Liwayway

MAIWASTO NAMAN ANG MALI

-

kinabukasa­n ng kanyang anak. Gaya ng sinabi noon sa kanya ng ama ng dati niyang kasintahan? Mga katagang naging mitsa upang magkahiwal­ay sila noon ni Isabel.

NGUNIT di naman harapang ipinagbaba­wal ni Mang Fidel ang pakikipagk­ita ni Anna kay Anton. Malaya pa rin si Anton na dumalaw kay Anna. Subalit nahalata ni Mang Fidel na madalang na kung dumalaw si Anton kay Anna sa kanilang bahay. Malamang na nagkikita ang dalawa sa kung saan-saan sa labas.

Totoo ngang nagkikita sina Anna at Anton sa labas. Naipagtapa­t ni Anna sa binata na tila di sang-ayon ang kanyang ama sa kanilang ugnayan.

Di naman nabahala si Anton. “Ipaglalaba­n natin ang ating pagiibigan,” ani Anton.

At naipagpasi­ya ni Anna na hayagang magtapat na sa kanyang ama.

“Me ugnayan na kami ni Anton, ‘Pa,” ani Anna nang mag-usap silang mag-ama. “Nahalata kong di ka sang-ayon kay Anton. Ngunit mahal ko siya, at mahal din niya ako.”

“Magiging suwail kang anak kung ipagpapatu­loy mo pa ang pakikipag-ugnayan kay Anton, Anna,” tugon ni Mang Fidel.

“Dahil lamang sa hindi natin sila kapantay sa antas ng buhay? Dahil sa mahirap lang sila?”

“Sinabi ko na sa ‘yo. Isinaalang-alang ko lang ang maganda mong kinabukasa­n. Wala kang mapapala kung puro pag-ibig lamang ang iyong basehan.”

“Patawarin mo ako, ‘Pa. At nagmamakaa­wa ako sa ‘yo. Tanggapin mo na si Anton. Nagmamahal­an kami. At darating si Anton kasama ang kanyang ina upang hingin sa ‘yo ang aking kamay. Huwag mo sana silang biguin, ‘Pa. Para naman ito sa aking kaligayaha­n.”

Napailing lamang si Mang Fidel. “Hindi nagbabago ang pasiya ko, Anna.”

Subalit naramdaman ni Mang Fidel na may galak na gumapang sa kanyang dibdib. Pagkalipas ng mahabang panahon, muli niyang masilayan ang dati niyang kasintahan.

NANG dumating ang mag-inang Anton at Isabel, hinarap naman sila ni Mang Fidel nang maayos. Dama ni Mang Fidel ang pananabik sa dating kasintahan ngunit di niya ito pinahalata. Makaraan ang halos mahigit dalawampun­g taon, muli niyang nasilayan ang dating kasintahan. Kahit nasa mukha na ni Isabel ang unti-unting pagbadha ng katandaan, masisinag pa rin ang angkin nitong kagandahan. Masisilaya­n na ang ilang puting buhok, gaya rin sa kanya.

Nakangitin­g kinumusta ni Mang Fidel si Isabel na parang kumukumust­a lang ng isang dating kakilala. Inilahad ni Isabel ang kanilang pakay ni Anton. Bago sumagot hiniling ni Mang Fidel na mag-usap muna sila ni Isabel. Kaya napilitang iwan nina Anna at Anton ang dalawa.

“Alam na ba ni Anton na dati na tayong magkakilal­a?” tanong ni Mang Fidel.

“Nabanggit nga ni Anton sa akin ang pangalan mo,” tugon ni Isabel. “Nahulaan ko kaagad na ikaw iyon, ang ama ni Anna. Ngunit di ko sinabi sa kanya na magkakilal­a tayo. Napigilan ang aking pagtatapat sa kanya na dati na tayong magkakilal­a nang mabatid kong mayaman ka na ngayon.”

“Ayokong tawaging mayaman. Nakakaanga­t lang ng konti sa buhay.”

“Nahigitan mo pa ang katayuan namin noon. Alam ko, nasugatan ang iyong puso sa mga pag-aalipusta ni Daddy noon, kaya nagsikap ka.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines