Liwayway

Arjo Atayde, Excited Noon Sa Easter Egg Hunt

Excited Noon Sa Easter Egg Hunt

- Nonie V. Nicasio

KAHIT isang sikat at awardwinni­ng actor si Arjo Atayde, typical na Pinoy pa rin ang kanyang mga karanasan sa tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Ayon sa Kapamilya actor, ngayon daw ay madalas na nasa out of town or out of the country ang kanilang pamilya tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Ito na lang daw kasi ang panahon na nagkakaroo­n sila para magkasama-sama nang mahabahaba bilang isang pamilya.

Pare-pareho kasing abala sa kanilang respective showbiz careers sina Arjo, ang kapatid niyang si Ria Atayde, at ang mother nilang si Ms. Sylvia Sanchez. Ang ama naman ng kanilang tahanan na si Sir Art Atayde ay busy sa kanilang business, samantalan­g ang mga kapatid na sina Gela at Xavi ay sa pag-aaral nakatutok.

Inusisa namin si Arjo kung ano ang mga nakaugalia­ng tradisyon ng mga Pinoy ang kanilang ginagawa tuwing sasapit ang Holy Week.

Esplika ng aktor, “Usually kapag

Holy Week ay nagbi-Visita Iglesia kami or kapag minsan po, out of the country kami… Kasi, minsan-minsan na lang po kami nagkakasam­a sa family. Lalo na kapag busy kami sa mga project.”

Ayon pa kay Arjo, ginagawa rin nila noon iyong hindi pagkain ng meat kapag Mahal na Araw.

“Opo, ginagawa namin iyon and nagpa-fasting din po kami,” pakli pa ng aktor.

Napangiti naman si Arjo nang usisain namin kung naranasan din ba niya ang kaugalian ng ilang Pinoy na kada Easter Sunday ay tumatalon ang mga bata tuwing alas-diyes ng umaga para tumangkad daw agad.

“Ay hindi ko po alam iyon, hindi ko po alam,” nakangitin­g pakli pa niya.

Nabanggit pa ng aktor na ang Easter egg hunt ang isa sa nae-excite siya kapag Mahal na Araw, noong siya ay bata pa.

“Opo, nae-excite ako sa Easter egg hunt noong bata pa ako, rati po talaga, sobrang nae-excite ako d'yan, isa iyon sa inaabangan talaga ng mga bata. Pero ngayon, si Xavi-iyong younger brother ko ang nag-i-easter egg hunt,” aniya pa.

Ngayon bang Holy Week, kapag nagbakasyo­n ang pamilya nila ay posibleng kasama nila si Maine Mendoza?

“Tingnan po natin, we’ll see!” nakatawang saad pa ni Arjo.

Sa naturang event din, inusisa si Arjo kung seryoso na ba talaga siya dahil inamin niyang napag-uusapan na rin nila ni Maine ang kasal?

Ani Arjo, “Were talking about it naman, like, were not wasting each other’s time naman. But I’d rather not talk about when and you know, when we’re actually planning on doing it, when it’s about to happen, I’d rather keep it to myself.”

Napi-feel ba niya na si Maine na talaga ang the one? “Opo, yes po, siya na talaga.”

Pero may plano na ba silang magpakasal ni Maine? “Personal po iyan, pero basta. This is my love story, iyon na lang po iyon,” saad pa ng aktor.

Nagpasalam­at naman si Arjo sa CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Tan sa suporta nito sa kanya at dahil sa ipinahayag ni Ms. Rhea na handa siyang mag-ninang sa dalawa at sagutin ang wedding reception nina Arjo at Maine.

Ngayon ay napapanood si Arjo sa mini-series na 24/7 ng ABS-CBN kasama si Julia Montes. Nakatakda rin siyang magproduce ng pelikula, very soon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines