Manila Bulletin

Farewell and thank you, Mayor Fred Lim

- MAYOR ISKO MORENO

In deference to the recent passing of Mayor Fred Lim, I am using this column of mine to give way to the full transcript of what I aired in a recent live broadcast that I dedicated solely in his honor.

“Magandang gabi po mga kababayan kong taga-Lungsod ng Maynila. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan at malusog na pangangata­wan.

Ngayong araw na ito, mga kababayan kong taga-lungsod, nais ko pong ipabatid sa inyo ang isang balita sa atin bilang taga lungsod, bilang batang Maynila. Si dating Mayor Alfredo Lim ay sumakabila­ng buhay na po, dala ng pagkaka-impeksyon niya sa COVID-19 ilang araw na po ang nakararaan ngunit hindi na rin po kinaya ng kaniyang katawan at opisyal na po siyang dineklara na sumakabila­ng buhay kanina pong alas singko ng hapon.

Sa ating mga kasamahan, kami na mga kasamahan ni Mayor Lim na naglilingk­od sa bayan at sampu ng aking pamilya ay nakikirama­y sa atin pong minamahal na dating mayor at sa kaniyang pamilya. Hindi po namin alam kung anong mga salitang maihahambi­ng bukod sa magaling at matinong pamamalaka­d noong siya ay alkalde.

Para po sa mga kabataan na nanonood ngayon, nais kong ipaalala sa inyo na sa loob ng mahabang panahon, ang buhay ni Mayor Lim ay inialay niya halos lahat ito sa paglilingk­od sa bayan… 30 years po siyang naging pulis, naglingkod sa lungsod ng Maynila simula patrolman hanggang maging chief ng police ng lungsod ng Maynilaat pagkatapos noon, ay siya ay naitalaga bilang NBI director.

Siya rin po ay naging DILG secretary ng ating bansa at naging senador din po ng tatlong taon, at siya po ay labindalaw­ang taong naglingkod sa ating lungsod. Siya po ay hindi natin makakalimu­tan… ang paglilingk­od niya sa ating lungsod, sapagkat hanggang sa ngayon ay patuloy na pinakikina­bangan ng mga batang Maynila ang mga programa at proyekto ng minamahal nating mayor. Ilan diyan ay patuloy na nakikita ninyo – Sta. Ana Hospital, Gat Andres Bonifacio, Sampaloc Hospital, at iba’t-iba pang mga ospital na pinagawa sa lungsod. Ang isa sa pinakamala­ki na hindi makakalimu­tan na programa ng ating dating mayor ay ang Universida­d de Manila na nagbibigay ng libreng tertiary education na hanggang ngayon ay nagagamit ng ating mga mahihirap na kababayan na nagnanais na magkamit ng edukasyon.

Nakilala rin natin si Mayor Lim sa pagpapatin­o sa ating siyudad upang hindi bahayan ang ating lungsod ng mga kriminal. Siya’y naging epektibong magpatakbo ng lungsod upang magbigay ng kapanataga­n sa ating mga kababayan o sinumang dadako rito sa ating lungsod. Malinis at walang bahid ng korapsyon, bagay na dapat kayong mga kabataan na nanood ngayon ay siyang ating tularan, na puwede tayong maglingkod sa bayan nang tapat at maayos.

Maaaring marami tayong di pagkakasun­duan o diskurso, but at the end of the day, ang katapatan sa sinumpaang tungkulin ay mahabang panahon na ipinakita sa atin ni Mayor Lim… 50 years of his 58 years were dedicated to serving the people of Manila.

‘Yan, mga batang Maynila… huwag na huwag nating kakalimuta­n. Kanina po, bilang tanda ng ating pakikirama­y… sa maliit nating kaparaanan ay baka po magtanong kayo, pinapatay po natin ang ilaw ng clock tower na sagisag ng pag-asa ng Maynila. Ngunit hindi naman ibig sabihin wala na tayong pag-asa, ito’y isa lamang tanda ng ating paggalang, sa maliit nating kaparaanan habang kinakahara­p natin ang pandemyang ito… na ang isang taong naglingkod mabigyan man lang natin nang konting pagpapahal­aga.

Marami pang dapat sabihin at ibigay kay Mayor Lim… pero darating ang tamang oras na ‘yun. Sa ngayon, nais lang namin officially gusto ipaalam sa inyo… wala na po si Mayor Lim. At kung hindi po kalabisan, bilang ganti sa kaniyang kabutihan at paglilingk­od sa bayan dito sa lungsod ng Maynila at sa ating bansa, akin pong hinihikaya­t kayo na ngayong gabi ay nais kong hingin sa inyo na ipanalangi­n natin ang kaluluwa ni Mayor Lim. Isama natin siya sa ating dasal.

Ako rin po ay maraming karanasan, katulad ninyo, na kasama si Mayor Lim. Ang katotohana­n po niyan, noong ako po’y nanalong mayor, siya po ay aking pinuntahan agad, para po humingi ng payo kung paano sugpuin ang kriminalid­ad sa ating lipunan at paano patitinuin ang mga bahagi ng gobyerno sa ating Pamahalaan­g Lungsod. The last time… last birthday ni Mayor Lim, nagkasama-sama po kami, anim lamang po kami… we were together, we were talking about things.

So lahat tayo may karanasan kay Mayor Lim – personal at bilang alkalde. Kaya siguro hindi naman na kalabisan na hinihingi ko sa inyong lahat bilang tanda ng paggalang at pag-alala at hindi natin lilimutin na mga bagay na ginawa ng kabutihan ni Mayor Lim para sa atin at para sa ating lungsod ay hinihikaya­t ko po kayo na isama niyo po siya sa inyong panalangin ngayong gabi bago kayo matulog.

So muli, mga kababayan, taospuso po akong nakikirama­y sa pamilya ni Mayor Lim at gamitin natin ‘tong tanda, na tayo ay talagang kailangan mag-ingat… na itong pandemya na ‘to, ay walang sinisinong tao. Siguro hanggang sa dulo, pinaglingk­uran tayo ni Mayor Lim… para paalalahan­an tayo kung gaano kabigat ang sitwasyon na ating kinakahara­p, na ito’y makapamins­ala sa ating kalusugan.

If I may look at it that way, I think Mayor Lim did service to us to remind us to be careful. Pag-ingatin natin ang ating sarili.

So muli po, mga kababayan, magandang gabi at nakikirama­y po kami, maraming salamat po, Mayor Lim, sa paglilingk­od niyo sa amin. Hinding-hindi namin kayo lilimutin. Nawa’y tanggapin kayo sa kaharian ng Panginoong Diyos. Magandang gabi sa inyo. mga Batang Maynila.” Let us pray for the eternal repose of his soul.

***

Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, kailangan ko ang tulong ninyong lahat. Walang magmamalas­akit sa Maynila kundi tayo ding mga Batang Maynila. Manila, God first!

***

For updates on latest developmen­ts in the city of Manila, please visit my Facebook account — “Isko Moreno Domagoso.”

 ??  ?? BATANG MAYNILA MAYOR ISKO MORENO
BATANG MAYNILA MAYOR ISKO MORENO
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines