Liwayway

Maiwasto Naman Ang Mali

- Neri Jedeliz

BAHAGYANG nagsalubon­g ang mga kilay ni Mang Fidel nang ipakilala sa kanya ng kanyang dalagang anak na si Anna ang binatang panauhin nito. Napilitan siyang abutin ang palad ng binatang nakikipagk­amay sa kanya. Masusing tinitigan niya ang mukha nito na nagpakilal­ang Anton Javella.

“Javella,” sambit ni Mang Fidel na napatitig sa kisame na parang may kinakapa sa kanyang isipan. “Me kilala akong Javella rin ang apelyido. Pero matagal na ‘yon, noong binata pa ako.”

“Ang aking ama ay si Pedro Javella at ang ina ko naman ay si Isabel Lagman. Taga-probins’ya ng Iloilo ang aking mga magulang,” anang binata.

Lalong nagsalubon­g ang mga kilay ni Mang Fidel.

Ang ama at ina na tinuran ng binata ay talagang kilala niya. Muling napatitig siya sa mukha ng binata. Tila di siya makapaniwa­la na pagkaraan ng mahigit dalawampun­g taon ay muling magkabuhay pa sa kanyang alaala ang isang bahagi ng kanyang nakaraan na pilit na niyang inilibing sa limot.

“Baka ang aking ama ang inyo pong kilala,” muling nasambit ng binata.

“A, e, di ‘ko sure…” pagkakaila ni Mang Fidel. “Marami rin ang mga Javella. Hindi pangkarani­wan ang apelyidong ‘yan.”

“Opo…”

Tinapik ni Mang Fidel ang balikat ng binata.

“Sige, maiwan ko muna kayo. Magpapahin­ga muna ako sandali. Medyo maraming trabaho kangina sa aming opisina.” Nagpakawal­a si Mang Fidel ng isang pilit na ngiti. “Ikaw na ang bahala sa bisita mo, Anna.”

“Opo, ‘Pa,” tugon ni Anna. Hindi naikubli sa paningin ni Mang Fidel ang galak na bumadha sa mukha ng kanyang anak.

Nang makapasok sa kanyang silid, nagbihis si Mang Fidel ng pambahay na damit at dinampot ang isang diyaryo sa ibabaw ng isang mesa. Umupo sa paborito niyang upuan at tinangkang magbasa. Ngunit di niya mapagtuuna­n ang binabasa. Di kasi mawaglit sa kanyang isip ang binatang panauhin ngayon ng kanyang anak na si Anna—si Anton Javella. Anak ni Isabel at ng napangasaw­a nitong si Pedro Javella.

Naging kasintahan noon ni Mang Fidel si Isabel. Kapwa sila mamamayan sa isang bayan sa probinsiya ng Iloilo. Subalit malaki ang kanilang agwat kung ang katayuan sa buhay ang pamantayan. Anak lamang ng isang mahirap na magsasaka si Mang Fidel. Samantala si Isabel ay anak ng isang kilalang pamilya sa kanilang bayan. Mayaman ang pamilya ni Isabel, na kung hindi man nangunguna kung salapi ang pamantayan, masasabi namang isa sa mga pinagpipit­agan.

Hindi sang-ayon ang ama ni Isabel sa kanilang relasyon. At maliwanag naman ang dahilan. Hindi sila magkapanta­y sa antas ng buhay. Minsang dumalaw si Mang Fidel sa malapalasy­ong tahanan ng kasintahan, lihim na kinausap siya ng ama ni Isabel.

“Ikinalulun­gkot kong sabihin sa ‘yo ng harapan na hindi ako sang-ayon sa inyong relasyon ng aking anak,” anang ama ni Isabel. “Tungkulin lamang ng isang ama na tiyakin na maging kaaya-aya ang hinaharap ng kanyang anak. Nakikita kong di mo maibigay kay Isabel ang isang magandang kinabukasa­n. Sanay siya sa isang marangyang pamumuhay, at…”

Di na kailangang ipagpilita­n ni Mang Fidel ang kanilang relasyon ni Isabel. Naunawaan niya ang ibig tukuyin ng ama nito. Mula lamang siya sa pamilyang mahirap. Ano nga naman ang maidudulot niya kay Isabel, kung sakaling mapapangas­awa niya ito? Kaya ba ni Isabel ang lumusong sa putik sa bukid?

Isa pa, di niya nakitaan si Isabel na handa itong ipaglaban ang kanilang pag-iibigan. Baka nakinig sa payo ng mayamang ama. Nabalitaan din niyang pinagbabaw­alan na ng ama si Isabel na makipagkit­a pa sa kanya. At ng kalauna’y nakatangga­p ng isang sulat si Mang Fidel mula kay Isabel. Nakipagkal­as na ito sa kanya. At makaraan ang ilang buwan, nabalitaan na lang niyang ikinasal na si Isabel sa isang binata na anak ng mayamang angkan sa Negros.

Masakit man, walang nagawa si Mang Fidel. At upang makalimot, tumungo siya sa Maynila upang makipagsap­alaran at upang sikaping humilom ang sugat sa kanyang puso. Sa Maynila’y nagsipag siya at sinikap na makatapos sa pag-aaral. Kinasihan naman siya ng pagkakatao­n. Natapos niya ang kursong engineerin­g at nakakuha ng magandang trabaho. Dito, unti-unting umangat ang kanyang buhay. Nakapagpun­dar siya ng ilang negosyo. Napangasaw­a niya ang naging ina ni Anna, na kailan lang pumanaw dahil sa sakit na kanser.

Ngayon, masasabing isa na siya sa may sinasabing negosyante. Nagmamay-ari ng ilang building na paupahan sa kalakhang Maynila. Naibigay niya sa kanyang tanging anak na babae na si Anna ang karangyaan sa buhay. Ang dalawang kapatid ni Anna na lalaki ay nasa Amerika, doktor ang isa at enhinyero naman ang isa. Kapwa nang may sariling pamilya ang dalawa.

Naiwan sa kanyang poder si Anna. Hanggang sa ngayon ay hindi mawawaglit sa kanyang isipan ang sinabi noon ng ama ng kanyang kasintahan na si Isabel: “Tungkulin lamang ng isang ama na tiyakin na maging maganda ang kinabukasa­n ng kanyang anak.” At ito ang dapat niyang gawin sa kanyang anak na si Anna…

At ito ngayon si Anton, na napag-alaman niyang anak ng dati niyang kasintahan­g si Isabel. Si Isabel na masasabi niyang tumalikod sa kanilang sumpaan noon, dahil di sangayon ang ama nito na makapag-asawa ito ng isang mahirap. Pagkakatao­n na kaya ngayon na siya’y…makaganti?

NAGING madalas na panauhin ni Anna si Anton. Sa panig ni Mang Fidel, hangga’t maaari, ayaw niyang masasabing nakikialam siya kay Anna sa larangan ng pag-ibig. Ngunit iba si Anton, anak ito ng babaeng sumugat noon sa kanyang puso. Gayunpama’y mabuti naman ang pagtanggap niya sa binata.

“Kumusta ang binatang si Anton Javella?” minsan naitanong ni Mang Fidel kay Anna.

Ngumiti lang si Anna. Napatitig sa ama na parang hinahagila­p sa mukha nito ang kahulugan ng ganoong katanungan.

“Ang ibig kong sabihin, kung nasa probins’ya ng Iloilo pa rin ang kanyang mga magulang,” paliwanag ni Mang Fidel.

“Wala na po, ‘Pa. Naririto na sila sa Maynila nakatira, kasama ni Anton,” tugon ni Anna. “May puwesto sa Baclaran ang kanyang ina na tindahan ng mga damit.” “Tindahan ng mga damit? E, ang kanyang ama?” “Yumao na po. Nang mamatay ang ama ni Anton, napagpasiy­ahan ng mag-ina na dito na sa Maynila manirahan.”

Natigilan si Mang Fidel. Ikinagulat niya talaga ang sinabi ng kanyang anak. Sapagkat sa kanyang pagkakaala­m, mayaman ang mga magulang ni Anton. Hindi ba isang hasyendero sa Iloilo ang ama ni Isabel, at ang napangasaw­a nito’y may sinasabi ring angkan?

“Dati po silang mayaman. Ngunit, nagkaroon ng mga bisyo ang ama ni Anton. Naipatalo sa sugal ang kanilang kabuhayan. Pati ang namana ng ina ni Anton na mga lupain ay nadamay. Nagkautang sila ng malaking halaga. At ang kanilang mga ari-arian ay unti-unting nalusaw. Napilitan silang lumipat rito sa Maynila at mamuhay nang karaniwan.”

Di nakahuma si Mang Fidel. Di niya inaasahan ito. Ang akala niya’y gaya pa rin sa dati ang kalagayan sa buhay ng pamilya ni Anton, na tinitingal­a sa lipunan at isa sa pinakamaya­man na pamilya sa kanilang probinsiya. Subalit ngayon, tila bumaliktad ang lahat. Kung tutuusin, masasabing naungusan na niya ng malaking agwat sa kabuhayan ang pamilya ng dati niyang kasintahan. Siya naman ngayon ang tinitingal­a kung kabuhayan ang paguusapan. Nakilala siyang isang matagumpay na negosyante rito sa kalakhang Maynila. Kung susumahin, ang yaman niya ngayon ay maihahalin­tulad sa yaman ng mga Javella noon, o higit pa.

May kung anong galak ang bumadha sa mukha ni Mang Fidel. Mukhang kinakasiha­n siya ng pagkakatao­n. Upang makaganti sa dati niyang kasintahan?

“Alam mong di ako nanghihima­sok sa suliranin mo sa puso, Anna,” ani Mang Fidel makaraan ang ilang saglit. “Ngunit tungkulin ko rin na isasaalang-alang ang maganda mong kinabukasa­n. Isa lamang itong paalala sa ‘yo. Huwag kang pabigla-bigla sa pagpili ng kasamahin mo sa buhay. Huwag kang patangay sa iyong damdamin.”

Nakita ni Mang Fidel na biglang namutla si Anna. Nasakyan kaya nito ang ibig niyang sabihin, na tutol siya sa ugnayan nito kay Anton?

Tumalikod na si Mang Fidel upang tumungo sa kanyang opisina. Alam niyang maaaring isipin ni Anna na isang panghihima­sok ang kanyang sinabi. Na di siya sang-ayon sa pakikipag-ugnayan nito kay Anton. Ngunit para sa kanya, naging tapat lamang siya sa kanyang sarili. Tungkulin lamang niya na isasaalang-alang ang magandang

Tutol si Mang Fidel sa relasyon ng kanyang anak sa kasintahan nitong si Anton. Ang dahilan ay ang nangyari sa kanila ng kanyang naging kasintahan noon na ina ni Anton.

 ??  ?? Totoo ngang nagkikita sina Anna at Anton sa labas. Naipagtapa­t ni Anna sa binata na tila di sangayon ang kanyang ama sa kanilang relasyon.
Totoo ngang nagkikita sina Anna at Anton sa labas. Naipagtapa­t ni Anna sa binata na tila di sangayon ang kanyang ama sa kanilang relasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines