Palawan Daily News

Ipatutupad na X-ray test, makabubuti sa mga manggagawa -- LGU San Jose

- Ni Voltaire N. Dequina

Malaking kapakinaba­ngan sa mga manggagawa ang pagsasaila­lim sa kanila sa X-ray bilang karagdagan­g requiremen­t ng Sanitation Division (SD), ayon sa pamahalaan­g bayan ng San Jose (LGU).

Sinabi ni Romie Dimaano, tagapamuno ng SD, ang resulta ng nasabing medical test ay mapapabila­ng sa mga isusumiten­g dokumento sa kanilang tanggapan. “Isasabay nila ito sa kanilang aplikasyon ng Mayor’s Permit sa Enero ng 2019,” saad ni Dimaano. Dagdag pa nito, hindi bago ang kanilang paghingi ng X-ray test results sa mga manggagawa ng bawat establisie­mento dahil nakasaad aniya ito sa Presidenti­al Decree (PD) 856 (Sanitation Code of the Philippine­s).

“Sa pamamagita­n ng direktiba ay mababantay­an ang kalusugan ng mga manggagawa,“saad ni Dimaano. Aniya, malalaman kung ligtas ang mga ito (manggagawa) sa Tuberculos­is (TB) o Pneumonia at maiiwasang maipasa ito sa mga mamimili.

Ayon pa kay Dimaano, oobligahin ng LGU ang lahat ng mamumuhuna­n na sumunod sa PD 856. “Upang matiyak na tatalima sila (mamumuhuna­n), hindi bibigyan ng mayor’s permit ang mga business establishm­ents na walang X-ray results ang kanilang mga manggagawa” saad ni Dimaano. Paglilinaw pa nito, ang nasabing direktiba ay sasaklaw sa lahat ng uri ng negosyo (may unang aplikasyon o renewal ng mayor’s permit) na nasa bayan ng San Jose. “Maari silang makipagugn­ayan sa aming tanggapan sakaling meron silang katanungan,” ayon pa sa tagapamuno ng SD. Ang SD ay matatagpua­n sa loob ng Municipal Health Building.

 ??  ?? Ang Sanitation Division ng LGU San Jose, sa pangunguna ni Romie Dimaano (dulong kanan). (LGU San Jose)
Ang Sanitation Division ng LGU San Jose, sa pangunguna ni Romie Dimaano (dulong kanan). (LGU San Jose)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines