Liwayway

Tahan Na...Hindi Kita Iiwan (9)

- Dahlia Pablo

(IKA-9 NA LABAS)

UMUULAN nang maghiwalay sila ni Honey. Pero hindi sila tumakbo para magkanlong. Kaswal lang silang naglakad, hinayaan ang mumunting patak nito na wisikan ang kanilang ulo, ang kanilang mukha, ang kanilang katawan. Isa pang pagkakatuk­las na gustong-gusto nila kapuwa ang ulan. Kahit na marami ang naiinis kapag umuulan lalo at walang dalang payong o maaantala sa pupuntahan, iba sila ni Honey. Kapag umuulan, bumabaha ang saya sa kanilang mga puso. Pinaghalon­g saya at marahil, mayroon pa ring lungkot. Na magkakamba­l naman ayon sa batas ng buhay.

Hindi niya alam kung basa ang mukha ni Honey dahil sa ulan o dahil sa luha. Marahil ay pinagsama pareho kaya hindi na niya madifferen­tiate kung ano ang luha at kung ano ang ulan. Pero mahahalata naman sa ekspresyon ng mukha ni Honey. Lungkot na lungkot ito at kagat-kagat ang labi. Obvious na kinokontro­l ang damdamin. Marahil ay upang hindi mapabulala­s ng iyak.

Siyempre, nakakahiya namang umatungal. Remember, bago pa lang silang nagkakakil­ala at nagiging magkaibiga­n. So parang OA naman na naghihiste­rikal siya sa lungkot dahil ilang araw na lang ay aalis na si Sebastian.

Ang bilis ng three weeks. Parang pumikit lang siya sandali at sa kaniyang pagdilat ay tapos na ang kaniyang bakasyon. Ang daming bagay pa sana ang gusto niyang gawin. Marami pa sanang kaibigan na nais bisitahin at kumustahin. Ang daming lugar na gustong balikan. Memories na kinakapa sa sulok ng mga alaala.

Ang daming bagay na binabalik-balikan sa isip. Nakasusuga­t man kung lumatay sa dibdib ay nagdudulot pa rin naman ng saya, ng lungkot, at nag-iiwan nang malalim na buntunghin­inga. Ng mga “sana” at “baka.” Ng panghihina­yang at kabiguan. Ng pagsasabi sa sariling lilipas din ang lahat ng makikirot na alaala at bubuong muli ng masasaya.

Sa kaniyang isip na lamang niya babalikan ang lahat ng iyon. Alam niyang marami pang pagkakatao­n para makabalik ng Pilipinas. Sa ngayon ay papaghilum­in muna niya ang malalim na sugat. It will take some time, but he will get there.

Sabi nga ay walang short cut to success. Kailangang paghirapan mo iyon. Para mas matamis ang bunga. Sa ngayon, ang kailangan lang ay mas maging matatag siya at habaan pa ng mahabang-mahaba ang pang-unawa at ang pagpapasen­siya.

Hindi naman niya puwedeng isantabi ang kaniyang pangarap para sa anak. Hindi dahil magulo ang relasyon nilang mag-asawa ay masasakrip­isyo ang kinabukasa­n ni Helen.

Sinimulan niyang buksan ang kahon na ipinabaon sa kaniya ni Honey. Sa labas pa lang ng kahon, napaka-creative na talaga ng kaniyang kaibigan. May design ito ng iba’t ibang klase ng pusa, at may kulay purple na ribbon. Ang paboritong kulay ni Honey.

Oo naman, mami-miss niya si Honey. Ang mga korning jokes nito. Ang mga sermon at paalala. Baka kung wala ito sa kaniyang tabi noong mga panahong dapang-dapa siya at hirap makabangon, hindi na siguro siya makaka-move forward. Tumingala si Sebastian. “Salamat po, ibinigay N’yo siya sa akin.”

Saglit niya ring naalala si Helen. Ang di maampat na luha nito nang muli na naman siyang magpaalam. Siguro, hindi agad maiintindi­han ng bata kung bakit kadarating lang niya ay aalis naman agad.

Kung bakit wala na nga itong Nanay (naglayas nga si Andi, di ba?) ay wala pa rin itong Tatay. E, puwede

namang dito na lang siya para may makasama naman itong magulang.

Natural, puro pangako. Puro panunumpa. Na babalik siya agad. Sumalit sa isip ni Sebastian na pagbalik ng Saudi, mag-iisip siya. Magbabago ang kaniyang mga plano. Kailangan lamang talaga niya ang mag-isip nang mabuti. Magplano.

Magdesisyo­n kung ano ba talaga ang makabubuti para sa kanilang lahat.

Nang bumungad sa kaniya ang mga laman ng kahon, parang may init na tumawid sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang puso. Ang lahat ng nilalaman ng kahon na iyon, alam niya, tiyak niya, inilagay roon ni Honey kasama ang pag-aalala nito at pagmamahal.

Malinis at masinop ang pagkakasal­ansan ng kung ano anong mga bagay. May kurot sa kaniyang puso habang isa-isang tinitingna­n ang mga pabaon ni Honey bago siya umalis.

Malinaw pa sa isip niya na hindi tumitingin nang diretso sa kaniyang mga mata si Honey habang nagsasalit­a. Halatang itinatago ang pag-iyak. Ramdam na ramdam niya ang lungkot nito.

May kalakip na sulat ang mga pabaon. Nakapatong sa ibabaw. Kyut ang ginamit na stationary ni Honey. May mga eroplano – iba’t ibang sukat. Para bang sinasabing bye bye. My dearest Sebastian: Here is my secret. It’s quite simple. It is only with the heart that one can see clearly. What is essential is invisible to the eyes. Antoine de Saint- Exupery, The Little Prince O, di pa quote-quote pa. “’Kala mo naman, e, kaseryoso kong tao,” bulong ni Sebastian habang binubuklat ang sulat.

Sebastian, bago mo basahin ang sulat na ito, ilagay mo na sa iyong tabi ang tissue paper. Puwede mong ipamunas ng luha o ipansinga sa sipon (iw!). Alam kong tulad ko ay iyakin ka rin. Pero hindi ibig sabihin na ang isang taong iyakin, partikular ng isang lalaki ay mahina ang karakter. Type mo lang umiyak so bakit kailangang mangelam ng mga ‘yan.

Siyempre, nakabalik ka na sa Saudi kaya nabuksan mo na ang mahiwagang kahon at ngayon ay abala ka na sa pagbabasa ng laman ng sulat na ito. Medyo mahaba-haba nga lang ang letter pero nandito sa sulat na ito ang laman ng puso ko, ng utak ko, ng kaluluwa ko. Lahat ng mga bagay na hindi natin napag-usapan dahil sa kakulangan ng oras o marahil ay dahil nangingimi at nagaalanga­n tayo o may pilit tayong pinagtatak­pan.

Kung nag-iisip ka kung paano nangyari ‘yun, nag-iisip din ako. (tawang maliit).

May medicine box akong ipinadala sa iyo with complete label: gamot para sa lagnat. Ubo. Sipon. Sipon at ubo. Pananakit ng ulo. Pananakit ng kalamnan. Lamig sa likod. Lamig sa mga daliri. Pati sa rayuma kung meron ka na.

Sinamahan ko rin ng tatlong klase ng oil na actually halos nagkakapar­eho ang uses. Depende na lang sa ‘yo kung ano ang gusto mong scent. All around ang oil na ito, may magic daw para sa pananakit ng mga veins, soles ng paa at ‘yung pagdurusa pagyapak mo sa umaga. Oil para sa sobrang headache kung ayaw mong uminom ng gamot. Kuskos lang nang kuskos sa sentido, sa likod ng batok, sa ilalim ng tainga. Oil para sa mga kasu-kasuan, para sa sobrang pagod, ngalay at pamamaga (kung ano man ang namamaga).

Organic si Oil. Walang expiry (na sana ganoon din ang pag-ibig, ano?)

Sabi nu’ng binilhan kong matanda, pag depress, stress, may tension, aligaga, restless, hindi makatulog, hindi maka-poops (? Pa’no kaya nasali ito?), hindi masyadong makahinga, bloated, frozen shoulder, makirot na spine, balakang, at mga tuhod (hiningal ako sa haba ng explanatio­n ni Lola) proven na raw ang mga paninda niya.

O, di ba? Sa’n ka pa? Hindi ko lang naitanong kung kapag diretsong nilaklak kaysa pahidpahid lang ay mas mabilis ang magiging reaksiyon ng makasaysay­ang oil. Time consuming pa kasi ‘yung kinukuskos mo pa, e, sa gabi antok na antok ka na para maka-focus sa self massage. Tingin mo?Okey lang bang itanong ko ‘yun kay lola?

Alam ko namang mahirap ang bilihan diyan ng gamot at baka mas mahal pa kaya complete

Ang daming bagay na binabalik-balikan sa isip. Nakasusuga­t man kung lumatay sa dibdib ay nagdudulot pa rin naman ng saya, ng lungkot, at nag-iiwan nang malalim na buntunghin­inga. Ng mga “sana” at “baka.”

na ‘yan. Ang hindi ko lang nabili ay gamot para sa pusong sawi. Or pusong sugatan. Sabi ni Lola, dapat daw may kapartner na ibang puso‘yun lang daw ang gamot diyan. Ang lunas daw sa pusong sugatan ay puso rin (really?!!) Pero wala siyang tindang gano’n. Kasi kahit magkano, bibilhin ko ‘yun at ibibigay ko rin sa ‘yo.

Huminto muna sa pagbabasa si Sebastian. Ngumiti. Labis siyang naaaliw kay Honey. Ang lakas makakiliti sa talampakan ng ale na ito. Pero touched siya, aminin niya o hindi sa concern nito sa kaniya. Kailan nga iyong huling pagkakatao­n na may nag-alaga sa kaniya? Ang tagal na niyang na-miss si Andi.

But with Honey, parang friends sila for life. Feeling niya ay soulmate niya ito. Kauuwi lang niya ng Pilipinas at ngayon lang niya nakaharap si Honey ay kung bakit napakadali na nilang nagkapalag­ayang-loob.

Balik basa ulit. Natatawa siya pero alam niyang mauuwi rin ito sa pag-iyak. Masyado siyang natatangay sa sulat na iyon. Nagpapataw­a si Honey para siya mapasaya pero ang hindi nito alam, sobrang na-appreciate niya ang mga pabaon nito. Ang sarap sa pakiramdam niya na may isang taong totoong nagmamahal at nagmamalas­akit sa kaniya.

Balik sa sulat ni Honey:

Tapos, nagtataka ka siguro kung bakit may kutsaritan­g nasingit dito. Favorite ko kasi itong panghalo ng kape ko. Well, bakasakali lang naman na gamitin mo kapag nagkape ka. Di ba pagkatapos ipanghalo ang kutsarita, dinadala sa bibig para dilaan, ehe I mean tikman? Lasahan kung okey na so, para mo na rin akong nahalikan. Itsurang nag-tounge-to-tounge tayo. Joke lang, ‘to naman masyadong sineryoso. E, ni sa pisngi nga hindi mo ako hinalikan, e! (paramdam.)

Napangiti si Sebastian. Maluwang na ngiti. Napapatawa talaga siya ni Honey. Walang ka effort-effort na pagpapataw­a. He’s beginning to really like this girl.

Basa ulit. Mas may excitement habang tumatagal.

Nariyan ba ‘yung small purple box? Pakibuksan naman. Please check kung nandiyan ‘yung silver na necklace na may pendant na maliit na cross. Blessed na ‘yang necklace. At siyempre, expensive! Di bale, papalitan mo naman ito ng mga favorite chocolates ko, di ba? Sana isuot mo para maproteksi­yunan ka sa masasamang elements, masasamang tao, sa pagkakasak­it, at sa kung anong disgrasya. At sana rin, pakiusap, magsimba ka every Sunday. Thank God for all the blessings na ibinibigay Niya sa iyo.

O, baka umusok ka pag isinuot mo ‘yan? Hehe. Siguro naman wala kayong relasyon ni Drakula.

Saka di ba nasabi mo na isa sa mga nami-miss mo e ‘yung kulambo?Hayan, pinadalhan kita. Alam mo hindi ko nga naitanong sa ‘yo kung may lamok diyan sa Saudi. Not unless sinlaki ng dinosaur ang mga lamok diyan, me panlaban ka sa mga kagat nila at sa dengue kung uso din ‘yun diyan.

Mahirap magkasakit lalo at nasa malayong lugar ka. Wala rin namang mag-aalaga sa ‘yo kaya better be protected.

Ay ang hirap hanapin ng kulambo na ito. Tiyempo namang may staff kami na nasa Zamboanga kaya tinawagan ko agad at nagpabili ako para dala na niya pagbalik ng Maynila.

Isinama ko rin sa package mo ang isa sa mga paborito kong libroAdult­ery by Paulo Coelho. Just read it. Ayokong maging spoiler. Then, mag-book review tayo. (Alam mo, okey sa akin ang ganitong mga kuwento).

Dalawa ang photos dito na nilagay ko sa frame. Una, ‘yung first sunset natin together. Wala kang kamalay-malay (dahil busy ka sa kaka-text nu’ng araw na ‘yun sa kung kanino man) na nag-selfie ako with you. Okay naman ang kuha natin sa palagay ko, kahit mukhang hindi tayo masyadong sweet.

Second, and ito ha-ito talaga ang favorite ko. Remember the night na sinundo mo ‘ko sa office tapos niyaya mo akong magkape sa walang kamatayang MOA bandang mag-aalas dose ng hatinggabi? Di mo rin alam (dahil busy ka sa pagbibilan­g ng barya sa bulsa mo para

ipambayad), kinunan kita ng picture.

Gustong-gusto ko ang itsura mo ng gabing iyon. Lalo ka pa lang gumuguwapo pag madaling-araw. Hehe.

Alam mo, dito sa photo mo, mukha kang masungit at suplado. Seryoso ka kasing masyado sa buhay. Pero hindi ‘yun ang interpreta­tion ko. I can see a man, a strong, beautiful man that needs love. Ipagdarasa­l ko na sana, in the near future ay matagpuan mo na ang babaeng tunay na magmamahal sa yo, ‘yung aalagaan ka, mamahalin ka, at paglilingk­uran habambuhay.

Makatagpo ka sana ng babae that will make you happy. Alam mo ‘yung tipong, do not find a better woman. Find a woman that will make you better.

At ako ang babaeng iyon (hehe he ulit)

Lastly, huwag mong pagtawanan itong maliit na pillow na may design ng mukha ko. Kyut naman, di ba? Wala kang mabibiling ganito kagandang unan kasi pinasadya ko ‘to. Inisip ko lang na who knows, ma-miss mo rin ako? Tumingin ka lang sa unan na ito at sasaya ka na ulit. Kapag malamig diyan, libre ang hug ko, na may give away pang kiss (sa noo? Hay, halik ng matanda) Ang ganda ko dito, ano? Mukha bang virgin pa? (ho ho ho)

Pero ang layo ng tingin mo. Hindi mo ‘ko napapansin e ang lapit-lapit ko lang naman (super joke ito)

Okey. Tama na ang korning jokes. Hindi naman bumebenta.

Huminto sa pagbabasa si Sebastian. Pinahid ang luhang namumuo sa gilid ng mata. Napakasuwe­rte niya dahil natagpuan niya si Honey. Right timing. Kung kailan kailangang-kailangan niya ng someone to be with. Ito iyong klase ng babae na handang magbigay kahit nasasaktan.

Baka akala ni Honey ay patay na lukan siya. Na wala siyang nahahalata sa mga ikinikilos nito. Alam niya iyon, ramdam niya.

Hindi pa ito ang oras para pag-usapan ang tungkol sa kanila. Marami pang unresolved issues. Sana maayos nila ito kapag humupa na ang tension.

Hindi ako magtatanon­g ng kahit na ano tungkol sa atin, Sebastian. Hindi naman ako 15 years old. I’m twice your age. I think I know better who I am- I know my needs, my wishes, my dreams. Hindi lang talaga nawawala sa akin ‘yung mga kilig moments so feeling ko edad lang talaga ang nadaragdag­an sa akin but my heart is still very young.

And no, I do not have any demands. Hindi ako filinggera o assumera (feeling and assuming). Because these two things will only hurt you. Okey na sa akin na masaya ako, napapasaya kita. No more day dreamings or buntunghin­inga (s). No complicati­ons.

Pero naniniwala ako na mahiwaga ang pag-ibig. May pag-ibig na maaaring magbigay sa iyo ng tapang at kakanyahan na maging mas higit ka pa. Na para bang lahat ay posible at makakaya mong gawin. Sana ay matagpuan mo ang pag-ibig na ‘yan.

Samantalah­in mo ang panahon, Sebastian. Hawakan mo ang bawat sandali. Huwag mong pakawalan.

I had a wonderful time spent with you. Every minute is glorious!

I wish you love.

Huwag mo ‘kong kalimutan.

Honey Kinuha ni Sebastian ang necklace. Hinagkan ito. Pagkuwan ay isinabit sa kaniyang leeg. Dinampot niya ang unan. Nakingiti sa picture design ni Honey.

Dinala niya ang unan sa dibdib. Mahigpit na niyakap.

Hanggang sa lumipas pa ang maraming araw nang paghihinta­y at pananabik sa mga susunod na kaganapan.

ANG tagal nang pinag-iisipan nila ni Gudang kung ano ang mayroon sa milk tea para pilahan ng mga adik. Pero talagang hindi nila ito ma-process. Iyon bang maghintay ka ng thirty minutes para lang maka-avail ng isang baso. Mas worst baka isang oras pa. Para sa makasaysay­ang milk tea?

Pero heto at nakikiloka silang nakikipila ni Gudang. Wala namang bago sa lasa. Milk tea pa rin. Tsaa na nilagyan ng gatas, nilagyan ng maraming black pearl. Chance na rin iyon para makapagtsi­smisan sila. “Kumusta naman ang lover boy mong long hair?” pagsisimul­a ni Gudang. Ngayon ay mga labing apat na lang na tao ang nasa unahan nila bago ang kanilang turn. “Si Sebastian?” kaswal niyang tanong.

“Oo naman. It’s been a month mula nang bumalik siya ng Saudi.”

Buntunghin­inga. Ang lungkot na naman. Heto na naman. “Wala siyang paramdam. Baka busy.”

“Ha? Ni hindi nag-message?”

“Busy nga siguro. Give him some space.”

“E, ikaw, kumusta naman? Me feelings ka pa ba sa lokong ‘yun? Ang dami mo ring inaksayang luha du’n, ha.”

“Hindi naman basta nawawala ‘yun. But I’m more at peace with myself. Nagtataka nga ako kung bakit parang nawala ako sa sarili mula nang makilala ko siya. Pero eto, bumalik na uli sa katotohana­n. Some good things never last.”

Biglang may naisip na ibang topic si Gudang. “Maiba ako, nabalitaan mo na ba?”

“Ang alin? O, malapit na tayo. Ilang percent ang sugar mo?” si Honey.

“E, di 100%. Maloka na ang sugar count ko, bahala siya. ‘Lam mo na, masarap ang bawal.”

“Balik tayo sa tsismis mo. Anong meron sa office?” “Si Miss Tati, aalis na pala.”

“Ha!? Saan daw pupunta? Magre-resign?” “Magre-retire. 60 years old na pala siya, akalain mo? Hindi halata, ano? Maalaga kasi sa katawan. Nagulat nga din ako, e. ‘Kala ko nasa early 50’s pa lang. Mga 51, gano’n.”

Sandaling nag-isip si Honey. Oo nga at hindi niya masyadong kasundo ang dalahira-pakialamer­a-bruhitikma­sungit na Editor-in-Chief nila pero nakalulung­kot din malaman na aalis na pala ito. Kahit na ano pang hindi maayos na ugali nito ay aaminin niyang naging mentor niya si Miss Tati.

Marami siyang natutuhan sa pasikot-sikot ng trabaho dahil sa pagiging matiyaga nito sa pagtuturo.

Character builder si Miss Tati. Tinutukan siya nito. Binigyan ng training. Pinagtiyag­aan.

Mahirap pero tiniis niya lahat. Kaya nga tumagal siya ng kung ilang taon sa trabahong iyon ay dahil mas pinili niya ang matuto at lumawak ang karunungan kaysa magreklamo lang. At sinamahan niya ng walang katapusang panalangin.

Hindi niya makakalimu­tan lahat iyon. At lalong hindi niya malilimuta­n ang pahirap na inabot sa ilalim ng supervisio­n ni Miss Tati.

Pagbalik nila sa office, hinanap niya sa dictionary ang salitang “difficult.” Gusto niyang i-justify kung bakit ganito ang tingin ng lahat sa kanilang Editor-in-Chief. Ito ang mga lumabas na meaning:

Difficult- not easy to do; requiring effort (a difficult job) not easy to understand or resolve; intricate (a difficult problem) hard to deal with; troublesom­e (a difficult person) not easily

PISCES (Peb. 20–Mar. 19) Ang pagpanig sa barkada ay makababawa­s sa tiwala ng mga kapamilya. Maging matalino sa pagdedesis­yon at huwag basta makinig sa kung sino. Lucky nos. 01-27 & 15.

ARIES (Mar. 20–Abr. 19) Suwerte ka ngayon at ang taong sa iyo ay nagmamahal. Marami ang suwerte mo dahil marami ang nagmamahal sa iyo. Lucky nos. 26–23 & 19.

TAURUS (Abr. 20–Mayo. 20) Iyong-iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang agad na kikilos ang langit at ikaw ay pagbibigya­n. Hilingin mo na ang pinakamala­king kahilingan sa buhay. Lucky nos. 20–23 & 28.

GEMINI (Mayo 21–Hun. 20) Ito ang araw na madali kang magkakagus­to sa mababait, mahinahon at may magandang mga mata. Kapag nagkataong may mahal ka, ibig sabihin, magkakapro­blemaka. Lucky nos. 03–19 & 24.

CANCER (Hun. 21-Hun. 20) Iwasan mong maging emosyonal sa araw na ito. Tandaan mo, nagiging pabigla-bigla ang taong nasasaktan at kahit ayaw niya, nabigla rin siyang napapayag. Lucky nos. 04–19 & 30.

LEO (Hul. 21–Agos. 20) Huwag mong akalaing ikaw ay mahina. Dahil ang totoo, higit na malakas ang iyong damdamin kaysa sa iyong isipan. Lucky nos. 12–18 & 09.

VIRGO (Agos. 21–Set.22) Pakinggan mo ang nilalang na sasalungat sa iyong kagustuhan. Huwag kang aangal, ituturo niya sa iyo kung paano ka magtatagum­pay. Siya ang padala ng langit upang suwertehin ka! Lucky nos. 38–42 & 16.

IBRA (Set. 23–Okt. 22) Nakatakda ang tagumpay para sa gaya mong masikap at matiyaga sa bawat gawain. Lucky nos. 06–09 & 16.

CORPIO (Okt. 23-Nob. 22) Susuportah­an ka ng mga kaibigan sa bagong larangan ng negosyo. Mapapawi na rin ang pag-aalala na matagal nang dinadala at nararamdam­an. Lucky nos. 19-21 & 23.

AGITTARIUS (Nob. 23–Dis. 22) Masasayang ang iyong kinabukasa­n kung magpapasak­op sa galit na wala namang katuturan. Lucky nos. 08–26 & 35.

APRICORN (Dis. 23–Ene. 19) Matutuklas­an ang ugat ng maling balita. Sikapin na maitama ang anumang pagkakamal­i habang may pagkakatao­n ka pa. Lucky nos. 01–17 & 36.

AQUARIUS (Ene. 20–Peb. 19) Sanayin ang sarili na magsalita ng positibo. Para ang bawat lalabas sa bibig ay maging inspirasyo­n sa makaririni­g. Lucky nos. 01–29 & 18.

 ??  ?? “Hello, Honey. I just drop by to say goodbye. And sorry for whatever pain I had caused you,” boses ni Miss Tati na ngayon ay nasa harapan na pala niya.
“Hello, Honey. I just drop by to say goodbye. And sorry for whatever pain I had caused you,” boses ni Miss Tati na ngayon ay nasa harapan na pala niya.
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines