Palawan Daily News

Mayor Danao at ibang mga ahensiyang itinuturon­g sangkot sa pagputol ng 40 puno sa Narra Avenue, tumangging may kinalaman

- By Hanna Camella Talabucon

Nagtapos na ang unang parte ng imbestigas­yon kaugnay sa kontrobers­iyal na pag-putol ng humigit-kumulang 40 puno ng Narra, Manggium at Mahogany sa Narra Ave. Barangay Poblacion, Narra, Palawan noong unang linggo ng Oktubre.

Matatandaa­ng naging kontrobers­iyal ang pagputol sa mga nasabing puno na naitalang nasa mahigit 30 taon na ang tanda, dahil umano sa kawalan nito ng tamang “clearance” mula sa Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR).

Ang pagputol ng nasabing mga puno ay naisagawa noong unang linggo ng Oktobre, ayon sa impormasyo­n mula sa lokal na Municipal Environmen­t and Natural Resources Office (MENRO) ng bayan ng Narra. Matapos maipost ang pangyayari­ng ito ng isang netizen sa social media, agad itong umani ng iba’t-ibang komento mula sa mga mamamayan at residente hindi lang ng nasabing munisipyo kundi pati na rin sa iba’t-ibang bahagi ng Palawan.

Ilegal na pagputol

Sa isang Sanggunian­g Bayan session na naganap noong Oktobre 29 na dinaluhan naman ng mga kawani ng DENR, kanilang itinalakay ang insidente dahil umano sa kawalan nito ng “proper clearance” mula sa kanilang ahensiya.

Ayon kay Leonard Caluya, officer-in-charge ng CENRO ng Quezon, nakatangga­p umano na ng sulat mula sa Narra Local Government Unit (LGU) ang kanilang ahensiya na nagsasabin­g kanila umanong “tatabasan” lamang ang mga puno, at wala umanong binaggit na kanila itong tuluyang puputulin.

“Mayroong natanggap na letter ang ating MENRO office dito sa Narra pero ang naka-indicate doon ay ‘pruning of trees’ lamang [at] hindi totally pagputol,” ani Caluya.

“Nagpadala agad tayo ng mga tao doon sa area to investigat­e the matter. Napag-alaman natin na pinutol na pala, hindi lang pruning ang ginawa,” dagdag niya.

Ang pagputol ng mga puno ay hinango umano ng local government unit (LGU) ng Narra mula sa mandatong inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalayon­g linisin ang mga national roads sa mga bagay na maaring maging sagabal sa pag-gamit ng publiko sa mga daanang ito.

Dagdag dito, nilinaw naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi layunin ng mandato na palawakin ang mga national roads kundi linisin lamang sa anomang sagabal na nakapaloob rito.

Bago matapos ang Sanggunian­g Bayan Session noong Oktobre 29, nagbuo ng inter-agency team ang Narra na kinabibila­ngan ng mga lokal na kawani ng DENR, SB representa­tives, at Palawan Daily News upang mag-imbestiga sa pagputol ng mga nasabing puno sa Narra Ave.

Turuan

Kasunod nito, noong Nobyembre 5, nagsimula nang mag-imbestiga ang nasabing inter-agency team kaugnay sa insidente sa mga ahenisyang itinuturon­g may posibleng kaugnayan sa naganap na pagputol.

Unang pinuntahan ng grupo ang lokal na opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) at nakausap si Raymund dela Rosa, head ng nasabing opisina. Sa aming panayam, iginiit ni dela Rosa na ang tanging partisipas­yon na ginampanan ng kanilang opisina ay ang pag-putol umano sa mga naitumba nang puno, upang mahakot ito ng truck at malinis ang daanan.

Dagdag din ni dela Rosa na ang kanilang opisina lamang ang mayroong chainsaw na maaring gamitin sa pagpipira-piraso ng mga naitumba nang puno.

“Ang participat­ion lamang ng opisina namin doon ay nagpatulon­g sila na mag-clear ng mga naputol na puno doon since kami lang ang opisinang mayroong chainsaw na puwedeng gamitin, in short putol na ‘yung mga puno noong dumating ‘yung mga tao ko doon,” ani dela Rosa.

Kasunod nito, tinungo naman ng team ang opisina ng lokal na Municipal Engineerin­g Office (MEO) upang kausapin si Engr. Edgardo Parco. Sa panayam ng team, itinanggi ni Parco na may kinalaman siya sa nasabing pagputol ng puno dahil wala na siya sa kapasidad na magutos sa kanyang mga tauhan dahil sa isang memorandum na kanyang natanggap mula kay Narra Mayor Gerandy Danao, na naglalahad na siya ay tinatangga­lan na ng kapangyari­han sa mga tauhan at equipment ng kanilang opisina.

Ang memorandum, ayon kay Parco, ay kanyang natanggap noong Setyembre. Nakasaad din sa memorandum na ito mula sa alkalde na ang bawat tauhan at equipment ng lokal ng pamahalaan ay mapapasail­alim na sa pamamahala ni Danao.

“I received a memo from the Narra Mayor’s Office on September. Ang nakalagay po doon ay hindi na ako ang in-charge sa mga equipment at mga tao including sa mga employee ng motorpool,” ani Parco.

Nang tumungo ang team sa opisina ng naturang alkalde, amin itong nakapanaya­m, at dito, tahasan niyang itinanggi na siya ay walang alam sa nasabing pagputol sapagkat siya umano ay naka-leave noong mga panahon na iyon.

Kanya ring ipinaalam na noong mga panahon na iyon, ang naiwang Officer In-Charge (OIC) ay si Sanggunian­g Bayan Kagawad Ceferino Genovea.

Dagdag ni Danao, wala rin umano siyang alam sa sulat na ipinadala ng naturang kagawad sa DENR patungkol sa gagawing operasyon sa mga punong nabanggit.

 ??  ?? The tree-clearing operations at Narra Park Way. Photo by Hanna Camella Talabucon
The tree-clearing operations at Narra Park Way. Photo by Hanna Camella Talabucon

Newspapers in English

Newspapers from Philippines