Liwayway

MGA “ALON” NG MGA MANUNULAT NG LIWAYWAY

- Ni ESTER ARAGON

BUMABANGON, umiindayog at gumugulong sa tubig-dagat ang mga alon bago humampas sa talpukan at humalik sa buhanginan, paulit-ulit hanggang sa humupa ang malakas na hangin. Ganiyan ang “dating” ng mga manunulat sa maraming dekada sa mga pahina ng Liwayway. Ngayong ika-98 taong anibersary­o ng pinakamata­ndang magasing ito sa alinmang wika sa Pilipinas, tuklasin natin ang mga manunulat na iyan—nagtiyagan­g lumikha ng kanilang mga tula, kuwento, nobela at mga lathalain at iba pang genre ng panitikan para may regular na matunghaya­n linggo-linggo ang mga mambabasa nito (sa panahon ng “lumang” normal).

Iyon ang panahong nasa wikang Kastila, Tagalog at Ingles ang mga diyaryo o babasahin sa Pilipinas—La

; (1916) $ <=>=?@ at $ <=>CD@. Sa mga ito lamang inilalatha­la ang mga balita at iba pang lathalain, pati panitikan. May mga suplemento ang

$ (Huwebes, + ) at (Sabado, Ang Bansa) (sa unang tatlong dekada ng 1900). Noon biglang inilabas ang isang uri ng “pagbabalit­a”—kumbinasyo­n ng mga letra at mga larawan, ang 2 News, na inilathala ni Don Ramon Roces, panganay ng pabliser na si Don Alejandro Roces, Sr. Nagkataong binili nitong huli ang ; mula kay Martin Ocampo, may-ari ng El Renacimine­to na ipinasara ng awtoridad dahil sa kasong libelo (kontrobers­iyal na kaso ng kilalang sanaysay, +# 9 @.

Nasa ikatlong taon (1922) noon sa haiskul sa 1 G # ang yumaong popular na nobelistan­g Fausto G. Galauran (FGG) nang makilala niya’t anyayahan siya sa opisina ni Deogracias A. Rosario (DAR), editor ng $ noon. Hindi “makapasa” ang mga tulang padala niya sa $ at minsan, pinapasyal siya nito sa opisina ng diyaryo.

NUnang Alon ng mga Manunulat ARITO ang salaysay ni FGG noong unang pumunta siya sa opisina ng 2 1 sa isang gusali sa daang Carriedo,

Quiapo:

“Nagdaan kami sa pagitan ng mga mesa nina Juan Lauro Arciwals, Jose Corazon de Jesus, Juan N. Evangelist­a, Dionisio San Agustin. Carlos Ronquillo at

Deogracias A. Rosario

iba pang luningning noon sa panitikang Tagalog.”

Noon inalok ni DAR si Galauran: “…abalang-abala ako sa $ . Yamang narito ang iyong hilig, ikaw ang kakatulung­in ko. Ikaw ang unang manunulat sa Tagalog ng 2 1 .”

Ngunit hindi pinalad na mapabilang si Galauran sa patnugutan(staff) ng 2 News (na naging Liwayway pagkaraan) dahil nakatakda siyang magdoktor sa Unibersida­d ng Pilipinas (U.P) na nasa daang Padre Faura sa Maynila. Nangako siya kay DAR na magsusulat na lamang siya.

Kaya nang lumabas ang Liwayway, nalathala roon ang mga unang tula ni Galauran. At kabilang sa mga manunulat na “namulaklak” doon (bukod sa mga dati) ang mga tula nina Ildefonso Santos, Pedro Gatmaitan, Benigno Ramos, Cirio H. Panganiban, Filomena T. Alcanar at Carlos Gatmaitan , saka mga kuwento nina Engracio del Monte, Remigio Mat

E. Sauco, Leonardo Dianzon at Juan N. Evangelist­a.

KIkalawang Alon ng mga Manunulat ABUNTOT ng mga manunulat sa itaas ang mga bagong pangalan na sumulpot paisaisa noong 1923 hanggang makabuwelo’t nasapol nila ang pagsikat

Fausto G. Galauran

ng Liwayway . Narito ang mga binanggit ni Galauran:

Amado V. Hernandez (Pambansang Alagad ng Sining, 1970), Alberto Segismundo Cruz, Ismael C. Almazar, Ismael Santos Cruz, Pedro Reyes Villanueva, Jose Domingo Karasig, Guillermo Hollandez, Catalino V. Flores, Nemesio Caravana, Venancio R. Aznar, Juan Bugarin, Mateo Cruz Cornelio, Francisco M. Vasquez, Simeon P. Arcega, Antonio Sempio, Susana C. de Guzman, Isaac E. Dizon (ama ng mananaysay na Anacleto Dizon?) , Virginia E. Ignacio, Vicenta Navarro, Jovita Martinez-Memije, Carmen Batacan, Gervasio B. Santiago, Buenaventu­ra G. Medina, Hilaria Labog, Carmen S. Herrera, at Anacleto Bustamante.

BAng Popularisa­syon ng Liwayway ILANG bahagi ng pag-akit ng Liwayway sa mga mambabasa nito, inilunsad ng patnugutan nito noong 1937 ang publisidad para sa ! H, isang pangkat ng mga manunulat nito na may mga nobelang dugtungan at “kinasasabi­kan” ng mga mambabasa nito linggo-linggo. Kabilang dito sina Lazaro Francisco (Pambansang Alagad ng Sining, 2009), Catalino V. Flores, Venancio R. Aznar, Antonio V. Sempio, Teodoro Virrey, Gregorio C. Coching, Jose Esperanza Cruz at Fausto Galauran. Alternatib­o ang “dugtungan” ng mga nobela sa Liwayway

ng nakamulata­n nang popularida­d ng mga nobela sa anyong aklat na binibili pati na sa bangketa mula pa noong unang dekada ng mga Amerikano sa Pilipinas o panahon nina Lope K. Santos (Banaag at Sikat), Valeriano Hernandez Pena (Nena at Neneng) at iba pa.

Para naman sa mga kuwentista, itinatag naman ng Liwayway ang =C 2 na lalong nagpatanya­g kina Hilaria Labog, Pedro Reyes Villanueva, Belen Manalo Santiago, Francisco Vasquez, Rosalia L. Aguinaldo, Narciso Asistio, Susana de Guzman, Carmen Batacan, Jose Domingo Karasig, Dr. Buenaventu­ra Medina, at Fausto Galauran. Sa panahong ito nagkaimplu­wensiya na rin ang kuwento sa Ingles na tapusan basahin sa isang upo lamang tulad ng mga sinulat ni Edgar Allan Poe.

Alon ng Unlad-Sining na

mga Kabataan STABLISADO na sa panahong ito ang Liwayway at pinatibaya­n ito ng mataas na sirkulasyo­n ng mga kopya nito. Malayongma­layo na rin ang mga nilalaman nito sa 2 1 at tinunton na nito ang “sinusubayb­ayan” ng mga mambabasa na mga nobela, saka mga kuwentong popular na noon. Ngunit sa paglayo ng mga kathang ito sa modelong romance ng Europa at sa malakas na impluwensi­ya ng panitikang Amerikano (na padron naman ng mga manunulat na Pilipino sa Ingles), sumulpot noong kalagitnaa­n ng dekada trenta (30) ang malakas na agitasyon ng kabataan para sa pagsasaril­i ng Pilipinas mula sa Amerika). Sa panahong ito sinabi ni Agoncillo (Teodoro A., ang historyan) na malaki na rin ang iniunlad ng sining ng maikling kuwento na utang kina Alejandro Abadilla at Clodualdo del Mundo, Sr. na nagsipagta­tag ng kanilang mga kolum sa panunuri (kritisismo), ang Parolang Ginto (del Mundo) at $ ! (Abadilla). Umunlad ang pagsulat ng maikling kuwento sa Liwayway dahil sa mga kontribyut­or nitong kabataan na unang nagsipagsu­lat sa mga pahina ng $ * saka ng (2

8 ang kapatid na diyaryo nitong huli). Sina Liwayway A. Arceo, Macario Pineda, Cornelio Reyes, Narciso G.

" # $ # ibang mga manunulat na kabilang sa CD

2 2

=>%& (basahin: Agoncillo, +

$ <=HH?7=>%H). Nagpatuloy ang pag-unlad ng Liwayway pagkaraan ng digma, isang pagpapatul­oy ng hangarin nitong ipasok sa patnugutan ang mahuhusay na kabataang mga manunulat. Bilang tugon sa panawagan noon pang bago at pagkaraang magkadigma na “basagin” ang monopolyo ng “katandaan” sa pagsulat sa mga magasing Tagalog, ipinasok sa patnugutan ang mga kabataang “hasa” sa mga kolehiyo

Eat pamantasan. Para matupad ang pangarap na makapagsul­at ako ng tula sa Liwayway, nag-iwan ako sa patnugutan ( "") ng 12 tula upang sa loob lamang ng isang linggo, “masakit” na tinanggiha­n ( M ). Ngunit sa pamamagita­n ni Pablo N. Bautista, naging bayograper ni Presidente Magsaysay, natuklasan ko na kasama na sa patnugutan ang mga kabataang nagsipagar­al at nakatapos sa mga pamantasan. Bukod kay Bautista na kasama nito si Hilario L. Koronel sa patnugutan ng Liwayway , naging staff member din sila ng magasing $ ; ng UST. Natulungan ako ni Bautista na magkuwento at makaakyat sa ikatlong palapag (editoryal ng Liwayway) at makilala sina Virgilio C. Blones at Andres Cristobal Cruz (parehong U.P.) at sina Tomas C. Ongoco sa patnugutan at kontribyut­or naman si Ponciano Peralta-Pineda (pareho taga-MLQ University). Pawang kabataan, " 7 boys sila ng administra­syon ng Liwayway. Nagwagi ng iba’t ibang kategorya ng premyo sa Carlos Palanca + ang kabataang mga manunulat na ito.

Dalawang Talpok ng

Alon sa Pasigan AGKAROON ng unang Pitak-Pang

ang =>D% na may puwesto at premyo rin pagkaraan ng isang taon o 52 labas ng naturang magasin. Naging pangunahin sa mga nagwagi ang mandudulan­g si Orlando Nadres, ang peryodista­ng si Anselmo Roque at ang propesor-manunulat na si Efren Abueg (ERA). Hindi na matandaan ni ERA kung ilang taon idinaos ang taunang timpalak na iyon at wala siyang matandaang naging manunulat ng Liwayway sa mga nagwagi noon.

Ngunit nang buksan ang pitak na

! 0 sa pamamahala ng nobelistan­g Liwayway A. Arceo, naging mabunga at maunlad ang timpalak na iyon. Hindi lamang naggawad ang taunang timpalak ng premyong salapi kundi sinanay pa ang iba sa at saka hinirang na pansamanta­lang staff member ng Liwayway. Pagkaraan ng timpalak, tumigil sila sa bakasyunan ng pamilya Roces sa Cabcaben, Bataan para magsulat at pamagat pa lamang ang kuwento, binabayara­n na agad sila. Alam kong “tumigil” din nang regular sa opisina sina Rogelio R. Sikat, Dominador B. Mirasol at Edgardo M. Reyes para magsanay na kasama ng mga kasapi sa patnugutan hanggang sa dumating ang katapusan ng kanilang serbisyo.

Naging mabunga ang timpalak na iyon dahil naimpluwen­siyahan din ng kasiglahan ng panahong iyon sina Aurelio Dacanay, Levy Balgos dela Cruz, Lualhati Bautista, Rogelio Ordonez, Rodolfo Salandanan at marami pang iba.

Sa tingin ng sumulat nito, hindi na maampat sa buhay ng Liwayway ang inspirasyo­ng idinulot ng ! 0 sa kabataang mga manunulat hanggang sa kasalukuya­ng panahon.

NAmado V. Hernandez

Lazaro Francisco

Lualhati Bautista

NITONG Enero 2020, simula ng bagong dekada, naungkat na naman ang coconut levy (buwis sa niyog) na tinanggiha­n bilang batas (bineto) ni Presidente Rodrigo Duterte sa dalawang katwiran: una,

Q ikalawa, alinlangan na maaaring makalabag (ito) sa Saligang-batas ng Pilipinas.

Ano ang kahulugan nito? Ibabalik uli ang inisyatiba o pagkilos tungkol sa pondo sa dalawang kapulungan ng Kongreso: ang Mababang Kapulungan at ang Senado. Ano naman ang implikasyo­n nito?

# T

Ipinatong ng administra­syong Marcos ang coconut levy o buwis sa niyog noong 1971 hanggang 1983 para sa

7 at -

sa Pilipinas. Tinatayang >U bilyong piso ang nakaltas sa mga magniniyog mula noon at naging mahigit 100 bilyong piso na ngayon. Ginamit ang nasabing buwis na sa

Ano ang ibig sabihin nito? Ibinili ng (karapatan sa pag-aari na tumutubo) sa iba’t ibang pribadong negosyo tulad ng United Coconut Bank, mga pabrika sa paggawa ng langis/mantika ng United Coconut Mills at iba pang higanteng korporasyo­ng tulad ng San Miguel Corporatio­n na may interes ang mga negosyante at politikong kaalyado ng dating pangulong Marcos. Bunga nito, iba’t ibang samahan ng mga magniniyog at magsasaka ang “ipinangana­k” sa panahon at pagkaraan ng dating administra­syong iyon para sa “paghahabol” sa benepisyo ng coconut levy.

Apat (4) na dekada na mula nang ipatigil ang coconut levy, ngunit hindi pa matanaw ng mga magniniyog at ng kanilang pamilya ang benepisyo niyon gayong nagtubo na ang buwis na iyon ng bilyon-bilyong pisong “ginamit” ng mga korporasyo­ng pribado at maimpluwen­siyang indibidwal ng bansa.

Maliban sa pagbanggit ng kandidato noon na si Rodrigo Duterte sa pangalang “Ka Oca”(2016), halos nalimot na ng buong bansa ang pangalang ito na nanguna at kampeon sa usapin ng coconut levy – si Oscar F. Santos ng lalawigang Quezon (Assemblyma­n, 1984-1986 at Kongresist­a,1987-1992). Saklaw niya sa mga taong kinakatawa­n niya ang Bondoc Peninsula o isang kawing ng 12 bayang mabundok at nasa gilid ng karagatan ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Quezon: Agdangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Pitogo, San Andres, San Francisco, San Narciso at Unisan.

Hindi na kasaysayan sa isang kawing ng mga bayan ang “pakikibaka” ni Oscar F. Santos kundi bahagi ito ng karanasan at gunita sa Panitikan sa katutubong wika (Tagalog-Quezon) na hindi na mabubura ng panahon dahil paulit-ulit babasahin ito, lalo na ng kabataan. .

diwang binigyang-diin sa lipumpon ng mga dumalong guro sa ! 2 ukol sa kultura, kasaysayan at panitikan?

NAng Pagkatukla­s ng Kaakuhan AMAIBABAW sa dakong huli ng nobela ang paghahanap ng pangunahin­g tauhan tungkol sa kaniyang sarili6 * * T Kaugnay ba ito ng paghahanap din ng dating katauhan ng Bondoc Peninsula sa miniskulon­g halimbawa ng bayan ng Catanauan?

Sa paglulukad na proseso ng kabuhayan ng mga tao sa Bondoc Peninsula umikot ang nobelang ito. Mangangala­wit sila ng mga bungang niyog sa takdang panahon, tatapyasan ang bahaging pinamulakl­akan nito, babaakin at sa baga ang maputing laman ng niyon, saka dadalhin sa coconut mills sa bayan para ibenta upang gawing langis at iba pang produkto ng mga kumpanya roon na“protektado ng mga nasa munisipyo”.

Mayaman (at malawak) ang Bondoc Peninsula, ngunit maliit na porsiyento lamang nito ang nalilinang—ang malapit sa tahanan ng mga magbubukid. Bunga (raw) ito ng “pagkagumon” sa sugal ng mga mamamayan na hatid sa kapuluan ng mga “nangaunang” Intsik. Ngunit hindi naman binanggit ng historyado­r na ito na mga Kastila ang lahing “buwaya” ang kumamkam sa lupaing iyon at inalipin ang mga dating may-ari nito).

Maikli sa 150 pahina ang nobela, ngunit malaman ito sa mga detalye ng “paghahanap” ng pangunahin­g tauhan nito. Hindi niya inilahad ang kasaysayan ng sariling bansa sa paghahanap na iyon, kundi inihulma niya sa pamamagita­n ng mga tauhan sa kaniyang akda ang “danas” sa pagkakatuk­las ng pinagmulan at ang tahimik na pagtanggap nito ng kumplikasy­on sa sarilingka­tauhan. Sa paghuhulma bang iyon nailapat ng awtor ang problemang Bondoc Peninsula sa kasalukuya­n?

; $ ' ; # < * + sa kaniyang waring alalay na pagsasalay­say nito, tulad sa naipakitan­g hubad na emosyon ng pagkakatuk­las ng pangunahin­g tauhan ng “katotohana­n” ng kalagayan ng kaniyang ina. Nariyan din ang yuko ang ulong pagtanggap niyang nagbabanta­ng kasalatan sa buhay nang bawiin sa ama niya ang pagiging katiwala ng may isang libong ektaryang niyugan. Nariyan din ang triyanggul­o ng pag-ibig nina Ka Ator, Ka Ditas at Ka Buboy na nauwi sa trahedya. Ang mga kuwento sa lungsod na inihulip sa kaniyang sariling karanasan tulad ng marawal na kalagayan sa dormitoryo na kinasangku­tan ng tatlong karakter na replikasyo­n lamang ng sariling pakikitung­gali sa buhay. Ngunit higit sa lahat, lumutang sa huli ng nobela ang pormularyo na ibinabando ng pangunahin­g katauhan. Ang “pagpapalut­ang”na iyon ang nagbukas naman ng proseso kung paano nasadlak sa kasalukuya­ng kalagayan ang Bondoc Peninsula. Mapait sa panlasa ang matutuklas­an ng mga mambabasa mula nang dumating ang lahi ng buwaya sa lugar na iyon.

Kung etnograpiy­a ang kinahiliga­n ng sino mang babasa ng nobelang ito, awtentiko ang mga dayalogo rito, ang mga katawagang “kanilang-kanila” lamang—mga katawagan ng lalawigan na isang matalinong pagtatangk­a na ilanghap sa kathang-isip ang tunay na mukha ng kultura ng bayan ng awtor.

Sa “kaakuhan” ba ng Bondoc Peninsula sa persona ng pangunahin­g tauhan makikita ang proseso ng patuloy na pandidilat ng katotohana­n ng karalitaan at kawalang-katarungan­g ipinakikip­aglaban ng isang Oscar F. Santos na isinapanit­ikan naman ng awtor ng nobelang ito—si Propesor

' * * + =

ISA akong “Senior Citizen”, 65 taong gulang. Bago nangyari ang o ang quarantine, ang araw ko’y karaniwang nag-uumpisa sa pagdarasal tuwing alas singko y medya ng umaga pagkatapos kong magising mula sa pito hanggang walong oras na pagtulog. Sa aking pagdarasal, nagpapasal­amat ako sa bagong buhay na ibinigay Niya at sa lahat ng mga biyayang natanggap ko, hihingi ng tawad sa mga kasalanan ko at mananalang­in ng tulong para sa lahat ng tao. Isang mabilis na ang kasunod ng aking pagdarasal, at pagkatapos ay magpapaala­m na ako kay misis para maglakad at mag-ehersisyo sa isang parke sa isang kalapit na subdibisyo­n. Alas siyete y medya ng umaga’y magkasalo na kami ng asawa ko sa mesa para sa aming almusal na kalimita’y kinabibila­ngan ng kape o mainit na tsokolate, pandesal, itlog, sinangag, o sardinas kaya. Di kalauna’y handa na akong pumasok sa opisina, sa isang maliit na savings bank na malapit lang sa tinitiraha­n ko. Bago mag-alas nuwebe’y naroon na ako, at matatapos ang araw ko sa pakikipag-usap sa mga kliyente ng bangko, pagpirma sa ilang papeles at kung ano-ano pang mga gawain. Bago mag-alas siyes ng gabi’y nasa bahay na uli ako. Pagkatapos magpahinga’y kasama ko na ang misis ko papuntang simbahan para makinig ng misa sa ika-7 ng gabi. Sa simbahan ding ito ako naglilingk­od bilang isang

Lay Minister. Magsasalo naman kami sa isang hapunan kasama ang iba pang miyembro ng pamilya pagkagalin­g ko sa simbahan. Nawiwili rin akong manood ng “Probinsyan­o” pagkatapos makinig ng balita. Ilang palabas pa sa TV ang aking papanoorin, bago ako muling matulog sa alas diyes y medya ng gabi. Isang maikling dasal muli ang ipagkakalo­ob ko sa Kanya bago ko tuluyang pumikit katabi ang misis ko.

“Hindi raw iniinom ng mga ilog ang kanilang sariling tubig.”

“Hindi rin kinakain ng mga bungangkah­oy ang sarili nilang bunga”

“Hindi rin sinisikata­n ng araw ang kanyang sarili”

“At hindi naman isinasabog ng mga bulaklak ang kanilang bango para sa kanila rin.”

“Ang mabuhay para sa iba o kapuwa ay batas ng kalikasan”

“Lahat tayo’y isinilang upang magtulunga­n”

“Anumang hirap nito, ang buhay ay masarap, kung ikaw ay masaya” “Datapwa’t higit na masarap at mabuti”, “Kung masaya ang kapwa dahil sa atin”. Ang mga salitang ito’y mula sa mga labi ng Mahal na Papa Francisco; tila mga mumunting gintong bato na mahalaga sa panahon ng krisis. Makislap, makinang; binigkas sa panahon ng Mahal na Araw, sa gitna ng ‘covid-19 pandemic’.

Abril 13, 2020, habang isinusulat ko ang artikulong ito, isang buwan halos matapos umpisahan ang “lockdown”. Ayon sa tala ng World Health Organizati­on, 1,866,460

# < # # @ ' $ @ # corona virus sa buong mundo, 115,244 dito ang namatay, habang 433,915 naman ang gumaling. Ang America ang nagtala ng pinakamara­ming kaso, 560,433 katao ang kumpirmado­ng maysakit, habang 22,115 dito ang namatay, at 32,634 naman ang gumaling. Pagkatapos ng America, ang Italy ang sumunod na may pinakamara­ming namatay, 19,899 katao, na sinundan ng Espanya na may bilang ng patay na 17,489 na tao. Sa Pilipinas, 4,932 ang naitalang kumpirmado­ng may sakit ng # , 242 katao ang gumaling habang 315 ang bilang naman ng mga nasawi. Sa mga susunod na araw, mababago na naman ang mga numerong ito, malamang na tumaas pa sa lahat ng dako ng mundo. Dasal ng lahat

' ' # @ X Tuloy pa rin ang quarantine sa buong Luzon hanggang Abril 30, 2020 ayon sa

Z

pamahalaan. Tuloy rin ang “pagkabilan­ggo ng mga tao sa kani-kanilang tahanan, parang mga preso, biro ng isang kaibigan, wala nga lang hinihimas na malamig na bakal.

Kailan pa kaya matatapos ang lahat ng ito? ito ang karaniwang bulalas ng marami, lahat puro walang katiyakan, nakatingin sila sa malayo, at panay ang buntonghin­inga. Sa lahat ng mga diyaryo, magazine, TV at , walang mababasa o maririnig kundi puro tungkol sa virus. Kung mahina ang loob mo, “made-depress” ka, malulungko­t. Lalo na ang mga taong talagang mahihirap, walang trabaho, na ang pag-asa’y nakasalala­y lamang sa tulong ng gobyerno at sa mga mayayaman. Ang lahat ng pansin at pagpapasal­amat ay ibinibigay sa mga frontliner­s, mga , at iba pang mga tao na direktang may kinalaman sa nasabing sakit. Sila ang mga tunay na bayani na nasa gitna ng laban, totoong mga sundalo na handang itaya ang buhay para mailigtas ang mga nangangail­angan.

Sa panahon ng covid-19 naiisip ko, bilang “senior citizen”, meron ba akong naibabahag­i sa aking kapuwa, at sa pagtugon sa sinabi ng mahal na Papa?

Kabilang ang bangko sa mga tinatawag na “essential industry” na dapat magbukas sa panahon ng quarantine tulad ng

supermarke­ts at palengke. Kahit senior, lumalabas ako dalawang beses isang linggo para serbisyuha­n ang aming maliliit na katulad ng mga SSS pensioners, mga titser, maliliit na manggagawa at iba pa. Masaya rin ako na makita sila na makapag- ng pera para magamit pambili ng mga kailangan sa buhay, bigas, isda, gulay, gamot, atbp. Naaawa ako sa mga “security guards” at messenger ng bangko na malayo ang pinanggaga­lingan, malimit lakad, o dili kaya’y naka-bike lamang kapag pumapasok sa opisina. Ibinibigay ko na lang lahat sa kanila ang konting “hazard pay” ko na bigay sa akin ng bangko. Dalawa lang ang staff ko na pumapasok, isang teller at isang new accounts, naka-“skeletal force” kami.

Hindi na rin ako makasimba sa panahon ngayon. Sa tulong ng ‘teknolohiy­a’, puro “live streaming lang sa facebook ang pakikinig namin ng misa sa bahay. Wala man sa loob ng simbahan, buo pa rin ang pananampal­ataya namin ng pamilya ko. “eyes of faith”, naniniwala kami sa tunay na presensiya ng Panginoon sa misa na pinapaking­gan namin. Gumawa kami ng isang maliit na altar sa may sala na may dalawang kandila, at isang maliit na krus. Tahimik kami habang nagdarasal at dama namin ang kabanalan ng misa sa aming tahanan na para na ring nasa simbahan kami. Dinarasal din namin ang “Oratio Imperata”, para sa kabutihan ng mga frontliner­s, mga maysakit, mga taong nasa gobyerno, pati na ang mga namatay dahil sa .

Wala pang gamot sa kasalukuya­n na natutuklas­an ang mga doktor, siyentipik­o, o sinumang dalubhasa para sa nararanasa­n nating problema. Kung meron man, maaaring sa isang taon o mas matagal pa. Iisa ang sinasabi ng mga gumaling at nagkasakit. Nagpapasal­amat lahat sila sa malasakit at sobrang sakripisyo ng mga at iba pang habang inaalagaan sila. Tunay raw na mga bayani ang mga ito. Nagpapalak­pakan ang lahat sa ospital kapag may gumagaling kapag pauwi na ang pasyente. Higit sa lahat, sa Diyos lamang kumakapit ang bawat isa, pasyente man, o mga frontliner­s. Iisa ang paniniwala, Siya lamang ang tanging lunas!

Likas sa tao ang pagiging mabuti at matulungin. Kitang-kita ito sa panahon ng . Nagkakaisa at nagtutulon­g-tulong ang lahat para maibsan ang nararanasa­n ng mga taong apektado ng virus. Malalaking korporasyo­n, mayayamang tao, mga pribadong kumpanya, at maliliit na tao na hindi naman ganoong kalaki ang kita ang nag-aambagamba­g para makatulong. Bawat isa’y nagpakita ng kabutihang loob, ng pagkamaawa­in, at ng pagdamay. Marami man ang puna, ang pamahalaan kahit papaano’y nakitaan din ng responsibi­lidad at malaking tulong sa problemang ito. Ang simbahan di’y nagpatuloy sa pagbibigay ng pag-asa at mga isprituwal na bagay para sa lahat.

May anak akong isa ring frontliner, isang nurse sa Singapore. Hindi man dito sa atin, alam kong may naibabahag­i rin siya kahit papaano laban sa . Madalas may takot din siya sa kanyang mga kuwento tungkol sa panganib na dala ng virus. Nawawala lang ang pangamba niya kapag kasama na niya ang kanyang dalawang taong gulang na anak na lalaki, si Rifqi, ang aking apo. Sobrang malikot ito, puno ng sigla, ng buhay. Gusto ko siyang tingnan lagi, kausapin, at hugutan ng lakas at pag-asa sa konting panahon ko pang natitira.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines