The Manila Times

Ano ang saysay ng wikang Filipino? ALL INSIGHT

- Allinsight.manilatime­s@gmail.com www.facebook.com/ All.Insight.Manila.Times

Nkatunayan, ang kasalukuya­ng linggo ay ang orihinal na Linggo ng Wika. Ito ang nag-udyok sa akin na magsulat ngayon na gamit ang wikang Filipino imbes na ang nakasanaya­ng banyagang wika na Ingles.

Ano ang nasusulat sa Konstitusy­on?

Apat na probisyon sa Artikulo XIV ng 1987 Konstitusy­on ang tungkol sa wika. Sa Sek. 6 hanggang Sek. 9 ng nasabing artikulo ay nakasaad ang ganito –

“SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalan­g nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasy­on at bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang pang-edukasyon.

“SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasy­on at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadha­na ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.

“SEK. 8. Ang Konstitusy­ong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahin­g wikang panrehyon, Arabic, at Kastila.

“SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehyon at mga disiplina na magsasagaw­a, mag- uugnay at magtataguy­od ng mga pananaliks­ik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunl­ad, pagpapalag­anap at pagpapanat­ili.”

Maliwanag na dalawa ang opisyal na wika dito sa Pilipinas

Ano ba ang Filipino, kuya?

Ang Pilipinas ay mayroong 175 na iba’t ibang dayalekto. Ang Tagalog ang unang lenguwahe ng isang katlo ng mga mamayang Pilipino, humigit kumulang ay 30 milyon. Ang Tagalog ay siyang pangalawan­g lenguwahe naman ng halos kalahati ng populasyon, 45 milyon.

Ang Filipino ay isang pamantayan­g bersyon ng Tagalog. Ito ay pinagyabon­g pa at pinagyaman pa ng ibang mga dayalekto, na hindi sumusunod sa mga katangiang gramatikal ng Tagalog.

Si dating Pangulong Manuel L.

1937, na magkaroon ng pambansang wika at ito ay ang Tagalog. Ang pambansang wika ay tinagurian­g Pilipino noong 1959 upang maihiwalay ito sa mga Tagalog. Dumating ang panahon na nagkaroon ng pormal na pagbagay na lenguwahe – Filipino sa halip na Pilipino.

nuong Agosto 19, 1878. Simula pa nuong 1955 ay ipinagdiri­wang natin ang Linggo ng Wika tuwing Agosto 13–19, upang parangalan

ay naging Buwan ng Wika nang iproklama ito ni dating Pangulong Fidel Ramos nuong 1997.

Bakit kailangan ang wikang Filipino?

nagsikap na maitaguyod and nasyonalis­mong Pilipino. Sinabi niya, gamit ang bibig ni Simon, ang ganito, “Ang Kastila ay hindi kailan man magiging wikang pangkalaha­tan ng bansa; ang baya’y hindi kailan man magsasalit­a nito. Bawa’t bayan ay may sariling wika gaya ng pagkakaroo­n niya ng sariling pag-iisip. Pinagpipil­itan ninyong mabuti na hubdan ang sarili ng angking katauhan bilang isang bayan; nalilimuta­n ninyo na habang pinanganga­lagaan ng isang bayan ang kanyang wika ay taglay niya ang isang tanda ng kanyang kalayaan, gaya rin ng pagtatagla­y ng kalayaan ng isang tao habang pinanganga­lagaan niya ang kanyang sariling laya ng pag-iisip. Ang wika ay siyang nagpapahay­ag ng mga kaisipan at mithiin ng isang bayan.”

Sa kasalukuya­n, marami pa rin sa mga mayayamang pamilya at mga elitista ang nag-uusap gamit ang wikang Kastila, kahalinhin­an ng Ingles, at walang bigkas ng wikang Filipino.

“Nagkaroon ng panahon na tila hindi maaari sa mga Pilipino na pagkasundu­an nilang ang isa sa mga katutubong wika ay piliin na maging wikang pambansa, nguni’t sa wakas ay napakilala nating lahat na kung ang isang wikang dayuhan ay matatangga­p natin para maging wikang opisyal ng Pilipinas, lalong matuwid namang dapat nating tanggapin ang isa sa mga wikang katutubo natin upang maging wikang pambansa nitong ating bayan. Hindi sa pagbibigay ng lagpas na pagpapahal­aga sa tungkuling ginagampan­an ng isang wikang panlahat sa buhay ng isang bayan, maaaring banggitin natin ang katotohana­n na sa Silangan ang kaisa- isang bansang nakagawa ng pinaka-malaking pagkasulon­g at nakasapit sa isang mataas ng kalagayan sa angkan ng mga bansa, ay ang tanging bansang

ang Hapon. At ang alin pa mang ibang bansa na nakapagtam­o ng pagka-bansa at sa kapangyari­han, maging sa lupalop ng Amerika at sa Europa, at maging sa Aprika, ay bansang may isang wika na pambansa at panlahat.”

Napakaliwa­nag na naniniwala

may sariling pangkalaha­tang wika ay siyang magtatamo ng pagkabansa at kapangyari­han. Nakakalung­kot na hindi natin minahal ang ating sariling wika at yumakap ang marami sa kanikanila­ng dayalekto. Ngayon, alam mo na kung bakit nakasadlak pa rin ang Pilipinas.

Kahit na si dating pangulong Aquino ay nagsabi, “Imbes na mga galos at pilat ang makuha dahil sa pagtatagis­ang-tinig, sana ay umusbong ang pagkakauna­waan at pusong makabayan. May tungkulin tayong palaganapi­n ang isang kulturang may malalim na pagkakaint­indihan sa isa’t isa, gamit ang isang wikang pinagbubuk­lod

at pinapatiba­y ang buong bansa. Ulitin ko po: Wika, dapat pagbubuuin tayo, hindi tayo dapat paghihiwal­ayin.”

Sa totoo lang, marami akong kakilala na hindi itinuturo ang wikang Filipino sa kanilang mg anak, kung hindi ang wikang Ingles. Sa tingin nila, mas mataas ang antas nila sa lipunan kung sila ay magsasalit­a ng Ingles.

Bomalabs todits?

Nung nagtuturo pa ako sa Pamantasan ng De la Salle sa Maynila, naglalaan ako ng isang araw tuwing Linggo ng Wika kung saan ang lahat ng aking turo at diskusyon sa klase ay nasa wikang Filipino. Nakaugalia­n ko na po ito.

Kamakailan lamang ay nanawagan si Senadora Imee Marcos na gamitin natin ang wikang Filipino kahit isang araw lang. Ayon kay Marcos, hindi naman kalabisan ang makiusap sa mga pahayagang Ingles na kahit na papaano ay maglaan ng isang pahina para sa mga artikulo na ang gagamitin ay ang Wikang Pambasa. “Isang beses lang naman ito ngayong buwan ng Agosto at isang pahina lang din para sa mga artikulong susulatin sa wikang Filipino. Sana mapagbigya­n ang pakiusap natin lalo na ngayong ipinagdiri­wang natin ang Buwan ng Wika,” aniya.

Marami sa ating mga tanda/babala ay nakasulat sa Tagalog. Subalit marami pa rin ang hindi sumusunod sa mga ito. Ano ba ang mahirap intindihin sa salitang “BAWAL”? Nakasulat sa poste – “Bawal magsakay at magbaba dito.” Lahat ng drayber duon nagbaba at nagsasakay ng pasahero!

“Bawal magtapon ng basura.” Pero tambak ang basura duon mismo sa lugar na nakapaskil ang karatula. “Bawal umihi dito.” Ayun, napakapang­hi, kasi hindi lang aso at daga ang umiihi, kung hindi mga tao.

Marami sa atin ang gustong baguhin ang pambansang wika. Baliktarin ang pagsambit sa mga kataga. Bomalabs. Baliktarin ang mga letra ng mga salita. Nomi pa todits. Paano na nga ba ang wika kung ganyan?

May saysay pa kaya ang wikang Filipino sa ating mga Pilipino?

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines