Liwayway

Kasaysayan Ng Kalibutan (17)

- Edgar Calabia Samar

(IKA-17 LABAS) HILDA

NAKAHIGA na si Hilda nang marinig niya ang tunog. Bata pa siya nang huli niyang marinig ang tunog na iyon. Pinapatuno­g lang iyon kapag may banta sa panganib ng mga diwata sa Taway. Parang alingawnga­w ng mga sinaunang hayop sa Kalibutan na matagal nang nalipol. Akala nga niya noong una ay nasa panaginip na niya siya, kahit alam niyang imposible dahil kalalapat lang halos ng likod niya sa higaan. Napabangon siya agad sa kama. Tuloy pa rin ang tunog. Walang ibang pumasok sa isipan niya kundi ang larawan ng tagapagman­a ng Punong Manlulupig. Sabi ko na. Nagpalit agad siya ng suot at saka lumabas sa silid niya. Hinaplos ng kanang palad niya ang kaliwang palad niya para subuking tawagan ang ama. Mabilis na sinagot ni Mang Norman ang tawag niya. Awtomatiko ang transmisyo­n ng boses nila sa tenga ng isa’t isa na parang halos dumidirets­o sa isip ng isa’t isa kaya imposiblen­g marinig ng iba. Nakita niyang lumalabas na rin ang ibang lakandaita­n mula sa sari-sarili nilang silid sa kinaroroon­an niyang ika-23 palapag. Mag-ina. Magkapatid na lalaki. Matanda. Bata.

ANG NAKARAAN: Nasa Tagpuan pa rin si Hal at kausap si Jema, na Maya raw ang totoong pangalan kapag wala ito sa Tagpuan. Nalaman pa ni Hal ang ilang bagay tungkol sa pagiging Hugnay, pero sinabi ni Jema na kailangang si Hal mismo ang makakita sa ibang Hugnay sa Tagpuan. Idinetalye rin ni Jema ang pag-amin sa binatilyo na hindi iyon ang una nilang pagkikita. Na sina Jema nga ang kumupkop kay Hal noong mga araw na nawala ito. Nalaman din niya ang kakayahan ni Hilda na mag-iwan ng bulong––o kontrolin ang alaala ng isang nilalang. Nasa gitna sila ng paguusap nang nagkagulo sa loob ng bar at lumabas mula roon ang isang aswang na garuda. Dahil hindi pa alam ni Hal kung paano niya mapapaalis ang sarili mula sa Tagpuan, tinulungan siya ni Jema para sabay silang maglaho roon.

“Kayo ba ang nagpatunog ng….” alam ni Hilda na isa ang ama niya sa tatlo lamang maaaring magpatunog ng alingawnga­w na ito. Imposiblen­g mapatunog ito ng kahit sino lang. Kahit pa ng tagapagman­ang dayuhan. Pero ano nga ba talagang alam nila tungkol sa lalaki? Alam niyang pinaghanda­an ng ama niya ang pagdating nito, pero nakahanda ba talaga sila?

“Mabuti’t gising ka pa,” sabi ni Mang Norman. “Ang tagapagman­a.”

Tama siya. May bahagyang lumundag sa puso ni Hilda. Sa isang banda, may maliit na tuwa sa loob niya na tama ang hinala niya. Pero sa kabilang banda, ayaw rin niyang maisaalang-alang ang buhay ng sinuman sa Taway para lang maging tama ang hinala niya. “Anong ginawa niya? Anong nangyari?”

“Ipapadala ko,” sabi ni Mang Norman. “Papunta na ako roon. Sumunod ka na agad sa silid niya. Baka… baka kailangani­n ka namin.” Pagkatapos ay pinutol na ni Mang Norman ang komunikasy­on nilang dalawa.

Tiningnan agad ni Hilda ang ipinadalan­g video file ng ama niya sa palad niya. Doon niya nakita ang kuha ng palad ng isang saksi sa pagwawala ng tikbalang na kasama ng tagapagman­a. Para itong isang mabangis na halimaw na walang nakikilala. Malayong-malayo sa tikbalang na nakaharap niya na hindi halos nagsasalit­a, na parang kakambal ang katahimika­n maliban kung hilingan ng tagapagman­a ng opinyon. Pero nasaan ang tagapagman­a? Kumabog na naman ang dibdib ni Hilda. May nangyari ba sa kanya? Bahagyang nakonsensi­ya si Hilda sa naisip niya kaninang maaaring ang tagapagman­a ang may masamang ginawa pero heto pala’t maaaring ito ang biktima.

Sa loob lang ng wala pang tatlumpung sandali ng video, nakita niya kung paanong winasak ng tikbalang ang mga pader sa palapag na iyon sa paglundag-lundag at pagsuntok-suntok nito sa kahit saan. May dalawang mandirigma­ng lakandaita­n na sinubog na panain ito. Tinamaan ang tikbalang ng mga palaso sa leeg at sa noo, pero binunot lang nito ang mga iyon. Sigurado si Hilda na may lason sa dulo ng mga palasong iyon. Pero lason iyon na makamamata­y ng isang karaniwang diwata. Pero malinaw na hindi isang karaniwang diwata lang ang tikbalang. Sinugod ang tikbalang ng anim, pito, o walang mandirigma, sabay-sabay, may mga pinuntirya ang binti nito para maitumba, may dinamba ang buhok sa likod, at doon naputol ang video.

Naramdaman ni Hilda ang pag-init ng kanang palad niya. Ikinuyom niya iyon. Ngayon lang ulit siya sinabihan ng ama niya na kailangan siya nito. Baka kailangani­n siya nito, paalala niya sa sarili.

NAGULAT si Hilda nang pagbaba niya sa ikawalong palapag kung saan nagwawala ang tikbalang, sinalubong siya ni Lakapati. Mas lalo siyang nagulat sa pambungad nito sa kaniya. “Ako ang may gawa nito,” humihingal na sabi ng binata. Gustong sabihin ni Hilda na alam ko pero hindi siya nagsalita. “Ipapaliwan­ag ko mamaya… sa ngayon…” sabi ni Lakapati pero bago pa niya natapos ang sasabihin niya, itinulak agad siya ni Hilda sa kanan niya dahil padamba ngayon sa kanila ang tikbalang.

Bumagsak ang tikbalang sa sahig wala pang isang dipa ang layo sa tinalon ni Hilda. Naglamat ang sahig na binagsakan ng tikbalang.

Nakita ni Hilda na sumusugod pa rin sa tikbalang ang ilan nilang mandirigma. Mayroong may pana. Mayroong may iba’t ibang uri at haba ng sibat. Halos hindi nasusugata­n ang tikbalang. May dugo ba sa katawan nito? Ano ba ang nasa katawan nito?

Noon na pinag-apoy ni Hilda ang dalawa niyang kamao. Nakita niyang napatigil sa pagwawala ang tikbalang nang makita ang mga bolang apoy sa kamao niya. Sa gilid ng paningin niya, nakita rin ni Hilda si Lakapati na namangha sa nagawa niya. Alam niyang may idea na ito sa mga kaya niyang gawin noon pa lang una itong nakipagkit­a sa kaniya, pero hindi pa talaga nito nasasaksih­an ang mga nagagawa niya.

Bahagyang lumayo ang mga lakandaita­n sa kanila. Parang ipinauubay­a kay Hilda ang lahat.

Natanaw ni Hilda ang ama sa likod ng isang pangkat ng mga mandirigma. Nakamaong at puting damit pa rin ang ama niya. Sino ang mag-iisip na isa sa pinakamala­kas na mandirigma sa buong Alimuom ang ama niya? Pero ano na nga ba ang ibig sabihin ng maging mandirigma sa panahong ito?

Nang mapansin ng tikbalang na bahagyang napatigil si Hilda, matapos nito marahil malampasan ang pagkamangh­a sa mga bolang apoy sa kamao ng babae, nagtangka itong tumalon para dambahin ang babae pero agad nang naipukol sa kaniya ni Hilda ang bolang apoy sa kanang kamay nito. Napakabili­s ng haginit ng bolang apoy sa hangin at tuloy-tuloy iyon sa pagtama sa kaliwang dibdib ni Linakapati.

Kitang-kita ni Hilda ang pagkagulat sa mukha ng tikbalang. Hindi nito alam ang gagawin. Ni hindi ito makakilos sa kinatatayu­an. Tumingin siya sa kanan niya at nagsasalit­an ang tingin ng tagapagman­a ng Punong Manlulupig sa kaniya at sa tikbalang nito. Kitang-kita rin ni Hilda ang pagkagulat sa mukha ng binatilyo dahil iba sa malamang na inaasahan nito ang nangyari. Sa halip na masunog o mapaso ng bolang apoy ang dibdib ng tikbalang, kita nilang lumusot ang bolang apoy sa loob ng balat ng tikbalang at nanatili sa loob ng dibdib ng tikbalang. Sa loob! Hindi iyon tumagos sa likod. Nananatili­ng nasa loob ang apoy tulad ng inaasahang mangyari ni Hilda. At kita nila ang pagbabaga ng apoy sa loob ng dibdib ng tikbalang.

Nakayuko si Linakapati sa nagbabaga sa loob ng dibdib niya. Hindi niya alam kung anong kailangan niyang gawin. Itinapat niya ang dalawang palad niya sa dibdib niya. Wala siyang maramdaman. Napatigil ang paghiyaw niya sa wikang hindi naiintindi­han ng sinumang diwata na naririto ngayon sa Punong Banta. Tumingin si Linakapati kay Hilda, nagtatanon­g ang mga mata.

Pamilyar kay Hilda ang ganoong tingin. Nakita na niya iyon. Sa diwatang una niyang pinaggamit­an ng kakayahan niya nang hindi niya pa talaga nauunawaan ang kakayahang ito. Bago pa nakakilos muli si Linakapati, ipinukol ni Hilda ang bolang apoy sa kaliwa niyang kamay padiretso naman sa bahaging ulo ng tikbalang. Muli, kitang-kita ng lahat ang pagpasok ng bolang apoy sa noo ng tikbalang at pananatili ng apoy sa loob ng bungo.

“Maupo ka…” sabi ni Hilda kay Linakapati. Tumingin ang tikbalang kay Hilda. May namumuong luha sa mga mata nito. Kahit si Linakapati ay ngayon lang nakitaan ng ganoong emosyon ang tikbalang niya. Hindi na siya nagulat nang umupo ang tikbalang.

Pagkatapos noon, bumaling si Hilda kay Lakapati. “Kailangan nating mag-usap.” Totoong usap, sa isip ng dalaga. Hindi gaya ng pag-uusap lang na ginawa nila nang una silang magkita kung kailan wala naman talaga silang mga totoong handang ibunyag sa isa’t isa.

Pinanghaha­wakan ng ama ni Hilda ang mga sinaunang salaysay na nagsasabin­g wala pang sanlibong taon ang nakalilipa­s simula nang dumating ang mga nuno at tamawo sa Nigo at nilipol ang mga aswang na naghasik ng lagim sa Kalibutan noon.

NAIKULONG na si Linakapati sa isang silid na napapalibu­tan ng mga salamin nang harapin muli ni Hilda si Lakapati. Naroon din si Mang Norman.

“Anong nangyayari sa kaniya?” tanong ni Lakapati kina Hilda habang tinitingna­n ang lagay ng tikbalang niya. Nakatayo lang noon si Linakapati at nakatingin sa labas ng salamin pero parang hindi sila nito nakikita. Nagbabaga pa rin ang loob ng dibdib at utak nito.

“Hindi niya tayo nakikita,” sabi ni Mang Norman, parang nababasa ang iniisip ni Lakapati. “Sa isang panig lang ang salamin ng silid. Repleksiyo­n niya ang nakikita niya sa loob.”

“Ikaw muna ang may kailangang ipaliwanag,” sabi ni Hilda. Kanina pa niya pinapakira­mdaman kung magiging matapat ba ang tagapagman­a ng Punong Manlulupig sa kaniya. Ano ba ang ibig sabihin ng katapatan para sa mga ito?

Tumango-tango si Lakapati. “Oo… alam ko, sinabi ko dapat sa inyo bago ko ginawa…” Saka ito parang may ininda sa tagiliran niya.

Tiningnan ni Mang Norman ang tagiliran ng binatilyo. “May mga sugat ka, may mga galos ka. Ayaw mo bang tingnan muna kung walang nabaling buto o kahit ano sa iyo?”

“Huwag ninyo akong isipin,” sabi ni Lakapati, at saka ito nagbalik ng tingin kay Hilda, at saka nagsalitan ng tingin sa mag-ama. “Pinag-aralan n’yo kami, sabi ninyo. May mga alam kayo tungkol sa mga nuno… sa mga tamawo… na hindi namin naisip na alam ng sinumang Iha–… tagalabas ng Tahilan. Napakarami naming hindi alam tungkol sa inyo. Napakarami kong hindi alam. Pero… ang yena ko…”

“Ang nagpalaki sa iyo… ang diwatang…” si Mang Norman. “Tinatawag namin siyang Bathaluman… pero sa akin… siya ang yena ko… At…”

Nadama ni Hilda ang pag-aalangan pa rin sa binatilyo. “Narito ka na, nakita mo na ang mga diwatang naririto, ang mga pamumuhay namin. Nakita mo na ang kakayahan ko…”

“Ano ba ang kakayahan mo?” Nilingon ulit ni Lakapati ang tikbalang niya. Napansin niyang lumalamlam na ang baga ng apoy sa loob ng dibdib at utak nito.

Tumingin si Hilda sa ama. Wala siyang mabasang reaksiyon sa mukha ni Mang Norman. Hinahayaan siya nitong magpasya ngayon kung hanggang saan ang sasabihin niya. Sinusubok pa rin ba siya ng ama hanggang ngayon? “Hindi magtatagal, mawawala ang apoy sa loob niya. Kapag nawala ang mga apoy na iyon, mawawala ang pagkontrol ko sa kaniya. Hangga’t nasa dibdib niya ang apoy, magagawa kong kontrolin ang nararamdam­an niya. Kaya ko siyang padamhin ng kahit anong sakit, o lungkot, o kaba, o takot. Lahat. Lahat ng uri ng damdamin na maaaring maisip o kathain ng isang diwata. Hangga’t nasa utak naman niya ang apoy, magagawa kong kontrolin ang lahat ng iniisip niya. Ang mga gagawin at hindi niya gagawin. Kahit ang alaala niya. Pero tulad ng sinabi ko, magagawa ko lang ito hanggang nasa kaniya pa ang apoy. At tulad ng nakikita mo ngayon, nanghihina na ang apoy. Hindi ito nagtatagal nang higit sa dalawang kabanata…”

“Hindi mo ba maaaring palitan agad ang apoy bago pa lubusang mawala iyon?” tanong ni Lakapati.

Mukhang inosente ang tanong ng binatilyo, sa pakiramdam ni Hilda. At wala pa rin siyang mabasang reaksiyon sa ama niya. “Hindi ko pa nasusubuka­ng magbuo ng higit sa dalawang apoy sa loob ng isang araw. O… noong isang beses na sinubukan ko…” Naglalabo-labo ang mga larawan ng nagdaan sa isipan ni Hilda. Nagpapaton­g-patong ang iba’t ibang taon, ang iba’t ibang pangyayari, ang iba’t ibang pagkakatao­n kung kailan siya napilitang gamitin ang kakayahan niya. Mga pangyayari na humubog sa kung sino siya ngayon. Ang mga iyon din ba ang dahilan kaya niya gustong iwan ang Alimuom? Ang buong Nigo? Ang ina niya? Napansin ni Hilda ang pagbabago sa mukha ng binatilyo. Magkahalon­g awa at pagtataka ba ang nababasa niya sa mukha nito? Hindi pa rin niya maipinta ang mukha ng isang nuno, kahit hindi naman talaga nalalayo ang hitsura ng mga ito sa isang diwata. Maliban sa mas kayumanggi­ng kulay ng balat nito, mas malapit sa kulay ng lupa, sa itim na itim na buhok, at sa mga mata ng mga ito na parang dilim ng gabi. Siyempre, sobra rin ang bilang ng mga daliri sa kamay ng mga ito.

Ipinakita ni Lakapati kina Hilda at Mang Norman ang kanang galang-galangan niya na bahagya pa ring may pagdurugo. “Narito ang gintong buhok ng bawat tikbalang na pinapasuno­d namin, isang tikbalang para sa bawat nuno. Lahat ng tikbalang na wala pang katuwang na nuno, at napakarami pa nila, ay nakahimlay sa gayuma ng pampatulog sa Gimokudan. Gigisingin lamang sila sa paglalagay ng gintong hibla ng buhok nila sa galang-galangan ng isang bagong silang na nuno.”

Noon lang nagsalita si Mang Norman. “Tama ang mga dipabinin,” sabi ng lalaki. “Pero nasaan ang hibla ng buhok ng mga nasa Gimokudan? Imposiblen­g hindi pa tinatangga­l sa kanila ang mga iyon kahit wala pang nunong magpapasun­od sa kanila?”

Umiling si Lakapati. “Hindi ko alam. Maaaring ama ko lang ang may alam… at ilang kasapi ng Sanggunian niya. Malamang na nasa Matandang Tugatog lang din… pero baka nga wala roon kung iyon ang pinakaunan­g maiisip na kinalalaga­kan ng mga iyon…”

Hindi sigurado si Hilda kung nagsasabi ng totoo ang nuno. “Pero bakit mo tinanggal? Anong binabalak mo?”

Tumingin si Lakapati kay Mang Norman. “Tungkol sa sinabi ninyong gusto sana ninyong mangyari… naisip ko na…”

Tumingin si Hilda kay Mang Norman. Iniisip niya kung ano ang gustong mangyari ng ama niya. Iyon pa rin ba ang binabalak ng mga ito? Bata pa siya, sinasabi na iyon ng ama. Ang pagpunta sa Tahilan, ang pagliligta­s sa mga diwatang nabihag doon. Maraming hindi sang-ayon, bagaman hindi nila laging tahasang ipinapahay­ag ang hindi pagsang-ayon. Hindi sila sigurado kung ano talaga ang daratnan sa loob. Libo-libong taon na ang nakalipas. Hindi nila alam talaga kung ano nang uri ng pamumuhay mayroon ang mga diwatang naroroon. Paano nila aasahang sasama talaga ang mga iyon sa kanila? Paano nila aasahang magiging kakampi talaga nila ang mga kalahi? Pero pinanghaha­wakan ng ama niya ang mga sinaunang salaysay na nakaatas sa kanila. Libo-libong taon. Pero libo-libong taon nga ba talaga? May mga mananaysay na lakandaita­n na nagsasabin­g wala pang sanlibong taon ang nakalilipa­s simula nang dumating ang mga nuno at tamawo sa Nigo at nilipol ang mga aswang na naghasik ng lagim sa Kalibutan noon. Subalit dahil ilang daang taon na lamang makatapos maitayo ang Balakid saka nagsimulan­g seryosohin ng mga diwatang nasa labas ng Balakid ang pagsusulat ng kanilang kasaysayan. Isa pa, nagkaroon ng sarili nilang hidwaan at paghihiwa-hiwalay ang mga lahi ng diwata sa labas. Mahabang kasaysayan din iyon ng di-pagkakauna­waan, maliliit na labanan, mga pagkakasun­duan, mga pagtutulun­gan, mga muling pagtatatag ng kani-kaniyang hibaybay, mga muling pagbubuo ng mga ugnayan, mga pana-panahong pagkaputol ng ugnayan,

mga paglalatag ng mga balak tungo sa pagbubuo ng nagkakaisa­ng sangkadiwa­taan, mga paglalansa­g ng mga naturang balak dahil sa iba’t ibang sakunang pinagdaana­n at pangarap na binuo ng mga namumuno sa bawat hibaybay. Nitong huling dalawandaa­ng taon, mas nagtuon ang bawat hibaybay sa pagpapalak­as ng kanikanila­ng mga sentro, pagtatayo ng mga lungsod, pagpapaunl­ad ng teknolohiy­a. Sa kanila, rito sa Alimuom, habang isinasagaw­a ang lahat ng iyon, sinisikap ng mga tulad ng angkan ng ama niya na huwag makalimot sa nakalipas. Pag-aralan ang nagdaan habang inihahanda ang kanilang bayan sa hinaharap. Sa hindi nila matitiyak na hinaharap. Sinimulan ang diyalogo sa mga mananaysay na ito na may ibang pagtataya sa kung gaano katagal na nga ba ang nakalipas, sang-ayon na rin sa mga bagong tuklas ng mga iba’t ibang disiplina ng pag-aaral sa agham. Sa kanilang kamalayan, sa kamalayan ng isang karaniwang lakandaita­n, libolibong taon ang nakalipas. Pero ang namamayani­ng kaalaman sa mga nangunguna­ng dalubhasa, wala pang sanlibong taon ang nakaraan nang sakupin ng mga nunong manlulupig ang maraming diwata at bihagin ang mga iyon sa loob ng Balakid. 744 na taon ang nakararaan nang isara ang Balakid sa nasa loob at nasa labas nito, ito ang namamayani­ng eksaktong bilang mula sa nangunguna­ng iskolar at siyentista sa Taway. Ngayon, iyon pa rin ba talaga ang totoong ninasa ng ama niya? At kasama pa rin ba siya sa plano nito kahit hindi na nito sinasabi sa kaniya? At ang ina niya, paano? Iiwan ba nito ang sinuman sa kanila kung sakali?

Nagsalita sa wakas si Mang Norman. “Sa tingin mo ba ay ito ang pinakamada­ling paraan?”

Tumango si Lakapati. “Kailangan ko ng dahilan kung bakit ako nawala. Kailangan ko ng dahilan kung bakit ko kayo kasama. Hindi nila sasaktan ang sinumang tinangka akong iligtas laban sa tikbalang ko. Isa pa, kapag may ganitong komplikasy­on, mas iisipin nila ang panganib laban sa mga tikbalang na anumang sandali ay maaari pala kaming saktan kaysa sa… kaysa sa pagdating ninyo.”

Pero may hindi mapagtugma sa isip niya si Hilda. Bakit siya tutulungan ng nunong ito? Hindi ba parang pagtataksi­l na rin sa lahi nito ang ginagawa nito ngayon? Ano ang totoong pakay nito? Pero bago pa siya nakapagtan­ong, si Mang Norman na ang nagsatinig ng mga iniisip niya.

“Pero bakit mo ito ginagawa?” tanong ng lalaki. “Hindi mo kami kailangang tulungan.”

“Ang yena ko…” parang hindi pa rin maisawika ni Lakapati ang lahat ng gusto niyang sabihin. “At ang kuya ko…”

“Totoo ngang may nakatatand­a kang kapatid!” totoo rin ang pagkamangh­a sa boses ng lalaki. “Pero bakit…”

Bakit siya ang tagapagman­a? Malamang na nauunawaan ni Lakapati ang tanong ng ama ko, naisip ni Hilda. Nakikita ni Hilda sa mukha nito na naguguluha­n mismo ang isip ng binatilyo. Na naglalabo-labo rin malamang ang mga iniisip nito ngayong sandaling ito. Tulad din ba ng mga paglalabo-labo ng nakaraan sa isipan niya? Tulad din ba ng katotohana­ng hindi rin niya talaga alam kung ano-ano nga ba ang mga maaari niyang sabihin at hindi niya masasabi ngayon?

“Mahirap maunawaan ang kapatid ko… iba siya… pero…” bumuntong-hininga si Lakapati. “Pero naiintindi­han ko siya. Sa palagay ko. At… alam niya ang pagpunta ko rito. O… alam niya na makapupunt­a ako rito. Naipakita niya sa akin. Naipakita niya ang mga larawan na ikinukuwen­to lang dati ni yena sa akin. Mga larawan sa panaginip ko. Pagkatapos, narito… totoo… o nananagini­p ba ako? Nasa Kumpis pa rin ba ako talaga hanggang ngayon? Nangyari ba talaga ang pagyanig ng lupa?”

“Hindi ka nananagini­p…” sabi ni Mang Norman. “Pero marami pa tayong kailangang pag-usapan. Kailangan nating linawin ang…”

Noon nila narinig ang malalakas na hampas sa salamin ng kulungan. Napabaling doon ang tingin ng tatlo. Kahit ang mga diwatang mandirigma na nagbabanta­y sa silid ay napasugod malapit sa salamin. Nagwawala na si Linakapati. Wala na nga ang apoy sa dibdib at utak nito.

(ITUTULOY)

ANG Tubabao ay isa sa mga isdang bahagi ng bayan ng Guiuan sa lalawigan ng Eastern Samar.

Ginamit ang islang ito ng Internatio­nal Refugee Organizati­on (IRO) noong 1949 at 1950 para pansamanta­lang mapagkanlu­ngan ng humigit kumulang sa 5.000 Russian refugees na umalis sa kanilang bansa matapos ang Bolshevik Revolution noong 1917 at Russian Civil War noong 1919– 1920

-oOo

OONG Mayo 22, 1898, nalathala sa European edition ng New York Herald ang English version ng tulang “El Ultimo Adios” ni Dr. Jose Rizal.

Ang tula ay isinulat ni Rizal isang araw bago siya i-firing squad sa Bagumbayan (Luneta). Napasakama­y ng ina at kapatid ni Rizal ang kopya ng tula nang itago ito sa cocinilla.

Walang titulo ang tula na binubuo ng 14 na stanza. Una itong pinamagata­ng

“Mi Ultimo Pensamient­o” at noong Setyembre 25, 1898 ay binigyan ng titulong

”Mi Ultimo Adios”.

-oOo

LAM niyo ba na pangalawan­g asawa ni Andres Bonifacio si Gregoria de Jesus, at ang kanyang unang misis ay namatay sa isang sakit na pinandidir­ihan noong panahon na sakop ng mga Kastila ang Pilipinas?

Isang magandang dalaga na kalugar ni Andres sa Tondo, Maynila ang kanyang unang pinakasala­n na ang pangalan ay Monica.

N-oOoI Cecilio Apostol pala ay kinikilala hindi lamang sa Pilipinas, kundi pati sa mga bansang bihasa sa Kastila, bilang pinakadaki­lang makata at manunulat na Pilipino sa wikang Kastila.

Angkop lamang na sa Sta. Cruz, Manila maglagay ng paaralang sunod sa pangalan niya dahil sa Sta. Cruz, siya isinilang noong Nobyembre 22, 1877. Sina Jose P. Apostol at Marcelina delos Reyes ang magulang niya.

Nasa ikatlong baitang pa lamang siya ng paaralan ay binibigkas na niya ang tulang siya ang kumatha. Isa rin siyang pintor ng magagandan­g tanawin, mga bulaklak, ibon at tao.

Sa El Comercio una siyang nakapagpal­athala ng tulang pinamagata­ng “El Terror de los Mares Indicos”. Sa Ateneo Municipal siya nagtapos ng Bachelor of Arts noong 1894. Mag-aaral siya at nagtapos ng abogasya sa Pamantasan ng Santo Tomas, ngunit minabuting unahin ang pakikiisa sa himagsikan ng 1896.

SA

ISA sa masasabing empowered woman at kabilang sa mga makabagong Filipina si Andrea del Rosario. Bukod sa pagiging masipag na public servant, aktres, atleta, businesswo­man, at iba pa, prayoridad niya ang paging isang mabuting ina.

Pahayag ni Ms. Andrea, “Ang motherhood ang number one sa akin, siyempre, I will prioritize my daughter and my health. Kasi if something happens to me, who will take care of her?”

Noong 2016, siya ay sumabak sa politika at nanalo bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas.

Wika pa niya sa pagiging ina, public servant, at aktres, “I was fortunate to be able to segregate those three aspects, thank God. As a mother, I’d like to have lots of activities with Bea and I enjoy playing sports. I believe when the family can put some time and play sports, it’s a great family bonding and it’s important for our health. Building “memories” for her is important for me because she will take it with her when she grows up.

“As a public servant, it was a humbling experience for me and I learned so much from it. I realized that family will have to take a back seat when you are in public service. I learned from listening to the stories of many Calataguen­os and I just hope and pray that Calatagan continues to improve for the future.

“Bilang aktres naman, it’s been my life for so long. I grew up in this industry and I owe a lot to it. A lot of ups and downs, on and off, but I embrace the “learnings”. I have been doing it for over twenty years, it’s been my passion and I always enjoy being in front of the camera.”

Ang nine year old niyang anak na si Beatrice Anne ay ipinangana­k na may congenital condition na tinatawag na Jejunal Atresia. Kaya ang advocacy ni Andrea bukod sa mga senior citizens, ay gut babies na tulad ni Bea.

Kabilang sa itinuring niyang achievemen­t sa buhay ang mga sumusunod:

“I was blessed to be part of a very famous group called the Viva Hot Babes, we made platinum records and lots of great shows. Ako’y naging public servant in 2016 and also became a polo player and won my first internatio­nal polo tournament-The Rose Cup in Barrington, Illinois, and the most major achievemen­t is being able to survive what we survived, Bea and I when she was born. That I think is the greatest achievemen­t of all,” aniya pa na idinagdag na lalahok siya sa local tournament­s sa 2020 Philippine polo season.

Si Andrea ay isang Batangueña na ipinangana­k sa Pasay City. Bukod sa pagiging model at member ng girl group na Viva Hot Babe, marami marahil ang hindi nakaaalam na naging semifinali­st siya noon sa Miss Philippine­s Earth 2001 at nagkamit ng special award bilang Miss Close-Up Killer Smile.

Nag-aral siya sa St. Scholastic­a’s College ng BS advertisin­g at kumuha ng ME- Masters in Entreprene­urship sa Rockwell Ateneo.

Unang napanood sa top rating sitcom ng ABS CBN na Palihasa Lalake si Andrea. Ang biggest break naman niya sa mundo ng showbiz ay nang ilunsad sa full stardom noong 2003 sa pelikulang Lupe ni Direk Elwood Perez.

Nabanggit din niya ang pananaw sa women empowermen­t.

“Nothing a man can do that us women can’t do, sky is the limit. Women should pull other women up, not down. The Philippine­s is known to be a ‘masculine/macho society’ and it is comforting to know that that it is slowly changing.”

Paano siya tumayong muli sa pagkakadap­a o mga dagok ng buhay? “I always tell myself, in life take steps forward, even baby steps, no matter how slow no matter how short, I always tell myself walk forward and don’t hesitate and keep my chin up high.”

Ano ang maipapayo sa ibang kababaihan­g sumusuko sa pagsubok at dumaranas ng paghihirap? “Keep on pushing for your dreams, ‘coz we only have one life, make it count! I believe the struggles and the journey to success is part of the privilege we have of life! It’s okay to fail, as a matter of fact, it’s important to fail… To fall, only then you’ll be able to appreciate victory. The most important thing is you get back in track and focus on what’s infront of you and not what happened before.

“Tulad ng sinabi Kobe Bryant, ‘Its not the destinatio­n, it’s the journey that you should savor and learn from.’ We should always remember us women, that everybody goes thru hardships, mistakes, failures... its how we handle it that would set us apart. Always remember that there may be other women watching you, learning from you, how you handle situations in life, taking inspiratio­n from you that could ultimately save their lives,” aniya pa.

Last year, kabilang sa mga ginawang pelikula ni Andrea ang Maria, Ulan, Elise, at ang MMFF 2019 blockbuste­r na Miracle in Cell No. 7, starring Aga Muhlach.

Ang ilan sa pinagkaaab­alahan niya ngayon sa showbiz ay ang indie movie na The Healing, directed by Joven Tan at Delta, directed by Yam Laranas.

ANG aktres at beauty queen na si Charo Laude ay very visible na naman sa showbiz. Bukod sa itinanghal na

Mrs. Universe Philippine­s 2019 at nagwaging Mrs. Universe Popularity 2019 na ginanap sa Guangzhou, China, napanood siya kamakailan sa ABS CBN TV series na Kadenang Ginto. Sa pelikula naman, parte si Charo ng casts ng MOAX at Jolly Spirit Squad na parehong tinatampuk­an ni Joaquin Domagoso.

Si Charo ay dating member ng Monday group ng That’s Entertainm­ent ni German Moreno. Siya’y naging Binibining Pilipinas 1998 official candidate at graduate ng kursong Mass Communicat­ion sa Centro Escolar University. Bukod sa pagiging endorser, TV and print ad model, siya ay isang masipag na businesswo­man.

Ano ang motto niya or sinusunod na pamantayan as a business woman? Saad ni Charo na isang Viva artist,“My Motto in life: try and try until I succeed. I believe that I will always do my best and God will take the rest. Pamantayan ko is to do all good things to others and be happy on what you are doing in everything.”

Nabanggit din niyang violence against women and children ang kanyang adbokasiya.

“Nakaka-relate ako sa advocacy ko, kasi na-experience ko iyan during my younger days. Thankful din naman ako sa experience na iyon, kasi from that, doon tayo naging empowered woman at doon tayo humugot ng lakas at naging inspiratio­n din. Mas naging strong ako, 'yung determinat­ion ko ay sobra, because of that experience.”

Ayaw raw kasi niyang maging produkto ng broken family dahil doon siya galing, kaya talagang na-sacrifice niya ang lahat noon, pati kanyang showbiz career. Pero happy daw siya dahil okay naman sila ngayon ng exhusband niya.

Ano ang payo niya sa mga kababaihan na nakararana­s ng physical violence?

“Kailangan kasi ang awareness ng bawat isa, noong time na iyon kasi, medyo bata pa ako and kulang siguro ako sa kaalaman ko sa rights bilang babae. Totoo ang kasabihan na love is blind at ‘di mo alam kung tama ba ito dahil ang nafi-feel mo lang ay mahal mo, eh. Pero ngayon ay 2020 na, kailangang maging wiser ang mga kababaihan at dapat ay alam nila ang rights nila as a woman,” saad pa ni Charo.

malinis tingnan.”

“’Wag na, baka mahal...?” Nag-angat ito ng tingin. “Okey lang. Libre ko na ‘to sa ‘yo. Kumita naman ako--nang konti--ke Madam!” Bumungisng­is uli. “Pero, neks taym, me bayad na, ha?”

“Oo naman!”

Natapos na manikyuran ang mga kuko niya sa kamay, ang kuko naman niya sa paa ang gustong pedikyuran ni Meldy.

“’Wag na, kagugupit ko lang d’yan ng kuko.” Naka-rubber shoes siya, maghapong pagod ang paa niya sa pamamasada; baka may amoy na ang kanyang paa.

“Sa ibang araw na lang...”

Hindi nagpilit si Meldy. “Sige. Pero, kostumer na kita, ha? Sa ‘kin ka na magpapaman­ikyur.”

“S’yempre!”

Nakauwi na siya, nakaligo na matapos makapagpah­inga at naghihiga na para matulog, pero tila mailap sa kanya ang antok; hindi mapaknit sa kanyang diwa ang nasilip niya kay Meldy.

KUNG nag-aabot sila ni Lily sa bahay (kahit Linggo’y bumibiyahe pa rin siya nang may karelyebo), asikasung-asikaso naman siya nito. Nang Linggong iyon na panghapon ang pasada niya, napansin niyang bago na ang cellphone nito. Pasimple niyang pinansin. Itatago pa sana nito sa bulsa ng shorts pero nakita na niya. “Kelan pa ‘yan?”

“Kamakalawa lang. M-Me nag-alok kasing hulugan do’n sa pabrika, payag na trade-in ‘yung luma kong cellphone.”

“Ipinamana mo na lang sana sa ‘kin. Antigo na ‘yung cellphone ko, di keypad pa rin...”

Sa halip na sumagot, tila umiwas si Lily. Pumasok sa kanilang silid, nilikom ang kanilang maruruming damit at nagtuloy sa labahan sa likod-bahay.

Dala ni Leboy hanggang sa pamamasada ang inasal ni Lily, at tila tuksong bumabagaba­g sa kanya, pabalik-balik sa isip niya, ang hindi mamatay-matay na tsismis tungkol kina Tardio at Lily.

Minsan na niyang nakainuman si Tardio. Kasama ito ng ibang kasamahan ni Lily sa pabrika na nagkayayaa­ng mag-inuman at magvideoke. Nag-ambag-ambag daw sa pagkain at sa alak ang grupo; si Tardio, sinagot na ang pagarkila ng videoke. Nagpasabi na sa kanya si Lily isang araw bago iyon. Wala naman siyang tutol. Inunawa niya na nakikisama lang si Lily, pumiPR sa mga kapwa nito pabrikante.

Namasada siya nang Linggong iyon, at sa kanyang pag-uwi sa gabi, malayo pa’y narinig na niya ang maingay na kantahan sa videoke sa kanilang harap-bahay. May pitong bisita si Lily: limang babaeng kasing-edad nito, isang mukhang silahis, patpatin, at ang maliit na lalaking iyon na tabain, halos walang leeg, na bigay na bigay sa pagkanta habang napapadiki­t na ang ulo kay Lily sa pagkakatab­i nito’t pagsasalo sa iisang mikropono.

(MAY KARUGTONG)

SUBUKIN nating lutuin ang sumusunod na recipe na madaling gawin, mura ang sangkap at masarap. Halika na sa kusina at magluto!

KALABASA NUGGETS

MGA SANGKAP:

Kalabasa, alisan ng balat at gadgarin. Ang laki o dami ay ayon sa pangangail­angan

1 latang corned beef

3-4 slices ng tinapay (tinatawag na “tasty”)

1 itlog, batihin

Asin at paminta, ayon sa panlasa ang dami

Pampasarap mix

Corn starch, sapat ang dami upang magkadikit ang mga sangkap

mantika

PARAAN NG PAGLULUTO:

AGHALUIN ang mga sangkap. Lamutakin upang madurog ang pan slices. Hulmahan sa kutsara ang bawat ipiprito. Sawsawan: catsup o sweet and sour sauce

PBOLA-BOLANG GULAY

MGA SANGKAP:

3 patatas, ilaga bago durugin 3 carrots, ilaga at durugin

1 siling macopa-hiwain nang pino 1 malaking sibuyas, hiwain nang maliliit

1 tangkay ng celery, hiwain nang pino

Asin at paminta Pampasarap mix

Mantika (mash)

PARAAN NG PAGLULUTO:

ATAPOS masahin ang patatas at carrots, ihalo ang iba pang sangkap. Hulmahin nang animo bola (ayon sa nais na laki). Iprito ito.

Sawsawan: Catsup

MATAY SARSIADO

 ??  ?? “Hindi ka nananagini­p…” sabi ni Mang Norman. “Pero marami pa tayong kailangang pag-usapan. Kailangan nating linawin ang…”
“Hindi ka nananagini­p…” sabi ni Mang Norman. “Pero marami pa tayong kailangang pag-usapan. Kailangan nating linawin ang…”
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? El Ultimo Adios
El Ultimo Adios
 ??  ?? Tubabo
Tubabo
 ??  ?? Cecilio Apostol
Cecilio Apostol
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines