Palawan Daily News

Tour guide, na-hold-up sa Rengel Road

- Ni Michael Gohelde

Naholdap kaninang 4:45 ng umaga, April 22, ang isang tour guide sa Rengel Road, Barangay Milagrosa, Puerto Princesa City.

Nakilala ang biktima na si Gilbert Valdez Baniago, 35 years old, tour guide ng Jevoyage Travel and Tour, single at residente ng Kalikasan Homes Barangay San Miguel, Puerto Princesa City.

Samantala, ang mga suspek naman ay nakilalang sina Joshua Duque Flores, 23 years old, single, isang tricycle driver na residente ng Villa Manuel, Barangay San Manuel, Puerto Princesa; Rabang y Del mundo, 22 years old, residente ng Fernandez St., Barangay Tanglaw; Jolito Verdin Ramos, 19 years old, single, constructi­on worker na residente ng Purok Masigla, Barangay San Miguel; at Raffy Amorin Gutan, 18 years old single, residente ng Roro Compound, Barangay San Manuel, Puerto Princesa City.

Batay sa spot report mula sa Puerto Princesa City Police Station 1, huminto ang biktima sa lugar para umihi habang hawak ang kaniyang cellphone nang biglang may limang kalalakiha­n ang sumuntok sa likod ng kaniyang ulo kaya natumba siya.

Magkagayun­man ay nagawa umano ni Baniago na makatakas sa mga salarin gamit ang kaniyang motorsiklo pero sinundan siya ng mga ito hanggang siya ay matumba sa gilid ng kalsada. Dito na umano siya pinagtulun­gang bugbugin ng mga suspek at kinuha pa ang kaniyang cellphone na Samsung J7 prime, at ang kaniyang wallet na naglalaman ng mga ATM cards at cash na 40,000 pesos.

Matapos ang insidente ay agad nagreport ang biktima sa himpilan ng pulisya na kaagad namang rumesponde kasama ang biktima na siyang nagidentif­y sa traysikel na sinakyan ng mga suspek.

Nahuli ang apat na suspek at ngayon ay mahaharap sa kasong robbery hold up.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines