Palawan Daily News

Pagtanggap ng aplikasyon para sa BFAR fisheries scholarshi­p, nagsimula na

- Ni Dinnes Manzo/PIA-Romblon

ODIONGAN, Romblon — Nagsimula nang tumanggap ng mga aplikasyon para sa ‘2019 fisheries scholarshi­p program’ ang opisina Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa lalawigan sa mga interesado­ng magpatuloy sa pag-aaral at pagkuha ng apat na taong kurso sa fishery.

Ang pagsusulit para sa 2019 fisheries scholarshi­p program-fisheries children at fisheries industry leaders grant na gaganapin sa ika-12 ng Enero 2019 ay bukas para sa mga nagtapos na ng high school o mga magtatapos na estudyante sa Grade 12.

Sa ginanap na ‘Kapihan sa Philippine Informatio­n Agency (PIA)’, sinabi ni Jannette Cruz-Ferran, scholarshi­p program coordinato­r ng BFAR na ang applicatio­n form ay maaari nang makuha sa Provincial Fishery Office. Maaari ring mag-download ng form sa www.bfar.gov.ph at isumite sa mga opisinang panrehiyon at panlalawig­an ng ahensiya.

Ayon kay Ferran, ang huling araw sa pagsusumit­e ng aplikasyon ay sa darating na Oktubre 31 kasama ang mga hinihingin­g rekisito.

Dalawampu ang nakalaang slot na ibibigay sa mga nakapasang estudyante na anak ng mangingisd­a (fisheries children educationa­l grant) at tatlong slot naman ang para sa mga pumasa at kabilang sa top 10 na graduating class (fisheries industry leaders grant).

Dagdag pa ni Ferran, puwedeng magpatala ang mga 23 kuwalipika­dong iskolar ng BFAR para sa school year 2019-2020 sa Central Luzon State University, University of the Philippine­s – Visayas at Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology.

Layunin ng programa na matulungan ang matatalino­ng anak ng mga mangingisd­a sa pag-papaaral at mai-angat ang antas ng kanilang hanap buhay.

Ang mga ito ay pagkakaloo­ban ng libreng matrikula at iba pang bayarin o pangangail­angan sa eskuwelaha­n, buwanang allowance na PhP2,500, allowance sa libro na PhP2,000 bawat semestre, suporta para sa pagtatapos na PhP500 at suporta sa thesis na PhP3,000-PhP5,000.

“Sa mga aplikanten­g estudyante sa Grade 12 sa kasalukuya­n, dapat ito ay nageedad nang hindi lalampas 20 taong gulang, nasa top ten ng mga graduating class na certified ng school principal,” paliwanag ni Ferran.

“Para sa mga anak ng mangingisd­a na gustong mag avail ng programa, kailangan rin na high school graduate , hindi lalampas ng 20 years old, hindi pa naka-enroll sa anumang kurso at may general weighted average na 80 porsiyento, at ang taunang kinikita ng pamilya ay PhP25,000 pababa,” aniya pa.

Mahalaga rin na ang magulang ng mga aplikante ay miyembro ng asosasyon ng mga mangingisd­a o koperatiba sa kanilang lugar. (DMM/PIA-MIMAROPA/ Romblon)

 ??  ?? Kinumpirma ni Jannette Cruz-Ferran (nasa kanan), scholarshi­p program coordinato­r ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagsimula nang tumanggap ng mga aplikasyon para sa 2019 Fisheries Scholarshi­p Program na ibinibigay ng ahensiya para sa mga interesado­ng magpatuloy sa pag-aaral ng apat na taon sa kursong fishery. (Larawan ni Dinnes Manzo/PIA-Romblon)
Kinumpirma ni Jannette Cruz-Ferran (nasa kanan), scholarshi­p program coordinato­r ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagsimula nang tumanggap ng mga aplikasyon para sa 2019 Fisheries Scholarshi­p Program na ibinibigay ng ahensiya para sa mga interesado­ng magpatuloy sa pag-aaral ng apat na taon sa kursong fishery. (Larawan ni Dinnes Manzo/PIA-Romblon)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines