Liwayway

Pag-Usapan Natin!

- Kuya Sam

DEAR KUYA SAM: Isang pinagpalan­g araw po sa inyo at sa lahat ng mambabasa. Itago mo lang ako sa pangalang Sancho, binata, nagtatrabo bilang SG, taga-Caloocan City. Nag-umpisa ang lahat sa tuksuhan. Niririto kasi ako ng kasamahan sa isang empleyada rito sa kompanya na pinaglilin­gkuran ko. Noong una, hindi ko pinansin ang panunukso dahil imposible naman sigurong pansinin ako ni Lyds.

Isang araw, nakita kong kumakain siya sa canteen. Walang katao-tao sa canteen noong time na iyon. Dahil pangit naman siguro kung hindi ko siya lapitan, ayun, naki-share ako ng table sa kanya.

Mabait naman pala si Lyds. Akala ko kasi na masungit siya. Masarap siyang kausap. Ibang-iba siya sa nabuong picture sa isip ko noong hindi pa kami nagkausap nang malapitan. Akala ko noon, hindi siya namamansin sa mga kagaya ko. Medyo may kataasan kasi ang katungkula­n niya sa kompanya.

Aminin ko, Kuya Sam, na hirap na hirap ako kung paano dumiskarte sa kanya gayong nahihiya ako na imbitahan siya na makipag-lunch o magmeryend­a man lang sa labas. Hindi kasi siya iyong tipong babae na basta mo na lang yayain at papayag. Sa tingin ko, hindi ordinaryon­g babae si Lyds. Dapat may iba akong paraan para lalo pang gumaan ang loob niya sa akin.

Hindi ako nagpahalat­a sa kasamahan ko na natamaan na ako ng pana ni Kupido. Na naging epektibo ang panunukso nila sa akin. Ang sabi ko na lang, huwag dahil nakakahiya kay Lyds. Pero sa kalooban ko, natutuwa ako kapag niririto nila ako sa kanya tuwing pasukan sa umaga at uwian sa hapon. Ang sarap sa pakiramdam, Kuya Sam.

Sana mabigyan mo ako ng mga pointers kung paano dumiskarte. — SANCHO

DEAR SANCHO: Kapag nanligaw tayo, Sancho, dapat malakas ang loob natin. Ang tinitingna­n ng ating nililigawa­n, iyong personalid­ad natin. Hindi masama kung magkaroon ng kaunting yabang sa sarili, iyong pambo-boost lang ng ating ego. Ano ba iyong kaunting bihis lang at kaunting panlilibre ng pagkain, di ba? Hindi nga kayabangan­g maituturin­g iyon, Sancho.

Sancho, alisin mo sa isip mo na magkaiba kayo ni Lyds. Sa larangan ng pag-ibig, pare-parehas tayo. Kahit anong yaman o ganda o katayuan mo sa buhay, kapag ika’y nalambat ng pag-ibig, yuyuko ka at magiging tao tayong lahat dahil pare-pareho tayong yari sa alabok. Kaya burahin mo sa pag-iisip mo ang kaisipang mataas si Lyds.

Ikaw na ang nagsabi na mabait si Lyds. Bakit ka pa nahihiya na yayain siyang ilibre ng pananghali­an sa labas. Of course, it should not be on weekdays para mahaba-haba ang usapan ninyo?

Alam mo, Sancho, ang gesture mo ang mahalaga rito. Wala ito sa kung magkano ang nagastos mo. At saka kahit sabihin na natin na gagastos ka ng malaki-laki sa inyong unofficial date, tingnan mo naman kung ano ang kapalit? Dahil kung talagang may espesyal na halaga si Lyds sa buhay mo, kahit pa halagang limang libong pansit, handa mo itong i-shell-out kung ito lang ang paraan to put your best foot forward. At siyempre, I’m only exaggerati­ng. Grabeng lamon naman iyan kung limang libong halaga ng pagkain, di ba?

May hinala ako, Sancho, na may naramdaman din itong si Lyds sa iyo. Naku, bihira akong sumablay sa mga ganyan. Hindi naman sa pinapalaka­s ko lang ang loob mo pero ito ang totoo: naghihinta­y lang iyan si Lyds sa iyo. — KUYA SAM

(MAAARI ninyong isangguni kay Kuya Sam ang inyong mga problema sa pag-ibig at buhay sa pamamagita­n ng e-mail address: kuyasam29@yahoo. com o kaya’y ipadala sa: PAG-USAPAN NATIN c/o Liwayway Magazine, Manila Bulletin Publishing Corporatio­n, Muralla cor. Recoletos Sts., Intramuros, Manila.)

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines