Palawan Daily News

Pamunuan ng PALECO, binigyang diin na ayaw rin ng blackout

-

Ipinahayag ni Officer-inCharge Napoleon M. Cortes, Jr. na hindi rin gusto ngv pamunuan ng Paleco ang blackout.

Bukod sa nagagalit ang mga konsumidor­es, malaki rin ang nawawalang pondo para sa operasyon ng Paleco. Sa taya ng Finance Services Department (FSD), nasa P 150,000 ang nawawala sa Paleco sa loob ng isang oras na total blackout at kung aabot pa ito ng sampung oras, aabot ng halagang 1.5 milyon ang mawawala. Patuloy din ang pagpapasuw­eldo sa mga empleyado at napapagast­os pa ang pamunuan sa overtime pay ng mga linemen na nagtatraba­ho kahit gabi para lamang maibalik ang daloy ng kuryente.

Binigyang-diin ni OIC Cortes na gumagawa naman ng mga hakbang ang pamunuan upang maiwasan ang nararanasa­ng blackout. Unti-unti na umanong dumarating ang mga insulated wire ng Paleco at inaasahang bago matapos ang taon ay masisimula­n na ang pagpapalit ng insulated wire sa mga bare wire lalo na roon sa mga mapupunong lugar sa lalawigan. Napag-alaman kasi ng Technical Services Department na walumpung porsiyento ng dahilan ng power interrupti­on sa Palawan ay dahil sa pagsagi ng sanga o baging sa linya ng kuryente.

Bukod sa pagpasa ng aplikasyon ng Capital Expenditur­e Plan sa Energy Regulatory Commission, patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng Paleco sa ilang pamahalaan­g lokal sa Palawan upang makapagsag­awa ng malawakang paglilinis ng linya ng kuryente.

Paalala lang ng Paleco na hindi laging ang distributi­on line ang pinagmumul­an ng blackout. May mga hindi naiiwasang pagkakatao­n na nagkakaroo­n ng total blackout dahil sa pagpalya ng makina ng power providers tulad ng Delta P, DMCI Power Corporatio­n - Palawan, Palawan Power Generation Incorporat­ed at National Power Corporatio­n. Minsan naman ay nagkakaroo­n ng problema sa transmissi­on line ng Napocor. (P.R)

 ??  ?? Officer-in-Charge Napoleon M. Cortes, Jr. Photo by Sev Borda III/ PDn photo taken during paleco 4th quarter pressconfe­rence
Officer-in-Charge Napoleon M. Cortes, Jr. Photo by Sev Borda III/ PDn photo taken during paleco 4th quarter pressconfe­rence

Newspapers in English

Newspapers from Philippines