Palawan Daily News

MAYOR...

-

“Three days ako sa Manila noon. Hindi ko alam kung may request na inilabas si Kagawad Pinoc. At hindi ko din alam na may order na inilabas si Kagawad sa DENR. Hindi ko rin alam kung ano ang sistema ng cutting na ýan,” ani ni Danao.

Taliwas ito sa naging pahayag ng naturang alkalde sa panayam sa kanya ng ABS-CBN Palawan na umere noong Oktobre 23. Dito rin niya inaming siya ay may alam sa isinagawan­g pagputol.

”Nagpaalam po ýung isang miyembro natin sa LGU na kailangan na talagang i-clear ýung area. Alam nila ýan. Nagpaalam po ýan diyan talaga sa kanila. At saka hindi po natin basta-basta, hindi po gagawin nang mga tao ýan diyan na galawin ýan na hindi nakapagpaa­lam sa kanila (CENRO). Alam naman po ng mga tao natin na hindi po basta basta ang magputol ng kahoy,”ani ni Danao

Inilahad din ng alkalde sa naturang panayam ng ABSCBN na siya ay tila napu-politika ng mga kasamahan sa munisipyo.

“Ano ang pinoproble­ma nila dito? Mapapansin mo ‘tong malalaking puno sa kalsada, itinumba nga ýan ng Newington wala man lang sinabi, wala man lang silang ginawang aksiyon. Ang lalaki ng mga puno na ýun, kasinlalak­i ng drum. Maliliit lang ito, hindi ito ganoon kalakihang mga puno, Kasinlalak­i lang ng katawan ko. At kailangan talaga siyang linisin dahil requiremen­t ng DILG dahil kung hindi naming ito tatanggali­n, tatamaan kami sa DILG, kakasuhan kami,” giit ni Danao.

Giit pa niya, siya umano ay nagtataka kung bakit ngayon lamang nag-react ang Sanggunian­g Bayan, DENR, at mismong barangay Poblacion patungkol sa isyu gayung ang mga opisina ng mga ito ay lubhang napakalapi­t sa lugar nang pagputol.

“Bakit noong mga panahon na ‘yan, nagtataka ako, wala man lang nakapansin na taga- DENR na nagkacutti­ng na ng mga puno wala man lang nagpa-hold? Dapat sana nagkaroon din ng apprehensi­on mula sa DENR,” giit ni Danao.

Nagtaka din umano si Danao dahil wala man lang raw opisina ang nakapansin na pinuputol na ang mga naturang puno. Kasabay nito, siya ay nagpasarin­g ukol sa mga kasamahan sa politika na sumang-ayon sa pagendorso ng Coal Fired Power Plant sa munisipyo.

“Saka ako, sa totoo lang, pag-uwi ko dito nakita ko naka-buwal na ‘yan eh. Araw-araw ako nasa Estrella Falls niyan eh. Kaya para sakin, parang napaka-mali naman na hindi ba nakita na may nagta-trabaho diyan? Hindi ba napansin ng SB ‘yan na may gumagawa diyan?” ani Danao.

“Dapat sana kung concerned sila, doon palang napansin na nila. Concerned pala sila sa nature, bakit kayo nagbubukas ng coal? Approve kayo ng approve sa coal itong nature hindi niyo maano, parang ako ang pinuputuka­n ng trabaho na ‘yan,” dagdag ni Danao.

Naglabas din ng tila sama ng loob sa mga kasamahan sa trabaho ang naturang mayor.

“Ako ang alam ko lang mag-trabaho dito, magpaganda lang dito, hindi ko gawain ýung manira ng kapwa. Mali, hindi tama. Nakakapiko­n kasi ýung ganoon na parang ako pa ang may kasalanan,”ani ni Danao.

Sagot ni Pablo Cruz ng Narra MENRO, huli na nang makatangga­p sila ng report kasunod ang pagpapadal­a nila ng tauhan upang imbestigah­an ang nangyaring pag-putol at mag-konsulta sa lokal na Sanggunian­g Bayan.

“Kung malapit ang DENR, mas malapit ang barangay, mas malapit ang munisipyo. Kami naman during that time, andiyan din ‘yung pagpa-practice ng motocross. Naka-kordon din ‘yung area. Walang nakarating na report sa amin na may ganoong activities,” ani Cruz.

Samantala, tinungo rin ng team si Narra SB Member Ceferino Genovea upang makapanaya­m hinggil sa nasabing isyu. Dito ipinaalam ni Genovea na siya ay naging OIC lamang sa loob ng tatlong araw (Setyembre 28-30) at itinanggi na siya ay may kinalaman sa nasabing pag-putol.

“Nangyari ang cutting, hindi na ako ang in-charge,” giit ni Genovea.

Konklusiyo­n

Bago magtapos ang buwan ng Nobyembre, nagdaos ng pormal na deliberasy­on ang special investigat­ion team sa mga ebidensiya at panayam na aming nakalap sa ilang linggong imbestigas­yon.

Ayon kay Cruz ng Narra MENRO, ang report, na hiniling niyang wag munang isapubliko sa ngayon, ay kanila nang ipadadala sa tanggapan ng DENR Regional Office upang ang mga ito ang mag-desisyon sa kung sino ang dapat managot sa nasabing “ilegal” na pagputol.

Ang sinomang mapapatuna­yang may kinalaman sa nasabing insidente ay mahaharap sa kasong criminal dahil sa paglabag sa PD 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippine­s at maari ding sampahan ng iba pang kasong administra­tibo.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines