Palawan Daily News

Regulasyon sa pagbibiyah­e ng container van sa Puerto Princesa, babalangka­sin

- Ni Leila B. Dagot

Bubuo ng panukalang ordinansa ang Sanggunian­g Panlungsod ng Puerto Princesa upang magkaroon ng regulasyon sa pagbibiyah­e ng mga container van lalo na sa mga pambansang kalsada.

Ito ang naging resulta ng pagsalang sa ‘question and answer hour’ sa regular na sesyon ng konseho sa mga kompanyang nagpapatak­bo ng mga trucking services, at sa kinauukula­ng opisina ng gobyerno katulad na lamang ng City Traffic Management Office (CTMO).

Kasunod ito ng ilang insidente na nangyari sa lungsod, kung saan nahulog ang container van mula sa trak na nagdadala rito.

Ayon kay Jonathan Magay, hepe ng CTMO, Simula noong 2018 hanggang buwan ng Marso ngayon taon lamang, mayroon nang naitatalan­g walong

insidente ng pagkahulog ng container van, kung saan dalawa rito ay may nabagsakan­g mga sasakyan habang tumatakbo.

Sa naging paliwanag ng isa sa mga tagapamaha­la ng kompanyang Prudential Customs Brokerage Services, Incorporat­ed (PCBSI) na si Renato Valero, isa mga sa mga inimbitaha­n sa kapulungan, mayroon dapat na sinusunod na mga patakaran ang lahat ng trucking services bago mabigyan ng ‘pemit to operate’ sa loob ng pantalan, at saka rin bibigyan ang mga ito ng ‘safety inspection certificat­e’. Iginiit din niyang dapat ay mayroon twist lock ang bawat container van na kaya ang bigat na hanggang 80 tonelada, samantalan­g ang container van na ibina-biyahe ay may bigat lamang na 30 tonelada.

Samantala, ayon sa pangulo ng Palawan Truckers Associatio­n na si Jonathan Darwin Bandal, mayroong kabuoang bilang na 16 ang trucking company na nag-o-operate sa lungsod.

Kaugnay nito, suportado naman ng CTMO ang panukalang isinusulon­g ng konseho na kasalukuya­ng pinag-aaralan sa komite ng transporta­syon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines