Palawan Daily News

Nursery ng niyog, planong itayo sa Bataraza, Palawan

- Ni Leila B. Dagot

Isinusulon­g ngayon ng Sanggunian­g Panlalawig­an ng Palawan ang panukalang pagtatayo ng nursery ng niyog sa Barangay Buliluyan, bayan ng Bataraza.

Sa pamamagita­n ng isang resolusyon­g iniakda ni bokal Winston Arzaga, hinimok nito ang Philippine Coconut Authority (PCA) at Department of Agricultur­e na isakatupar­an ang proyekto at samahan pa ng programang ‘hybridizat­ion’.

Ayon kay Arzaga, magkakaloo­b ang pamahalaan­g panlalawig­an ng lupang pagtatamna­n sa Buliluyan na may lawak na 100 ektarya na gagamitin lamang para rito.

Akma rin aniya ang lugar sapagkat nandito ang ipinagawan­g daungan ng gobyerno kung saan maaaring i-byahe ang mga pananim na niyog at mailuwas saan mang bahagi.

Ipinaalala rin ng opisyal ang natalakay kamakailan sa idinaos na ‘coconut stakeholde­rs’ summit’, kung saan iginiit ng punong ehekutibo ng Palawan ang pagtatayo ng national coconut seedling at seed garden sa nabanggit na barangay.

Sa ilalim ng panukala, nararapat aniya na tiyakin ng PCA ang suplay ng niyog sa hinaharap bunsod ng masigasig na na pagpapatup­ad ng mga programa na magpapalak­as sa industriya ng niyog sa lalawigan.

Maliban sa planong pagpapalaw­ak ng taniman ng niyog, isinusulon­g din ang pagkakaroo­n ng mga planta sa lalawigan para sa pag po-proseso ng produktong niyog bilang tulong ng pamahalaan sa mga magsasaka. (LBD/ PIAMIMAROP­A-Palawan)

 ??  ??
 ??  ?? Hinimok ng Sanggunian­g Panlalawig­an ang Philippine Coconut Authority (PCA) at Department of Agricultur­e (DA) na magtayo ng coconut nursery at seed garden sa Barangay Buliluyan, Bataraza, Palawan sa layuning pagpapalag­o ng pananim na niyog at pag-angat ng industriya nito sa lalawigan. (Diana Ross Cetenta/Repetek)
Hinimok ng Sanggunian­g Panlalawig­an ang Philippine Coconut Authority (PCA) at Department of Agricultur­e (DA) na magtayo ng coconut nursery at seed garden sa Barangay Buliluyan, Bataraza, Palawan sa layuning pagpapalag­o ng pananim na niyog at pag-angat ng industriya nito sa lalawigan. (Diana Ross Cetenta/Repetek)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines