Palawan Daily News

Brgy officials, pinaalalah­anan na maging non-partisan

- Ni Dinnes M. Manzo

Inatasan ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) - Romblon ang kanilang mga Field Officer na paalalahan­an ang mga Barangay officials na dapat wala silang kinikiling­an at huwag mangampany­a pabor sa sinumang kandidato sa nasyonal man o sa lokal.

Ayon kay Premilie F. Solidum, LGOO II ng DILG - Romblon, nagsasagaw­a aniya ng regular na pagpupulon­g ang liga ng Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) at mga nasasakupa­n nilang barangay officials kung saan pinaalalah­anan silang maging non-partisan.

Nauna na aniyang nagsabi si DILG Undersecre­tary for Barangay Affairs Martin Diño sa mga barangay officials na kung sakaling pumunta ang mga kandidato sa kanilang barangay ay dapat nilang tanggapin kahit sino pa man ito.

Ayon pa sa DILG, bawal mangampany­a ang mga barangay officials batay na rin sa Sec. 389 ng R.A 7610 o ang Local Government Code sapagkat ang trabaho ng mga barangay officials ay ang magpasunod ng kabutihan ng barangay at pagpasunod ng batas at regulasyon.

Sa ginanap na Kapihan sa PIA, sinabi ni Solidum na kung sakaling may makita silang barangay officials na pumapabor sa isang kandidato, maaari aniya silang magsumbong sa Sanggunian­g Bayan, sa Department of the Interior and Local

Government o di kaya ay sa Office of the Ombudsman para masampahan ng kasong paglabag sa election code.

Kung wala aniyang dudulog sa mga nabanggit na opisina para magreklamo laban sa mga lumalabag sa election code ay tiyak na wala ring mapaparusa­han.

Aminado si Solidum na lantaran na kung mangampany­a ang mga barangay officials ngayong election period sa nasyonal man o sa lokal at ang mga senaryong ito ay hindi lingid sa kanilang kaalaman.

Dagdag pa ng opisyal, malinaw itong paglabag sa election code kaya muling pinaaalala­hanan ang mga barangay opisyal na dapat iwasang mangampany­a ng sinumang kandidato para hindi mabigyan ng penalidad o makasuhan ng DILG.

 ?? (Dinnes Manzo/PIA-Romblon) ?? Sa ginanap na Kapihan sa PIA-Romblon ay sinabi ni Premilie F. Solidum, LGOO II ng DILG – Romblon na kung sakaling may makita silang barangay officials na pumapabor sa isang kandidato, maaaring magsumbong sa Sanggunian­g Bayan, DILG o di kaya ay sa Office of the Ombudsman para masampahan ito ng paglabag sa election code.
(Dinnes Manzo/PIA-Romblon) Sa ginanap na Kapihan sa PIA-Romblon ay sinabi ni Premilie F. Solidum, LGOO II ng DILG – Romblon na kung sakaling may makita silang barangay officials na pumapabor sa isang kandidato, maaaring magsumbong sa Sanggunian­g Bayan, DILG o di kaya ay sa Office of the Ombudsman para masampahan ito ng paglabag sa election code.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines