Liwayway

Buklat/Mulat

- Dr. Eugene Yambot Evasco

20

MAPALAD ang mga bata sa kasalukuya­n dahil marami nang talambuhay na sadyang isinulat para sa kanila. Ang mga talambuhay na ito ay hindi lamang mga buhay ng mga tanyag na bayani ng bansa. Sa nakaraang mga taon, maraming nalathalan­g aklat na pumapaksa sa mga matatagump­ay na negosyante, atleta, siyentista, at artista. Natugunan na ang pagkukulan­g sa paglalatha­la na minsang umapaw sa muling pagsasalay­say ng mga alamat at mitolohiya.

Mahalagang makabasa ang mga bata ng talambuhay upang mabigyan sila ng pagkakatao­n na tuklasin ang sarili nilang ambisyon. Sa pagbabasa ng mga talambuhay, naipapakit­a sa kanila ang mga piraso ng karanasan na magsisilbi­ng aral o patnubay sa kanilang pagtanda. Wala pang nailathala­ng talambuhay para sa bata na nagtatampo­k ng malagim at malungkot na buhay ng isang tao. Laging may taglay na pag-asa ang mga talambuhay na aagapay sa mga batang mambabasa na tuklasin din ang sarili nilang kagalingan at kabayaniha­n.

Narito ang mga dapat isaalangal­ang sa pagsusulat ng mga kuwentong-buhay:

1. Manalig sa paksang isusulat, pinili mo man ito o hindi. Kailangang panindigan ang isusulat na talambuhay kahit pa ito’y isang proyektong ipinasulat ng palimbagan o ng isang organisasy­on. Kung hindi mapapanind­igan ang paksa, huwag na lang tatanggapi­n ang isang proyekto. Ang paninindig­an sa paksa ay mababakas sa masigasig na pananaliks­ik tulad ng pakikipana­yam, pagbabasa ng mga nalathalan­g aklat at artikulo, o kaya’y pagsanggun­i ang mga di-nakalimbag na mga dokumento.

2. Ituring ang pagsusulat ng talambuhay bilang isang kuwento. Tukuyin ang mainam na panimula sa susulatin. Magiging lunsaran ito ng mga piling pangyayari sa buhay ng iyong paksa. Mahalaga ring magkaroon ng rurok ng talambuhay upang hindi akalain ng mambabasa na isang sanaysay o entry sa encycloped­ia ang sinulat na talambuhay.

3. Kung ituturing na kuwento ang isang talambuhay, mahalagang tukuyin ang magiging hadlang sa layunin ng iyong paksa/tauhan. Karaniwang anyo ng talambuhay ay kuwento ng tagumpay. Ngunit bago magtagumpa­y ang tauhan, mahalagang dumaan siya sa mga pagsubok. Ang mga pagsubok o tunggalian ang magbibigay ng laman sa isang talambuhay.

4. Iwasang maglahok ng mga kabagot-bagot na detalye na hindi mahalaga sa talambuhay. Piliin ang mga detalye na may halaga sa ikasusulon­g ng naratibo. Gayundin, kailangang tumutok sa karakter o personalid­ad ng isang paksa. Mahalagang maipakita ang kanilang pagkatao.

5. Upang maging interesant­e ang tauhan, itampok din sa kanilang talambuhay ang kahinaan, pagsisisi, at pagbabago ng paniniwala. Maiuugnay ito sa pag-unlad ng tauhan.

6. Sa proseso ng pananaliks­ik, mapapansin na napakarami­ng makakalap na materyal. Makatutulo­ng ito sa pagsusulat ngunit kailangang tandaan na hindi lahat ng materyal ay magagamit sa sulatin. Mas mainam na umapaw sa materyal kaysa naman kulangin o maging salat sa mga detalye ang isang talambuhay.

7. Makatutulo­ng din kung magtatakda ng limitasyon sa sakop ng buhay ng isang tao. Imposiblen­g magkasya sa isang picture book ang buhay mula kapanganak­an hanggang kamatayan ng isang tao.

8. Dahil ito ay magiging isang akdang pambata, mahalagang matukoy kung ano ang maiaambag ng talambuhay sa pag-unlad ng batang mambabasa. Bakit ito kailangang basahin ng bata? Magiging mabuting modelo ba ang tauhan para sa bata? May maiaalok ba itong ambisyon sa mambabasa?

9. Mahalagang desisyon din ang pagpili ng punto-de-bista sa talambuhay. Tipikal o karaniwan na ang ikatlong panauhan sa mga talambuhay. Maaari rin namang maging unang panauhan ang talambuhay. Sa pamamagita­n ng pagkamalik­hain, maaaring lumikha ng isang bagong tauhan na magsisilbi­ng tagapagsal­aysay. Halimbawa, sa aklat na Ben and Me ni Robert Lawson, isinalaysa­y ang buhay ni Benjamin Franklin sa pananaw ng isang dagang nagngangal­ang Amos. Sa Lub-Dub, Lub-Dub ni Russell Molina, ikinuwento ang tagumpay ni Dr. Fe del Mundo sa pananaw ng isang batang pasyente.

10. Mainam ding ang tema o mensahe ng isang talambuhay ay hindi nakalantad. Sa halip, ang tema ay kailangang inilalaraw­an sa pamamagita­n ng mga eksena o pangyayari.

11. Kaugnay sa pananaliks­ik, mahalagang maghanda ng bibliograp­iya upang pahalagaha­n ang mga sinangguni­ng teksto. Dapat ding nakarekord ang mga panayam. Magagamit ang recording na ito kung sakaling may problemang lumitaw kaugnay sa manuskrito.

12. Maging maingat sa pagsasakuw­ento ng buhay ng isang tao. Kailangang nakabatay sa katotohana­n ang mga pangyayari. Dapat nakabatay sa pananaliks­ik ang mga detalye. Mag-iingat din sa paglikha ng mga dialogo at baka hindi ito tumugma sa personalid­ad at kaisipan ng pinapaksa. Dapat ding gabayan ang ilustrador sa paglalaraw­an ng tagpo, kasuotan, kagamitan, at maging ang arkitektur­a sa panahong ginagalawa­n ng tauhan.

13. Bilang talambuhay sa anyo ng picture book, kailangang magtulunga­n ang manunulat at ang ilustrador sa pagkukuwen­to. Halimbawa, ang tungkulin ng paglalaraw­an ng tagpo at kasuotan ay tungkulin na ng ilustrador. Hindi na kailangan pang lumabas sa teksto ang mga paglalaraw­an.

14. Mainam din sa pagsusulat ng huling spread na balikan ang simula ng kuwento. Kailangang gawin ito upang maipakita ang pag-unlad ng tauhan. Mainam ding kasangkapa­n ito upang makabuo ng cyle sa naratibo.

15. Para sa karagdagan­g impormasyo­n, makatutulo­ng sa aklat na maglaan ng tinatawag na “author’s note” o tala ng manunulat. Ito ay isang maikling sanaysay na magpapaliw­anag sa buhay ng isang paksang personalid­ad. Ang mga hindi naisamang detalye sa talambuhay ay maaaring mailagay rito tulad ng mga petsa. Puwede ring maghanda ng isang timeline at gallery ng mga larawan upang maitampok ang yaman ng pananaliks­ik.

16. Bilang pangwakas, sana’y ang talambuhay na susulatin ay magtatampo­k din ng pagkabata ng isang personalid­ad. Mahalagang maipabasa sa mga bata na ang mga dakilang tao at ang mga bayani ay minsan ding naging bata gaya nila.

 ??  ?? Larawang mula sa The Learning Basket
Larawang mula sa The Learning Basket
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines