Liwayway

Kelvin Miranda At Angel Guardian, Maganda Ang Chemistry

- Nonie V. Nicasio

MAGANDA ang chemistry nina Kelvin Miranda at Angel Guardian. Ang dalawa ay parehong nasa pangangala­ga ng T.E.A.M. (Tyronne Escalante Artist Management) ni Tyronne Escalante. Sina Kelvin at Angel ay nagkasama sa episode ng Beauty & The Hype Beast ng GMA digital short film series na One Hugot Away at recently sa Maynila, hosted by Cong. Lito Atienza sa episode na pinamagata­ng A Fake Love Story.

Kapwa bubbly at kalog sina Kelvin at Angel at kung mabibigyan ng magandang project ay puwedeng magclick bilang love team ang dalawa.

Si Kelvin ay three years na sa showbiz at aminadong noong una ay ayaw niyang mag-artista.

“Noong una medyo hindi pa ako ganoong kadesidido noong nagsimula sa industry, dahil medyo naiilang ako sa mga tao. Bale sina Sir James at ‘yung ate ko ang nagsasabi na subukan ko (mag-showbiz), sila ang nagpu-push sa akin,” aniya na idinagdag pang kalaunan ay nag-enjoy na siya sa kanyang ginagawa.

Paano niya ide-describe si Angel bilang katrabaho? Esplika ng Kapuso actor, “Okay naman si Angel, magkasundo kami kasi matagal na kaming magkakilal­a. Actually ako ‘yung reason kung bakit na kay Sir Tyronne siya, kasi ako ‘yung nag-recommend sa kanya. Magkaklase kami sa Star Magic, e.”

Ano naman ang masasabi niya kay Kelvin bilang katrabaho?

Sagot ni Angel, “Sanay na po ako kay Kelvin, matagal ko na siyang kasama, nagsasawa na nga po ako e,” sabay tawa.

Okay bang maging ka-love team si Kelvin?

Tugon n Angel, “Oo naman po, for more than three years na naging friend ko si Kelvin, siyempre thankful ako na wala na kaming ilangan, iyon ang maganda roon, hindi na mahirap, hindi mo na kailangang mag-adjust dahil kabisado na namin ang isa’t isa.”

Pahabol pa niya. “Enjoy naman po akong katrabaho si Kelvin, lagi lang kaming naglolokoh­an, biruan… and nagkakaint­indihan kami ni Kelvin, kasi medyo parehas kami ng situation, siya rin iyong breadwinne­r sa family niya.”

Si Angel ay naging introducin­g sa pelikulang D’ Ninang na tinampukan ni Ai Ai dela Alas. Napanood din siya sa sa Onanay, Sahaya, at iba pang shows ng Kapuso Network.

Kabilang naman sa biggest break ni Kelvin sa showbiz so far ay nang nagbida siya sa pelikulang The Fate at Dead Kids na unang Netflix film mula sa Philippine­s.

“Nakakataba ng puso na naging part ako ng Dead Kids na first na Filipino na internatio­nal na napanood… kasi ay na-appreciate talaga ng mga tao itong movie namin.

“Masarap sa pakiramdam na hindi lang kapwa Pinoy ang nakapanood sa iyo, kundi pati buong mundo, bale. Kasi talagang relevant iyong movie at na-appreciate talaga siya, lalo na ng mga kabataan ngayon.

“So, bale pinatunaya­n ng Dead Kids na kaya rin palang gumawa ng mga ganyang pelikula ang Pinoy, na kaya din nating makipagsab­ayan sa pang-internatio­nal. Kaya sobrang proud po ako at thankful sa pelikulang iyan at hindi ko iyan makakalimu­tan sa habang huhay. Nagpapasal­amat din ako kay Direk Mikhail Red sa opportunit­y na ibinigay niya sa aming lahat, napakabait niyang tao, cool, collaborat­ive, at matalino,” eplika pa ni Kelvin.

Sa parte naman ni Angel nasabi niya ang aktres na gustong sundan ang yapak.

“As much as I can po, gusto kong magkaroon ng sariling path, pero sa showbiz po ang nilu-look-up ko iyong journey ay kay Ms. Marian Rivera.”

Sino pa ang gusto niyang makatrabah­o in the future?

Sagot niya, “Marami po, like my girl crushes, Heart Evangelist­a, Rhian Ramos and Lovi Poe.”

 ?? Larawang kuha ni Wilson Fernandez ??
Larawang kuha ni Wilson Fernandez

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines