Palawan Daily News

Anak ni Mayor Bayron, umatras sa pagtakbo bilang mayor

- Ni Mike Escote

Umatras na sa pagtakbo bilang mayor ng lungsodd ng Puerto Princesa ang anak ni Mayor Lucilo Bayron na si Judith Bayron.

Ayon kay City Comelec Officer Atty. Ferdinand Bermejo, eksakto 12:34 P.M. kahapon, Disyembre 27, nang inihain ng nakakabata­ng Bayron ang Statement of Withdrawal ng kaniyang Certificat­e of Candidacy.

Sinabi pa ni Bermejo na agad nila itong tinanggap dahil karapatan naman ng isang indibidwal na bawiin ang kaniyang inihaing COC.

Samantala, sa Facebook Page ng Batang Bayron, nakalagay doon na gaya ng kaniyang sinabi noon ay isang Bayron lamang ang tatakbong mayor ng lunsod ng Puerto Princesa at ito ang kaniyang ama na si incumbent Mayor Lucilo Bayron.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines