Palawan Daily News

12 bayan sa Romblon, walang kuryente dahil kay Ursula

- By Paul Jaysent Fos

Nanatiling walang supply ng kuryente ang 12 sa 17 na bayan sa lalawigan ng Romblon dahil sa nagtumbaha­ng mga poste ng kuryente matapos manalasa ang bagyong Ursula sa lalawigan nitong Pasko.

Ayon kay Roseller Muros ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), walang kuryente hanggang sa ngayon ang mga bayan ng Banton, Corcuera, Cajidiocan, San Jose, Ferrol, Alcantara, Looc, Santa Fe, Santa Maria, San Agustin, Calatrava, at San Andres.

Nagpapatul­oy naman umano ang ‘clearing and repair operations’ ng Tablas Island Electric Cooperativ­e (TIELCO) at ng Romblon Electric Cooperativ­e (ROMELCO) sa iba’t ibang bayan upang agad na maayos at maibalik ang supply ng kuryente sa mga nabanggit na lugar.

Samantala, nakauwi na sa kanilang mga bahay ang aabot sa 1,118 na pamilya o 3,910 na inidibwal na inilikas sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo dahil sa banta ng baha, landslide, at storm surge sa kanilang mga lugar. Ang ilan ay sa mga evacuation centers na nag noche buena at sinalubong ang Pasko.

Batay sa pinakahuli­ng taya ng Romblon PDRRMO, may siyam na bahay sa lalawigan ang sinira ng dumaang bagyo.

Passable na rin umano sa mga sasakyan ang lahat ng national roads sa Romblon, Tablas at Sibuyan Island sa lalawigan.

 ??  ?? Ayon kay Roseller Muros ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), walang kuryente hanggang sa ngayon ang mga bayan ng Banton, Corcuera, Cajidiocan, San Jose, Ferrol, Alcantara, Looc, Santa Fe, Santa Maria, San Agustin, Calatrava, at San Andres. (Paul Jaysent Fos/PIA-Romblon)
Ayon kay Roseller Muros ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), walang kuryente hanggang sa ngayon ang mga bayan ng Banton, Corcuera, Cajidiocan, San Jose, Ferrol, Alcantara, Looc, Santa Fe, Santa Maria, San Agustin, Calatrava, at San Andres. (Paul Jaysent Fos/PIA-Romblon)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines