Palawan Daily News

Lokal na produkto sa OccMin, masusubok sa Provincial Trade Fair 2019

- By Voltaire N. Dequina

Muling masusubok ang mga lokal na produkto sa lalawigan sa pagbubukas ng Agbiliwa Provincial Trade Fair 2019 (Agbiliwa) na matatagpua­n sa municipal compound ng bayan ng San Jose.

Ayon kay Noel Flores, Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director, ang programang ito ng kanilang ahensya ay bilang suporta sa mga dati at nagsisimul­ang magnegosyo na makahanap ng mga mamimili at tagatangki­lik.

“Taon-taon naming ginagagana­p ito, dahil kailangan ng mga Micro Small and Medium Enterprise­s (MSMEs) ng exposure upang makilala,” pahayag ni Flores. Aniya, ang Agbiliwa ay unang bahagi ng mga trade fairs ng DTI. “Matapos ang local exposure, ang hangad ng ahensya ay madala sa regional at national trade fair ang ating mga produkto,” saad pa ng Provincial Director.

Ipinaliwan­ag ni Flores ang bentahe ng regional at national trade fairs. Aniya, sa nabanggit na mga trade fairs nakakakuha ng distributo­rs, o mga kliyente na maramihan ang pagbili ng produkto, ang mga MSME.

“Kumita ng malaki ang Rich Blitz (sweet delicacies at pastries) at Ligad (Wood Arts) nang sumali ito sa 2018 Mimaropa Naturally (Regional Trade Fair),” ayon pa kay Flores.

Samantala, inaanyayah­an naman ni Flores ang mga mamamayan ng lalawigan na bumisita sa Agbiliwa at ipakita ang suporta sa mga lokal na produkto. “Target nating kabuuang kita ngayong taon ay P1.2 milyon at tiwala akong kaya nating makuha ito,” ayon pa kay Flores.

Nagsimula ang Agbiliwa nitong ika-8 ng Abril at magtatapos sa ika-2 ng Mayo. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

 ??  ??
 ??  ?? Pinasimula­n na ng Department of Trade and Industry ang Agbiliwa Provincial Trade Fair 2019, sa San Jose. Layon ng programa na mabigyan ng exposure ang mga lokal na produkto ng lalawigan. (Voltaire N. Dequina)
Pinasimula­n na ng Department of Trade and Industry ang Agbiliwa Provincial Trade Fair 2019, sa San Jose. Layon ng programa na mabigyan ng exposure ang mga lokal na produkto ng lalawigan. (Voltaire N. Dequina)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines