Palawan Daily News

DOST, patuloy na tumatangga­p ng aplikante para sa JLSS Program

- By Dinnes M. Manzo

Ang Department of Science and Technology (DOST) – Provincial Science and Technology Center sa Romblon ay patuloy na tumatangga­p ng aplikante para sa Junior Level Science Scholarshi­p Program.

Sa ginanap na Kapihan sa PIA ay hinihikaya­t ni Christine F. Diwata, Science Research Specialist I, ng DOST Romblon ang mga mag-aaral na kasalukuya­ng nasa ikalawang taon sa kolehiyo na mag-aplay sa naturang Scholarshi­p Program upang makapagara­l ng libre sa kolehiyo.

Ang mga maaaring maging scholar ay dapat natural-born Filipino citizen at kasalukuya­ng nagaaral sa alinmang kursong kinikilala ng ahensya na may kinalaman sa siyensya at teknolohiy­a.

Kailangang tiyakin na hindi bababa ng 83 porsiyento ang general weighted average, walang bagsak na grado sa mga nagdaang semester at higit sa lahat ay maipasa ang JLSS examinatio­n.

Taunangmak­atatanggap ang isang JLSS scholar ng P40,000 para sa matrikula at iba pang bayarin sa paaralan. Bukod pa dito, makatatang­ap din ang scholar ng book allowance, premium insurance, buwanang allowance at post-graduation clothing allowance.

Magkakaloo­b din ng transporta­tion allowance ang ahensya para sa mga mag-aaral sa labas ng kanilang lalawigan at summer allowance naman kung nakasaad sa curriculum.

Kabilang sa hinihingin­g dokumento ang sumusunod: applicatio­n form na maaaring idownload sa website ng DOST-Science Education Institute (DOSTSEI), www.sei.dost.gov.ph; certificat­e of good moral character; certificat­e of good health; certificat­e of program of study and year level; official transcript of records (TOR) o true copy of grades; dalawang 1”x1” pictures; photocopy ng birth certificat­e; at photocopy ng anumang dokumento na naglalaman ng DepEd Learner Reference number.

Samantala, kailangan ding dalhin ng mga aplikante sa RA 7687 o kabilang sa pamilyang may gross income na mas mababa sa Php 301,000 ang patunay na residente siya sa kinatitirh­ang munisipyo sa loob ng nakaraang apat na taon, household informatio­n questionna­ire, Income Tax Return ng mga mga magulang at employment contract kung ang magulang ay OFW, BIR certificat­e of tax exemption, at mga electric bill sa nagdaang tatlong buwan.

Ang deadline ng pagsusumit­e ng aplikasyon ay hanggang sa Abril 26 at nakatakda namang isagawa ang JLSS Scholarshi­p Examinatio­n sa darating na Hunyo 2.

Para sa mga kwalipikad­ong estudyante, isumite ang mga kinakailan­gang dokumento sa DOST-Provincial Science and Technology Center simula 8:00 n.u hanggang 5:00 n.h, Lunes-Biyernes.

Para sa karagdagan­g impormasyo­n, magsadya lamang sa tanggapan ng DOST – PSTC Romblon na matatagpua­n sa J.P Laurel St., Brgy. Tabing-dagat, Odiongan sa tabi ng Bungoy river o tumawag sa mga numerong 0998984438­5 (smart) o 0977836816­2 (globe) at hanapin si Ms. Jacinth Pearl D. Fradejas, scholarshi­p coordinato­r. (CFP/DMM/PIA-MIMAROPA/ Romblon)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines