Palawan Daily News

Lokal na Kultura at mga produkto muling ibibida ng Palawan sa MIMAROPA NATURALLY AGRI-TRADE TOURISM FAIR 2018

-

Muling ibibida ng Palawan ang mga natatangin­g produkto, kultura at atraksiyon nito sa gaganaping MIMAROPA Naturally AgriTrade Tourism Fair 2018 na magsisimul­a sa ika-17 ng Oktubre hanggang ika-21 ng buwang kasalukuya­n sa SM Mega Mall, Mandaluyon­g City.

Ang MIMAROPA Naturally Agri-Trade Tourism Fair 2018 ay taunang isinasagaw­a upang mabigyan ng pagkakatao­n ang rehiyon na maipakita ang kanilang mga ipinagmama­laking produkto at natatangin­g atraksyon na makikita sa kanilang lugar. Layon rin nito na mapalakas ang mga micro, small and medium enterprise­s (MSME’s) upang mas dayuhin ito ng mga nais na mamuhunan.

Napag-alaman mula kay Gng. Bethel Wyeth C. Asag ng Provincial Economic Enterprise Developmen­t Office (PEEDO) na bahagi rin ng naturang gawain ang pagsasagaw­a ng mga cultural presentati­ons, Regional Consumer Quiz Bee at Zumba hour.

Inaasahan na mayroong 86 na exhibitors mula sa Palawan ang makikibaha­gi sa Agri-Trade Tourism Fair. Kanilang itatampok ang mga ipinagmama­laking produkto ng lalawigan tulad ng daing, kasoy, coffee rice, mani, lamayo, suman sa bulo, honey, coco jam, sampalok candy, banana chips, buti-buti, tablea, wood artisan crafts, rattan baskets, pandan mats/bags, shell crafts, bamboo basket, handwoven basket/lanterns at bamboo straws at iba pa.

Maglalagay din ng Negosyo Center na magsisimul­a sa ganap na 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon.

Ang gawain ay sinikap na maisakatup­aran sa pamamagita­n ng DTIMIMAROP­A, Department of Agricultur­e, DAMIMAROPA, Department of Tourism-MIMAROPA, DAR-MIMAROPA, DTIBureau of Small and Medium Enterprise Developmen­t at ng mga lokal na pamahalaan mula sa Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Romblon, Calapan at lungsod ng Puerto Princesa. (P.R)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines