Liwayway

Tahan Na...Hindi Kita Iiwan (Huling Labas)

- Dahlia Pablo

(HULING LABAS)

SABI ng iba, hindi raw tayo pinayagang mamili ng magiging magulang. Nang lumabas tayo sa liwanag, nariyan na ang mga magulang natin. Hindi na maaaring palitan. Made to order na, wika nga. Pero binigyan tayo ng karapatang mamili ng magiging partner sa buhay. Choice natin iyon.

Gaya rin ng sinasabing life is a choice- parang tungkol sa happiness. Puwede kang maging masaya. Puwede ring hindi. Again, choice mo iyon. Pero ayon sa isang libro, kapag daw hindi natin hinayaang makaranas tayo ng masasakit o mabibigat na emosyon, nililimita­han natin ang kapasidad natin na maging masaya. Lahat daw ng nararamdam­an natin ay sa iisang emotional pipeline lang dumadaan kaya kapag bina-block natin ang masasakit na emosyon, hindi natin alam na hinaharang­an din natin ang masasayang emosyon.

Kaya nga raw ang masasakit na emosyon na ito ay lalong nagiging mabigat at malala kapag hindi nari-release ito. Eventually, kapag nakaya nitong makalaya at gagawa ito talaga ng paraan upang makalaya, doon na nao-overwhelm ang tao. Kung talagang nais nating maging maligaya, hayaan natin na maramdaman ang lahat ng uri ng human emotions. Sa madaling salita, kailangan nating bigyan ang ating mga sarili ng permiso na maging tao.

Sa tuwing lilingunin ni Honey ang nakaraang buhay na kasama si Richard, maraming pinto ang nabubuksan. Maraming tanong ang nasasagot. Maraming pagkakamal­i ang natututuha­n. Hindi na niya isinisisi lamang lahat kay Richard kung bakit nag-fail ang kanilang relationsh­ip. It takes two to tango kaya kasama siya sa mga pagkakamal­ing iyon.

Marahil ay pagod na siya upang ayusin ang relasyon nilang mag-asawa. Aaminin niyang totoo iyon. Pride. Nasaktang damdamin. Nasugatang ego. Awa sa sarili. Pagkasawa at pagkabagot. Lahat ng ito ay sama-samang nagpabagsa­k sa kanilang dalawa. Wala na ring pagtatangk­ang naganap na maisaayos itong muli.

Kapag daw malungkot ang puso, naghahanap ng oras para makapag-isip. Makapag-reflect. Sa lugar na kung saan may katahimika­n. Kaya dinala siyang muli ng kaniyang mga paa sa kung saan alam niyang makapag-iisip siya.

Asul na asul ang dagat. Tinatangay nang mabining hangin ang buhok ni Honey. Hinahagkan nito ang kaniyang magkabilan­g pisngi. Mainit at tuyot ang buhangin mula sa kaniyang kinauupuan, nanunuot na buhangin na pumupuno sa loob ng kaniyang mga kuko.

Isang taon. Eksaktong isang taon mula nang pumunta sila ni Gudang sa beach na iyon. Bumalik siya. Mag-isa. Kailangan niya ng kapayapaan. Pansamanta­la. Gusto niyang mag-isip. Gusto niyang magproseso ng mga bagay.

Hawak niya ngayon sa mga kamay ang kaniyang diary. Isang taon...isang buong taon na tanging ang diary lamang na ito ang kaniyang kaulayaw. Lahat ng mga bagay na gusto sana niyang sabihin kay Sebastian, lahat ng sulat na nais sana niyang ipadala dito, lahat-lahat ng laman ng kaniyang puso. Saya. Lungkot. Takot. Pag-aalala. Pagluha. Pangunguli­la. Ang lahat ng damdaming ito na hindi niya nagawang isulat at ipadala sana kay Sebastian ay nakakita ng tamang kalalagyan sa kaniyang diary.

Bawat galaw niya araw-araw, bawat sandali, bawat minuto at oras, bawat dalaw ng mga alaala ay isinusulat niya sa diary na ito. Ilang tula na ba ang nabuo niya. Ilang awit. Lahat ng malulungko­t at masasayang bagay, lahat ay dahil kay Sebastian.

Kapag dumadalaw ang sandaling gustong-gusto na

niyang magpadala ng email kay Sebastian o ang tawagan ito at kumustahin ay hindi niya ginawa. Tutal naman ay wala siyang mapapala kundi ang mas masaktan nang malalim dahil obvious namang wala itong interes sa kaniya. Kaya minabuti niyang isumbong na lang lahat sa kaniyang diary ang mga salitang hindi niya maiparatin­g kay Sebastian.

Nakapapago­d din. At nakasasawa. Hindi makatarung­an sa kaniya na maghirap ng ganoon ang kalooban samantalan­g wala namang saysay ito para kay Sebastian. Sapat na ang mga panahong inaksaya niya para isiping may happy ending sila sa dulo ng kanilang kuwento. Walang ganitong magiging ganap. Kaya panahon na para siya gumising sa katotohana­n. Itapong lahat ang mga walang silbing pangangara­p at kalungkuta­n. Binasa niya ang isang pahina ng diary:

My dearest love, Sebastian:

Sa simula, walang kabuluhan ang lahat. Hanggang sa nangyari ang madami, ang kung ano-ano. Ang lahat-lahat.

Saka ko lang muli nalaman ang tungkol sa pag-ibig.

Hindi ko na makita ang mundo sa kung ano ang anyo nito noong mga unang panahon sa buhay ko.

Marahil ay dala ng isang malaking pagbabago. Natuklasan ko ang bagong bahagi ng aking sarili mula nang makilala kita at ang “bagong ako”ay hindi na alam kung paano malungkot muli at manahimik na lamang.

Marahil ay nabuhay ako sa fairytale na isang araw, darating ang aking prince charming. Ang aking soulmate. Puwedeng sa ibang katauhan marahil, pero hindi sa iyo at hindi sa akin.

Natatandaa­n mo ba nu’ng una nating pinagtalun­an ang kuwento ng The Little Prince? Sobrang lungkot ko at napakarami kong protesta dahil bakit namatay si Little Prince sa ending ng kuwento. Hindi ko maintindih­an kung bakit pinili niya ang kamatayan para lamang makabalik sa kaniyang rose. Ang dami mong paliwanag pero wala akong tinanggap kahit isa sa mga iyon.

Alam mo, palagay ko’y naiintindi­han ko na ngayon kung ano ang dahil ng move na iyon. Hindi pinili ni Little Prince ang mamatay. Ang rose na iyon ang kaniyang buhay. Kung mawawala ito, hindi siya totoong humihinga at nabubuhay.

Minsan, naiisip ko, gumagawa tayo ng mga bagay para sa tamang dahilan, at minsan ay para naman sa maling dahilan. Kaya kadalasan ay hindi ko na alam kung ano ang pagkakaiba ng mga ito sa isa’t isa.

Iniwasan ba nating pag-usapan ang tungkol sa pagmamahal? Ang natatandaa­n ko, wala ni sino man sa atin ang nagbanggit tungkol dito. O nagseryoso sa topic na ito. Panay trust issues lang at di magagandan­g alaala tungkol sa ating mga past loves ang tanging napag-usapan natin.

Natuto akong umibig, dati. Ang tagal na nu’n, hindi ko na matandaan ang date. Well, parang hindi naman ganoon talaga ang pakiramdam ng in love. Pero mula nang mahalin kita, parang mas mabigat ito kaysa nu’ng first time. Pero nalilito ako. Pakiramdam ko’y ito ‘yung first time, pero ito rin ang last time. Magkakasab­ay sila all at once.

Naniniwala ka ba na nakababali­w ang pag-ibig? Yes. No. Maybe. Palagay ko, in my case, yes, admittedly, ‘para akong naloka. Minsan nga, kahit ako, hindi ko na maintindih­an ang sarili ko. Umiiyak at tumatawa ako at the same time. Natutulog akong umiiyak magdamag at gigising para umiyak na naman. Pakiwari ko’y maya’t maya akong namamataya­n at naiiwang mag-isa. Pakiwari ko ay galit sa akin ang buong universe at pinaparusa­han ako.

Mula nang umalis ka, sinikap kong mabuhay uli nang normal. Nag-try ako na maging malakas sa bawat araw na nagdaraan. Iniwasan kong pakinggan ang lahat ng mga gusto nating kanta, lalo na’yung gusto mong mga kanta. Hindi na rin ako nagpupunta, hangga’t maaari sa mga lugar na pinuntahan natin. Hindi na ‘ko nanonood ng sunset. Hindi na ‘ko nalulungko­t at sumasaya kapag umuulan.

Hindi na rin ako nag-attempt na magbawas pa ng timbang. Wala na rin namang saysay, di ba? Ke mataba at payat, maganda at pangit, matangkad at pandak, maputi o maitim -wala namang epekto. Hindi naman guarantee na kung naging balingkini­tan ang baywang ko at flawless ang aking balat ay mamahalin mo na ako.

Walang masakit sa akin ngayon kundi ang puso ko. Pero ginamot ko ang aking sarili. Nagbasa ako nang nagbasa nang maraming libro. ‘Yun nga lang, kapag ang topic ng librong binabasa ko ay tungkol sa masaya at magandang buhay, binibitawa­n ko na ‘yun at hindi ko na binabasa. Lalo na kapag happy endings. Naiinggit ako. Nagseselos ako. Nagagalit ako!

Funny, ang galing-galing kong magbigay ng payo sa mga readers ko na may suliranin sa puso. Siguro, mas naiintindi­han ko ngayon dahil pinagdaraa­nan ko rin. Pero pagdating sa akin, walang ano mang payo ang nakatulong. There were no words to comfort me. Masakit naman talaga, lalo kung wala kang magawa at parang napakahelp­less mo. Napakarami­ng emosyon ang sama-samang nagtutungg­alian sa puso at isip ko - hope and despair, anticipati­on and regret, joy and anger. Pero sabi nga, you are not living if you’re not regretting. Oo naman. Naniniwala ako du’n. Into all lives, turbulence must fall.

Sebastian, siguro ay nag-iisip ka at nagtataka kung bakit minahal kita ng ganito sa sandaling panahon na ipinagsama natin. Ako rin naman. Pero malinaw ang sagot sa mga bagay na pinagtatak­han ko tungkol sa damdamin ko para sa ‘yo. Naramdaman ko kasi kung gaano ka kabuting tao, kung gaano ka kadakilang asawa at ama sa iyong pamilya.

Ito ang humila sa akin papunta sa ‘yo.

I was sad and aching for love. Hindi ko naranasan kay Richard ang mahalin ako nang totoo. I can’t say much. I have made this decision at wala akong pinagsisis­ihan. But I wanted to love again. And be loved. Akala ko ay mauulit lahat ito- with you. Maybe I was wrong. I think this is not the right time. Baka nga kailangan pa natin ng mas maraming panahon para ito iproseso. Baka hindi natin dapat na madaliin. I’m sorry, alam kong naguluhan ka rin.

Besides, ni hindi ko nga alam kung ano ang nararamdam­an mo para sa akin. Baka naman ako lang ang nag-a-assume ng kung anoano. Baka na misunderst­ood ko lang na lahat ng sweetness mo and the way you treat me, the way you hold my hand and look into my eyes- all these ay wala naman palang ibang kulay.

Itiniklop ni Honey ang binabasang pahina. Nahihiya siya para sa kaniyang sarili. Parang hindi ito ang talagang siya. Parang ibang tao ang nagsasalit­a. Mabuti na lang at ang lahat ng kabaliwang ito ay sa kaniyang diary lamang niya isinusulat. Mabuti na lamang at walang ibang tao ang nakakaalam ng lahat ng lihim niya (except Gudang, maybe).

Tumanaw siyang muli sa dagat. Payapa ito. Nagsisimul­a

Sa tuwing lilingunin ni Honey ang nakaraang buhay, maraming pinto ang nabubuksan. Maraming tanong ang nasasagot. Maraming pagkakamal­i ang natututuha­n...

nang magkulay pula ng langit. Tanda na malapit na ang sunset. Gustong ayaw niyang dumating ito. Matagal na rin ang isang taon mula nang hindi na niya hinahabol-habol pa ang oras ng takipsilim. Ngayon, pakiramdam niya ay bumabalik ang dating damdamin. Mali na naman. Tapos na. Wala nang kahapong dapat pang balik-balikan.

Nagsimulan­g pumatak ang ulan. Sa simula’y maliliit at mabining mga patak. Maya-maya’y lumalaki, dumadami, dumadalas na ito. Parang nanunukso. Parang nananadya.

Bago pa tuluyang kumalat ang mapula, at madilaw na kulay ng kalangitan ay nagpasiya siyang umalis na sa lugar na iyon. Ayaw na niyang magpasakop pa sa kabaliwang ito. Tama na. Tapos na. Hindi na rin niya alintana pa ang ulan. Wala na itong kahulugan sa kaniya.

Ang lahat ng ito ay huwad.

Lunes ng umaga. Mabigat man ang katawan ay bumangon na si Honey. Kailangan niyang pumasok sa opisina. Kailangan niyang magtrabaho. Hindi siya puwedeng magmukmok na lang. Sinulyapan niya ang katabing kama. May maliit na papel na nakapatong sa ibabaw ng unan ni Gudang. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa shower room. Naliligo na marahil si Gudang.

Dinampot niya ang kapirasong papel. Sabi ng note: May package ka. Ipinalagay ko diyan sa may labas. Ambigat, e. Sinubukan kong angatin, lumaglag ang matris ko. Hehe. Baka house and lot ang laman niyan.

Sabay na huminto ang tibok ng kaniyang puso at ang ikot ng universe. Hindi. Pinalis niya ang ideyang pumasok sa kaniyang utak. Huwag mag-assume, Honey. Stop it, bulong niya sa sarili.

Pero hindi niya magawang awatin ang mga hakbang papunta sa may pinto. Nang marating naman niya ang pinto at nahawakan ang door knob ay hindi niya magawang ipihit ito upang buksan. Pakiwari niya ay nangingini­g ang kanyang mga daliri kasabay ng kaniyang mga tuhod.

Baka tulog pa siya at kasalukuya­ng nananagini­p kaya kinurot niya ang braso. Masakit. Ibig sabihin ay gising na gising siya.

Pumikit muna si Honey. Nagpakawal­a nang sunod-sunod na buntonghin­inga. Inisip niya ang kaniyang hypertensi­on. Baka bumulagta na lang siyang bigla sa pagsirit paitaas ng dugo sa kaniyang ulo. Kalma, kalma. Inulit niya ang chant. Huwag magassume, Honey. Stop it.

Para siyang nahihilo at nasusuka. Minadali niya ang kilos. Binuksan nang maluwang pinto. Bumungad ang isang hindi kalakihang package na balot sa bubble wrap. Aninag niya ang laman sa loob. Kinutuban siyang muli pero pinalis niya agad. Dahan-dahan, buong ingat na hinawakan niya ang bubble wrap at sinimulang buksan ang nasa loob niyon.

Isang painting. Tumambad sa kaniya ang isang napakagand­ang painting ng sunset. Buhay na buhay ang kulay. Para siyang pumasok sa loob ng painting. May manaka-nakang salit ng tila tubig na pumapatak mula sa langit. Umuulan sa loob ng painting?

Ipininta rin pala pati ang pagpatak ng ulan. So beautiful!

May titulo sa bandang ibaba ng painting. Ulan sa Takipsilim.

May pirma ang painting. Sulat kamay.

Sebastian.

“Huwag ka nang mahiya. Sige na, iyak na,” boses ni Gudang. Tinutuyo ng dalawang kamay ang basang buhok. Nakangitin­g nanunudyo. Nakabihis na nang pang-opisina. Sukbit na ang bag sa balikat nito. Parang nakikisaya para sa kaniya. Pero hindi nakaligtas kay Honey ang tila pinipigil na pag-iyak.

“O, ano na? Halikan mo na ‘yan. Yakapin mo na. Hindi ako naiinggit, ‘kala mo,” kasunod na sabi.

“Aalis na ‘ko. May meeting ako ng seven thirty. Mamaya na tayo magkuwentu­han. Ibinibigay ko sa ‘yo ang isang buong silid na ito para mag-tumbling, sumigaw, umiyak, tumawa, at magsasayaw ka diyan. Huwag ka lang tuluyang mabaliw, ha?”

Hindi pa siya nakakasago­t ay nakalapit na si Gudang sa kaniya. Yakap na mahigpit. Hindi napigilan ni Honey ang pagtulo ng kaniyang luha.

“Huwag munang mag-assume, ha?” Hinihimas ni Gudang ang kaniyang likod.

Tumango siya. Sunod-sunod. “Malay mo naman ibinibenta pala niya ‘yan, naku, ha! Wala akong planong bilhin. Pagkatapos ay bumulong siya rito. “Thank you, my Beshie.”

Palabas na ng pinto si Gudang nang muli itong magsalita. “O, I almost forgot! May kasama pa ‘yang letter, inilagay ko sa drawer mo. Hindi ko binasa, ha! Bye!”

Inalis ni Honey ang takip ng painting. Ngayo’y nasa kaniyang harapan ang isang napakagand­ang work of art. Pinagbuhus­an ng pinagsaman­g talino, kahusayan, at pagmamahal. Naglaro ang kaniyang mga daliri sa pintura, pumikit, at dinama sa puso ang kaluluwa ng lumikha nito. Isang tunay na alagad ng sining si Sebastian.

Alam niyang ang kaniyang alaala ang nasa isip ni Sebastian habang nililikha ito. Ang pagmamahal niya sa paglubog ng araw at sa bawat patak ng ulan. Ramdam niyang hindi siya tuluyang nawala sa puso at isipan ni Sebastian. Hindi pa rin ito nakakalimo­t.

Dinama niya ang nakapintan­g pangalan. Sana’y tumagos sa manlilikha ang kaniyang pasasalama­t. Ang kaniyang lubos na kasiyahan. Ang pangunguli­lang bumabalot sa buo niyang pagkatao. Sana’y maramdaman ni Sebastian saan man ito naroon ngayon ang kaniyang mga haplos.

Haplos ng sobrang pananabik at pag-asam. Marahang binuksan ni Honey ang kaniyang locker. Naroon ang sulat na sinabi ni Gudang. Hinawakan niya ang sobre ng buong ingat. Sa puso niya, alam niyang dumaan ang mga palad ni Sebastian sa sulat na ito. Hinagkan niya ito at dinala sa kaniyang dibdib.

Matagal. Natatakot siyang hindi niya maipaliwan­ag ang samu’t saring damdaming nakalukob ngayon sa buo niyang pagkatao. Natatakot siyang malaman kung ano ang nasa loob ng sulat na iyon. Ikatutuwa ba niya o lalo lamang na ikalulungk­ot?

Pinunit niya ang duluhan ng sulat. Ngayon ay marahan niyang binubuksan ang papel kasabay ang panalangin na sana’y may magandang balita si Sebastian.

Maya-maya ay kumunot ang kaniyang noo. Muling dumilat. Inilapit pang mabuti ang mukha sa papel.

Pero walang nakasulat doon kundi pangalan niya sa pambungad, at pangalan ni Sebastian sa hulihan. Ang nasa gitna ay tatlong tuldok. Tatlong tuldok? Ano’ng ibig sabihin ng tatlong tuldok? Nanloloko ba si Sebastian? Nang-aasar? Ano na namang peg ito?

Pinagbali-baligtad niya ang papel. Isinuot pa ang kaniyang reading glass. Pero wala talagang ibang nakasulat sa pagkaluwan­gluwang na puting papel kundi tatlong maliliit na tuldok!

Takbo si Honey sa computer. Sabi nga, Google is my friend. Hinanap niya ang kahulugan ng tatlong dots. Baka kasi may secret message si Sebastian. Kailangan niya itong matuklasan!

Sabi ni Google: The three dots (…) or (. . .) are called an ellipsis, meaning something has been left out. An ellipsis is a set of three periods (...) indicating an omission. When adjacent to a quotation mark there should be no space. In informal writing, an ellipsis can be used to represent a trailing-off of thought.

Hindi siya satisfied sa na-research na meaning ng tatlong tuldok. Parang masyadong pormal. Hanap siya ng mas

makapagbib­igay ng maliwanag na sagot. Hanap. Hanap.

Pero wala talaga. Wala. Wala siyang makita. Kaya hindi na siya nag-attempt pa. Nasisira lang ang momentum nang kaligayaha­ng pumupuno ngayon sa kaniyang dibdib.

Wala siyang planong pumasok sa opisina. Ang gusto lang niyang gawin ay ang titigan ang painting, haplusin ito ng paulitulit. Pakiramdam niya ay kasama niya ng mga sandaling iyon si Sebastian. Hindi rin naman niya magawang mag-email dito o makipag-chat para magpasalam­at sa painting na ipinadala nito.

Isang buong taon nga na natiis niyang huwag makipag-usap dito so bakit babalik na naman siya sa ganoon kamiserabl­eng buhay ng paghihinta­y at pag-asam? Basta buo na sa loob niya na huwag magparamda­m kay Sebastian. Tama na iyong sa kaniya na lang lahat ang nararamdam­an niya.

Tumunog ang telepono at si Gudang ang nasa kabilang linya. “Me problema ba? Hindi muna ako magrerepor­t sa opisina ngayon. Masama ang pakiramdam ko,” sabi niya kay Gudang.

“Me problema nga, Honey,” malungkot na boses ang kaniyang narinig. ”Puwede bang magkita tayo?”

“Ha? Bakit?Ano’ng nangyari?” Kinabahan siya. Iba ang dating ng boses ni Gudang.

“Magkita na lang tayo. Gusto kong magsimba,” si Gudang. “Aba, mukhang mabigat nga ‘yang problema mo. Hindi ka naman palasimba, e. Dapat ba akong kabahan, Gudang?”

“I’m okay. Gusto ko lang ng katahimika­n. Sa Archdioces­an Shrine and Parish of Espiritu Santo tayo, ha, sa Tayuman. Alam mo, milagrosa ang simbahan na ito. Hindi mo naitatanon­g, dito ako nagsisimba kapag may mga problema ako. Answered prayer agad, Honey.”

Saglit na nag-isip si Honey. Gusto rin niya ang magsimba ng araw na iyon. Ang dami niyang gustong ipagpasala­mat sa Diyos. Lalo na para sa araw na iyon dahil sumaya siya nang masayangma­saya sa alaala ni Sebastian.

Alas kuwatro ng hapon ang usapan nila ni Gudang na magkikita sa Archdioces­an Shrine and Parish of Espiritu Santo. Isang simpleng Sunday dress ang pinili niyang isuot. Iyong may tabas na hindi humahakab sa baywang at balakang pero sexy ang cut sa may bandang dibdib. Paborito niya ang floral design nito na kulay purple na mga bulaklak.

Hindi niya alam kung bakit nang humarap siya sa salamin, isang magandang babae ang kaniyang nakita. Payapa ang anyo ng mukha, may lungkot man sa mata ay lumulutang pa rin ang ganda. Sabi nga minsan ni Sebastian, ang ganda pala ng mga mata niya lalo at matagal na tinititiga­n. Ang hindi nito alam, gumaganda ang mga matang iyon dahil in love sa kaniya.

Nag-set pa siya ng buhok na may malalaking curls sa bandang duluhan. Hindi niya ma-explain kung bakit ganado siyang magpaganda. Marahil ay dahil ramdam niya si Sebastian sa puso niya at laging kasa-kasama niya saan man siya magpunta. Iba ang dating sa kaniya ng araw na iyon. Ang totoo niyon, hindi niya na miss nang todo si Sebastian dahil hindi naman talaga ito nawawala sa kaniyang isip at puso.

Nagwisik siya ng paboritong omnia Amethyste Perfume by Bvlgari. Sabi ni Sebastian nang una niya itong malanghap, para raw ayaw na nito siyang pauwiin. Ganoon lang. Puro pampakilig. Pero hanggang kilig lang. Basta naamoy niya ang perfume na ito, para na rin niyang katabi si Sebastian.

Hanggang sa tuluyan nang nainis si Honey dahil kung bakit bawat galaw at isip niya, puro na lang si Sebastian. Si Sebastian. At si Sebastian pa.

Pasado alas kuwatro na siya ng hapon nang dumating ng simbahan. Palinga-linga. Walang anino ni Gudang. Napaisip siya. Hanggang sa mag-alas singko na. Wala pa ring Gudang. Nakatatlon­g text na siya at dalawang missed call, ayaw namang sumagot ng kaniyang Beshie. Nagsimula na siyang mag-worry.

Sa labas ng simbahan, tanaw niya ang langit. Nagsisimul­a nang magkubli ng araw. Ibig sabihin ay malapit na ang takipsilim.

Inilabas ni Honey ang kaniyang rosaryo at saka lumuhod. Nagdasal. Taimtim. Si Sebastian pa rin ang laman ng kaniyang isip. Maya-maya ay may naramdaman siyang humakbang mula sa kaniyang likuran. Alam niyang naupo ito sa kaniyang tabi.

Langhap niya ang cologne na panlalaki. Pumitlag ang puso ni Honey. Pamilyar sa kaniya ang mabangong cologne. Paano ba niya makakalimu­tan? Humigpit ang hawak niya sa kaniyang rosaryo. Nagbubuhol-buhol ang kaniyang paghinga. Nagsimula siyang pawisan at ramdam niya ang pag-iinit ng buo niyang katawan.

Hindi siya makakilos. Ayaw niyang lumingon. Ayaw niyang umasa at mabigo. Ayaw niyang mapahiya sa kaniyang sarili, sa sarili niyang kabaliwan. Maya-maya, ramdam niya na lumuhod din ang lalaki. At saka bumulong. Hi, Honey.

Walang “miss”, Honey lang? Ang samyo, ang boses, ang lahat-lahat! Unti-unti siyang lumingon sa dakong kaliwa.

Si Sebastian!

Hindi siya agad nakapangus­ap. Nakagat niya ang labi. Pinigil ang mapahikbi. Multo ba ito ni Sebastian? Nagha-hallucinat­e na ba siya? Namatay na ba siya at nasa langit na? Ano ito? Ano itong nangyayari­ng ito? Hinawakan ni Sebastian ang kaniyang baywang, muntik na siyang himatayin! Marahan siyang iniupo ni Sebastian sa mahabang silya. May kinuha ito sa kaniyang bulsa. Isang kapirasong papel. My nakasulat sa papel, malinaw na malinaw: Tatlong tuldok!

Pagkatapos ay ibinaligta­d ni Sebastian ang papel. Mas malinaw ang nakasaad doon, ginamitan pa ng pulang pentel pen.

I love you

Binilang ni Honey ang tatlong salita. Ito ba ang kahulugan ng tatlong tuldok? Kaya siguro walang tuldok sa dulo dahil sosobra na sa tatlo. Parang siraulo talaga itong si Sebastian. Ang lakas makabaliw!

“Bawal magtanong,” sabi ni Sebastian. Ang love of her life. Ang best part of her day. Ang kaniyang now and forever. Ang kaniyang long hair. Ang kaniyang sad eyes.

Tinitigan niya ang lalaki. Hindi na ganoon ka sad ang eyes nito. Nagsasayaw ang mga matang iyon sa galak, parang sumilip ang libo-libong bituin sa mga matang iyon. Parang sumabog nang sabay-sabay ang fireworks sa buong universe!

“Bawal din bang umiyak?” sabi ni Honey. Pakiramdam niya’y nasa loob siya ng isang pagkaganda-gandang panaginip at ayaw niyang matapos ang panaginip na iyon.

“Hindi. Pero sa isang kundisyon,” nangingiti­ng sagot ni Sebastian. Pilyong ngiti, parang may pinaplanon­g gawin. Nanlambot ang mga tuhod ni Honey. Hahalikan ba siya nito? At mukhang hindi sa noo. Mukhang sa lips!

Hindi siya nagkamali. Bago pa siya nakatutol (kunwari lang) ay dumampi na ang mga labi ni Sebastian sa kaniyang mga labi. Eto na iyon. Eto na ang totoong paghinto ng pag-ikot ng universe. Totoong-totoo na ito!

Sabay silang napalingon nang marinig ang tunog ng pagpatak ng ulan. Oo, umuulan nga. Palagay ni Honey, sinamsam niya sa mga kamay nang sabay-sabay ang lahat ng matatamis na alaalang pinagsaluh­an nila noon at ngayon ay pinagsasal­uhan nilang muli.

Maya-maya ay hinila siya ni Sebastian sa kaniyang mga kamay. Papalaki ang mga patak ng ulan. Papalakas. Sinasabaya­n ng mahalumigm­ig na hangin. Nag-aanyaya. Nanunudyo.

Alam na niya.

Maliligo sila sa ulan. (WAKAS)

 ??  ?? “O, ano na? Halikan mo na ‘yan. Yakapin mo na. Hindi ako naiinggit, ‘kala mo,” kasunod na sabi.
“O, ano na? Halikan mo na ‘yan. Yakapin mo na. Hindi ako naiinggit, ‘kala mo,” kasunod na sabi.
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines