The Manila Times

ANG MGA TATSULOK NI SUSUBERO

- NI GENEVIEVE AGUINALDO

“TAKBO na dali!” Hila sa’kin ni Tupe isang umaga sa palaruan. Kakasabit lang ng mga kamay ko sa huling bakal ng lambaras nang magtakbuha­n papalayo ang mga kalaro ko papunta sa likod ng mga dram na may larawang makukulay na Morion.

“Bakit ba tayo kailangang magtago?” ang tanong ko sa kanya. Paano’y hindi ko talaga maintindih­an kumbakit kami tumakbo at nagtatago ngayon sa likod ng dram. Nagkalat sa paligid ang mga upos ng sigarilyo at ilang maliliit na supot ng plastik. Nag- uumpisa na ding kagatin ng mga pulang langgam ang sakong ko at amoy na amoy ko na ang asim ng pawis ng mga kalaro ko. Kanina pa kase kaming alas- sais na nasa palaruan para manghuli ng mga gagamba sa puno ng kaymito na malapit lang sa pinagtatag­uan namin ngayon at hindi pa kami umuuwi simula noon. Mabusisi naming tinutuklap ang mga gagamba sa sapot at mabilis na nililipat ang mga iyon sa mga kahon ng posporong may lamang kaunting bulak. Tigi- tigisa kaming dala ng kahon sa bulsa ngunit kahit tatlo lang ang nahuli namin, kasing laki naman ng buto ng kalamansi ang mga iyon.

“Baka makita tayo ni Susubero” ang bulong niya sa akin. Magkahalon­g takot at pagkasabik ang tono ng pinsan kong si Tupe. Hindi ko pa man naitutuloy ang pagtanong ko kung sino iyon nang makita ko ang lalaking tinatawag na Susubero. Anim na dipa lamang ang layo namin sa kanya.

Naninilaw ang puting kamiseta nito. Unat ang buhok at kasing kulay ng patatas ang balat. Sadsad hanggang lupa ang maong na pantalon at kahit bihis na bihis, wala itong suot na panyapak. Dahan- dahan itong naglalakad sa palaruan. Palinga- linga at tumitingal­a habang gumuguhit ng mga tatsulok sa hangin. Paminsanmi­nsan, ilalabas ang mga daliri at pabulong na magbibilan­g. Pagkatapos, guguhit na naman ng mga tatsulok. Malalaking tatsulok at maliliit na tatsulok. Minsan pinagkakab­it- kabit pa niya ang mga tatsulok sa hangin.

“Uwi na tayo.” ang hila ko sa manggas ng kamiseta ni Tupe. Takot na takot ako na makita kami ni Susubero.

“Sandali na lang.” ang kinakabaha­n, ngunit nakangitin­g sagot ni Tupe. Kinikiskis ng hinlalaki niya ang gilid ng kahon na may lamang isang gagamba.

Salit- salitan ang pagguhit at pagbibilan­g ni Susubero. Minsan ngumingiti din ito na parang nakuha na niya ang sagot sa mga numerong tinutuos nito, ngunit bigla ding mangunguno­t ang noo at uulit na naman sa pagguhit ng mga tatsulok sa hangin.

Hindi ko namalayan na sumasabay na din pala ang ulo ko sa ginuguhit niyang mga tat- sulok. Nagulat na lamang ako nang biglang lumabas si Tupe sa pinagtatag­uan namin at tumakbo papunta kay Susubero.

“Bulaga!” ang panggugula­t nito. Tawang- tawa ito habang tinuturo ang natatarant­ang si Susubero.

“Hahaha” sabay- sabay na naglabasan sa pinagtatag­uan ang mga nagtatawan­ang kalaro namin. Sumunod din ako sa gilid nila.

“Susubero, gagamba o!” pangunguty­a pang lalo ni Tupe habang iwinawasiw­as ang lagayan ng posporo sa harapan ni Susubero.

“Hala ka, Susubero kakagatin ka ng gagamba” bulalas ng isa naming kalaro. Nilabas din niya ang kahon ng posporo na may lamang gagamba. Pati ang iba pa naming kalaro ay nagsi- sunod sa paglabas ng kani- kanilang kahon ng posporo, kahit na wala namang laman ang mga ito. Limang kahon ng posporo ang pinasasaya­w sa hangin habang ang sa akin ay nanatili sa bulsa ko.

“Isa- dalawa... isa- dalawa” paulit- ulit na sinasabi ni Susubero sa sarili. “Tusok ako... kagat ako”. Takot na takot siyang nagtatakbo papalayo sa amin. Takip- takip ang noo at sentido. Paulit- ulit sa pagbilang.” Isa- dalawa... isadalawa”.

“Bumalik ka dito, Susubero” ang pahabol na sigaw ni Tupe. Tatawa- tawa pa din ito nang harapin ko siya.

“Hindi mo dapat ginawa yun”. ang galit na sabi ko sa kanya.

“At bakit hindi? Natawa ka din naman, diba?”, sagot ni Tupe.

“Hindi ako natawa, no. Sasabihin ko kina Tito ang ginawa mo” ang sagot ko sa kanya.

“Bakasyunis­ta ka lang naman dito. Kung gusto mo pang makasama sa amin ng mga kaibigan ko, huwag kang magsusumbo­ng.” pagbabanta ni Tupe

“Oo nga” pag- sang- ayon ng iba pa naming mga kalaro.

“Wala namang ginagawa sa inyo yung tao” pakli ko.

“Isa pang salita mo, a- turpihin ‘ ta na!” akma na kong susuntukin ni Tupe kaya hindi na ako nanlaban pa. Bukod sa ayaw kong masaktan , ayaw ko ding maiwan sa bahay nila nang walang kalaro. Kahapon lang kami naka- uwi ulit ng Marinduque at ayaw ko ding mabansagan­g ‘ Sumbungero ng Sta. Cruz’. Kaya kahit masama man ang loob ko kay Tupe, sabay pa din kaming naglakad pauwi.

“Akala ko ba panlaban ang mga gagamba na nahuli natin. Bakit ginawa mong panakot? ang nangingila­g na tanong ko sa kanya nang nagsi- uwi na din ang aming mga kalaro. Isang taon ang tanda sa akin ni Tupe pero ayaw niyang magpatawag ng ‘ kuya’.

“Tama na, baya! Kalimutan mo na yun! “ang nayayamot na sabi nito.” Basta sumama ka nalang lagi sa’min. A-pakilala ‘ ta kina Ka Ester para mabigyan tayo ng libreng ice candy. Ginto ang ngipin nun, alam mo.” Buong pagmamayab­ang na sambit ni Tupe.

Dinala ako ni Tupe sa tindahan ni Ka Ester. Ito daw ang pinakamasa­yang sari- sari store sa Brgy. Banahaw dahil bukod sa pwedeng manghiram ng paninda, si Ka Ester ang pinaka- masarap gumawa ng ice candy.

“Pabili po” ang sabay naming tawag ni Tupe. Tumambad sa amin ang isang babae na napaka- kapal nang kulut- kulot na buhok. Kasing kapal ng bumbon ng dahon kapag tag- lagas.

“O, Utoy! Sinong kasama mo?” tanong ng babae. Bumulaga sa amin ang dalawang pirasong ginto sa harapan ng kanyang ngipin. Siniko ako ni Tupe sa tagilirian na waring sinasabing: “Sabi ko na sa’yo e”

“Pinsan ko po, Ka Ester. Kakadating lang po nila kahapon galing Laguna. Ina- pasyal ko laang po dito para di mainip.” ang sabi ni Tupe.

“A, siya nga ba? Saan- saan ka na dinala ng pinsan mo? Hamos kayo sa plaza. Malawak ang palaruan dun. “

“Galing na po kami dun kaninang umaga.” ang sabi ko. “Nanghuli po kami ng mga--.” Siniko ako ni Tupe pagkasabi ko noon.

“Aba, Tupe, ilang beses ka nang sinabihan ng Tatay mo na tigilan na ang panghuhuli mo ng gagamba. Baka makursunad­ahan kayo ng mga adik dun. Alalahanin mo, Grade 4 ka na sa pasukan.” pangangara­l ni Ka Ester. “Alam mo namang pangarap ng Nanay mong makatapos ka. Binilin ka din niya sa akin, akala mo ba. Hay, sumalangit nawa si Feling” ang dasal ni Ka Ester.

“O hali na. Pili ka na kayo ng ice candy. Kagagawa ko lang na’re.” ang alok niya sa amin.

“Pabigay ko na sa’yo’ yan, utoy dahil bagong dating ka dito sa’min.” ang sabi niya sa akin, sabay abot ng kahon ng styrofoam. Mangga at abokado ang gawa niya. Tig- isa kami ng ice candy ni Tupe. Abokado ang kinuha ko at mangga naman ang sa kanya.

Tuloy- tuloy lang sa pagkikwent­o si Ka Ester. Habang sarap na sarap kaming kumakain ng ice candy ni Tupe. Nasa kalagitnaa­n na kami ng pagkain nang mabanggit ni Ka Ester ang pangalan ni Susubero. Sabay kaming natigilan ni Tupe.

“Teka lang po, Ka Ester, ano pong tungkol kay Susubero?” ang tanong ni Tupe habang sinisipsip pa din ang ice candy niya.

“Ang sabi ko, baka magaya kayo sa nangyari sa binatang iyon.” diin ni Ka Ester habang binubugaw ang mga langaw sa paligid ng mga lutong ulam sa harap ng tindahan.

“Bakit, ano po ba ang nangyari sa kanya?” usisa ko.

“Nakakaawa ang binatang iyon. Naging katatakuta­n na dito. Bero talaga ang pangalan niyan. Tinawag lang naman ‘ yang Susubero dahil sa mga ‘ stambay dito. ‘ Susong Bero’ daw, kase laging nagbibilan­g kaya madalas naka- nguso. Tapos ayan, naka- gawian na yung Susubero.” ani Ka Ester.

“Tapos po?” ang tanong ko. Namamanhid na ang mga kamay ko sa lamig ng ice candy. Sinubo naman ni Tupe ang huling parte ng kinakain niya sa interes na malaman ang kwento si Susubero.

“Hindi nga din maintintin­dihan kung ano talagang nangyari sa kanya kase napaka- talinong bata niyan ni Bero dati. Basta ang alam ko lang, ulila na sila sa magulang kaya aral sila nang aral. Biruin mo sa may bukid pa sila nakatira pero nilalakad lang nila yun ng kapatid niya papuntang eskwelahan. Lagi din sila dito sa tindahan ko dati. Inaabot- abutan namin sila ng tinapay para pambaon.”

“Bakit po siya nagkaganoo­n?” usisa ni Tupe.

“Ang sabi- sabi, na- tiyempuhan daw ng mga adik diyan sa plaza. Wala pa kasing masyadong ilaw dun noon. Pauwi na daw si Bero nung may nakakitang adik- adik. May tinanong daw tungkol sa aritmetik kase nga kilalang magaling ang ulo. Tapos nung hindi nakasagot tinurukan daw ng gamot sa sentido at noo.” Sabay na nilapat ni Ka Ester ang pambugaw ng langaw sa mga parteng nabanggit. “Buti may nakakita sa kanya kung hindi, naku siguradong na- kwan na yun! “tuloy- tuloy na kwento ni Ka Ester.

“Ano pong na- kwan?” ang tanong ko.

“Basta, na- kwan! Alam mo naman , baya, iyang mga adik na yan, wala sa katinuan ang isip. Ang nakakalung­kot pa nito isa lang sa grupo ang nahuli. Hanggang ngayon, isang taon na ang nakakalipa­s, hindi pa din nahahanap yung iba. Kaya din yan si Susubero pagala- gala kahit dis- oras ng gabi. Pero may mga mababait pa namang nagbibigay sa kanya ng pagkain at damit. Nakakaawa kase, namasukan na sa Maynila ang kapatid niya. Tapos iniwan na siya ng mga kamag- anakan niya. Kaya kayo mag- iingat kayong dalawa sa paglalaro ha.” dugtong pa niya.

“Opo. Salamat po. Mauuna napo kami Ka Ester.” ang pamamaalam ni Tupe. Nagpaalam din ako sa kanya at nagpasalam­at sa bigay niyang ice candy. Walang imik si Tupe habang naglalakad kami pauwi.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ?? ILLUSTRATI­ON BY PERRY GIL MALLARI ??
ILLUSTRATI­ON BY PERRY GIL MALLARI

Newspapers in English

Newspapers from Philippines