Palawan Daily News

Regalo sa Pasko

- By Gillian Faye Ibañez

Marami sa atin ang nakasanaya­n nang magbigay at makatangga­p ng regalo tuwing sasapit ang Pasko.

Ang iba nga sa atin Setyembre pa lang, ay iniisip na kung ano ang magandang maipanre-regalong magugustuh­an ng ating mga mahal sa buhay.

Maging sa mga exchange gifts man sa opisina o paaralan, hangad ng bawat isa na matanggap bilang regalo ang bagay na pinakaaasa­m-asam nila.

Ngunit, naitanong nga ba natin sa ating mga sarili kung bakit nagbibigay­an ng regalo tuwing Pasko?

Kailan nga ba nagsimula ang Kapaskuhan at ano ang tunay na kahulugan nito?

Ayon sa Encyclopae­dia Britannica, isang online encycloped­ia, ang Pasko ay Kristiyano­ng selebrasyo­n ng kapanganak­an ni Kristo.

“Christmas” kung tawagin sa Ingles, ito raw ay nangangahu­lugang “mass on Christ’s day” na nakagawian nang ipagdiwang sa iba’tibang panig ng mundo sa pamamagita­n ng “exchange gifts”, mula pa noong 20th century.

Ayon sa founder ng popular na website na desiringGo­d.org at chancellor ng Bethlehem College and Seminary na si John Piper, ang Pasko ay napaka-kontrobers­yal dahil sa “mabuting balita at katoto-hanang” kaakibat ng selebrasyo­ng ito.

Ayon kay Piper, si Hesus ay regalo sa atin ng Diyos Ama upang maging Tagapaglit­as mula sa ating mga kasalanan at sa kasiguruha­n ng kaparusaha­ng kamatayang dulot ng ating mga sala.

Sinabi sa Bibliya sa Romans 3:23 na ang lahat sa atin ay nagkasala, at hindi kailanman sa pamamagita­n ng mabubuting gawa natin kayang mabayaran sa Dioys ang ating mga sala (Ephesians 3:23), kundi sa pamamagita­n lamang ng anak Niyang si Hesus (John 14:6).

Ayon din sa John 3:16, tunay tayong iniibig ng Diyos kaya’t ibinigay Niya ang Kaniyang kaisa-isang anak na si Hesus, upang sinumang sumampalat­aya sa Kaniya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Si Hesus ay isinilang sa isang maralitang sabsaban sa Bethlehem dalawang-libong taon na ang nakalilipa­s.

Siya ay ipinako sa krus at nabuhay muli noong ikatlong araw upang ang ating mga kasalanan ay ipagbayad.

Si Hesus, na regalo sa atin ng Ama dahil sa Kaniyang labis na pagibig sa atin, ang siyang tunay na diwa ng Pasko.

Sana sa bawat pagtanggap at pagbigay natin ng regalo ngayong Pasko, ay maalala din nating pasalamata­n ang Diyos, para sa pinakamaha­lagang handog na ating tinanggap mula sa Kaniya.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines