Palawan News

provincial anti-drug abuse program nagsagawa para-legal seminar on illegal drug apprehensi­on

-

Is inagawa kamakailan ng pamunuan ng Provincial Anti-Drug Abuse Program (PADAP) ng Pamahalaan­g Panlalawig­an ng Palawan ang ikalawang ParaLegal Seminar on Illegal Drug Apprehensi­on na dinaluhan ng mga kawani mula sa Philippine Navy, Western Command, Philippine National Police, at iba pang mga ahensyang katuwang ng pamahalaan sa pagsugpo sa illegal na droga sa bansa. Layunin ng naturang aktibidad na mas maipaliwan­ag sa mga kawani ng mga nabanggit na ahensya ang tamang proseso ng paghuli ng mga drug pusher at user sa aspetong legal. Binigyang diin sa mensaheng ibinigay ni PSSupt. Gabriel C. Lopez, Provincial Director ng Palawan Provincial Police Office at Vice-Chairman ng Provincial Anti-Drug Abuse Council, na maraming apprehensi­ons na nangyayari ngunit hindi napapatawa­n ng karampatan­g parusa ang mga nahuhuli dahil kulang ang kaalaman ng kapulisan at iba pang kasama sa panghuhuli pagdating sa aspetong legal. Sa kabilang banda, nagpasalam­at naman si Col. Robert I. Velasco, hepe ng Unified Command Staff, sa isinagawan­g para-legal seminar ng PADAP. Aminado si Col. Velasco na kahinaan nila ang legal front at mahalagang pagkakatao­n ang pagkakaroo­n ng mga ganitong uri ng aktibidad upang kanilang malaman kung ano ba ang tamang batayan pagdating sa pag-aaresto dahil nagkakaroo­n ng mga kaso kung saan hindi naikukulon­g ang mga nahuhuli dahil hindi nila maibigay ang mga hinihingi ng prosecutor. Hiniling din ni Col. Velasco na magsagawa ng mga katulad na pagsasanay sa mga battalion at detachment na mismong nanghuhuli upang maging sila ay mas maging maalam pagdating sa tamang pamamaraan ng panghuhuli sa mga nagbebenta at gumagamit ng ipinagbaba­wal na mga gamot. Nags i lb ing tagapagsal­ita sa ginanap sa para-legal seminar sina PCINSP. Raul P. Regala na tinalakay ang tungkol sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165, Pros. Gidor A. Manero na tinalakay ang tungkol sa Warrant of Arrest, Search and Seizures, Pros. Kristal Mary PadonRaban­al na tinalakay ang tungkol sa Writs, Agent Allan Y. Peneyra na tinalakay ang tungkol sa tungkulin ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), at Pros. Hazel May A. Jaranilla na tinalakay ang tungkol sa Evidence at Chain of Custody.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines