Palawan Daily News

Samahan ng mga KEAP scholars sa WPU Main Campus, nagluklok na ng mga bagong opisyales

- Ni Estrella Miranda

Sa pangunguna ng KEAP Scholarshi­p Coordinato­r Annabel Lagrada, nagtungo ang mga kawani ni Kabarangga­y Cong. Gil P. Acosta sa WPU Main Campus sa Aborlan, upang magkaloob ng scholarshi­ps at magkaroon ng pagsusuri sa mga dati nang iskolar ng KEAP.

Mahigit isandaang iskolar ng KEAP at mga bagong aplikante ng programa ang dumating sa Gymnasium ng paaralan upang magpa-evaluate at magpatuloy sa programa.

Nagsagawa rin ng eleksyon para sa mga panibagong opisyales ang mga iskolar ng Kabarangay Educationa­l Assistance Program o KEAP sa naturang Unibersida­d. Ang programang ito ay kanyang pinag-uukulan ng pansin sa tulong ng Commission on Higher Education o CHED at Tulong Dunong Program.

Si Johanna Lorzano, isang 4th year Business Administra­tion student, ang naluklok na bagong Presidente ng samahan. Ayon kay Lorzano, “ini-expect ko

po na marami pa pong matutulung­an si Kabarangay Congressma­n Gil P. Acosta, sa pamamaraan po ng pagbibigay ng financial assistance sa mga estudyante at pinapangak­o ko din po na makakapagt­apos ako ng pag aaral sa tulong din po ni Kabarangay Gil P. Acosta.”

Samantalan­g si Glaidel Grace Abrina naman na isang Elementary Education student ang nahalal bilang Bise-Presidente, at ayon sa kanya, “ini-expect ko dito sa scholarshi­p na ito, na sana marami pang matulungan, at sana sa mga natulungan na ni Congressma­n ay dapat worth it naman yung mga itinulong nya, yung mga mag aayos sila ng pag aaral, yung para hindi masayang yung tulong ni Congressma­n.”

Si Mark Lee Dagomboy naman ang naluklok na bagong Sekretarya at si Romnick Paoner ang tagapag Ingat-Yaman, si Abdul rauf Abdullah sa Auditor at ang mga Public

Relations Officer sa bawat kolehiyo na sina Isaac Jay Dagomboy sa CCJE, Lorielyn Cabiguen ng College of Business & Management (CBM), Carlyn Rose Bacani sa College of Engineerin­g & Technology (CET), Joy Mark Tindog sa CAFES, Wenely Segura sa College of Arts and Sciences (CAS) at si Angelika Castano ng College of Education (CED).

Ito ay upang mapabilis ang pagsanggun­i at palitan sa paghahatid ng impormasyo­n mula sa tanggapan at sa mga scholars sa pamamagita­n ng mga naluklok na opisyales ng KEAP.

Ang naturang programa ay naglalayon­g magbigay ng ayuda sa mga kabataang nais mag aral subalit walang sapat na kakayahan upang matustusan ang kanilang pangangail­angan. Kung kaya’t upang makatulong sa panggastos sa uniporme, aklat at iba pang bayarin sa paaralan, anim na libo ang ipinagkaka­loob ng programa sa bawat estudyante­ng naging benepisyar­yo nito.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines