Liwayway

Astrolohiy­a

- Madame Sharona

ARIES (Mar. 20–Abr. 19) Huwag mong kalimutan ang mga pangako mong iingatan mo ang iyong kalusugan. Takaw sa mata ang matatamis at iba pang masasarap na pagkain. Lucky nos. 19–24 & 28.

TAURUS (Abr. 20–Mayo 20) Parang hindi makasasapa­t ang walang sawang pagsasaya mo. Inirerekom­enda na lumabas ka ng bansa at sa magandang siyudad sa mundo ikaw ay magpunta. Lucky nos. 6–17 & 19.

GEMINI (Mayo 21–Hun. 20) Hinihintay na ng langit ang gusto mong mangyari sa iyo ngayong taon. Sabihin mo na at makaaasa ka na gagawa ito ng paraan kahit may pagkaimpos­ible at mahirap mangyari. Lucky nos. 25–27 & 38.

CANCER (Hun. 21–Hul. 20) Bakit gusto mong baguhin ang makislap mong kapalaran? Ang mas maganda ay sakyan mo na lang ang mga pangyayari at makaaasa ka na ikaw ay liligaya. Lucky nos. 37–30 & 26.

LEO (Hul. 21–Agos. 20) Pasyalan ang mga taong matagal mo nang hindi nakasasala­muha dahil naging bahagi rin sila ng iyong buhay. Lucky nos. 31–30 & 05.

VIRGO (Agos. 21 – Set. 22) Paglalakba­y, pamamasyal at pagliliwal­iw ang gawin mong relaxation sa darating na linggo. Isingit mo ang mabilisan at panandalia­ng pahinga nang hindi ka dapuan ng karamdaman. Lucky nos. 27–30 & 10.

LIBRA (Set. 23–Okt. 22) Nakatutuwa ang iyong kapalaran sa darating na linggo dahil ang mismong magtutulak sa iyo ay ang kapalaran mo at ihaharap ka nang mukhaan sa iyong mga suwerte. Lucky nos. 28–39 & 11.

SCORPIO (Okt. 23–Nob. 22) Nagpasya na ang langit na ang pagbabago na gusto mong mangyari ay pinayagan na. Magpasalam­at at magpuri sa nasa itaas. Lucky nos. 27–18 & 26.

SAGITTARIU­S (Nob. 23–Dis. 22) Wala kang gagawin kundi ang panoorin at pagmasdan kung paano magiging masaya ang mga tao. At sa ganito, madaragdag­an ang ligaya sa puso mo. Lucky nos. 36–38 & 18.

CAPRICORN (Dis. 23–Ene. 19) Hindi ka makaiiwas na ibahagi sa mga kagalit mo ang mga suwerteng mapapasaiy­o ngayon. Mangyayari ito dahil sa sobrang tuwa mo. Lucky nos. 11–22 & 28.

AQUARIUS (Ene. 20–Peb. 19) Nadarama mo na may darating na suwerte sa buhay mo. Sa taong ito, hindi ka bibiguin ng langit. Ang mga suwerte ay tiyak na mapapasaiy­o. Lucky nos. 06–11 & 26.

PISCES (Peb. 20–Mar. 19) Kung nais mo ang malawakang pagbabago, piliin mo ang alam mong may kakayahang pasunurin ang kapuwa. Nasa tagapaguto­s ang pagbabago. Lucky nos. 03–15 & 20.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines