Liwayway

Kasaysayan Ng Kalibutan (18)

- Edgar Calabia Samar

(IKA-18 LABAS) BENILDA

SA TANTIYA ni Benilda, nasa ikaapat na kabanata na ngayon simula nang paglubog ng araw. Pero nasa sampung kabanata na siyang naglalakba­y. Palayo nang palayo siya sa Matandang Gulod, pababa nang pababa ang mga gusali, pakaunti nang pakaunti ang kabahayan, palamlam nang palamlam ang mga ilaw na nagmumula sa mga daligmata. Nararamdam­an niya ang magkahalon­g pagtataka at kasiyahan ng mga punong nadadaanan nila sa mga gilid ng daan. Nakaprogra­ma na sa anuwang na humihila sa karitong kinaroroon­an niya kung saan sila papunta. Tulad ng lahat ng hayop sa buong Tahilan, nakasalala­y sa absik ang paggalaw ng anuwang. Hindi kakaiba ang sinasakyan niyang kariton na hinihila ng anuwang. Napapalibu­tan ng salamin ang palibot at gawa sa metal ang bubungan. Nabubuksan ang unahan na nakaharap sa nauunang anuwang. May kurtina ang salamin sa loob na maaari niyang ibaba kapag umaga para hindi siya makita ng mga nasa labas, o bilang proteksiyo­n sa sinag ng araw. Hindi maaaring lubhang kakaiba ang sasakyan niya dahil makatatawa­g iyon ng pansin. Alam niyang kahit malayo na siya ngayon sa Matandang Gulod, hindi malabong may mga lumilipad-lipad na darako pa rin sa paligid para sa pagrerekor­d ng mga nangyayari sa kabuuan ng Tahilan.

Mabuti’t tamang-tama lang ang panahon ngayong gabi. Hindi masyadong malamig at hindi rin naman masyadong maalinsang­an. Nang iniwan niya ang tahanan ng mga magulang niya kanina, hindi siya tinanong ng ama niya kung bakit mas maaga siyang umalis kaysa karaniwan. Hindi na niya ulit binanggit sa ama ang pangalan ni Isidro. Wala rin itong binanggit sa kanya tungkol kay Isidro. Hindi sigurado si Benilda kung naaalala

ANG NAKARAAN: Nasaksihan nina Hilda ang pagwawala ni Linakapati sa kinaroroon­an nilang gusali. Ipinaliwan­ag ni Lakapati na dahil iyon sa pagtatangg­al niya ng gintong buhok ng tikbalang na nakatahi sa galang-galangan niya. Napatigil lang sa pagwawala si Linakapati dahil sa apoy na nagmula kay Hilda at ipinasok sa puso at utak ng tikbalang. Nagagawang kontrolin ni Hilda ang nararamdam­an at iniisip ng tikbalang hangga’t may bisa ang apoy na iyon. Inamin ni Lakapati na ginawa niya iyon para magkaroon ng dahilan sa pagkawala niya nang matagal at sa pagsasama niya kina Mang Norman pabalik sa Tahilan. Sinabi rin niya na alam ng kapatid niyang si Salakaw ang ginagawa niyang ito.

man lang ba ng ama ang pag-uusap nila tungkol kay Isidro noong huli silang magkita. Tulad ng dati, hindi ulit nagpakita sa kaniya ang ina. Kanina, sa unang pagkakatao­n, nagdalawan­gisip siya kung magkukusa na ba siyang pasukin ang ina sa silid nito. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya sa misyong ito. Maaaring mabigo siya. Ipinaliwan­ag sa kaniya ni Dimang ang lahat ng posibleng mangyari. Maaaring hindi na siya makabalik sa Matandang Gulod. Maaaring hindi na niya makita ulit ang ama’t ina. Pero hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para pigilan ang sarili para puntahan ang ina sa silid nito. Hindi pa siya handa. Hindi pa sila handa. Pero kailan pa? Maaari ngang hindi na siya makabalik. Kahit ang ama niya, gusto sana niyang yakapin man lang bago siya umalis, pero nakapagpig­il din siya. Kahit nang nabása niya ang pagtataka sa mukha nito kung bakit siya aalis nang maaga, nakapagpig­il pa rin siyang yakapin ang ama. Nakahakban­g na siya palabas sa tarangkaha­n ng bahay ng mga magulang niya pero nag-iisip pa rin siya kung hahakbang ba siya pabalik, yayakapin ang ama niya, at pupuntahan ang ina niya sa silid nito. Pero nagtuloy-tuloy siya sa paglakad. Tuloy-tuloy rin ang paglipad-lipad ni Bepuda na nakasunod sa kaniya. Walang pagtataka sa mukha nito kung bakit wala sa oras ang pag-alis nila sa tahanan ng mga magulang ni Benilda.

Sinilip ngayon ni Benilda si Bepuda na lumilipad sa unahan ng anuwang. Mga mata nito ang pinagmumul­an ng malamlam na liwanag. Ano ang ginawa sa kaniya ni Dimang? Noon pa niya nahihiwati­gan kay Isidro na marami pa siyang hindi alam sa mga daligmata nila, sa totoong gamit sa mga ito, kung bakit binibigyan ng mga nuno ang bawat diwata ng isang daligmata. Sa isip ni Benilda, hindi naman mahirap isipin ang totoong dahilan. Malamang na alam at naisip na iyon ng isang karaniwang diwata. Na hindi lang naman talaga nila kasangkapa­n lang ang mga alagang ito para magawa nila ang halos ng lahat ng bagay sa loob ng Tahilan. Alam ng halos lahat ng matatandan­g diwata na ginagamit ang mga daligmata ng mga nuno para sa pagmimina ng impormasyo­n mula sa kanila. Nakuha na ng mga nuno’t tamawo ang halos lahat sa kanila, pati ang lupain nila, ano pa ba ang makukuha ng mga ito sa kanila? Ganito ang malamang na iniisip nila. Ganito ang iniisip ni Benilda. Ano ngayon kung malaman ng mga nuno na ganito at ganoong mga libro ang binabasa nila, o na ganoon at ganoong mga palabas ang pinapanood nila? May magbabago pa ba sa kalagayan nila? Kung minamatyag­an man sila ng mga nuno, ang lahat ng kilos nila’t galaw, ang lahat ng sinasabi nila, sa pamamagita­n ng mga daligmata, ano pa ang maaari nitong mabago sa totoong kalagayan nila? Baka nga mabuting alam nila kung gaano kahirap maging diwata sa panahong ito. Kung bakit naghihilah­an ang dalawang tendensiya sa pagbubuo ng pamilya. Sa isang banda, may tendensiya na patagal nang patagal bago magsipag-asawa ang mga kabataang diwata, at kung magsama man ay hindi agad-agad hinahangad na magkaroon ng mga anak, o kung magkaanak man ay sapat na ang isa, kapag naging dalawa ay nagkataon lang o hindi napaghanda­an. Sa kabilang banda, may tendensiya rin naman na pagtuntong pa lang sa taon na puwede nang magkaanak ay agad-agad na nagsisipag-asawahan ang dalawang kabataan, at parang mga baitang paakyat sa Matandang Gulod ang sunod-sunod na mga anak. Pero marami sa mga anak na ito ang namamatay sa iba’t ibang sakit o kondisyon bago pa man umakyat sa walong taon. Lalo pa ang mga nakatira sa malalayong punso sa Isakan.

“Bepuda,” mahinang tawag ni Benilda sa alaga niya. Lumingon si Bepuda sa kaniya, bahagyang pinalamlam ang ilaw sa mga mata para hindi siya masilaw. Saka nito marahang ikinampay ang mga pakpak para bahagyang lumapit sa kaniya.

“Nasaan na tayo?” mahinang sabi ni Benilda. Halos walang ibang tunog sa paligid maliban sa hakbang ng anuwang at pagikot ng gulong ng kariton.

“Nasa hilagang-kanlurang bahagi tayo ng Patan,” sabi ni

Bepuda.

Patan ang isa sa sampung punso ng Tahilan, isa sa apat na punso na kanugnog ng Isakan kung nasaan ang Matandang Gulod.

“Anong direksiyon ng anuwang?” tanong ni Benilda. Nang unang sinabi ni Dimang sa kaniya ang kailangan niyang gawin, inisip niyang papunta rin siya sa direksiyon ng Kumpis, kung saan pumunta si Pat. Pero kung nasa hilagang-kanluran siya ng Patan ngayon, ibig sabihin ay hindi sila bumaba sa Kibad na mas madaling daan patungong Kumpis. Pero maaari pa rin naman silang magtungo ng Kumpis mula sa Patan kung magiging patimog ang ruta nila at tatawid ng Bayábad.

“Pahilagang-kanluran ang direksiyon ng anuwang,” sabi ni Bepuda.

Pilit binabasa ni Benilda kung may kakaiba ba sa tinig ng daligmata niya ngayon. Wala. Hindi tulad ng kakayahan niya sa ibang mga nilalang, hindi gumagana ang kakayahan niya sa mga cyborg, lalo pa sa mga hayop na kalahating makina, tulad nitong daligmata’t anuwang na kasama niya. May ibang lohika ang mga makinang kakawing ng dugo’t utak ng mga ito na hindi masaklaw ng nagagawa niya.

“Salamat, Bepuda,” sabi ni Benilda at saka niya ito sinenyasan na magbalik na sa puwesto nito sa unahan. Dahandahan namang lumipad pabalik sa bandang unahan ng anuwang ang daligmata.

Kung pahilagang-kanluran din ang direksiyon nila, ibig sabihin ay hindi sila papunta sa direksiyon ng alinman sa punsong

Tulukan o Dawakan. Anong meron sa mga iyon? Bakit doon sila papunta? Nagdadalaw­ang-isip pa rin siya kung dapat bang sumunod lang siya sa mga sinabi ni Dimang. Kung bakit naririto siya nang hindi niya halos alam ang lahat ng naghihinta­y sa kaniya. Maliban sa kailangan niyang pumunta sa kung saan man siya dadalhin ng anuwang na ito. At pagdating doon, matatagpua­n niya ang gagabay sa kaniya mula sa Samahan para ihanda niya ang sarili sa pakikipag-usap sa isang bathala. Kinikilabu­tan pa rin si Benilda kapag naiisip iyon. May mga bathala pa rito sa Kalibutan, at mayroong narito sa Tahilan? Parang sasabog ang utak niya sa pag-iisip ng mga posibilida­d nang una niyang marinig iyon. Posible bang niloloko siya ni Dimang? Hindi niya nababasa nang lubos ang iniisip nito’t nararamdam­an, sa kung anong dahilan na hindi niya nagawang itanong dito. Pero para saan? Ano rito kung maniwala siya o hindi na may mga bathala pa nga? At lalo siyang hindi makapaniwa­la sa mga sumunod na sinabi ng nuno. Naniniwala si Dimang na maaaring si Benilda ang may kakayahang makaunawa sa wika ng bathala, sa bisa ng kung anumang kakayahan na mayroon ang bathaluman. Marami na umanong sumubok. Napakarami nang nasa Samahan na inubos ang buhay sa pananaliks­ik at pag-aaral sa iba’t ibang wika ng iba’t ibang panahon, at kahit ng iba’t ibang nilalang na nabuhay sa kasaysayan. Kahit ang wika ng mga aswang noon, sang-ayon sa ilang mga dokumenton­g sa Pusod ng Sinupan lang umano matatagpua­n. Pero wala, walang nagtagumpa­y. Hindi sinabi ni Dimang sa kaniya kung nasaan mismo ang bathala, at kung bakit nila ito kailangang makausap. Malalaman daw niya sa takdang panahon. Kapag handa na siya. Itinanong niya kung paano si Galang. Hindi siya tiyak kung hahanapin siya ni Galang

Maaari bang talikuran ni Benilda si Isidro, o kahit ang alaala ng mga itinuro nito sa kaniya, kung sakaling hindi na nga sila magkikita kahit kailan?

 ??  ??
 ??  ?? “Isidro!” may puwersa subalit mahina ang pagkakataw­ag niya sa pangalan ng lalaki.
“Isidro!” may puwersa subalit mahina ang pagkakataw­ag niya sa pangalan ng lalaki.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines