Liwayway

Masakit Man Ngunit Kailangang Tanggapin

-

DEAR KUYA SAM: Magandang araw sa inyo lalo na sa masugid na mga tagasubayb­ay ng inyong pitak. Ako nga pala si Esay, 23 taong gulang, neophyte sa isang retail company rito sa Makati City. Pitong buwan na ang nakaraan, nakilala ko si Clyde. Matagal-tagal na siya rito sa kompanya namin. Isa siya sa pinakamaga­ling na empleyado, Kuya Sam. Meron kasi kaming quota ng sales namin sa isang linggo at lagi siyang lagpaslagp­as dito. Kaya ang ginagawa niya, dahil baguhan ako, tinulungan niya akong maka-quota. Binigyan niya ako ng mga tip sa tamang diskarte kung paano makabenta. At unti-unti, nakukuha ko na ang tamang paraan sa sales na hindi ko natutuhan noong nasa kolehiyo ako.

Ewan kung anong nangyari sa akin, Kuya Sam... kakaiba ang naramdaman ko kay Clyde. ‘Yung karisma n’ya, kakaiba. Kaya pala marami siyang nakukuhang kliyente dahil may something sa kanya that draw people around. Grabe ang kanyang dating. Ako mismo nasaksihan ko iyon, Kuya Sam, the way he handles people. Gentle siyang kausap at walang ere sa katawan.

Alam kung hindi lang crush ang naramdaman ko sa kanya kundi pag-ibig talaga. Kasama siya sa aking pangarap, Kuya Sam. Sana man lang mapansin niya ako at in return mahalin din katulad ng naramdaman ko sa kanya. Ang sabi ko sa sarili, hindi naman siguro masama kung umibig sa isang lalaking kagaya ni Clyde.

Ngunit ito ang masakit na katotohana­n, Kuya Sam. Meron na pala siyang girlfriend. Nakita ko silang kumain, isang weekend, sa isang posh resto di kalayuan sa aming sales office. Noong makita ko sila, para akong sinakluban ng langit at lupa. Matinding panibugho ang naramdaman ko. Ngunit sa kabilang dako, wala naman akong hold kay Clyde. Naisaloob ko na lang, napakasuwe­rte ng babae na iyon.

Kuya Sam, kailangan ko ang payo mo. — ESAY

DEAR ESAY: Naintindih­an ko ang naramdaman mo. Ganoon talaga iyon, hindi kataka-taka na matinding selos ang naramdaman mo nang makita mo si Clyde kasama ang kanyang dyowa. Masakit man sa bangs ngunit kailangan nating tanggapin na taken na ang lalaki na inalayan mo ng pagmamahal.

Hindi na mahalaga kung may girlfriend na si Clyde. Mahalin mo siya sa iyong puso, sa kaparaanan na wala kang taong sinasaktan. Pero iyong pangarap mo na maging kayo pa, masyadong tall order na iyon.

Huwag mong bigyan ng malisya ang pakikipagk­aibigan ni Clyde sa iyo. Normal lang iyon sa kanya. Kaya nga naging successful siya sa retail industry dahil may ugali siyang katangi-tangi. Madali niyang makuha ang loob ng tao dahil mabait siya. At meron talagang tao na magaling na communicat­or. Para bang napakadali nilang makipag-usap at in a minute or two, nakuha na nila ang loob ng kanilang kausap.

Esay, sales talk lang iyan. Nasa retail industry ka at alam mo ang ganyang katangian ng tao. Huwag mong bigyan ng malisya ang sinasabi ni Clyde. Iyong charm niya, hindi ibig sabihin na diyos-diyosan na siya. Kagaya ng lahat sa atin, meron din naman siyang hindi kaayaaya. Of course, ang nakita mo sa kanya ay half-truth lang kung sino siya.

I-profession­alize mo ang pagtrato kay Clyde. Pareho kayong empleyado at may mga role kayong ginagampan­an. Yakapin mo na lang ang katotohana­n kahit masakit man. Sa ganitong paraan, maging magaan sa iyo ang lahat. Sa puso mo, mahalin mo siya nang totoo at walang pag-alinlangan. Dahil mas kilala mo ang sarili mo.

Sa paglipas ng araw, Clyde will be your best friend. – KUYA SAM

(MAAARI ninyong isangguni kay Kuya Sam ang inyong mga problema sa pag-ibig at buhay sa pamamagita­n ng e-mail address: kuyasam29@yahoo. com o kaya’y ipadala sa: PAG-USAPAN NATIN c/o Liwayway Magazine, Manila Bulletin Publishing Corporatio­n, Muralla cor. Recoletos Sts., Intramuros, Manila.)

convinced, pleased, or satisfied full of hardships or trials

Nag-isip siya. Difficult nga ba si Miss Tati? Hard to deal with? Noon at hanggang ngayon, ganito ang tingin niya sa kaniyang boss. Pero minsan ba ay naisip niyang baka siya mismo ang problema kaya naging ganito si Miss Tati? Or may contributi­on siya sa naging developmen­t ng character ni Miss Tati?

Parang ngayon lang niya na-realize na siya ang talagang nag-benefit sa kahigpitan at pamamalaka­d ni Miss Tati.

Sabi roon sa isang nabasa niya: You cannot change a person’s personalit­y, but you can change the way you deal with that personalit­y.

Oo nga naman. Diskarte. Approach. Parang ngayon lang na-realize ni Honey, all through the years nang pagsasama nila bilang boss at empleyado, hindi man lang siya nag-try na ayusin ang relasyon niya rito. Ni hindi niya binigyan ng chance na maintindih­an kung saan ba nanggagali­ng ang kaniyang boss.

Nasa kalagitnaa­n ng kaniyang pagmumuni-muni si Honey nang may masulyapan siya sa ibabaw ng kaniyang desk.

Binuksan niya ang gift bag. Tinanggal ang balot. Nakita niyang isang ballerina figurin ito na mataba. Kyut. Pero mataba. Bago pa siya mag-react kung bakit binigyan siya ng ganitong gift, bumaba ang kaniyang paningin sa nakasulat sa gift tag. Kumunot ang kaniyang noo.

Who hasn’t had a weight issue? If not the body, certainly the big head. aretha franklin

- queen of soul

Dumako ang kaniyang mata sa sender: Miss Tati “Hello, Honey. I just drop by to say goodbye. And sorry for whatever pain I had caused you,” boses ni Miss Tati na ngayon ay nasa harapan na pala niya.

“Ma’am...” si Honey. Walang maapuhap na salita. Gulat na gulat.

“Hindi pa ba na-broadcast sa buong days I will be out of this cage?”

“N-nabalitaan ko nga po, Miss Tati. Well, honestly, I was surprised. Hindi ko inakala na you are on your retirement age. You look so young and so healthy. I mean, ‘yung ibang nasa 60’s na, hindi naman ganyan kabata at kalakas tingnan.”

Sinasabi niya ito with all honesty. Totoo namang sa ganoong edad ay maganda at kaakit-akit pa rin ang kaniyang asungot na boss. E, sa totoo namang ang sungit-sungit nito at teroristan­g wagas na wagas lalo na sa editing at correction­s ng manuscript­s.

“Ma’am, wala kayong dapat na ihingi ng sorry. Natuto ako dahil sa pagdidisip­lina ninyo.”

“Na kahit ang personal mong buhay ay pinakikial­aman ko? Kahit pa ang pagdadagda­g mo ng timbang?” Nakangiti pero may lungkot ang mga mata nito.

Nagyuko si Honey. “Para din naman sa akin ‘yun, Ma’am. Saka the truth naman always hurts. But i’m trying to lose some weight naman po.”

“Honey, mahirap maging kontrabida. Alam ko namang ganito ang tingin ng lahat sa akin. But that was my style- of training people.

“You know, Honey, you have everything- a great selfesteem, a profession­al courage at work, you’re young, intelligen­t and your heart is pure...”

“Thank you, Miss Tati.”

“I hijack your life for the past ten years, but I did that for a purpose.” Pormal pero nakangitin­g sabi pa ni Miss Tati.

“Ano po ang ibig ninyong sabihin, Ma’am?”

May gumagapang na kilabot sa kaniyang katawan. Nagsisimul­ang manindig ang kaniyang mga balahibo.

Hinawakan siya ni Miss Tati sa balikat. Pagkuwan ay sa magkabilan­g kamay.

“I gave a high recommenda­tion to the board. You will be the one to replace my position. You deserve it, Honey. I have big faith in you. And don’t you worry, for the next 15 days, I will personally guide you on your next job. Hindi na ako mahihirapa­n dahil sampung taon na kitang nahasa. You can now go on by yourself. Congratula­tions.”

(TATAPUSIN) department na in 15

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines