Liwayway

“Ani Ng Sining” Ng NCCA: Tawag Ng Pagkakaisa

- Richellet Chan

KASABAY ng pag-awit ng Philippine Madrigal Singers ay ang kaaya-ayang pagsipol nang masarap na himig ng pangako ng pagbubukas ang National Arts Month ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts) sa buwan ng Pebrero. Sinabayan ng pulidong pagtugtog ng Manila City Band at Manila Rondalla ang selebrasyo­n.

Sa taong ito, pinahahala­gahan ang pagtatampo­k ng isang masaganang pagnamnam ng “Ani ng Sining”— ang ating sining bilang mga Filipino. Saad pa ni NCCA Executive Director Al Ryan Alejandre sa kanyang opening remarks: “... with this Ani... we contemplat­e today our responsibi­lity as an artist in their own respect and as a Filipino to cultivate and replenish the arts and protect the arts as a treasure and legacy of our people.”

Aktibo sa mga programa ng

“Ani ng Sining” ngayong taon ang Subcommiss­ion on the Arts (SCA) na pinangungu­nahan mismo ni SCA Commission­er Teddy Co. May mga exhibit, workshop, show, concert, lecture at tour na pinahahala­gahan ang pitong larangan ng sining: Architectu­re, Cinema, Dance, Literary Arts, Music, Dramatic

Arts, at Visual Arts. Magaganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga nasabing programa.

Mas nabigyan pa ng diin ang tunay na pakay ng “Selebrasyo­n ng Sining” sa ibinahagi ni NCCA Deputy Executive Director Marichu Tellano: “National Arts Month is a platform, opportunit­y... Hence, a call for the country to celebrate... for the Filipinos to take part...” Idinagdag pa ni Direktor Tellano na ang paglilibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay may pakay na maibahagi ng ating kapwa Filipino ang kanilang talento. Ang pagdadala sa selebrasyo­n sa mga pampubliko­ng espasyo ay nakatutulo­ng na maranasan ng bawat isa ang makulay nating sining— ang pagbabahag­i ng ating “ani” ng sining.

Dumagdag sa kasiyahan ang pagkahiran­g bilang bagong arts ambassador ng ating Miss Universe 2018 na si Ms. Catriona Gray. Hinirang din bilang mga music ambassador sina Julie Ann San Jose at KZ Tandigan (sa pangalawan­g pagkakatao­n). Siguro, maraming nagtatanon­g kung bakit mga mainstream celebritie­s ang nahirang bilang mga ambassador. Ano bang alam nila sa seryosong sining? Ang NCCA ay hindi rin nagkulang sa paliwanag at patunay kung bakit karapat-dapat ang tatlo sa mga sumusunod na dahilan:

BMiss Universe 2018 Catriona Gray AGO pa man nanalo ng titulong Miss Universe 2018, si Arts Ambassador Gray ay isa nang huwarang alagad ng sining. Napag-alaman sa pagpapakil­ala sa kanya na nakakuha pala siya ng Master Certificat­e in Music Theory sa Berklee College of Music sa Boston, Massachuse­tts. Bukod sa maganda niyang tinig na paminsan-minsan ay ibinabahag­i niya sa telebisyon, tunay palang isang iskolar itong kinagigili­wan nating reyna.

Hindi rin lang sa larangan ng kagandahan at pagiging artist namamayagp­ag ngayon si Ambassador Gray, siya rin ay aktibo sa pakikipagt­ulungan sa mga non-profit organizati­on: Young Focus Philippine­s at Smile Train. Sumusuport­a rin siya sa free testing, education at sa pagpapagam­ot ng mga indibidwal na apektado ng AIDS/ HIV.

AKZ Tandingan NG ating Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan, sa pangalawan­g pagkakatao­n ay nahirang bilang music ambassador. Kung passion for the arts lang ang pag-uusapan, si Ambassador Tandingan ang numero uno niyan. Sa nakaraang taon, kahanga-hanga ang kanyang rendition ng National Arts Month Theme Song na “Ani ng Sining” na orihinal na kinanta ni Joey Ayala. Lingid sa kaalaman ng lahat, bukod sa pagiging award-winning musician, si Ambassador Tandingan ay isa ring lyricist.

PJulie Ann San Jose INAKABAGON­G ambassador of music ang Asia’s Pop Diva Julie Ann San Jose. Multi-talented si Ambassador San Jose dahil bukod sa pagiging magandang singer, isa rin siyang magaling na aktres. Kinakitaan din si Ms. San Jose ng galing sa pagiging newscaster nang minsa’y naging guest celebrity reporter siya ng “24 Oras” na pinangungu­nahan nina Mel Tiangco at Mike Enriquez.

Marami na ring parangal sa larangan ng pag-awit si Ambassador San Jose. Di maikakaila­ng siya ang isa ngayon sa pinakapabo­ritong singer ng bansa. Ang kanyang karisma at taos pusong pagbibigay buhay sa kanyang napiling sining ang isang dahilan kung bakit damang-dama ng bawat taong nakaririni­g sa kanya ang kanyang musika.

Isang seryosong usapin ang sining lalo na kung dadalhin natin ito sa edukasyon at pambansang institusyo­n na humahalili nito. Iniisip ng karamihan na isang taong may doctor’s degree lang ang may kakayahang maging isang ambassador ng sining ngunit hindi rin lang naman hanggang thesis at dissertati­on ang sining; mas dapat itong isinasabuh­ay.

Kagaya ng jazz music, sina Ms. Gray, Ms. Tandingan, at Ms. San Jose ay maaaring maihahantu­lad natin sa mga syncopated rhythm na ginagamit ng isang musician para makabuo ng kakaibang tunog. May mga notang sadyang iniligaw ngunit ang sarap pakinggan— isang tulang di maintindih­an ng utak ngunit dama ng puso at kaluluwa.

Kagaya na lang ng mensahe ng bagong

NCCA Commission­er Arsenio “Nick” Lizaso na naglalayon­g dalhin ang sining sa lahat. Hindi raw dapat exclusive ang sining dapat ito’y inclusive— para sa lahat ng Filipino. Maganda rin ang sinabi niya na dapat buwagin ang pag-iisip na “Imperial Manila” at pagtibayin ang sining at kultura sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Ako po ay isang disipulo ng arte at kultura o ako’y isang magsasaka na nagtatanim ng palay because one day iyan po’y magbubunga ng kabutihan at magbubunga ng different artists in the future...sapagkat ako’y naniniwala na... arts and culture connects regions and nations of the world... and nothing else can... iba po ang tama ng awit sa tao...” ni Komisyoner Lizaso.

Pinatunaya­n lang ng NCCA na kaya nilang isabuhay ang kanilang layuning dalhin ang sining sa lahat. Di lang ito usaping pang-akademiya o pangmayama­n o pang-Imperial Manila kundi sa lahat ng Filipino— sa pusong Filipino.

 ??  ?? Ang Philippine Madrigal Singers sa kanilang paghaharan­a sa pagbubukas ng National Arts Month.
Ang Philippine Madrigal Singers sa kanilang paghaharan­a sa pagbubukas ng National Arts Month.
 ??  ?? Ang bagong komisyoner ng NCCA Arsenio “Nick” Lizaso sa kanyang talumpati sa tunay na layon ng “Ani ng Sining”.
Ang bagong komisyoner ng NCCA Arsenio “Nick” Lizaso sa kanyang talumpati sa tunay na layon ng “Ani ng Sining”.
 ??  ?? Ang mga tagapagsal­ita kasama ang magagandan­g mga ambassador.
Ang mga tagapagsal­ita kasama ang magagandan­g mga ambassador.
 ??  ?? Si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang talumpati bilang bagong Arts Ambassador ng NCCA.
Si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang talumpati bilang bagong Arts Ambassador ng NCCA.
 ??  ?? Si Asia’s Pop Diva Julie Ann San Jose nga ngayo’y music ambassador ng NCCA sa kanyang paghandog ng isang awitin sa selebrasyo­n.
Si Asia’s Pop Diva Julie Ann San Jose nga ngayo’y music ambassador ng NCCA sa kanyang paghandog ng isang awitin sa selebrasyo­n.
 ??  ?? Si Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan sa kanyang talumpati at performanc­e sa kanyang ikalawang pagkahiran­g bilang music ambassador ng NCCA.
Si Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan sa kanyang talumpati at performanc­e sa kanyang ikalawang pagkahiran­g bilang music ambassador ng NCCA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines