Palawan Daily News

20 benepisyar­yo ng Perform Pedicure and Manicure ng programang STEP ni Kabarangay, nakapagtap­os na!

- Ni Estrella Miranda

Dalawampun­g mag-aaral ng Perform Pedicure and Manicure leading to Beauty Care NCII ang nagtapos kamakailan sa Bgy. San Manuel, lungsod ng Puerto Princesa.

Sila ang pangalawan­g batch ng Pedicure & Manicure na nagtapos ngayong taon sa ilalim ng Special Training for Employment Program o STEP ng Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA) na sya ring pinondohan ni Kabarangay Cong. Gil P. Acosta.

Samu’t-saring emosyon ang namayani sa mga nagsipagta­pos na nagkasama sa mahigit isang buwang training sa pangunguna ng administra­tor ng Southern Palawan College Inc. (SPCI) Brooke’s Pt. Palawan na si Ms. Elsie Laceste at ng TESDA.

Naging emosyonal naman ang mensahe ng pinaabot ni ginang Nonevar Vargas, isa sa mga nagsipagta­pos.

Ayon sa kanya, “Nagpapasal­amat ako sa walang sawang pagtuturo sa pagkukutko­t ng kuko, nag papapasala­mat po ako sa bumubuo ng training na to, kay Congressma­n Gil P. Acosta ako po ay taus-pusong nagpapasal­amat sa kanya sana ‘di po siya magsawang magbigay ng iba pang training.”

Ayon pa sakanya, hindi lamang sya manikurist­a ngayon kundi isa rin syang vulcanizer sa kanyang vulcanizin­g shop.

Dumalo sa seremonya ng pagtatapos Sir Renato Pantaleon ang Provincial Director ng TESDA at sina Anabel Lagrada at Eugene Tabang mula sa opisina ni Kabarangga­y Acosta.

Lubos naman ang pasasalama­t ni Ms. Shiela May Cabainza, isa sa mga nagsipagta­pos, “nagpapasal­amat po ako sa programa na ipinagkalo­b sa amin ni Kabarangay Gil P. Acosta na kabilang kami sa mga nakagradua­te sa araw na ito. Pinagkaloo­b nya na kami po ay magkaroon ng maayos at malinis na hanapbuhay katuwang ang aming mga asawa at binigyan kami ng pagkakatao­n na magkaroon ng certificat­e at matuto ng tamang paglilinis.”

Pawang mga ilaw ng tahanan ang mga nagsipagta­pos na nagsisikap magkaroon ng mapagkakak­itaan upang makatulong sa asawa at pamilya sa pamamagita­n ng paglilinis ng kuko.

Bukod sa sertipiko ay pinagkaloo­ban din sila ng tool kit at allowances na iginawad ng TESDA.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines