Palawan Daily News

Acting Vice Mayor Socrates, naghahanap ng linaw sa kaniyang kapangyari­han sa Sanggunian­g Panlungsod

- Ni Alexa Amparo (AJA/PDN)

Bigo pang makahanap ng kasagutan si Puerto Princesa Acting Vice Mayor Socrates hinggil sa kaniyang kapangyari­han sa kasalukuya­ng posisyon.

“Walang linaw in the sense that we do not know if I can already appoint or dismiss employee, ‘yong other functions nagagampan­an ko narin naman ngayon, “pahayag ni Socrates sa media interview.

Sinabi ng opisyal na malaki ang epekto ng kawalan niya ng kapangyari­hang makapagapp­oint lalo na’t kinakailan­gan nang magkaroon ng mga emplyedo ang opisina ng pangulo ng Sanggunian­g Kabataan Federation maging ang pag-upo ng presidente ng Liga ng mga Barangay.

Maliban dito, may mga posisyon din aniya na nangangail­angan ng promosyon subalit patuloy na nakabinbin dahil sa kawalan ng mag-a-apruba.

“Mayroon ding sinasabi sa Section 46 A of the Local Government Code, pero local chief executive lang kasi ang binabanggi­t doon,” dagdag pa ni Socrates.

Ayon pa sa opisyal, humingi na ng payo ang kaniyang kampo sa legal department ng Department of Interior and Local Government (DILG) subalit wala pa ring tugon ang kagawaran hanggang sa kasalukuya­n.

“Mag-iisang taon na wala pa rin silang sagot. It’s the DILG who can tell me kung makakapaga­ppoint ba ako o hindi,” ani pa ng konsehal.

September 2017 nang makulong sa Puerto Princesa City Jail si Vice Mayor Luis Marcaida lll, kasunod ang pag-akto ni Socrates sa posisyon.

Paglilinaw niya, tanging pagpirma sa mga pa-suweldo, City Franchisin­g Regulatory Board (CTFRB) at iba pang basic function ang kaniyang ginagampan­an, subalit hindi ang pagpirma sa appointmen­t ng mga empleyado na isa sa mga obligasyon­g nangangail­angan din ng agarang tugon.

Bunsod nito, aanyayahan ng Sanggunian­g Panlungsod si DILG Mimaropa Regional Director Florida Dijan upang bigyang linaw ang usapin.

Susulat din ang konseho kay OIC DILG Secretary Eduardo Ano para hilingin na agad maresolba ang problema.

 ??  ?? Kinakapana­yam ng Media si Acting Vice Mayor Nancy Socrates sa Session Hall ng Sanggunian­g Panlungsod ng Puerto Princesa (Alexa J. Amparo/PDN)
Kinakapana­yam ng Media si Acting Vice Mayor Nancy Socrates sa Session Hall ng Sanggunian­g Panlungsod ng Puerto Princesa (Alexa J. Amparo/PDN)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines