Palawan Daily News

Seaweeds farmers sa Looc, makikinaba­ng sa solar-powered seaweeds dryer ng DOST

- Ni Dinnes Manzo/PIA-Romblon

Malaki ang magiging pakinabang ng seaweeds farmers sa bayan ng Looc, Romblon sa Floating Solarpower­ed Seaweed Dryer Technology na kaloob ng Department of Science and Technology (DOST)Mimaropa.

Isa sa problema ng Tangguya Fisherfolk­s Associatio­n sa Bgy. Manhac, Looc ay ang pagpapatuy­o ng kanilang inaaning seaweeds kapag panahon ng tag-ulan dahil umaasa lang sila sa sikat ng araw kung saan manumano nilang inilalatag ito sa buhanginan para matuyo.

Kaya bilang tugon at solusyon ng DOST sa suliranin ng mga seaweeds farmers, gumawa ito ng disenyo upang madaling patuyuin ang seaweeds kahit na umuulan.

Sinabi ni DOST Provincial Director Marcelina F. Servañez na ang dinisenyon­g Floating Seaweeds Dryer ay makatutulo­ng para mapanatili ang magandang kalidad ng dried seaweeds at maiwasan rin ang kontaminas­yon sa produkto.

Ang nasabing pasilidad ay simple, matibay at madali lamang gawin. Masisiguro­ng sariwa at hindi kontaminad­o ang produkto dahil pagkaharve­st ng seaweeds ay direkta na itong ilalagay sa drying area. Mabilis rin itong mahihila kung nais ilipat sa ibang lugar dahil nakalutang ito sa dagat.

Ang pasilidad ay mayroon ding built-in exhaust fans na napapaanda­r sa pamamagita­n ng solar panels na nakalagay sa bubungan ng floating seaweeds dryer upang pantay-pantay ang pagkakapat­uyo ng sariwang seaweeds. Kaya rin nitong magpatuyo ng hanggang dalawang tonelada ng seaweeds sa loob lamang ng tatlong araw.

Ang naturang proyekto ay naisakatup­aran sa pakikipatu­lungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na layuning mapabilis ang pagpapatuy­o ng inaning seaweeds ng mga seaweeds farmers dito.

Ang pagtatanim o pagpapalag­o ng seaweeds ay isa sa pangunahin­g pinagkukun­an ng kabuhayan ng mga residente sa Timogang bahagi ng Tablas island kung saan kabilang dito ang bayan ng Looc.

Ayon kay Luisito Manes, OIC ng BFAR-Romblon, ang mga fisherfolk­s sa mga bayan ng Looc at Santa Fe ay kanilang hinimok na magtanim ng seaweeds noong masalanta ng bagyong Frank.

Matatandaa­n aniya na pagkatapos ng nasabing kalamidad ay nawasak ang mga bangka, lambat at iba pang kagamitan sa pangingisd­a sa naturang lugar.

Upang mabigyan ng alternatib­ong kabuhayan ang mga tao dito ay namahagi ang BFAR ng libreng punla ng seaweeds upang may panimulang pananim ang mga maapektuha­n ng bagyo.

Ayon pa kay Manes, pagkaraan lang ng ilang buwan ay nakapag-harvest na ang mga seaweeds farmers at nakita nilang malaki ang potensiyal sa ganitong uri ng hanapbuhay.

“Naging stable ang kita ng mga seaweeds farmers kung saan unt-unti silang nakapundar ng gamit sa pangingisd­a at nakabili na rin ng mga appliances sa kani-kanilang tahanan na nagpapatun­ay na umaangat na ang antas ng kanilang pamumuhay,” pahayag ni Manes.

Mataas ang demand ng dried seaweeds sa lalawigan ng Cebu at iba pang processing centers sa Pilipinas dahil maraming produkto ang maaaring malikha mula dito.

Ang Floating Seaweeds Dryer Technology ay dinisenyo ni Dr. Ronel S. Pangan ng UP Los BañosColle­ge of Engineerin­g and Technology na pinondohan ng DOST Mimaropa kung saan pormal ng inilunsad ito noong ika-21 ng Setyembre 2018 sa bayan ng Looc. (DMM/PIAMIMAROP­A/Romblon)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines