Ang Pamaypay
SA panahon ng tag-init, isang bagay ang laging hawak ng mga Filipino. Maging ito man ay natitiklop, gawa sa papel, tela o tinagti-tagpiang pinatuyong dahon ng buri, o kapirasong karton, o maging tiniklop na diyaryo lamang, na nakapagpapalamig sa alinsangan ng hangin upang maibsan ang daloy ng init sa katawan at tagaktak ng pawis, tinatawag itong pamaypay.
Ang pamaypay, sa pinakapayak na kahulugan ay isang bagay na ginagamit upang pagalawin ang hangin para magpalamig. Ito’y gamit na ng tao sa nakaraang ilang libong taon.
E, ano ngayon, sasabihin marahil ng ilang tao. Bakit kailangang pag-usapan ang tungkol sa pamaypay? Basahin upang malaman ang mga napakainteresanteng kaalaman tungkol sa bagay na ito.
KANG PINAGMULAN AT MGA KASAYSAYAN UNG pagbabatayan ang mga naitalang kasaysayan at kaalaman, maraming magkakaibang pinagsimulan ang pamaypay. Unahin natin ang pinakamatandang naitalang salaysay. Noong panahon ng sinaunang Ehipto, ang mga mamamayan nila ay gumagamit
ng mga malaking dahon ng palm tree o ng pinagugpong-ugpong na mga balahibo ng ibon na nakatali sa isang patpat o tungkod na pambugaw ng mga lamok at langaw, at maging sa pagpawi ng init. Makikita ito sa mga sinaunang ipinintang sining tampok ang reyna ng Ehipto na si Cleopatra (69-30 B.C.), at mga naitala rin sa mga papyrus na libong taon pang nauna kay Cleopatra ang mga salaysay tungkol dito.
Sa bansang India, mayroon silang pamaypay na kung tawagin ay punkah na gawa sa hibla ng mga pinatuyong halaman. Ito ay pinaiikot-ikot upang lumikha ng hangin. Batay sa mga reliko, ang unang tala tungkol dito ay kasing tanda ng Haryanka Dynasty (550-413 B.C.).
Mayroon ding mga archeological evidences na nagpapakita ng isang uri ng pamaypay na tinatawag na rhipis sa sinaunang Gresya noong 400 B.C., na ginagamit na pambugaw ng langaw at pampawi ng init.
Ang pinakamatandang pamaypay na hawak sa kamay o hand fan na naitala sa kasaysayan ay sa bansang Tsina noong 200 B.C. Ito ay gawa sa tinahing hibla ng mga maninipis na piraso ng kawayan. Higit na maliit ito kaysa sa mga matandang pamaymay.
Sa Chinese calligraphy, ang character para sa “pamaypay” na , kapag hinimay ay binubuo ng dalawang pinaghiwalay na character na hù (pintuan o lagusan) at (balahibo). Kung tutukuyin ang etymology o pinagmulan ng salita, ito ay nagmula sa paglalarawang-kahulugan na “mga balahibo sa ilalim ng bubong”. Ang pamaypay naman na tinatawag na pien-mien (“galawin ang hangin” kung ililiwat sa Filipino), ay isa sa pinakamatandang uri ng tinatawag na
.
Noong panahon ng Song Dynasty (420-479), binabayaran ng malaking halaga ang mga bantog na alagad ng sining sa Tsina upang gumawa ng mga dibuho sa mga pamaypay na gawa sa telang seda o papel na iniipit ng mga piraso ng kawayan. Nang lumaon, ang mga pamaypay ay sinusulatan ng mga tula o salawikaing binubuo ng tig-aapat na Chinese characters, o mga sobriquet o bansag. Ginagamit ito ng mga martial artists sa Tsina bilang paraan ng pagpapakilala. Nagagamit din ang ganitong uri ng pamaypay bilang isang sandata. Noong ikapitong siglo, naimbento naman ang tinatawag na Chinese dancing fan. Ito ay isang uri ng pamaypay na gawa sa hinilerang balahibo ng peacock na nilagyan ng hawakan sa dulo.
Batay sa mga naitalang kasaysayan, ang nag-imbento ng tinatawag sa kasalukuyan na folding fan o natitiklop na pamaypay ay ang mga Hapon. Ito ay ang akomeogi, na mula sa akome – na damit ng mga mang-aaliw na babae. Ayon sa talaang Tsino na Song Sui (“Kasaysayan ng Awit”), isang mongheng Hapon na nagngangalang Chonen (938-1016) ang naghandog ng mga hiogi (natitiklop na pamaypay na may dalawampung hiblangkahoy), at dalawang kawahori-ogi (pamaypay na gawa sa papel na may mga katangi-tanging dibuho), sa emperador ng Tsina noong A.D. 988.
Ang folding fan ay naging lubhang popular na kinailangan pang gumawa ng mga batas at panuntunan sa paglalagay ng mga palamuti at dibuho sa mga ito. Ang mga ganitong pamaypay ay niyayari sa pamamagitan ng pagtatali ng mga manipis na piraso ng hinoki (Japanese cypress). Ang dami ng piraso ng hinoki ay ibinabatay sa katayuan sa lipunan o katungkulan ng humahawak. Isa pang uri ng Japanese folding fan ay ang sensu (na gawa naman sa papel o seda at kawayan). Ito ay ginagamit ng mga geisha, karaniwan ng mga maiko (mga batang mananayaw at tagapagdulot-aliw).
Noong ika-16 na siglo, nagdala ang mga mangangalakal na Portuguese ng mga folding fans na gawa sa Tsina at Hapon sa Kanluran. Nang lumaon naging status symbol na rin ito sa buong Europe. Makikita sa mga ipinintang larawan ng mga aristocratic women mula ng panahong Renaissance na may hawak silang ganitong pamaypay. Si Queen Elizabeth I (1533-1603) ng England ay karaniwang makikita sa mga larawan na may hawak na ganitong pamaypay, o ng isa pang uri na napapalamutihan ng mga balahibong-ibon at sari-saring hiyas.
AMGA PAMAYPAY NG MGA PILIPINO NG abaniko ay katutubong pamaypay ng mga Filipino, na gawa sa mga tangkay at dahon ng isang ornamental plant na tinatawag din sa pangalang abaniko (pangalang-agham, Iris Domestica). Ang karaniwan namang “abaniko” ay gawa sa pinagtagpi-tagpiang hibla ng pinatuyong dahon ng buri (Corypha elata, C. utan) na nasa hugis ng ulo ng sagwan. Ang mga Ilokano ay mayroon ding hugis-pusong pamaypay – ang paed – na gawa mula sa dahon ng halamang kung tawagin ay silag o cabbage palm (Livistona vidalii) na ginagamit na mula pa ng panahon ng Samtoy noong ika-12 siglo. Si Urduja, na prinsesa ng Kinalakian, sa alamat ng mga Ilokano at Panggalatok, ay sinasabing gumagamit ng paed bilang isang sandata sa pakikipaglaban.
Kung pagbabatayan ang mga oral traditions at mga kuwentong-bayan, ang mga ito ang katutubong “pamaypay.” Nagkapalit-palit na ang katawagang abaniko at pamaypay mula ng panahon ng pananakop ng mga Kastila, at maging ang folding fan na gawa sa papel o tela ay tinawag na ring abaniko.
Ang tanim na binansagang abaniko o blackberry lily sa English ay isang halamang pandekorasyon na tumutubo sa lahat halos ng bahagi ng hilagangsilangang Asia. Ang dahon nito ay may habang 40 hanggang 60 na sentimetro at may lapad na 2.5 hanggang apat na sentimetro. Ang katutubong tanim
naman na buri ay ginagamit din sa paggawa ng pamaypay, na maaaring nauna pa sa abaniko. Ang pinakamatandang tala ay tungkol sa dahon ng silag na bukod sa pamaypay ay ginagawa ring mga kagamitan na pananggalang sa ulan at init ng araw katulad ng panakip sa ulo na kat-tukong. Parehong pinatutuyo ang mga dahon ng mga ito at pinagtatagpi-tagpian upang makabuo ng isang pabilog, hugis-sagwan o hugis-pusong pamaypay.
Sa isa pang pinanggalingang pagsasaliksik, ang salitang “abaniko” ay sinasabing nagmula sa salitang Kastila na abanico (na “pamaypay” ang lantay na pagliwat). Ito ay mula sa diminutive form ng salitang Portuguese na abano, na galing naman sa salitang Latin na vannus (lalagyan ng tinahip), na may kaugnayan sa salitang ventus (hangin).
Ang mga Maranao ay may pamaypay na tinatawag na apir na naitala na sa kasaysayan bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Sa epikong Darangen ng mga Maranao, na naglalahad ng mga pangyayari noong ika-14 na siglo, naitala na ang ganitong uri ng pamaypay. Sa dulang “Sayaw ng Maharlika” na Singkil, ang gumaganap na Prinsesa Gandingan ay may hawak na apir sa bawat kamay at ito ay kaniyang pinaiikot-ikot habang humahakbang sa nagsasaluksukang kawayan sa paghihintay sa kaniyang tagapagligtas na si Prinsipe Bantugan.
MSAGISAG NG PAMAYPAY ARAMING iba’t ibang kuwento tungkol sa pamamaraan ng paghawak at paggamit, at tradisyunal na kahulugan sa mga pamamaraang ito. Mula nang mabuo ang konsepto ng pambansang kasuotang “baro’t saya,” naging bahagi na ang pamaypay ng kagamitang pambabae ng mga Filipino.
Ang iba’t ibang pamamaraan ng paghawak sa abaniko o pamaypay ay mayroon ding iba’t ibang kahulugan: Kapag ipinantatakip ito sa dibdib ng dilag habang kaharap ang binatang kausap, sumasagisag ito sa kahinhinan. Kapag itinakip ito sa labi, nagsasabi ang dilag na nais niyang magpatuloy ang binata sa kaniyang pagsuyo. Ang mabilis na paggalaw ng pamaypay habang nakaismid ang dilag ay nangangahulugang hindi siya nasisiyahan sa kausap. Kapag inilagay ng dilag ang pamaypay sa kaniyang likuran, ito ay magalang ng pagsasabi na hindi siya interesado sa binatang kaharap.
Ang natitiklop na pamaypay ay mayroon ding mga simbolismo at pinatutungkulang kahulugan sa paghawak at paggalaw nito ng isang dalaga. Ang marahang pagbukas ng pamaypay ay nagpapahiwatig ng pag-anyaya ng dilag na makipag-ugnayan sa kaniya ang binatang kaharap. Ang mabilis na pagbukas at pagtiklop ay larawan ng pagkadismaya, at ang pagtago ng pamaypay ay pagsasaad na oras na para lumisan ang kaharap.
Isang siping alaala mula kay Fidel MagpayoReyes (1920-2008), na lalong kilala sa bansag na “Tiya Dely,” na siya ring umawit ng “Pamaypay ng Maynila”: “Ang buhay ay tulad sa paggalaw ng pamaypay; minsang kumakanang papataas, minsang kumakaliwang papahapay.”