Liwayway

Kublai Millan: ‘Ang Mindanao ang Aking Likhang Sining’

- ni Karlo Antonio G. David

PARA KAY Rey Mujahid “Kublai” Millan ng Mindanao, hindi nagtatapos ang likhang sining sa kwadro o sa ukit.

“Mahalaga ang lugar,” sabi ng batikang pintor at iskultor tungkol sa kanyang alampat. “Dapat marunong makiramdam ang manlilikha sa lugar. Babagay ba ang obra? Magiging maganda ba ang epekto nito? Bahagi ang lugar sa obra.”

“Malaking papel ang maibabahag­i ng sining sa paghilom ng mga sugat.”

Kilala si Kublai sa kanyang mga makukulay na guhit at naglalakih­ang iskulturan­g naglalaraw­an kadalasan ng mga kultura at kalikasan ng Mindanao.

Sa Davao City kung saan siya nakabase, marahil nakita mo na ang malaking monumenton­g hugis durian na likha niya sa Fransisco Bangoy Internatio­nal Airport. Kung nagawi ka naman ng Kidapawan City ay malamang nakita mo na ang kanyang tri-people triptych sa Museyo Kutawato.

kulay ang mundo,” sabi ni Kublai. Ang paligid aniya ay madalas nababalot ng di kanais-nais na tanawin: kahirapan, urbanisasy­on, gulo, kalungkuta­n, at galit.

Layon ng mga obra ni Kublai na magdala ng ganda sa tao, kagandahan na maibubuod sa tatlong bagay: kalinaw, kalipay, at gugma.

Ito ang dahilan kung bakit naggaganda­han at tila mga nakakwadro­ng hiyas ang mga dinibuhong painting ni Kublai. Ang mga makukulay at malanasasa­kop sa oeuvre niyang tinatawag na Kinublay. Ang kada likhang Kinublay pinagtagpi-tagpi upang magpahiwat­ig (hindi agarang maglarawan) ng mga tao, bulaklak, o hayop.

Sa laki at pagkapubli­ko naman nadadaan ang gandang hatid ng mga iskultura ni Kublai. Siya na marahil ang pinaka-mapanlikha­ng public artist sa buong Mindanao, sapagkat makikita ang ibang bahagi ng isla. Bukod sa airport din ang kanyang mga moumento sa General Santos City, sa Surallah, South Cotabato, sa Upi, Maguindana­o, at sa Sapangdala­ga, Misamis Oriental. Maging sa Camp Aguinaldo nakapagtay­o na siya ng obra.

“Gusto ko ang taga-Mindanao may nakikitang ganda sa kanilang paligid.”

Ngunit hindi nagtatapos sa pagiging palamuti ang mga obra ni Kublai.

“Malaking papel ang maibabahag­i ng sining sa paghilom ng mga sugat.”

Malakas ang mga mensahe ng marami sa mga likha ni Kublai, lalo na bilang sagot sa mahabang kasaysayan ng gulo at sakuna sa Mindanao.

Kamakailan lang ay nabuksan ang kanyang Rano Massacre Memorial, na nagsisilbi bilang alaala ng naganap na Rano Massacre sa Brgy. Binaton, Digos City (pinagpapat­ay ng mga komunistan­g Bagobo sa loob ng isang simbahan).

Sa pampubliko­ng liwasan ng bayan ng Upi na naglalaraw­an sa kadalisaya­n ng pagkakaibi­gan ng kabataang iba-iba ang kultura. May isang iskultura sa naturang liwasan si Kublai na nakapukaw sa mga nakatagong hinakakit ng mga taga-Upi: isang batang Moro na pasan ng batang ani ito ng batikos, bawat grupo umangal na silay kinawawa sa monumento. Ngunit patunay lamang ito na nagtagumpa­y si Kublai na buksan ang usapin tungkol sa kasaysayan ng karahasan nabaon lamang sa limot at hindi natalakay upang magdala ng paghilom ng sugat.

Nabibigyan din ni Kublai ng atensyon ang pinangyaya­ri niyang gamit sa mga dibuho niya. Ang monumento naman sa Camp Aguinaldo, halimbawa, ay gawa sa mga decommissi­oned na baril na isinuko ng mga rebelde, nagsasagis­ag ng liwanag na dala ng kapayapaan.

Sa ibang dako ng Mindanao, nagtayo siya ng mga monumento sa Zamboanga para kay Kabang, ang ulirang aso na nagligtas sa ilang mga bata mula sa pahamak. Ang monumenton­g tanso ay may nakabaon na balahibo at kuko ni Kabang sa loob. Sa paggamit ng mga sangkap na may kwento, ipinapatul­oy ni Kublai ang tradisyon ng Pusaka, ang pagppahala­ga sa mga bagay na may kasaysayan.

Maging ang mga painting na Kinublay – mga madalas nagmamahal­ang laman ng mga koleksyon ng mga mayayaman – nagsisilbi rin bilang kagamitan upang mas malinang ang Mindanao.

Sa paglarawan sa mga imahe mula sa Mindanao sa mga mamahaling likhang sining, binibigyan­g dangal ni Kublai ang mga simpleng bagay sa kapuluan, lalo na ang buhay sa kanayunan. “Nasa buhay probinsya ang totoong kaligayaha­n.” Ito ang naging pangunahin­g mensahe ng pinakamala­king serye ng mga Kinublay, ang Probinsaya, na naglalaraw­an ng mga eksensa mula sa payak nga pamumuhay sa probinsya.

Kadalasan din, ang kita sa benta ni Kublai napupunta sa pagtulong sa mga kapwa manlilikha. Masigasig na tagapagtag­uyod ng ibang manlilikha, lalo na sa Davao, si Kublai, at ang benta ng mga Kinublay na larawan ay madalas napupunta sa mga programa at gawaining nagbibigay tulong sa mga nangangail­angang pintor at iskultor sa Mindanao.

Sa sining ni Kublai, ang kada iskultura at larawan ay pawang kagamitan lamang upang mas lalong mapagyaman ang kanyang totoong likhang sining: ang kanyang kinaluluga­rang Mindanao.

“Trabaho ng manlilikha na bigyang kulay ang mundo.”

 ??  ??
 ??  ?? Ilan sa kaniyang mga likha sa Davao City ang hugis-durian na monumento (kaliwa) na matatagpua­n sa Fransisco Bangoy Internatio­nal Airport at ang tri-people triptych (kanan) sa Museyo Kutawato.
Ilan sa kaniyang mga likha sa Davao City ang hugis-durian na monumento (kaliwa) na matatagpua­n sa Fransisco Bangoy Internatio­nal Airport at ang tri-people triptych (kanan) sa Museyo Kutawato.
 ??  ?? Rano Massacre Memorial
Rano Massacre Memorial
 ??  ??
 ??  ?? Si Kublai at ang rebulto ni Kabang.
Si Kublai at ang rebulto ni Kabang.
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Chinese Garter (2009)
Chinese Garter (2009)
 ??  ?? Clockwise, mula kaliwa: Bayo (2020), Balas (2017), Nancy Frog (2019), at Daro (2011)
Clockwise, mula kaliwa: Bayo (2020), Balas (2017), Nancy Frog (2019), at Daro (2011)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines