Res­i­den­teng kalalaya pa lang, tim­bog mat­a­pos mag­benta ng droga

Palawan Daily News - - City -

Arestado ang isang lalak­eng nag­n­gan­galang Dex­ter Bryan Navales mat­a­pos mahuli­han ng isang pakete ng hini­hi­nalang shabu, pasado alas-nuwebe ng gabi, Se­tyem­bre 7, 2018 sa Barangay Mali­gaya, Del Pi­lar. Ayon kay PO3 Japhet Salmo, sa pa­ma­m­ag­i­tan ng kani­lang con­fi­den­tial as­set ay natungo nila ang lu­gar kung saan na­ga­ganap ang kani­lang transaksyon ng makita nila ang sus­pek na pasim­pleng in­aabot ang isang pakete ng droga ka­palit ng marked money.

“Kasama natin nang oras nang yun ang as­set natin. Doon sa text sa Bgy. Mali­gaya kami magkikita, nang makita na namin yung tar­get. Ni­lap­i­tan namin para mag pang­gap na bibili kami. Kaya pagka-abot sa akin, doon na namin siya nahuli,” saad ng pulis.

Inamin ng sus­pek na sa kanya nang­gal­ing ang pakete ng shabu. Kasabay nito ay na­pag-ala­man din na kalalaya lamang ni Navales dahil sa ka­song mur­der. “Opo, sa akin po ‘yan pero ngayon lang po ako nag­benta niyan. Di ko na­man talaga gawain ‘yan.

Ito pa lang ang una. Sa dati ko na­mang kaso, nadamay lang po ako doon, in­aawat ko lang pero ako ang naku­long,” ayun sa sus­pek. Sa­man­ta­lang, dis­mayado ang kap­i­tan ng barangay sa kaso ng sus­pek dahil layon ni­tong maid­eklara ang kani­lang barangay bi­lang “Drug-free barangay.” (Kia Jo­hanna Lamo)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.