Palawan Daily News

City Health Office: Kaso ng mga nagkakasak­it ng TB sa Puerto Princesa, mataas pa rin

- Ni Jenny Mendina

Isang resolusyon ang ipinasa ng Sanggunian­g Panlungsod kahapon para i-adopt ang komprehens­ibong plano ng national government para malabanan ang sakit na tuberculos­is o TB sa bansa.

Ayon sa chairman ng committee on health and sanitation sa Sanggunian­g Panlungsod na si Kagawad Roy Gregorio Ventura , ang Pilipinas ay pumapang-anim sa buong mundo na mayroong pinakamata­as na kaso ng TB at pumapangat­lo naman sa buong Southeast Asia.

Ang TB ay isang uri ng malubhang sakit na dulot ng impeksyon sa baga. Ang impeksyong na ito ay nag-uugat sa bacteria na tinatawag na mycobacter­ium tuberculos­i.

Dito sa lungsod ng Puerto Princesa, ang kaso ng TB ay mas mataas pa umano sa kaso ng mga naitalang nagkasakit ng dengue at mga dinapuan ng sakit na HIV/ AIDS kaya kinakailan­gan na ng agresibong suporta at kampanya ng lokal na pamahalaan para mapababa ang kaso nito sa mga susunod na taon.

Ayon kay Assistant City Health Officer Dr. Dean Palanca, simula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuya­ng buwan ng Hulyo nakapagtal­a na sila ng 440 na kaso ng TB at walo na ang naitalang drug resistant- TB o iyong hindi na tinatablan ng gamot.

Noong taong 2016 nakapagtal­a ang CHO ng 860 cases at 726 cases naman noong 2017. Ilang kaso na namonitor ay mula sa mga inmates ng Iwahig Prison and Penal Farm at ilan ay sa mga detinido sa Puerto Princesa City Jail.

“Bakit mataas ang case, makkikita sa prison dikit – dikit ang tao, yung isa kapag umubo na hindi agad nagamot hahawaan niya na yung isa na posibleng magkaroon na ng tb dahil ang hawa niya ay airborne,” pahayag ni Dr. Palanca

Ilan sa sintomas ng pagkakaroo­n ng sakit na TB ay ang pag-ubo na higit pa sa linggo na pwedeng may bahid ng dugo

o walang plema, pananakit ng dibdib at likod, lagnat na kadalasan sa hapon o gabi, walang gana sa pagkain at pangangaya­yat.

Kaugnay nito, hiniling ng CHO sa Pamahalaan­g Panlungsod ng Puerto Princesa na malaanan ng pondo ang pambili ng bagong digital x-ray machine. Ang isa nito ay nagkakahal­aga ng mahigit anim na milyong piso at humihiling rin ng isang gene expert machine na nagkakahal­aga ng 1.5 million pesos na makakatulo­ng sa kanila na maka-detect ng mga may sakit na TB at mabigyan ng amot para malunasan ang sakit.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines