Palawan Daily News

BFP at PNP, handa na para sa Bagong Taon

- By Mike Escote

Handang-handa na ang mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Office sa pagdiriwan­g ng Bagong Taon.

Ayon kay Lt. Col. Aristotle Castillo, Deputy Director for ng PPCPO, naka-full alert status na ang buong kapulisan sa Lungsod para matiyak ang katimikan at kapayapaan ngayong holiday season.

“All set na ang preparatio­n natin, so may mga detailed na tayo[personnel], may mga in plan ginawa, in plan pakuhan’ yung simbang gabi so halos lahat naman ng tropa nakadeploy na, kung mapapansin nyo sa mga simbahan may mga pulis tayo diyan especially sa malalaking simbahan natin,” dagdag pa ni Castillo.

Pinalakas rin ang police visibility sa mga lugar na maraming tao at sa mga pampubliko­ng lugar.

Nagpaalala rin si Castillo na huwag magpapakal­asing ng husto para maiwasan ang vehicular accident at sa designated areas lamang magpaputok ng mga firecracke­rs.

“Sumunod lang po tayo sa pinag uutos ng batas and kami naman po ay ipapatupad lang kung ano ang sinasabi ng batas,” dagdag pa nito.

Tiwala naman ang opisyal na katulad noong 2018 ay magiging generally peaceful ang yuletide season ngayong taon.

Samantala, maliban sa pulisya, isandaang porsyenton­g nakahanda na rin ang Bureau of Fire and Protection-Puerto Princesa City (BFP-PPC).

Sinabi ni Fire Marshal CINSP. Nilo Caabay Jr, laging handa ang kaniyang 36 na mga bumbero kasama ang walong firetrucks na operationa­l at isang substation para tugunan

ang mga pangangail­angan ng mga mamamayan.

“Lagi nating ini-encourage ang ating mga kababayan na huwag nang magpaputok manood na lang ng mga fireworks display na ipagkakalo­ob sa atin ng lokal na pamahalaan mas safe pa’yon para mas siguradong ligtas at magiging masaya ang ating pagsalubon­g ng Bagong Taon pero kung talagang hindi maiiwasang mgapaputok ay magingat na lang,” saad pa ni Castillo.

Nagpaalala rin siya sa publiko na bumili lamang sa mga lisensyado­ng mga nagbebenta ng paputok na matatagpua­n sa

likod ng City Coliseum dahil kumpleto ang mga ito sa mga dokumento at dumaan sa kanilang mga pagsusuri.

Iginiit niya rin na mahalaga ang makatawag kaagad sa kanilang opisina kung sakaling mayroong nakitang sunog sa lugar, kapag hindi raw kasi naitawag sa kanila ay hindi nila ito marerespon­dihan maliban na lamang kung mismong siya o kaniyang mga tauhan ang nakakita.

Maaari umanong tumawag sa kanilang mga hotline numbers tulad ng 0925707771­0 kung Smart ang gagamitin habang 0977855160­0 kung Globe at 433-0012/4342076/160 kung landline.

Samantala, ayon sa may-ari ng tindahan ng paputok na si Leo Maat, pinakamabe­ntang paputok ay ang kwitis na nagkakahal­aga ng P10.00 bawat isa.

Abot kaya rin daw ang presyo ng kanilang mga paputok na kinabibila­ngan ng mga sumusunod:

Pailaw-Tingting: P2.00

Happy Ball: P70.00 per box, 15 pcs.

Whistle bomb: P10.00

Roman candle: P150.00 per dozen

Bawang: P8.00

Five star: P120.00 per pack

Superlolo Kweton Tri star: P70.00 per 100 pcs. Sinturon ni Judas: P100-120.00

Sawa: P500.00-10,000.00 depende sa haba

Batay sa kanilang permit mula sa PNP National Headquarte­rs, ipinagbaba­wal ang pagbebenta ng Piccolo, Popop, at Goodbye Philippine­s.

 ??  ?? File photo from the Official Gazette
File photo from the Official Gazette

Newspapers in English

Newspapers from Philippines