Palawan Daily News

‘Voting centers’ para sa mga katutubo itinalaga ng Comelec-Palawan

- (OCJ/PIA-Mimaropa, Palawan) Ni Orlan C. Jabagat

Tatlong ‘Accessible Voting Centers (AVC)’ ang muling itinalaga ng Comelec-Palawan para lamang sa mga katutubo sa mga liblib na lugar sa Palawan.

Sa ulat ni Jomel Ordas, tagapagsal­ita ng ComelecPal­awan, sa pagpupulon­g ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) kahapon, ito na ang ikalawang pagtatalag­a ng kanilang ahensya ng ‘accessible voting centers’ para sa mga botanteng katutubo. Unang isinagawa ito noong nakaraang taon sa eleksiyon ng Barangay at Sanggunian­g Kabataan.

Ang tatlong AVC ay matatagpua­n, una sa Nanabu Elementary School sa Sitio Nanabu, Bgy. Caramay, Roxas, Palawan na mayroong 93 botante. Pangalawa ang sa Tina Elementary School sa Sitio Tina, Bgy. Culandanum, Aborlan, Palawan na mayroong 114 botante at ang pangatlo ay sa Mamek Elementary School sa Sitio Mamek, Bgy. Aramaywan, Quezon, Palawan na may 210 katutubong botante.

Ayon pa kay Ordas 98 porsiyento ng kabuuhang 417 katutubong botante sa tatlong AVC ang nakapagbot­o noong Barangay at SK Elections.

Kaugnay pa rin ng nakatakdan­g halalan sa Mayo, sa inilabas na datos ng ComelecPal­awan, mayroong kabuuhang 677,185 ang rehistrado­ng botante ang lalawigan at ang Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang Puerto Princesa na Highly Urbanized City (HUC) ay mayroong 153,871 ngunit hindi ito kasama sa mga bumoboto ng Gobernador, Bise Gobernador at mga Sanggunian­g Panlalawig­an Member. Ang Palawan ay mayroong 367 mga barangay at ang Puerto Princesa naman ay mayroon 66 mga barangay.

Nasa 519 naman ang itinalagan­g ‘voting centers’ ng Comelec para sa Palawan na mayroong 950 ‘clustered/grouped precints.

 ?? (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan) ?? Iniiulat ni Jomel Ordas, tagapagsal­ita ng Comelec-Palawan sa pulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) kahapon ang update sa kanilang paghahanda kaugnay ng halalan sa Mayo 13.
(Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan) Iniiulat ni Jomel Ordas, tagapagsal­ita ng Comelec-Palawan sa pulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) kahapon ang update sa kanilang paghahanda kaugnay ng halalan sa Mayo 13.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines