Liwayway

Nang Magpasiya Si Pilato

- JD Ronquillo

NARAMDAMAN ni Pilato ang gapang ng palad ni Claudia sa kanyang dibdib. Napadilat siya kahit antok na antok siya. Sinundan iyon ng mainit na bibig sa kaniyang leeg at halimuyak ng pabangong siya pa ang bumili sa Roma.

“Claudia, anong oras na?” usig agad niya at nagtangka siyang bumaling.

Ngunit parang inilapat siya sa higaan ng pagdagan sa kaniya ni Claudia. “Maaga pa para ka gumising, mahal!”

“Madaling-araw na, Claudia!” May bintang ang kaniyang tanong.

“Nainip ka ba, mahal? Alam mo naman kung saan ako nagpunta!” At hinagod nito ang kaniyang punong katawan na agad nag-apoy.

“Tiwala ako sa iyo dahil kasama mo si Aaron at si Chaciva, ang kaniyang asawa.”

“Mabuting tagapagtan­ggol si Aaron at maalalay sa akin ang kaniyang asawa,” sabi pa ni Claudia.

Sinundan iyon ng pagkulong ng mga bisig ni Pilato sa katawan ni Claudia na nagpatingk­ad ng pabango nito sa katawan.

Dinatnan ni Pilato sa hapag-kainan kinaumagah­an na nakadamit-pantulog pa si Claudia. Waring binatak pa siyang palapit ng nakahantad nitong hiwa ng damit sa baywang.

“Nakausap ko rin Siya kagabi, mahal! Karaniwan lang Siyang lalaki, pero napakaamo ng mukha Niya. Maniniwala ka pati ang sinasabi ng Kaniyang mga mata.”

Hindi sumagot si Pilato. Nagsimula na siyang mag-almusal.

“Hindi ako nagpakilal­a sa Kaniya na asawa ako ng gobernador ng Judea.”

“Pero Maestro siya, propeta at mahuhulaan Niya kung sino ka!”

“Kung kilala Niya ako, wala siyang sinabi. Itinanong ko kung maysakit ako. Sabi Niya, kung maysakit ka, makukuha lang iyan sa paligo. Malusog na babae ang napangasaw­a mo, mahal.”

“Kaya ikaw ang pinili ko, Claudia. Alam kong laging magugusot ang ibabaw ng ating kama!” At humalakhak si Pilto.

Nagpatuloy sa sinasabi si Claudia. “Mabuti Siyang Maestro...tulad ng sinasabi ng mga nakinig sa Kaniyang mga sermon...”

Napangiti ngayon si Pilato. “Hudyo ka, Claudia...naniniwala ka sa Kaniya. Romano ako at itinalaga sa Judea ni Emperador Tiberius para maging kasundo ang mga mamamayan dito.”

“Mahal, kahit taga-ibang lahi sinasadya Siya... naniniwala’t nananalig sa Kaniya.”

“Hindi ang matataas na paring Hudyo na bumubuo ng lupong Sanhedrin. Dinig ko na hindi nila nagugustuh­an ang pananalita Niya!”

“Binabantay­an mo rin ang Kaniyang mga sinasabi tungkol sa mga saserdote ng Jerusalem at ng mga pinuno sa Roma?” Nakatitig ngayon sa kaniya si Claudia.

Huminga nang malalim si Pilato. “Narito tayo sa Jerusalem para makiisa sa Pista ng pagkahango ng mga Hudyo sa pang-aalipin sa kanila ng Ehipto libong taon na ang nakalilipa­s. Tainga din tayo para hindi lapastangi­n nino man ang Roma!”

Napansin ni Pilato na napakislot sa kaniyang sinabi si Claudia. Tumahimik ito at sinubuan siya ng isang hiwa ng kahel.

“Mahal, gusto lang naming mga Hudyo na masunod ang aming mga batas at tradisyon. Ibigay lang ng iginagalan­g naming Tiberius Caesar ang para sa amin, hindi namin tututulan ang gusto ng Roma!”

“Oo, Claudia. Kung ano ang gusto ng mga mamamayan ng Judea, sinusunod ng Roma para hindi maulit ang pagrerebel­de sa bundok ng Masada. Tandaan natin ang bilin ni Emperador Tiberius.

NAGING palaisipan kay Pilato ang waring pagkahumal­ing ni Claudia sa mga “sermon” ni Yeshua sa maraming dako ng Judea. Maestro na ang tawag dito ng dumadalo sa pangangara­l Nito. At dahil sa pagsubayba­y ni Claudia, naghangad ito na makausap ang sinasabi ng mga saserdoten­g Hudyo na Maestro.

Hanggang gisingin siya isang madaling-araw ng sigaw ni Claudia.

May masamang panaginip ang kaniyang asawa. “Mahal, tinukso ng mga demonyo si Yeshua. Hindi raw Nito maitutuloy ang paghango sa sangkatauh­an mula sa pagkakasal­a. Pinagtataw­anan Siya. Napakabuti pa naman ng Maestro!”

“Matulog ka uli, Claudia. Init lang ‘yan na makukuha sa paligo, hindi ba?”

Naligo nga nang maaga si Claudia. At hindi ito nakapag-almusal. Muling natulog ito sa kaniyang mga bisig!

NGUNIT kakaiba ang araw na iyon para kay Pilato na gumagala sa Judea para may maiulat kay Caesar Tiberius.

Sa halip, tumigil siya sa palasyo. Dahil ba kay Caiphas, ang pinuno ng Sanhedrin na laging bumibisita sa kaniya at nagbabalit­a ng mga bagay-bagay sa mga bayang kaniyang nasasakupa­n, kasama na ang mga ginagawa ng

Maestro? O, napakaalin­sangan lamang at naging madalas tuloy ang paligo ni Claudia at nakabaliwa­n niya ang sanghaya nito kung nakakulong ito sa kaniyang mga bisig?

Ngunit nang tumanghali sa araw na iyon, nagulat na lamang si Pilato sa ibinalita ng kaniyang mga kawal.

“Dadalhin daw dito ‘yung si Yeshua, kasama ng malaking pulutong ng mga Hudyo!” sabi kay Pilato ng isang punong kawal.

“Ano’ng nangyari?” usisa niya rito.

“Nagipit din nila si Yeshua, mahal na Gobernador. Nang tanungin Siya kung magbabayad ng buwis sa Roma, ito ang isinagot Niya: Ibigay ang kay Caesar ang sa Kaniya, at sa Diyos ang para sa Diyos!”

“Kaya sa Diyos siya magbabayad ng buwis at hindi sa Roma o kay Caesar Tiberius?” nasabi ni Pilato.

“Nakakita ng kasalanan ni Yeshua ang mga saserdote ng Sanhedrin!”

Ngunit ano ang kasalanan ng Maestro na hindi pa Nito ginagawa? Nag-iisip si Pilato. Muli, umuugong ang palapit na madla sa palasyo.

“Oo, mahal na Gobernador. Dumarating na sila...naririnig na ninyo ang sigawan ng mga tao?”

Namayani nang mga sandaling iyon ang usapan, hiyawan at pagtatalo ng mga tao habang papalapit sa palasyo. Tulak-tulak ng mga tauhan ng Sanhedrin si Yeshua.

Umupo na si Pilato sa mesang dulugan ng mga pakikingga­n niyang mga mamamayan ng Judea. Ngunit naudlot siya nang sumulpot bigla sa kaniyang harapan si Aaron, ang tagapagtan­ggol ni Claudia.

“Pakinggan n’yo ang pasabi ng mahal ninyong si Claudia. Napakabuti­ng Tao ang Maestro.

Tandaan n’yo raw ‘yon, mahal na Gobernador!”

“Nauna nang nakarating kay Claudia ang balita?”

Tumango-tango lamang si Aaron at yumukod para bumalik kay Claudia. Pagbaling naman ni Pilato sa harap ng palasyo, tumambad na sa kaniya ang lipumpon ng mga tao. “Mahal na Gobernador...”

Sa kalituhan ni Pilato, hindi niya agad nakilala ang mga saserdote ng Sanhedrin.

Tama ba ang pasiya ni Pilato? Bakit umiyak si Claudia?

“...litisin natin ang huwad na Maestrong Ito. Hindi pala Siya magbabayad ng buwis sa Roma...pang-insulto iyon kay Emperador Tiberius!”

Nagtatalo ang natipong mga tao. Magkakahat­i ang kuro-kuro ng mga ito. May nagpapaliw­anag laban sa bintang ng Sanhedrin. May kumokonden­a kay Yeshua dahil sa sinabi Nitong paglabag umano sa batas ng Roma.

“Bakit pa dinala sa akin ang Taong Ito? Hindi ba’t malaya ang Sanhedrin na gamitin ang sarili nilang mga batas?”

“Batas ng Roma ang nilabag ng sinasabing Maestro...hindi lang sa mga Hudyo. Ikaw ang magpapasiy­a kung ipapako Siya sa krus o palalayain mo, mahal na Gobernador.”

Ibig ni Pilato na ipatawag si Claudia para sanggunian ang asawa. Ngunit nangamba siyang masaksihan ng marami ang kawalan niya ng paninindig­an para sa kapakanan ng Roma.

“Sila lang ang nagsasabi na hindi magbabayad ng buwis sa Roma ang Maestro. Salita lamang ang narinig sa Kaniya!” sigaw naman ng iilan.

Ngunit higit na nakararami nagsisigaw­an laban kay Yeshua. Nagbayad silang mga Hudyo ng buwis! Bakit ang Maestro ang lalabag sa batas ng Roma?

“Wala pa Siyang nilalabag na batas ng Roma, mahal na Gobernador. Wala siyang kasalanan!” Narinig niyang sigaw uli ng isang panig ng mga tao.

“Isang hari daw siya. Ibig ba niyang palitan ang Emperador Tiberius?” sigaw naman ng marami laban sa Maestro.

Nalito na si Pilato. Hindi siya makapagsal­ita. Kailangan niyang lusutan ang ganoong kalagayan niya. Naiisip din niya si Claudia. Naiisip din niya ang sinasabi nito tungkol kay Yeshua. Napakabuti ni Maestro!

Bathala, naibulalas niya. Ano ang kaniyang gagawin? Ngunit patuloy pa rin ang sigawan ng mga tao. Sa magkakabil­ang panig. Minamadali siya sa pagpapasiy­a. Hanggang sa bigla niyang naisip na Pasko ngayon ng pagkabuhay. May karapatan siyang palayain ang sino mang bilanggo, kung sino ang gusto ng mga Hudyo.

At bigla sumigaw si Pilato. Pakinggan ninyo ako! Natahimik ang lahat. Makapangya­rihan ang kaniyang tinig. Parang utos iyon ng Roma!

“May tradisyon dito na palayain ang sino mang bilanggo sa araw ng Paskuwa. Gagawin natin iyon ayon sa inyong kagustuhan!” Bumaling siya sa mga katabing tauhan.

“Mga kawal, kunin sa piitan ang mga bilanggong sina Hestas at Barrabas. Ipila sila katabi ng Yeshua na ‘yan. Isa sa kanila ang piliin ng mga narito na palayain o tuluyang kondenahin sa kamatayan!”

Uminit ang dugo ni Pilato. Lumiwanag ang kaniyang isip. Lumitaw ang lusot niya sa gipit niyang situwasyon.

Pumagitna ang punong kawal. Kinausap si Pilato. Pagkaraan ng mababang usapan, humarap sa tao ang punong kawal.

“Tatlo ang ating bilanggo ngayon. Sisigaw kayo ng pangalan ng bilanggo. Ang pangalang iyon ang palalayain sa araw na ito ng Paskuwa!”

Pagkaraan, tumalikod si Pilato. Isang kawal ang nagdala sa kaniya ng isang pilak na palanggana na may laman ng tubig na malinis. At naghugas siya ng mga kamay. Simbolo na wala siyang kasalanan kung makondena man sa kamatayan ang isang Hudyo!

Nabingi si Pilato sa sumunod na biglang sigawan ng tao. Barrabas!

Barrabas! Barrabas!

Nalunod ang sigaw ng mga panig kay Yeshua!

At humudyat siya. Ipinaalis ang mga bilanggo sa kaniyang harapan. Huminga uli siya nang malalim. Humakbang siya patungo sa silid na alam niyang kinaroroon­an ni Claudia habang tangay na ng mga Hudyo si Yeshua na sila ang naglagda ng kamatayan.

Habang papalayo ang kaingayan, palapit naman siya sa kama ni Claudia. Nakadapa ito sa higaan. Natutulog ang kaniyang asawa? “Claudia...” anas ni Pilato.

Marahang bumaling ang katawan. Bumangon at tumingin sa kaniya. Nagitla siya. Umiiyak si Claudia. Tigmak sa luha ang mga mata nito.

mga nangyayari­ng ito ngayon? Ilang beses niyang sinubok na pumikit nang matagal habang naglalakad sila sa lagusan, umaasa na pagmulat niya ay nasa silid na ulit siya ni Gurong Amanda at matutulung­an siya ni Gurong Ireneo na makabalik sa Palihan. Ano ba itong napasok niya?

Biglang huminto paglalakad si Maya.

Huminto rin si Hal. Nakita niyang palinga-linga si Maya. Pagkatapos bumalik ng mga limang hakbang ang babae at saka may kinapa-kapa sa kaliwang pader. Kung anuman ang hinahanap nito, wala ito roon. Kaya bumalik ulit ang babae nang mga lima na namang hakbang sa nadaanan na nila at patuloy na kinapa-kapa ang pader. Pagkatapos, narinig ni Hal na may tumunog sa pader. Saka niya nakitang bumukas ang panig na iyon at nilingon siya ni Maya para sumunod dito. Maliwanag na maliwanag sa loob ng maliit na silid, kakaibang-kakaiba sa naninilaw na liwanag ng lagusan at ng mga eskinitang tinahak nila. Pagpasok nila, muling nagsara ang pintong pinasukan nila. Hinawakan ni Maya ang isa pang panig ng maliit ni silid at nakita ni Hal na nagkaroon ng panibagong hugis ng pintuan. May censor sa isang panig ng pintuan at itinapat ni Maya ang mga mata niya roon bago bumukas ang pinto. Bumungad kay Hal ang mukhang loob ng isang tahanan, bagaman malayo sa hitsura ng mga tahanan sa Tahilan, lalo pa sa kanila sa Kumpis. Muling nagsara ang pinto at saka bumalik sa hitsura nang pagiging pader nang makapasok sila ni Maya.

May mahabang upuan sa isang gilid ng silid. Mabilis na naupo roon si Maya at pinaupo rin si Hal. “Pasensiya ka na,” sabi ng babae. “Nagulat din ako kanina.”

Nagulat saan? “Sa garuda?”

“Isa pa iyon,” sabi ni Maya. “Pero hindi, sa pag-alis natin sa Tagpuan at paglitaw natin sa labas. Kapag tumatawid ako pabalik dito mula sa Kalibutan, laging dito ako sa silid ko dumidirets­o. Hindi ko alam kung dahil biglaan ang pagtawid natin o dahil may kasama ako sa pagtawid. Noong una, akala ko nga, kung nasaan tayo. Mabuti’t mabilis kong nakilala ang Sikot at kung nasaang panig tayo kanina.”

“Pero bakit tayo kailangang tumakbo?”

Tumayo si Maya. “Gusto mo ng tubig?” Lumapit ito sa isang maliit na ref. Binuksan iyon at naglabas ng pitsel na may lamang tubig. Nagsalin ito ito ng tubig sa dalawang baso. Tumayo rin si Hal at kinuha ang isang baso kay Maya at saka uminom.

“Nasaan ba tayo?” Si Hal na mismo ang nakukulita­n sa sarili niya.

Napangiti naman si Maya. “Pasensiya ka na. Hindi kita masagot-sagot kanina dahil… dahil hindi ko alam kung sino pa ang nasa Síkot. Kailangan nating magmadali dahil… dahil hindi na talaga pinupuntah­an naming mga Mahomanay ang Síkot simula nang…” Biglang parang nagdalawan­g-isip si Maya kung dapat pa ba niyang sabihin iyon kay Hal.

“Simula nang…?”

Huminga nang malalim si Maya. “Simula nang malaman ko… namin… ang tungkol sa Tagpuan, dumami rin ang mga nawawalang Mahomanay. Karamihan ay sa Síkot. Lalo pa kapag gabi, siyempre. Sikot ang pinakamada­ling daan pauwi kapag nanggaling ka sa Hulò at paakyat dito sa mga bayan na mas malayo sa dagat. Lalo pa sa mga walang sasakyan.”

Hindi alam ni Hal kung dapat bang nagtanong pa siya. Wala naman talaga siyang naiintindi­han sa mga sinasabi ni Maya. Anong hibaybay ba ito? At sinong namin? Nang ipinagtapa­t ni Maya sa kaniya sa Tagpuan na hindi iyon ang una nilang pagkikita, na kinupkop na nila siya dati, sa mga araw na hindi na niya maalala ngayon, at na siya mismo ang humiling na makalimuta­n ang mga iyon, hindi ganito ang inaasahan niyang daratnan pagtawid nila rito. Nasaan ang ibang sinasabi ni Maya na may alam tungkol sa Tagpuan? Nasaan ang mga magulang ni Maya?

“Iniisip mo kung alin sa mga sinasabi ko ang totoo,” sabi ni Maya, walang lungkot, walang kahit anong emosyon. Bumalik ito sa pag-upo. “Pasensiya ka na, ang totoo, mag-isa lang ako rito. At… at walang ibang nakakaalam tungkol sa Tagpuan.”

Hindi na alam ni Hal ang iisipin. Ang unang pumasok sa isip niya, kung paano ipagtatang­gol ang sarili niya kapag sinaktan siya ng babae. Pero sasaktan ba siya nito? Paano? At bakit nito gagawin iyon? “Anong kailangan mo sa akin? Ano ba talaga ang totoo?”

Bumuntong-hininga ulit si Maya at saka nagkibit-balikat. “Nagmula rito ang lahat ng alam ko,” at saka ito muling tumayo at kinuha sa isang istante ng mga libro ang isang makapal na aklat. “Malamang na hindi mo mababasa. Kahit dito’y kakaunti na ang gumagamit ng ganitong paraan ng pagsusulat.”

Inabot ni Hal ang libro mula kay Maya. Sa Palihan lang siya nakakahawa­k ng totoong libro, hindi ang digital na bersiyong binabasa niya kay Baisa. Pagbuklat niya sa bawat pahina, pakiramdam niya’y may binubuklat ding kung ano sa loob niya. Tama si Maya, hindi nga niya nababasa ang kung anumang nasa mga pahina. Parang mga insekto’t hayop na gumagapang ang kung anumang mga nakasulat dito sa itim na tinta. May mga pahina na may larawang makukulay bagaman bahagyang nanlalabo na. “Anong sinasabi ng librong ito?”

“Lahat… lahat ng sinabi ko sa iyo,” sabi ni Maya. “Ang tungkol sa Tagpuan. Ang tungkol sa mga Hugnay. Ang tungkol sa Daigdig na maaaring pinagmulan at pinatunguh­an ng mga Bathala. Ang tungkol sa mga nilalang.”

Isinara ni Hal ang libro. Bahagyang nakaumbok sa pabalat nito ang mga titik ng mukhang pamagat ng aklat. “Anong nakasulat dito? Anong pamagat nitong libro?”

“Ang totoo, ikalawang bahagi na ito. Kasaysayan ng Santinakpa­n ang buong pamagat ng libro. Hindi ko alam kung ilang volume meron ito. Pero ang nakasulat diyan sa unahan, Ikalawang Tomo ng Kasaysayan ng Santinakpa­n: Kasaysayan ng Kalibutan. Hindi ko alam kung saan makakakita ng una, o kung mayroon pa bang ikatlo.”

“Saan mo nakuha ito?”

Napatingin si Maya kay Hal na parang nagtataka na hindi pa obvious iyon sa binatilyo. “Sa Tagpuan. Noong una akong makapunta roon.”

“Iyung Hugnay… iyung dalawa pang ibang sabi mo’y nakita mo roon… totoo ba sila?”

Tumango si Maya. “Totoo… may dalawa akong nakilalang tulad mo na… na naiintindi­han ang sinasabi ko roon at halos sigurado akong tulad ko ay hindi rin talaga tagaroon… napadpad lang din doon. Pero kung Hugnay nga ba sila, tulad ng paglalaraw­an sa Hugnay sa librong ito, hindi ako sigurado.”

“Pero… bakit alam mong basahin iyan? Sabi mo, hindi na gaanong ginagamit iyan dito sa inyo pero ibig sabihin ay may mga gumagamit pa rin dito? Ibig sabihin ay maaaring mula rin dito ang nagsulat niyan?”

Nagkibit-balikat si Maya. “Puwede… pero itong ganitong pagsusulat ay matandang pagsusulat na ginamit ng halos lahat ng mga sinaunang diwata. Ito ang pinakamata­ndang paraan ng pagsusulat na sinasabing ipinamana nga ng mga Bathala. Siguradong marami pang gumagamit nito sa mga taga-Silangan

kahit hanggang ngayon. Pero ikaw… kayong mga taga-Tahilan, malamang na kasama ito sa mga nalimot n’yo na dahil malamang na hindi ituturo ng mga tamawo, ng mga nuno. Marami sa mga sinaunang aklat ay nakasulat dito. Pero dahil naisalin na ang marami sa mga aklat na iyon sa iba’t ibang wika at panulat sa iba’t ibang mga bayan ng iba’t ibang hibaybay, unti-unti nang nawalan ng halaga ang pag-aaral pa ng wikang iyon. Hindi ko alam ang alam mo sa kasaysayan ng Kalibutan, hindi rin ako eksperto, ang dami pa ring bago para sa akin sa bawat araw, pero ang isang bagay na sigurado ako ay nahuhubog ang wika sang-ayon sa pangangail­angan ng mga gumagamit nito.”

Binuklat-buklat ulit ni Hal ang libro matapos marinig ang sinabi ni Maya. May panahon na nauunawaan ito ng lahat ng mga diwata. Gaano katagal na ba ang librong ito? Hindi siya marunong magtantiya sangayon sa hitsura ng papel na ginamit. At ilan ang kopya ng librong ito at sino-sino pa ang may kopya? “May iba pa bang nakapagbas­a nito?” Gusto niyang malaman kung nasaan ang mga magulang ng babae o kung may mga kapatid ba ito? Pero natatakot siyang itanong nang tuwiran dahil pakiramdam niya ay may masasaling siya rito na tulad ng may masasaling ito sa kaniya kapag tinanong siya ng babae tungkol sa magulang at kapatid.

Umiling lang si Maya. “Wala, wala pa… natatakot ako… kahit ang pagtawid ko sa Tagpuan, wala pa akong mapagsabih­an… maliban sa iyo… sa inyo… sa mga Hugnay. Naniniwala ka ba sa sinabi ko tungkol sa Hugnay? Kay Palangi?”

“Hindi ko alam… sa iyo ko lang narinig ang mga iyan. Pero…” “Pero ano?”

Naisip ni Hal sina Gurong Ireneo at Gurong Amanda. “Puwedeng may makatulong sa atin. Pero hindi ko alam kung paano…”

“Sa Tahilan?”

Tumango si Hal. “Pero paano ako makakabali­k doon? Hindi ako puwedeng manggaling dito’t dumiretso roon. Hindi ako papapasuki­n ng mga tanod sa Dakilang Sanggalang. Isa pa, sa Isakan lang may daan papasok,” naisip niyang sarado na nga ang gumuhong panig ng Dakilang Sanggalang sa kanila sa Kumpis, “at kahit makapasok ako ay napakalayo noon sa Kumpis.”

“Hindi, hindi, kailangan mo talagang bumalik sa Tagpuan. Doon ka lang makakabali­k sa kung saan ka man nanggaling,” sabi ni Maya.

“Pero paano?” naisip niya ang tula na sinasabi ni Maya. Totoo rin ba iyon?

Kinuha ni Maya sa kaniya ang libro at hinanap nito ang isang pahina. Pagkatapos, ipinakita nito iyon kay Hal. “Ito ang sasabihin mo para makabalik sa Tagpuan,” sabi nito habang itinuturo ang mga nakasulat sa kaliwang bahagi ng pahina bago nito, bago nito itinuro ang nasa kanang bahagi naman ng pahina. “Ito naman ang sasabihin mo kapag aalis ka na sa Tagpuan at babalik sa pinagmulan mo.” Saka binigkas ni Maya sa kaniya ang dalawang maikling linya nang hindi kumukurap ang mga mata. “Kailangan mo silang bigkasin nang nakapikit ang mga mata mo, at kahit sa isip mo lang.”

“Iyan ba ang sinabi mo kanina?” Para ngang tula, naisip ni Hal. Hindi na niya naririnig ang ilan sa mga salita, kahit sa Nanay niya o Tatay niya, pero pakiramdam niya ay naiintindi­han niya ang gusto nitong sabihin. Tumango si Maya. “Maaalala mo ba ang mga iyan, sa tingin mo?” Ilang beses inulit ni Hal ang mga salita. Hindi rin kumukurap man lang ang mga mata. Pagkatapos, saka nito sinabing tingin niya ay maaalala niya naman.

“Sigurado naman akong maaalala mo iyan hanggang bukas,” sabi ni Maya.

“Bukas? Bakit bukas?”

“Hindi ka pa makakaalis ngayon,” sabi ni Maya.

“Bakit?”

“Hindi ko pa nagawang bumalik sa Tagpuan sa loob ng isang araw mula nang huli kong punta roon,” sabi ni Maya. “Puwede mong subukan.” “Paano kung bumalik ako sa garuda?”

“Hindi ko alam, tulad ng sabi ko sa iyo, hindi ko pa nagagawang bumalik sa Tagpuan sa parehong araw. At kapag bumabalik ako roon, tulad ng sinabi ko sa iyo, nagbago na ang hitsura ng paligid.”

Hindi ngayon alam ni Hal kung bibigkasin na niya ang mga linya para malaman kung makakatawi­d siya pabalik sa Tagpuan. Pero paano nga kung makatawid siya at naroon pa rin ang garuda? Kung titigil naman siya rito kay Maya nang isang gabi, anong iisipin ng Nanay niya at ni Gurong Ireneo?

(ITUTULOY)

 ??  ??
 ??  ?? “Mabuting tagapagtan­ggol si Aaron at maalalay sa akin ang kaniyang asawa,” sabi pa ni Claudia.
“Mabuting tagapagtan­ggol si Aaron at maalalay sa akin ang kaniyang asawa,” sabi pa ni Claudia.
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines