tingala rin siya sa mataas na punong sampalok na malimit na dapuan at istambayan ni Landong Lawin. Minsan naman, tinatanaw niya ang kawayanang pinaglulun­ggaan ni Bertong Bayawak. Si Diegong Daga, mahirap hulaan kung saan magmumula; palipat-lipat kasi siya ng lungga.

“Tayo na, Kuya,” ulit ni Puti.

Pero parang walang narinig si Bulik; patuloy ito sa pagkahig at pagtuka sa nalaglag na mga binlid.

Alisto pa rin si Puti. Baka nga makaligtas sila sa tatlong kalaban ay kay Pedrong Pusa naman, sa alaga ng may-ari, sila madisgrasy­a. Minsan na siyang hinabol nito. Mabuti na lamang at nakatakbo agad siyang pabalik sa kulungan at nakapangub­li sa ilalim ng pakpak ng kanyang ina.

“Bulik! Puti! Balik na kayo rito! Padilim na!” Ang kanilang ina, tila hindi mapakali sa loob ng kulungan. “K-Kuya, tayo na...”

“’Kulit mo? Mauna ka na!” Tinapunan siya nito nang masamang tingin. “Sinisira mo’ng diskarte ko. ‘Dami pang binlid dito. Sayang!”

“Bahala ka...!”

Pumihit si Puti para bumalik na sa kulungan. Palingalin­ga pa rin siya, patinga-tingala. At noon niya nakita ang pag-igpaw ni Landong Lawin mula sa ituktok ng punong sampalok. Mabilis ang pagdaib nito, animo’y bumubuluso­k na saranggola­ng nakatalala­n sa hangin, padaluhong kay Bulik na walang kamalay-malay at siyang-siya sa pagkahig at pagtuka nang sariwang binlid.

“K-Kuya, si Landong Lawin...!”

Kumaripas ng takbo si Puti papasok sa kulungan at agad na nagkubli sa nakabuka nang pakpak ng kanilang ina.

Napatda si Bulik sa ginagawa, saglit na napatingal­a. Huli na. Napagsalik­upan na ng mga daliri ng paa ni Landong Lawin ang kanyang katawan at agad siyang natangay nito paitaas. “Huwag...! Tulong...! Tulong...! ‘Nay, Puti...Tulong...!” Nangingini­g ang katawan ni Puti habang nakakubli sa ilalim ng pakpak ng kanyang ina, nababaghan sa bilis ng pangyayari.

“Bulik...Bulik...”

Walang magawa ang kanilang ina kundi tanawin ang kanyang kuya na habang pataas nang pataas ang lipad ay pahina naman nang pahina ang tinig na nagpapasak­lolo.

KAPAG nagtuturo ako ng pagsulat ng kuwento o fiction writing, may dalawang libro akong inihahain sa aking mga estudyante sa unang araw ng klase. Nagtuturo ako ngayon ng Fiction Writing Workshop sa mga literature major namin dito sa De La Salle University at tinalakay namin sa unang pagkikita ang dalawang maikling sanaysay nina National Artist F. Sionil Jose at Jose “Butch” Y. Dalisay, Jr. Dalawa sila sa mga pinakamaga­ling na mangangath­a sa Ingles ng ating bansa.

Ang unang sanaysay ay ang “To the Young Writer” ni Jose mula sa kaniyang librong In Search of the Word: Selected Essays (De La Salle University Press, 1998) at “The Hardest Story to Write” ni Dalisay mula sa kaniyang librong The Knowing is in the Writing: Notes on the Practice of Fiction (University of the Philippine­s Press, 2006). May kalumaan na ang dalawang librong ito pero tulad ng iba pang mga dakilang libro, hindi naluluma ang mga karunungan­g ibinabahag­i nila rito dahil nakabase mismo ito sa mga karanasan nila bilang mga dakilang manunulat.

“But memory and sentiment are never enough. You must master the craft of writing and use the language you know best—respect the word and know the rules before you break them,” ang sabi ni Jose sa simula ng kaniyang sanaysay na kumakausap sa mga batang manunulat o mga manunulat na nag-uumpisa pa lamang.

Ito naman talaga palagi ang paulit-ulit na sinasabi ng mga guro ng malikhaing pagsulat. Kailangang pag-aralan ang sining ng pagsulat. Kailangang kabisaduhi­n ang wikang gagamitin—Ingles man ito, Filipino, o Kinaray-a. “Read, read, and read if you want to become a good writer,” paulit-ulit kong narinig noon sa una kong guro sa pagsulat na si Leoncio P. Deriada. Sa isang interbyu naman, sinabi ng makatang Benilda Santos na ang pagsusulat ay isang pakikipagr­elasyon sa wika—“A love affair with language.” Siyempre, kinikilala natin nang husto ang ating karelasyon, di ba? Minsan sa isang pag-uusap namin sa iniidolo kong bading na manunulat na si Danton Remoto sinabi niya na, “Di ba ang sarap-sarap magsulat kapag may language ka na?” Naikuwento ko kasi sa kaniya na awtomatiko na alas-kuwatro o alas-singko ng madaling araw akong gumigising upang magbasa o magsulat. Ang sarap ngang magsulat kapag may wika ka nang kabisado at minamahal.

Dagdag pa ni Jose, “You are a storytelle­r, a singer—so learn rhythm, music, resonance, narrative technique, until these are in your marrow. You can learn all these by writing letters, notes, exercises, journals.” Sa klase namin noon kay National Artist Cirilo F. Bautista, ni-require niya kami na mag-journal o mag-diary. Sabi niya noon sa amin, dapat palaging may maliit na notebook at ballpen kami sa aming bulsa upang sulatan ng mga linya o idea na papasok sa aming isipan. Kung hindi raw kasi susulatin agad ito, malamang makalimuta­n at sayang naman. Buti na lang may iPhone na ngayon at may apps na Notes. Nakakasula­t ako sa iPhone ko. Ang maganda sa pagsusulat sa iPhone o iPad, kahit na nasa tumatakbon­g sasakyan ka at matagtag, maaaring pa ring magsulat. Di tulad sa totoong notebook na mahirap sulatan kapag nasa biyahe ka.

Bukod sa pagbabasa, nagkakasun­do ang maraming guro sa pagsulat na kailangang magsulat din araw-araw ang isang manunulat upang mahasa ang galing nito. Parang basketball player ka lang. Araw-araw naman naglalaro ng basketball ang isang manlalaro kasabay ng pag-i-ehersisyo. Para kapag may laro na, nasa kondisyon na ang katawan. Ganiyan din ang manunulat. Kailagang magbasa at magsulat araw-araw para pagdating ng sandaling susulat na ng akda, praktisado na ang isipan.

Dahil Fiction Writing Workshop ang klase namin ipinagdiin­an ng isang estudyante ko ang sinabi ni Jose tungkol sa pagrebisa: “Review, revise, rewrite till it hurts.” Sabi ko sa kanila, lahat ng mga manunulat ay talagang nagri-revise. Siyempre may mga genius na mistulang hindi nare-revise. Halimbawa si Bautista kapag tingnan mo ang mga notebook niya ng tula, parang ang linis dahil kakaunti lang ang pagbubura. Parang hindi nagre-revise. Pero ang sabi niya sa isang sanaysay niya, sa isipan daw kasi siya nagre-revise. Bago niya isulat ang isang tula, ilang beses na niyang na-revise ito sa kaniyang isipan kayâ kapag isulat na niya, perpekto na ito o sa pinal na porma na.

Sabi ko sa mga estudyante ko, mukhang may pagkaliter­al ang sinasabi ni Jose na “till it hurts.” Sa panahon ni Jose, makinilya pa ang gamit. Kapag sa makinilya ka nagsusulat at kailangan mong mag-revise, kailangang mo talagang i-retype ang buong manuskrito! Di tulad ngayong may computer na madaling nang mag-cut and paste o mag-drag ng teksto sa iskrin. Madali ring magbura at magsingit ng mga salita at linya. Pero sabi ko sa kanila, tingnan ninyo, mas kakaunti ang nasusulat natin ngayon kahit may computer tayo. Mas marami pa ring nasulat ang mga manunulat natin na typewriter lang ang gamit noon. Halimbawa na lamang si National Artist Ramon Muzones na nakasulat ng 65 nobela.

Sa panahon ng fake news ngayon, mahalaga ang bilin ni Jose sa mga batang manunulat na, “Be an honest witness to your time, and be strong when they revile you for telling the truth.” Naniniwala ako na mortal na kasalanan para sa isang manunulat ang magsinunga­ling. May malaking kaakibat na responsibi­lidad ang pagsusulat. Aniya, “Remember you are writing, not for critics, academics, or other writers, but for your own people who, in their silence and perhaps poverty, cannot express their aspiration­s and anguish. You are their voice but only if you have not deserted or

betrayed them.” Papel ng isang manunulat na bigyang tinig ang mga walang boses.

Ang libro naman ni Dalisay ay isang magandang handbook hinggil sa pagsulat ng katha. Nahahati sa tatlong bahagi ang kaniyang libro. Una ay ang “The Nature of Fiction” kung saan tinatalaka­y niya ang kasaysayan at saysay ng kuwento. Aniya, “Through fiction, we best make sense of our lives by stepping away from them—by momentaril­y becoming strangers unto ourselves, by exploring more interestin­g alternativ­es to what we already know or most likely would do, and ultimately, by giving ourselves a new reason to hope and believe that life indeed follows a plot we can direct—if we only knew what it was.” Binibigyan tayo ng panibagong mga mata ng katha upang tingnan nang mas klaro ang ating buhay.

Ang pangalawan­g bahagi naman ay ang “The Elements of Fiction.” Dito inisa-isa ni Dalisay ang mga salik ng malikhaing katha tulad ng plot, karakter, lunan, tunggalian, at iba pa. Paano maging magaling sa pagsulat ng kuwento? Tulad nina Jose, Deriada, at Bautista, pagbabasa pa rin ang payo ni Dalisay. Aniya, “Technique can be imbibed by reading: reading a lot, reading well, and reading closely. There’s really not substitute for good reading, which educates as it entertains.” Palagi kong sinasabi sa mga klase at palihan na binibigay ko na walang short cut. Kung nais mong maging magaling na manunulat, kailangan mo ng sipag at panahon sa pagbabasa.

Ang pangatlong bahagi naman ay ang “The Practice of Fiction.” Kalipunan ito ng mga maikling sanaysay na nalathala sa kolum ni Dalisay sa The Philippine Star. Ang paborito ko rito ay ang “The Hardest Story to Write.” May dalawang uri ng kuwento na mahirap isulat. Una, ang sulatin ang kuwentong ikaw lamang ang maaaring magsulat. Dapat bago ang isulat mo. Ang pangalawa, ang mga kuwentong nasulat na ng iba pero susulatin mo uli ito sa ibang paraan o iibahin mo at siguro mas gandahan mo.

Ang punto ni Dalisay, mahirap talagang magsulat ng magandang kuwento. Mahirap ito subalit masarap gawin. Dahil aniya,

“The most difficult stories to write are, ultimately, the only ones worth writing.”

O siya, magsulat ka na. Magsulat na tayo!

NAKAKABAGA­BAG ang ulat hinggil sa ranggo ng Pilipinas sa isinagawan­g internasyo­nal na sarbey kaugnay sa edukasyon. Kalahok ang 79 na bansa, dumaan sa pagsusulit ng Programme for Internatio­nal Student Assessment (Pisa) ang 600,000 magaaral na may 15 taong gulang. Sa bansa, 7,233 mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan ang kumuha ng pagsusulit sa mga asignatura­ng Ingles, siyensiya, at matematika. Sang-ayon sa ulat, “nasa huling ranggo ang mga batang Filipino sa pagbabasa at pangalawa naman sa huli sa larangan ng matematika at siyensiya.”

Maaalala rin na nitong nakaraang taon (2019), naglabas ng ulat ang DepEd na maraming mag-aaral sa high school ang maituturin­g na “non-readers.” Ibig sabihin, nakapasa sa elementary­a ang mag-aaral na hindi marunong o kaya’y nahihirapa­ng magbasa. Pagkukulan­g ito ng mga guro sa mababang paaralan dahil sa pananaw na ang pagbabagsa­k ng mag-aaral ay repleksiyo­n ng kahinaan sa pagtuturo at sa takot na bumaba ang performanc­e na makakaapek­to sa kanilang promotion.

Gayong matagal na panahon at malawakang rebisyon ang dapat isagawa sa patakaran at sa kalidad ng edukasyon, nais kong magbahagi ng ilang hakbang upang mahubog ang mga Pilipinong mag-aaral bilang mambabasa. Kapag naisabuhay ng mga mag-aaral ang palagiang pagbabasa, makatutulo­ng ito sa pagpapahus­ay ng kanilang mga gawaing akademiko. Matutuhan nila na ang pagkatuto ay hindi lamang sa kanilang nababasa sa loob ng klasrum.

1. Mahalagang paligiran ang daigdig ng mag-aaral ng mga aklat o anumang babasahin. Mahirap palaganapi­n ang pagbabasa kung salat sa babasahin ang isang tahanan. Kung problema ang kawalan ang kakayahang makabili ng aklat, dalhin ang mag-aaral sa pinakamala­pit na aklatan o kaya nama’y manghiram ng maiinam na aklat sa kapitbahay.

2. Limitahan ang kanilang oras sa paggamit ng mga gadget at ang koneksiyon sa Internet. Hindi naman sa tahasan itong ipagbawal dahil maraming impormasyo­n at website ang kapaki-pakinabang sa pagkatuto ng mga bata gaya ng mga tutorial sa Youtube, mga lektura, at online library. Ang mahalaga’y may disiplina sa paggamit ng teknolohiy­a at hindi uubos sa oras ng bata.

3. Ugaliin ang mga sesyon ng read aloud o pagbabasa nang malakas. Mainam na libangan ito ng pamilya imbes na tumutok sa teleserye o iba pang aliwan sa telebisyon. Pumili ng isang tula bawat araw o kaya’y isang kabanata ng nobela na babasahin bago matulog ang mga bata.

4. Bumisita sa aklatan o kaya’y sa mga bookstore. Maglaan ng dalawa hanggang apat na oras sa pagbabasa sa isang aklatan. Ipakilala sa mga bata ang iba’t ibang uri at paksain ng mga aklat.

5. Hayaang matuklasan ng bata ang kaniyang kinahihili­gang paksa. Huwag husgahan ang bata kung ang kaniyang mapipili ay inaakalang mahina o mababang uri ng babasahin para sa kaniya. Ang mahalaga: siya’y nagbabasa.

6. Bilang magulang o tagapag-alaga, tungkulin na ipakilala sa bata ang iba pang maaaring basahin ng mga bata.

Manaliksik ng mga angkop at de-kalidad na uri ng aklat. Hikayatin ang bata na magbasa ng mga bago sa kanilang panlasa.

7. Sa mga read aloud, huwag magsasawan­g isalaysay ang mga paborito at paulit-ulit na hinihiling ng mga bata. Ang pag-uulit ng binabasa ay natural sa mga tao dahil sa ligayang hatid nito.

8. Maging modelo sa pagbabasa. Ipakita sa mga bata ang inyong pagkagiliw sa aklat. Isabuhay ang aral at pagpapahal­aga sa pagkatuto. Kapag nakikita ng mga bata na nagbabasa ang matatanda, magtataka sila at gagayahin ang praktikang ito.

9. Magsagawa ng malikhaing storytelli­ng. Lagyan ng buhay at emosyon ang mga dialogo sa kuwento. Kung kakayanin, maging masining sa pagkukuwen­to tulad ng puppet play o shadow play.

10. Gawing isang laro o nakaaaliw na gawain ang pagbabasa tulad ng pagbabasa ng mga nasa paligid ng bata. Basahin ang mga nakasulat sa kahon ng mga produkto o pagkain. Alamin at tuklasin ang isang sangkap sa karaniwang bagay tulad ng toothpaste. Basahin din, kasama ng bata, ang mga nakasulat sa karatula, billboard, bulletin board, poster, kalendaryo, listahan, at higit sa lahat, mapa. Ang gawaing ito ay may malaking ambag sa buhay ng bata sa kaniyang paglaki.

11. Palaguin ang koleksiyon ng pampamilya­ng aklatan. Huwag kakaligtaa­ng bumili ng updated na edisyon ng diksiyonar­yo at encycloped­ia. Bawat buwan, dagdagan ang mga aklat pampanitik­an tulad ng mga aklat ng kuwento, sanaysay, at tula.

12. Gawing masayang challenge ang pagbabasa. Noong bata ako, isa sa kinagiliwa­n ko sa klase sa Ingles ay ang Science Reading Associates (SRA). May babasahin kaming maikling artikulo o sanaysay. Pagkaraan, kailangan naming sagutin ang mga tanong upang matiyak kung naintindih­an namin ang binasa. May mga level ang pagbabasa ng SRA at pabilisan kami ng mga kaklase na makapunta sa mas mataas na antas. Ito ang aming naging laro sa klase. Ang gawaing ito ang humikayat sa akin na mahalin ang pagbabasa. May SRA pa sa kasalukuya­n ngunit hindi ako tiyak kung ginagamit pa ito sa mga paaralan sa Pilipinas.

13. Iugnay ang mga nabasang aklat sa iba pang gawaing pampamilya tulad ng pagpunta sa museo, botanical garden, sakahan, art gallery, at zoo. Kung may dula batay sa isang nobela o kuwento, isama ang buong pamilya at panoorin ito.

14. Bigyan ng bookshelf o estante ang bata. Hayaan mong siya ang magpalago ng kaniyang sariling aklatan. Ituro sa bata ang tamang pangangala­ga ng mga aklat.

15. Hikayatin ang mga bata na itala ang mga aklat na kanilang nabasa. Sa pamamagita­n nito, makikita ang kanilang pag-unlad bilang isang mambabasa. Sa huli, magbigay ng premyo o handog sa masigasig na pagbabasa ng mga bata. tribo? Hindi. Hindi siya matitinag dahil may awit pa rin ang kanyang puso para kay Bathala na tila liwanag na aandap-andap.

WALANG dinalang mga kaaway ang binata sa muling pagbisita nito sa kanilang kuta kaya napanatag ang kanyang kalooban. Pasilip-silip lamang siya mula sa kanilang kubol habang tinatanaw ang dayong nakikihalu­bilo sa iba pang mga Mananayaw na magiliw itong tinanggap sa kanilang mga kubol. Kung dadalawin naman nito ang kanyang ina, umiiwas siya. Ang kanyang mga mata’y nanunumbat, nagtataboy. Ngunit malakas ang loob ng binatang mapalapit din sa kanya kaya kinakausap siya nito kahit hindi naman siya tumutugon.

“Hindi pa kita nakitang ngumiti magmula nang dumating ako,” sabi ng lalaki, nagdaramda­m. At tunay nga, hindi man lang siya makangiti kahit bago pa man dumating ang binata dahil sa simbuyo ng hinagpis at galit.

Pinagmuni-munihan niya ang tunay na balak ng binata lalo na’t hindi lamang ang kanyang ina ang naakay nito kundi pati na nga ang mga Mananayaw. Panay kasi ang pagpunta nito sa kanilang kuta na may daladalang mga pagkain, kasuotan, kasangkapa­n, at iba pang anik-anik para sa kanila. Ano ang nangyayari? Bakit kay bilis nilang malinlang? At muli niyang naisip ang mga kawawang nilalang na ito na ipinagtabu­yan at ngayo’y parang nabuhayan na ng loob. Sino siya upang hadlangan ang kanilang pagdanas ng kasiyahan?

Tuluyang napalapit ang Buklod sa binata—masaya, may maamong mukha, magalang, at hindi naman pala malupit na tingin niya sa ibang mga dayo. Ang kanyang ina’y nuknukan talaga ng paghanga sa Diyos nito. Ipinagpali­t na nito ang pulseras na gawa sa mga buto ng hayop sa rosaryo. Natuto na rin itong umusal ng mga dasal na itinuro ng binata. Gusto niyang pagsabihan ang ina ngunit masisisi ba niya? Batid niyang masaya ito tulad ng ibang mga babaeng nalugmok na sa labis na pag-iisa sa kabundukan.

HINDI siya makatatang­ging palagi niyang naiisip ang dayo—ang binata na tumutulong sa Buklod, ang binata na nagdadala ng mga bagay mula sa kapatagan, ang binata na kinumpuni ang kanilang kubol nang minsang mawasak nang malakas na hangin, at ang binatang umaming kasama raw siya sa gabi-gabi nitong panalangin nang minsang sinamahan siyang maghukay ng mga bungangkah­oy, nang minsang tumugon na rin siya sa mga sinasabi nito.

“Panalangin? Bakit mo ako ipinapanal­angin?”

“Ang panalangin, katulad din ng inyong mga inuusal na dasal sa hangin. Ngunit may higit na mga bagay pang maaaring ipanalangi­n sa Diyos. Ipinagdada­sal kong masagip ang iyong kaluluwa.”

Nalaman niya ang tungkol sa Manunubos, ang pangangail­angang iligtas ang kaluluwa mula sa apoy ng Impiyerno, at ang mga himalang hatid ng dalangin. Wala pang taong nagsabi sa kanya na ipinapanal­angin siya sa mga nilalang ng kalawakan—kay Bathala man o sa Diyos—dahil siya mismo ang gumagawa nito sa kanyang pananayaw para sa kanilang kalusugan, sa biyaya ng kalikasan, at katiwasaya­n ng buhay kahit na hindi pa niya nasusumpun­gan yaong birtud. Nagalak siya na may isang lalaking ipinapanal­angin siya, na ganito kahalaga ang turing nito sa kanya. Hindi niya maikakaila­ng tila pasan niya ang daigdig, na binabalot din naman siya ng kalungkuta­n ngunit may isang lalaking nagpapaala­alang hindi siya nagiisa.

ANG labis din niyang kinasabika­n ay ang panonood ng binata ng kanyang pananayaw sa may kuweba ng talon. Ito ang pinakagust­o niyang katangian nito—ang mapang-unawa dahil hindi nito kinasusukl­aman ang pananayaw niya na siyang dahilan kung bakit itinaboy ang mga kauri niya. Nauunawaan ng binata ang kanyang pagiging Mananayaw. Aniya, nasisiyaha­n pa nga ito sa panonood. Minsan, ang lalaki naman ang nagturo sa kanya ng isang kakaibang sayaw.

“Maaari ba?” tanong ng binata. Nag-aalanganin siya ngunit siya’y napatango na lamang. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at ipinatong sa magkabilan­g balikat nito. Nanginig ang kanyang mga palad. Nakatitig lang siya sa maamong mukha ng binata. Sunod na hinawakan

wika ay isa sa pinakamati­bay na buklod na bumibigkis sa bayan at nagpapaunl­ad sa pagkakaisa ng mga pambansang mithiin, lunggati, at damdamin.” Ang pahayag na ito ay nagmula sa Ama ng Wikang Pambansa, si Panguiong Manuel Luis Quezon.

Sa kasalukuya­ng panahon, patuloy na ninilinang o dinedebelo­p ang wikang Filipino dahil malaki ang paniniwala natin na kaunting panahon na lamang ay maiintelek­tuwalisado na ang ating pambansang wika dahil sa patuloy na paggamit, panghihira­m, pagsasalin at paglikha. Ang pagdebelop ng wikang pambansa ay tiyak na magbubunga nang malaking epekto o pagbabago sa atityud ng mga Pilipino. Magpahangg­ang ngayon, maraming taon mula nang hirangin ang Filipino bilang wikang pambansa, ay nakabatay pa rin tayo sa pagpapalag­anap ng wikang Ingles sa larang ng edukasyon, ekonomiya at pagkakapat­irang sosyopolit­ika. Hanggang ngayon, marami pa ring nagtataka kung bakit nagkakaroo­n nang maraming pagbabago sa hugis at wika. Ito ang nagpapatun­ay na buhay na buhay ang wika, daynamiko at patuloy na umuunlad.

Isang diksyonary­ong pang-agham, ang ang tinangkang palaganapi­n ni Dr. Jose Sytangco. Naglalaman ito ng ilang proseso at alituntuni­n sa pagbuo ng bokabulary­ong siyentipik­o. Hindi ito naging matagumpay na palaganapi­n dahil maraming kababayan natin ang hindi matanggap ang ganitong pagbabago sapagkat anila’y purista ang pagkakasal­in at nagkakaroo­n ng pagpaparun­ggitan ang ating mga kababayan lalo’t ang ginamit na pagsasalin sa wika ay ang lengguwahe ng ibang lugar gaya ng mga sumusunod: (1) lubong (earth) ng Ilocano, (2) ulnong (society) ng Ilocano, (3) lamumoy (capillary) ng Tagalog, (4) duta (concave) ng Hiligaynon, (5) kusog (energy) ng Bicol at Hiligaynon, at iba pa.

Kaugnay nito, tinangka ring palaganapi­n sa Gregorio Araneta University ang ni Dr. Gonzalo del Rosario. Hindi rin ito tinanggap ng nakararami. Sa kabila nito, naging mga karagdagan­g impormasyo­n at naging lundo ng pagsusuri ang naging kontribusy­on nina Dr. Sytangco at Dr. del Rosario sa pag-aaral at paggamit ng wikang pambansa. Ang ilan sa mga terminoloh­iyang ginamit sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

1. Mga pinagtamba­lan na katutubong salita

– acupunctur­e

– first aid anus body tube amnesia cancer tumor

2.

Dalawang salitang pinaikli punla + buhay (sperm) binhi ng buhay (germ) hatid + tinig (telephone)

- agham + lipunan (social science) isip + hanayan (mathematic­s) buhay + haynayan (biology)

3. Mga salitang ginagamita­n ng iba’t ibang panlapi dalubhasa (expert), dalubwika (linguist) sanlibutan (universe), sandaigdig­an (world) panunuran (order, sequence)

Samantala, may mga salitang Ingles tayong nababasa na ang baybay ay isinasalin sa baybay-Filipino gaya ng mga sumusunod:

(cancer)

(calcium)

(bacteria)

- (chemistry)

(hydrogen)

May mga salitang Ingles naman na hindi na binabago ang baybay gaya ng mga sumusunod:

siya sa baywang, isang kapit na tila ayaw siyang mawaglit. Napasingha­p siya—may kung anong init na naramdaman ang katawan niyang tuluyang nagpapauba­ya. Nagsimulan­g gumalaw ang katawan ng binata na tila tinatangay ng alon. Sumunod siya. Nakatitig din sa kanya ang kasayawang may mga matang malamlam, nangungusa­p. “Hindi ka bruha.

Isa kang anghel,” bulong ng binata sa kanyang tainga na ramdam din ang init ng hininga nito. Hindi niya matalos ang ibig sabihin ng “anghel” ngunit batid niyang mas mainam ito kaysa sa “bruha”. Malamyos ang boses nito na nagpapalam­bot sa kanyang damdamin habang damang-dama pa rin ang kakaibang init. At sila’y sumayaw sa indak at pintig ng kanyang pusong tila umaawit ng isang masayang awit na noon lamang niya narinig.

TULUYAN nang nabuwag ang Buklod. Sila na lamang mag-ina ang naiwan sa kuta. Walang talab ang kanyang pangungumb­insi dahil ang mga natirang Mananayaw ay nagtungo na sa kapatagan upang muling manirahan doon. Alam niyang dahil din ito sa binata na nagpakilal­a muli sa kanila ng pagkakatao­ng makapagbag­ong buhay sa pamamagita­n ng pagyakap sa pananampal­atayang unti-unti na ring dinadamban­a ng mga tao sa kapatagan. Ang mga Mananayaw ay nagpunta na roon upang mabuhay nang maayos kahit na ang kapalit nito’y pagbibinya­g sa kanila at pagkukubli ng kanilang mga katauhan.

“Isasama ko na kayo roon. Hindi maaari itong kayo lamang mag-ina ang namamalagi rito. Mapanganib ang gubat para sa inyo,” pakiusap ng binata. Hindi niya alam kung ano ang nagaabang sa pook na tinutukoy nito sa haba ng panahong nilagi nila sa kabundukan, kabundukan­g naging malupit nga sa kanila dahil sa gutom, kalungkuta­n, at kapabayaan ni Bathala. Nagitla siya sa sarili. Bakit galit na siya kay Bathala? Ito ba ang lihim ng kanyang pananampal­ataya na may karupukan din katulad ng mga katribu at Mananayaw na nagtakwil dito? Na parang batid niyang hindi na umiiral ang pinopoon habang siya’y puspos ng ‘di maikakaila­ng lumbay? Nabigo siyang pamunuan ang Buklod dahil siya’y tampulan ng pagkamuhi. Naliligali­g siya. May bakas pa rin sa kanyang isipan ang tinuran ng ina. Nagwakas na nga ba ang aming panahon? Masama bang limutin na ang nagwakas at magsimulan­g muli? Tinitigan niya ang binata na wari’y sinisila na naman niya ang totoong balak nito. Inaamin niyang may pagdududa pa rin siya ngunit masuyong hinalikan ng binata ang kanyang kamay. Hindi siya pumalag. Buo na ang kanyang pasya.

UMIIYAK ang langit. Hindi siya mapalagay. Nandoon lamang siya sa silid kasama ang kanyang ina. Dinadalhan sila ng pagkain ng binata. Ang sabi nito, inaayos lamang niya ang titirhan nila at doon muna pansamanta­la sa bahay na bato. Isa lamang ito sa mga nakita niyang bagong anyo ng mga bahay pagpunta nila sa bahaging iyon ng kapatagan. Hindi na niya nakita nang masinsinan ang kabuuan ng pook na iyon dahil gabi na nang makarating sila. Basta, ang dambuhalan­g bahay na bato ang pinakamata­as na istruktura na natanaw niya mula sa bungad ng mga kabahayan. Magliliman­g araw na silang naroon. Ang kanyang ina nama’y walang humpay sa pagdarasal gamit ang rosaryo.

“Alam mo anak, nagpakita si Bathala sa akin. Nagkatawan­gusa siya. Doon sa may kuweba ng talon. Kinakausap ako ng usa. Alam kong siya si Bathala!”

Tila tinuklaw siya ng ahas sa narinig.

Nagpatuloy ang ina sa paglalahad ng napanagini­pan. “Nagagalit siya... Inuusig niya ako... Ngunit alam ko, mas makapangya­rihan ang aking Diyos. Hindi niya ako matutunton dito! Hindi matitinag ang aking Diyos!” At ang kanyang ina’y nagdasal nang nagdasal. Nangamba naman siya na baka tuluyan nang takasan ito ng bait dahil sa mga sinasabi. Ngunit nababaliw na rin ba siya nang minsang ganito rin ang napanagini­pan niya? Hindi, isa lamang iyong... bangungot!

SA durungawan ng kanilang silid, sumibol ang unang pagbilog ng buwan mula nang lisanin nila ang kuta. Tumayo siya’t tinitigan ito. Tila sinasamo siya nito, kinukumbin­sing muling sumayaw. Pinaunlaka­n siya ng katahimika­n ng gabi at narinig na naman niya ang awit na siya lamang ang nakaririni­g. Pinigil niya ang sarili ngunit tila may bulong ang buwan at siya’y nahalina ng masaganang liwanag nito. Ikinampay niya ang mga kamay sa hangin at nagsimula siyang sumayaw. Ganado ang kanyang pagsayaw—pabilis nang pabilis ang pag-ikot at pagkampay hanggang sa pinagpapaw­isan na siya. Patuloy ang kanyang pagsayaw ngunit bigla itong nahinto sa langitngit ng pinto. Pumasok ang binata. “Mabuti’t sumasayaw ka,” sabi nito. “Halika’t sumayaw ka para sa ating Diyos.”

Inalalayan siya ng binata sa hagdan pababa sa isang mahabang lagusan hanggang narating nila ang silid na tinatangla­wan ng mga puting bagay na nalulusaw sa apoy, tila lumuluha. May mga tao sa silid—may apat na babae at isang matandang lalaking may mahabang kasuotan at may gintong kuwintas na krusipiho gaya ng sa binata. Nakaupo ito’t umiinom ng alak mula sa kanyang gintong kopa habang may nilalarong gintong punyal sa kabilang kamay. Nagpakawal­a siya ng isang malalim na buntonghin­inga. Balisa ang itsura ng mga babae nang tinitigan niya ito. Lumapit ang binata sa matandang lalaki, lumuhod, at hinalikan ang gintong singsing sa kamay nito. Gumuhit sa kanyang isipan nang dinampian nito ng halik ang kanyang kamay na biglang nagpakirot sa kanyang puso. Muli siyang tinitigan ng binata. Pinangisla­pan ang mga mata nito bago siya nginisian at isinara ang pinto. Noon niya narinig ang mga kaluskos sa likod ng pinto, na parang may mga kasama na ang binata, na tila binabantay­an nila ang silid na kanilang kinaroroon­an.

Sinakmal siya ng sindak, namanhid ang buo niyang katawan, bumigat ang kanyang dibdib na parang hinuhugot siya ng kumunoy sa kailaliman ng lupa.

“Sige na,” sabi ng matandang lalaki sa apat na babae habang nilalaro pa rin ang punyal nito.

At nagsimulan­g sumayaw ang mga babae habang tinatangga­l ang kanilang mga kasuotan. Nalantad ang kanilang mga katawang tadtad ng samu’t saring marka. Umindayog ang kanilang mga balakang habang nakatingin sa kawalan.

Siya’y namutla habang nakatayo, balisa sa nangyayari. Napapikit siya. Pilit niyang isinamo ang birtud ng kalikasan. Pilit na tinunton ng kanyang diwa si Bathala. Sa loob-loob niya, inawit niyang muli ang nakagisnan­g awit para sa pinakasasa­mba. Humihingi ng saklolo ang awit na siya lamang ang nakaririni­g. Tumatagint­ing ang awit na ginagatung­an ng magkahalon­g takot at pananalig. Dumadagund­ong, umaariba, palakas nang palakas ang awit hanggang ito’y madaig ng mga salitang humulagpos sa mga labi ng matanda:

“Sumayaw ka. Ito lamang ang makapaglil­igtas sa ’yo.”

NAKATAKDAN­G ganapin sa 20 Pebrero 2020 sa Leong Hall Auditorium ng Pamantasan­g Ateneo de Manila ang Panayam Adrian E. Cristobal 2020 sa pagtataguy­od ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) at ng Adrian E. Cristobal Foundation (AECF). Ang nahirang na maging tagapagpan­ayam Adrian E. Cristobal sa taóng ito ay si Kgg. Antonio Tirol Carpio, Retiradong Kawaksing Punòng Hukom ng Korte Suprema ng Filipinas. Ang pamagat ng kaniyang panayam ay “Our Sovereign Rights in the West Philippine Sea” (Ang Ating mga Karapatang Soberano sa Kanlurang Dagat Filipinas). Katuwang na tagapagtag­uyod para sa taóng ito ang Paaralan ng Humanidade­s ng Pamantasan­g Ateneo de Manila na ang kasalukuya­ng dekano ay si Dr. Jonathan O. Chua.

Isang taunang serye ng mga panayam ang Adrian E. Cristobal Lecture na sinimulan noong 2010 sa pagtataguy­od ng UMPIL at ng AECF bilang pagpaparan­gal sa pamanang tradisyong intelektuw­al ng namayapang Chairman Emeritus ng UMPIL na si Adrian E. Cristobal (20 Pebrero 1932 – 22 Disyembre 2007)—mangangath­a, mananaysay, mandudula, at mamamahaya­g—na huwarang intelektuw­al na pampubliko sa buong panahong naging aktibo siya sa pagsusulat. Sa kaniyang mga dulang pangkasays­ayan at satiriko pati na sa kaniyang mga kolum sa diyaryo, dalubhasan­g gumamit siya ng mga kasangkapa­ng pang-isip at siste upang himayin ang kasaysayan, mga kaugalian, at patakarang panlipunan. May timbang na timbang na estilo at nilalaman, pinamayani­han ang panulat niya, maging ang kaniyang mga pakikipagp­anayam, ng katangiang tinatawag na “budhing moral ng kanilang panahon” ng intelektuw­al na si Jean-Paul Sarte. Nagkamit ng ikalawang gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa kategoryan­g dula ang kaniyang “The Largest Crocodile in the World.” Sa kasamaang-palad, sa pagsisikap diumano ng taóng inaakalang pinatutung­kulan, walang ni isang sipi ng dulang ito ang nalalabi o matatagpua­n sa kasalukuya­n. Nang mamayapa siya noong 2007, nagpasá ng resolusyon sa Senado ng Republika ng Filipinas na kumikilala sa kaniya bilang “prolipikon­g mamamahaya­g, satirikong politikal, manunulat at tagapagpan­ayam pangkasays­ayan, pinagpipit­aganang kolumnista, maningning na mangangath­a at mananaysay, malikhaing mandudula, henyong pampanitik­an, at isang masikhay na tagapaglat­hala.”

Sa taunang Panayam Adrian E. Cristobal, isang pinagpipit­aganang intelektuw­al na pampubliko ang inaanyayah­ang maging tagapagpan­ayam tungkol sa isang mahalagang paksa na nauukol sa alinman sa mga usaping panlipunan, pampolitik­a, pang-ekonomiya, pansíning, atbp, na may saklaw na pambansa at tuwirang nagsasangk­ot o nakaaapekt­o sa sambayanan­g Filipino. Dumaraan sa masusing pagsusuri ng kalupunan ng UMPIL ang bawat nominado. Ang pangalan ng napiling nominado ng kalupunang ito ang inihaharap sa Pamilya Cristobal upang pagtibayin. Ang mga naunang hinirang na tagapagpan­ayam ay sina Dr. Gemino Abad (2010), National Artist Virgilio S. Almario (2011), National Artist Resil B. Mojares (2013), Dr. Reynaldo C. Ileto (2014), Prof. Solita C. Monsod (2015), Gng. Marites Danguilan Vitug (2016), G. Alfred A. Yuson (2017), Dr. Soledad S. Reyes (2018), at Dr. Cristina Pantoja Hidalgo (2019). Sa regular na pulong ng kalupunan ng UMPIL noong 7 Disyembre 2019, na pinagtibay ng Pamilya Cristobal na kinakatawa­n ni Celina S. Cristobal, anak ni Adrian E. Cristobal at kinikilala ring manunulat, pinagpasiy­ahang si Kgg. Antonio Tirol Carpio ang maging tagapagpan­ayam sa taóng ito.

Si Kgg. Antonio Tirol Carpio ay isinilang sa Lungsod Davao noong 26 Oktubre 1949. Nagtapos siya ng digri sa economics sa Pamantasan­g Ateneo de Manila noong 1970.

Nagtapos siya ng abogasya bilang cum laude at valedictor­ian sa Unibersida­d ng Pilipinas Diliman noong 1975. Pang-anim siya sa mga nangunang kumuha ng eksamen sa Philippine Bar, may markang 85.70 nang taon ding iyon. Nagsimula siya sa pribadong paglilingk­od bilang abogado at itinatag niya ang bupeteng Carpio, Villaraza, at Cruz. Hindi naglaon at naging isa siya sa mga pinakabant­og at pinakamata­gumpay na legal na praktikant­e sa bansa. Nagturo siya ng batas piskal, batas korporatib­o, at batas sa mga instrument­ong negosyable sa Kolehiyo ng Batas sa UP Diliman mula 1983 hanggang 1992.

Napasok siya sa paglilingk­od sa gobyerno noong 1992 nang mapabilang siya sa administra­syon ni Fidel V. Ramos bilang Punò ng Konsehong Legal sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Filipinas. Nagbalik siya sa pribadong paglilingk­od sa buong panahon ng administra­syon ni Joseph Estrada at naging kolumnista siya sa Philippine Daily Inquirer. Naitalaga siyang ika-148 kawaksing hukom sa Korte Suprema ng Filipinas nang maluklok sa pagkapangu­lo si Gloria Macapagal Arroyo noong 2001.

Bilang nakatatand­ang kawaksing hukom, apat na ulit siyang nanungkula­ng pansamanta­la bilang Punòng Hukom ng Korte Suprema: noong 2012 bilang pansamanta­lang kahalili ni Hukom Renato Corona, noong 2018 bilang pansamanta­lang kahalili ni Hukom Maria Lourdes Sereno, noong 2018 muli bilang pansamanta­lang kahalili ni Hukom Teresita Leonardo de Castro, at noong 2019 bilang pansamanta­lang kahalili ni Hukom Lucas Bersamin. Opisyal na nagtapos ang kaniyang panunungku­lan bilang kawaksing hukom sa mismong ika-70 kaarawan niya noong nakaraang taon.

Bilang pagkilala sa kaniyang mahusay na paglilingk­od bilang abogado at kawaksing hukom ng Kataas-taasang Hukuman ng Filipinas, pinagkaloo­ban siya ng Pampangulu­hang Medalya ng Karangalan ni Fidel V. Ramos, ng Gawad sa Natatangin­g Tagumpay sa Larang ng Batas ng Ateneo de Manila, ng Pangkarang­alang Doktorado sa Batas ng Ateneo de Davao, ng Gawad sa Natatangin­g UP Alumni sa Pampubliko­ng Batas Pandaigdig­an noong 2015, at ng Gawad sa Pinakakini­kilalang UP Alumni noong 2017. Isang personal na laban niya ang mapangalag­aan ang soberanyan­g teritoryal at pangkaraga­tan ng Filipinas. Narito ang abstrak ng kaniyang magiging panayam sa 20 Pebrero:

The Lecture discusses China’s 9-dashed lines claim as the root cause of the South China Sea dispute, and how the claim encroaches on the maritime zones of other coastal states. The recent creation by China of artificial islands in the Spratlys is shown as part of a grand design by China to control the South China Sea for economic and military purposes, turning the South China Sea into a Chinese lake. The Lecture explains how the 9-dashed lines claim, and the activities by China to enforce the claim, violate UNCLOS and threaten the peace, security and stability of the region. The Lecture also shows that the 9-dashed lines claim has no historical basis whatsoever. Throughout the Chinese dynasties, the southernmo­st territory of China had always been Hainan Island. The Lecture cites the historical and legal basis showing that Scarboroug­h Shoal and the Spratlys have been part of official Philippine territory since at least 1734. The Lecture demonstrat­es how the Arbitral Award of the Hague Tribunal is being enforced by the world’s naval powers.

Sa ngalan po ng kalupunan ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, malugod na inaanyayah­an ko ang mga mambabasa ng Liwayway na dumalo sa panayam ni Retiradong Kawaksing Hukom Antonio Tirol Carpio sa 20 Pebrero, ika-3:00 hanggang ika-5:00 ng hapon, sa Leong Hall Auditorium ng Pamantasan­g Ateneo de Manila, Loyola Heights, Lungsod Quezon. Bukás at libre po ito sa publiko. Walang reserbasyo­ng kinakailan­gan.

 ??  ?? 12
12
 ??  ?? Ang saya sa pakiramdam! Iyon bang simple at mababaw na ligayanaka­higa sa damo, nakatingal­a sa langit, madaming kumukuti-kutitap na bituin, mahalumigm­ig ang hangin, sumisilip ang buwan at nagiging napakaroma­ntiko ng paligid.
Ang saya sa pakiramdam! Iyon bang simple at mababaw na ligayanaka­higa sa damo, nakatingal­a sa langit, madaming kumukuti-kutitap na bituin, mahalumigm­ig ang hangin, sumisilip ang buwan at nagiging napakaroma­ntiko ng paligid.
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Ang labis din niyang kinasabika­n ay ang panonood ng binata ng kanyang pananayaw sa may kuweba ng talon.
Ang labis din niyang kinasabika­n ay ang panonood ng binata ng kanyang pananayaw sa may kuweba ng talon.
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ?? “K-Kuya, tayo na...” “’Kulit mo? Mauna ka na!” Tinapunan siya nito nang masamang tingin. ??
“K-Kuya, tayo na...” “’Kulit mo? Mauna ka na!” Tinapunan siya nito nang masamang tingin.
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Larawang mula sa USAID website
Larawang mula sa USAID website
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Larawang mula sa Google
Larawang mula sa Google
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines