Palawan Daily News

Mag-anak na sakay ng motorsiko, patay matapos masalpok ng truck

- Ni Harthwell Capistrano

Patay ang mag-asawa at ang kanilang anak na lalaki matapos na bumangga ang kanilang sinasakyan­g motorsiklo sa isang mini-dump truck 8:50 ng umaga nitong Disyembre 28.

Nangyari ang aksidente sa Barangay Dumarao, Roxas, Palawan na kung saang madalas na umanong nagkakaroo­n ng aksidente dahil sa kurbada ang kalsada dito.

Dead on the spot ang anak na lalaki na nagmamaneh­o na kinilala na si Reynaldo Bata-anon Jr. at ang kaniyang nanay na si Elia Bata-anon.

May suot na helmet ang mag-anak subalit sa tindi ng natamong sugat, hindi ito kinayang maprotekta­han ang kanilang buong katawan.

Dinala naman sa bahay pagamutan ang tatay na si Reynaldo Bata-anon Sr., subalit binawian rin ng buhay.

Ayon kay PO3 Josefito Amurao, imbestigad­or ng Roxas Municipal Police Station, galing lungsod ng Puerto Princesa ang mag-anak at papatungo sa Sta. Teresita, Dumaran upang sasakay ng bangka papatungon­g Araceli, Palawan.

“Bale na over-shoot iyong motor, umiwas itong truck,eh inabot pa rin sila sa puno at nadikdik sa puno ang motorsiklo at ang mga pasahero,” saad ni PO3 Amurao.

Ayon kay Jay Acierto, residente sa nasabing barangay, madalas na raw umanong nagkakaroo­n ng aksidente sa lugar at pinaniniwa­laang may nagpapakit­a diumano sa nasabing puno.

“Kurbada po ang kalsada na kung saan nangyari ang aksidente. Pero may mga paniniwala ang ibang taga rito na may nagpapakit­a po na matandang babae sa puno,” sabi ni Acierto.

 ??  ?? Larawang kuha ni Jay Acierto
Larawang kuha ni Jay Acierto

Newspapers in English

Newspapers from Philippines